Share

Chapter 3

Penulis: imnotpsychopath
last update Terakhir Diperbarui: 2022-08-11 21:51:32

Avril POV

Palihim ko naman na tinitignan si Ma'am Jane na tahimik pa rin sa aking tabi hanggang ngayon. 

Wala ba siyang balak magsalita man lang? Ano yan sumama lang siya sa parents niya para makikain dito sa bahay namin? 

Tapos na kasi kaming kumain at heto nga at nandito na kami sa may living room at nakikinig lang sa usapan nang aming mga magulang. 

Dito nila itinuloy ang pag chichismisan nila kanina sa hapag. Hayst katatanda na mga chismosa pa rin hanggang ngayon. 

Di ko mabasa kung anong nasa isipan ni Ma'am ngayon. Naka poker face lang kasi siya at wala kang mababasa na kahit ano mang emosyon sa kanyang magandang mukha. 

Oo aaminin ko na malaki talaga ang pagka crush ko kay Ma'am at hindi man lang nabawasan yun kahit masama ang ugali nito. 

Para pa ngang nag mumukha siyang hot sa paningin ko lalo na pag nagagalit ito. 

Yung namumula pa ang mukha nito sa galit. Parang lalo lang lumalakas ang appeal nito sa akin pag ganun siya. 

Kaya nga madalas ay nakatitig lang ako dito at iniimagine ng kung ano ano. Buti na nga lang at hindi ako nito tinatawag lalo na pag nawawala ako sa aking sarili. 

Pero syempre hindi ko masyadong pinapahalata na malakas ang tama ko sa kanya. Tanging si Stephanie lang ang nakakaalam na crush na crush ko si Ma'am. 

Hindi ninyo naman kasi ako masisisi, ang ganda naman kasi talaga ni Ma'am. Nakakainggit nga eh. Wala man lang ka effort effort ito na mag paganda pero angat pa rin talaga ang ganda niya sa karamihan.  

Parang silang mag babarkadang lima na Professor na may kanya kanyang kakaibang ganda. Wala kang itulak kabigin sa kanilang lima kung sa pagandahan lang ang labanan. 

Huwag mo na nga lang isali ang ugali kasi itutulak mo talaga eh. Sa susungit naman kasi na dinaig pa ang mga nag me menopause sa kasungitan at sama ng ugali. 

Idagdag mo pa na sobrang terror nila sa mga estudyante na konting pagkakamali lang ay pinapa out na nila sa klase at hindi mo pa sure kung tatanggapin ka pa sa next meeting. 

Tama lang na magbabarkada talaga sila. Pare pareho ng ugali. Swerte na malas nga ang mga mapapangasawa ng mga ito eh. 

Swerte kasi nga mga beauty and brain sila, malas naman kasi nga masama talaga ang ugali. Nasa iyo na lang ang decision kung kakayanin mo ba o hindi. 

"Huwag mo isipin na gusto ko itong pangyayaring ito Del Carmen. Pinag bibigyan ko lang ang mga magulang natin. Kasi nangako sila sa akin na hanggang isang taon lang ito and after that ay pwede na tayong mag divorced" ang bulong ni Ma'am sa akin. 

Napatango na lang ako sa kanyang sinabi. Mahirap ng mag comment at baka magalit pa ang isang to. 

Kung kay Dad ay takot ako. Di mas lalo naman sa isang ito na may lahi ni satanas. 

Maya lang ay nag paalam na sila sa amin na uuwi na. 

"Kumpadre kami ay hindi na rin magtatagal pa at medyo malalim na rin ang gabi. Total naman ay nagkasundo na tayo at nakapag desisyon na rin. Kami ay aalis na at ng pare pareho na tayong makapagpahinga. Alam ko naman na mga pagod din kayo." Sabi ni Tito 

Kaya naman nag sipag tayuan na kami sa pagkakaupo at giniya sila hanggang sa may pintuan. 

"Anak kiss mo naman ang iyong fiance oh. Dapat ngayon pa lang ay masanay na kayo sa isat-isa ng hindi na kayo mag kailangan pa kapag kinasal na kayo" ang mahabang litanya sa amin ni Dad

Ano ba naman itong si Daddy at may pahabol pang paganun. Mabuti naman sana kung hindi ito force marriage at talagang hahalikan ko itong si Ma'am Jane kahit hindi nito sabihin. Pasikat talaga 

Napipilitan na lumapit ako kay Ma'am Jane at hinalikan ito sa kanyang pisngi. Mas mabuting sundin ko na pang ito para wala ng maraming salita pa at baka pag hindi ko ginawa ay maisipan pa nitong patulugin ako sa bahay ni Ma'am Jane. 

Agad namula ang pisngi ko sa aking ginawa. Walang hiya ngayon pa ako tinablan nun kung kailan n*******n ko na ito.

Pansin ko naman kay Ma'am ay mukha din itong nabigla. Halata ko nga na medyo namumula din ang mukha nito eh. Hindi yata nito expect na gagawin ko yung sinabi ni Dad. Kaya tuloy parang nabigla ito sa ginawa ko. Pero maya maya lang ay biglang nanalim ang tingin nito sa akin. 

Bigla naman akong kinabahan dahil sa galit nitong tingin sa akin at medyo lumayo dito ng kaunti. Mahirap na at baka hindi ito makapag timpi ay kahit kaharap pa namin parents namin ay makatikim ako dito. 

Kung wala lang siguro ang mga parents namin dito ay baka kanina pa ako nasapak nitong si Ma'am. 

Sa isip isip siguro ni Ma'am Jane ay sinasamantala ko ito kaya ganyan na lang kung makatingin sa akin ngayon. Pahamak naman kasi masyado si Dad eh.  

"Oh sya kumpadre, mauna na kami at parehong may mga pasok pa itong mga bata eh." Sabi ni Tito at tuluyan ng umalis ang mga ito at sumakay sa kanilang kotseng dala. 

Pumasok na ako sa loob ulit ng bahay at kinuha ko ang dala kong gamit sa room. Uuwi na ako sa condo ko. Wala na akong balak pang matulog dito. Bahala sila dyan kung pumayag man sila o hindi basta uuwi ako ngayon sa condo ko. 

Nagpaalam na lang ako kay Mommy at hindi na kay Dad. Masama ang loob ko dito. At hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.

Hindi ako nakipag talo dito kanina dahil ayaw ko na mapahiya naman ito sa kumpare niya kanina. 

Mabuti nalang at pumayag naman si Mom at hindi na ako pinilit pa. Ramdam din kasi nito na masama din ang loob ko sa kanya dahil sa hindi nito pag support sa akin kanina. 

Pumayag ito na mangyari ang bagay na iyon. Imposible na hindi nito alam iyon. Malamang kasama ito ni Daddy na nag plano para sa kasal na iyan. 

Nakabalik na ako dito sa condo ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang isipin ang mga pinag usapan namin kanina sa bahay. 

Oo nga at crush ko si Ma'am pero hindi naman ibig sabihin non ay gusto ko na agad magpa kasal at gusto ko rin na maging asawa ito. 

Ang bata ko pa kaya. 19 pa lang kaya ako tapos ang pagkakaalam ko ay nasa 28 na yata ang edad ni Ma'am. Hindi nga lang halata dito kasi nga mukhang bata pa ito tsaka ang ganda ganda pa. 

Si Ma'am yun ang pwedeng pwede na talagang mag asawa. Kasi nasa right age na ito at may narating na sa buhay. 

Ako wala pang napapatunayan sa buhay kundi kagandahan pa lang. Ayaw ko naman na may masabi sa akin ang mapapangasawa ko na palamunin lang. Gusto ko kasi na stable na ako bago mag asawa. Pero anong magagawa ko nakapag decide na sila para sa buhay ko. 

Buti nga at napapayag ng parents niya si Ma'am na e arranged marriage ito eh. Tingin ko kasi doon ay may sariling desisyon at hindi basta basta nakikinig sa iba. 

Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa cr para makapag shower. Need ko kasi ito at ng kahit paano ay  ma relax naman ako. 

Nakaka stress kasi ng sobra ang nalaman ko kanina. Ayaw ko man isipin ay hindi talaga siya mawala sa isipan ko. Nakakabigla naman kasi hindi ba?

Kanina bago pumunta sa bahay ay single pa ako. Tapos wala pang isang oras ay biglang may fiance na agad ako. At hindi lang iyon ha yung terror na Professor ko pa. Hay buhay nga naman oo. 

Buti na nga lang at kahit paano ay napapayag ko sila na after na lang ng kasal kami mag sasama ni Ma'am. My god isipin ko pa lang na makakasama ko siya sa iisang bubong ay hindi ko na alam ang gagawin ko. 

Iyon pa nga lang na ilang oras lang siyang nagtuturo sa amin ay halos di na ako makahinga sa takot sa kanya. Yun pa kayang makasama siya at magiging asawa ko pa. 

Good luck na lang talaga sa akin. Sana naman maging mabait ito sa akin pag kasal na kami. Kasi sa totoo lang gusto ko pang mabuhay ng matagal. 

After ko makapag shower ay naglaro na lang ako ng ML nang sa gayon kahit saglit lang ay mawala siya sa isip ko. 

Halos abutin na ako ng madaling araw nang magsawa na akong maglaro at maisipan ko na matulog na rin. Total inaantok na rin naman ako eh. 

Dahil sa antok ay agad na akong nakatulog at halos mag 9 am na ng ako ay magising hindi na nga ako naka abot sa dalawang subjects ko ngayon dahil late na ako nakapasok. 

Medyo puyat pa nga ako. Buti na nga lang at hindi ko siya teacher at MWF ang schedule namin sa kanya. 

Tsaka medyo iiwasan ko muna siya ngayon dahil mahirap na at baka bigla akong singilin nito ng sampal dahil sa panghahalik ko sa pisngi nito kagabi. Hello hindi ko kaya kasalanan iyon. Kasalanan iyon ng Daddy ko. Di kung gusto niya si Dad ang singilin niya ng sampal na alam ko namang hindi nito gagawin. 

Naglakad na ako patungong Cafeteria at kanina pa kumakalam ang aking sikmura. Hindi na kasi ako nakapag breakfast pa dahil sa pagmamadali kong pumasok. Mabuti na nga lang at wala pa dito ang mga dyosang Professor kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil doon. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ms. Jane San Gabriel    Epilogue

    Avril"Mommy si Mama po kanina sa grocery may nginitian na magandang babae po doon." Dinig kong sumbong agad ng anak ko kay babe pagdating pa lang namin dito sa bahay pagkagaling namin mag groceries."Tapos po kinausap pa po sya kanina. Dinig ko nga rin na kinukuha yung cellphone number ni Mama." Dagdag pang sumbong nito kay babe. Bigla naman akong kinabahan at namutla sa mga pinag sasabi ng magaling at sumbungera kong anak sa dragon niyang ina. Patay ako nito. Ginantihan ko lang naman ng ngiti yung babae kanina. Alangan naman kasi na isnabin o kaya ay simangutan ko ito diba. Naging friendly lang naman ako. Pero bakit parang kasalanan ko pa ang nangyari. At ano raw binigay ko ung cp number ko doon. Hello di ko gawain yun no at saka mahal ko ang asawa at mga anak ko para lang ipagpalit sa babae. Tsaka dyosa kaya na may lahing dragon ang asawa ko kaya bakit pa ako maghahanap ng maganda lang. Dahan dahan naman na pumasok na ako sa loob ng bahay namin. Naramdaman ko na lang ang pag

  • Ms. Jane San Gabriel    Chapter 84

    AvrilNakalabas na ako sa hispital. Halos 2 weeks din na hindi ako naka pasok. Mabuti na nga lang at may program sa school kaya naman halos wala din kaming pasok nun. Nandito na ako sa room namin ng first subject. Kanina pa ako maagang dumating. Sabay nga pala kaming pumasok ni Babe. Ito ngayon ang nag drive ng kotse ko. Yun na lang daw ang gamitin namin kaya pumayag na kaagad ako. Ayaw kasi nito na mag gagalaw na muna ako. Kung maaarin nga ay ayaw pa nitong pumasok ako ngayon eh. Pero hindi naman pwede yun dahil baka mag failed na ako sa mga subject ko dahil sa absent ko. At bumaba na naman ang grades ko nito malamang. Hindi na muna ako tumambay sa office ni Babe kasi nga ay nandoon ngayon si Dean at kausap ito. Nag tataka daw kasi ito at ilang linggo rin kasing hindi ito pumasok. Tsaka nag sabi oala dito si Babe na mag re resign na siya nung hindi pa ako nagigising. Napag usapan naman namin ang bagay na yun at sinabi ko dito na hindi nito kailangan na mag resign kasi naiintindih

  • Ms. Jane San Gabriel    Chapter 83

    AvrilNagising ako na sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang lalamunan ko parang ilang linggo ako na hindi uminom. Gusto ko sana na imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa. Para bang bigat na bigat ito na halos hindi ko maigalaw pa. Kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang igalaw ang aking mga kamay. Pero parang mabigat din ito. Mag sasalita na lang sana ako pero parang ungol lang ang lumabas doon. Maya lang ay bigla na lang ako nakarinig ng parang mga nag uusap sa tabi ko. Base sa mga boses ng mga ito ay si Jane at ang kanyang mga kaibigan ang mga yon. "Ano naman kaya ang ginagawa nila sa kwarto namin ni Jane?" tanong ko sa isip ko. Nag try ulit ako na mag salita para pukawin ang presensya ni Jane. Pero ungol lang ulit ang lumabas sa aking bibig. Maya lang ay may biglang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Alam ko na kung sino ito. "Babe gising kanaba? Babe!?" pakikipag usap sa akin ni Jane. Gusto ko sana itong sagutin pero ungol lang ang lumabas sa aking bibig. "Gi

  • Ms. Jane San Gabriel    Chapter 82

    JaneHalos mahigit isang araw ng tulog si Avril. Mula kasi ng maoperahan ito ay hindi pa rin siya nagigising kaya naman todo ang kaba na aking nararamdaman. May ilang beses din na nag flat line ito kaya nga hindi pa rin ako natutulog hanggang ngayon. Kaya naman mukha na akong bumabatak sa itsura ko. Nakiusap na rin ang aking mga magulang na kung maari ay mag pahinga naman daw ako at baka ako naman ang magkasakit. Pero hindi ako pumayag. Paano na lang kung magising si Avril tapos hindi ako ang mamulatan nito. Ano na lang ang iisipin nya. Tsaka gusto ko na nasa tabi lang ako ng asawa ko. Mag papahinga lang ako pag na sure ko na na okay na okay na siya at pag nagising na rin ito. Baka daw kasi dahil sa pag kaka bugbog nito at palo sa kanyang ulo ay magka internal hemorrhage ito. Na sana huwag naman po mangyari. Hindi na rin ako masyado na kumakain. Siguro nag subo lang ako kanina ng mga 3 kotsara dahil wala talaga ako sa mood at walang lasa oara sa akin ang kinakain ko. Kung hindi ng

  • Ms. Jane San Gabriel    Chapter 81

    JaneKanina pa ako hindi mapakali dito sa pinag tataguan namin. Gustong gusto ko na kasing pumasok sa loob upang harapin ang mga dumukot kay Avril. Pero alam ko na mas mapapahamak lang si Avril pag ginawa ko iyon. Tinignan ko naman ang mga kasama ko na same din lang ang expression ng sa akin na gusto na ngang sumugod lalo na si Tito na kanina pa pinipigilan ni Tita. "Mag hintay na lang po tayo dito Dahil mas makakabuti kung ang mga tauhan ko at mga scout ranger ang pumasok sa loob. Baka maka abala lang tayo sa kanila at sya pang maging dahilan upang mabolilyaso pa ito." Sabi naman sa amin ni Camela. Tama naman din ito baka maka sama lang kami sa diskarte ng mga ito. Nag uusap kasi sila kung paano makakapasok doon ng walang nakakapansin. At nalaman ko na rin kung sino ang mastermind ng kagaguhan na ito. Shit ka Noli hinding hindi kita mapapatawad pag may nangyari na masama kay Avril. Gagamitin ko ang lahat ng connection pati na rin ang pera ko upang mabulok ka sa bilangguan at mas

  • Ms. Jane San Gabriel    Chapter 80

    AvrilKanina pa ako nag hihintay sa pag dating ng tinatawag nilang boss. Curious din kasi ako kung sino ba ito at bakit parang ang laki naman ng galit nito sa akin. Kahit naman kasi anong isip ang gawin ko ay wala talaga akong maisip na pwedeng gumawa nito sa akin. At saka sobrang nag aalala na ako sa mahal ko. Alam ko na panay na ang iyak nito ngayon. Maisip ko pa lang ang mukha nito na hilam sa luha ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Sana naman okay lang ito. Oo dapat sarili ko ang isipin ko pero kasi hindi ko maiwasang mag alala dito. Ramdam ko rin kasi na alam na ng mga ito na nawawala ako. At alam ko din na nakita na ni Jane ang nangyari sa akin. Malamang na makita naman siguro nito ang sa sakyan ko na naka balagbag lang doon sa may kalsada papasok sa subdivision nito. Yun ay kung hindi kinuha ng mga kidnapper ang kotse ko. Sana naman ay hindi. Taimtim din lang na nag darasal ako na sana ay huwag akong pabayaan ni god. Alam ko na hindi ko pa naga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status