Share

Chapter 4

Author: RIAN
last update Last Updated: 2022-01-12 07:49:33

Bumilis ang pagtahip ng d****b ni Charline ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang binatang tanging tuwalya lang ang takip sa gawing ibabang bahagi ng katawan. Iniwas n'ya ang paningin sa binata at tumayo. Kailangan n'yang huminga bago pa tuluyang kapusin ng hangin.

"Saan ka pupunta?" 

"M-magpapahangin lang." Walang lingon-likod na tinungo n'ya ang pinto ng silid. Ngunit maagap itong humarang. Lalong lumakas ang pagkabog ng d****b ng dalaga nang tumingala s'ya rito at pilit salubungin ang mga titig ng binata. Napasinghap s'ya nang bigla na lang s'ya nitong hapitin palapit sa katawan nito.

"No! Dito ka lang." Nanlaki ang mga mata ng dalaga, pakiramdam n'ya ay tila naninigas ang bawat himaymay ng kany'ang laman. Langhap n'ya ang mabangong katawan nito na naghatid sa kan'ya ng kakaibang sensasyon. Ipinikit n'ya ang mga mata nang mahulaan kung ano ang susunod nitong gagawin.

Unti-unting napalitan nang kakaibang sensasyon ang kanina'y takot na bumabalot sa pagkatao. Mabilis nitong inangkin ang mga labi n'ya, nagsasaliksik, napapasinghap s'ya sa bawat dampi ng labi ni Xander at marahang pagdantay ng palad nito sa kanyang balat. Napadilat s'ya nang huminto ito, bumilis ang pagpintig ng kan'yang puso nang tumingin s'ya sa mga mata nitong tila hindi kumukurap na nakatitig. Tila nahipnotismo s'ya habang tinititigan ang pares ng magagandang mata nito na binagayan ng matangos na ilong, nakatulong sa karisma nito ang banyagang-lahi. Parang isang buhay ng Goddess Greek ang nasa harapan n'ya. 

"Mula ngayon, akin ka na! Walang ibang lalakeng pwedeng humawak sayo! Naiintindihan mo!"

"A-akala ko ba dalawang linggo lang? H-hindi ko pa naman tinatanggap ang offer mo." Nakadama s'ya ng takot. Mabilis itong nakapagpalit ng anyo at tila naging galit na leon na ano mang oras ay kaya s'yang daluhungin.

"Babayaran kita, bibilhin ko ang pagkatao mo!"

"Hi-hindi ako for sale!" Binalot s'ya nang matinding takot. 

"For rent?" Ngumisi ito. "Sa ayaw at gusto mo. Name your price!" 

Napapikit na lang si Charline nang muling sakupin nito ang labi n'ya at ihiga s'ya sa malambot na kama. Mabilis nitong inalis ang saplot na sagabal sa mga gusto nitong gawin. Pikit-mata siyang nagpaubaya at hinayaan itong gawin ang gusto nito. Bumaon ang mga kuko ng dalaga sa likod nito nang pilit nitong pag-isahin ang katawan nila. Kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang hatid na kirot ng pag-iisa nila ni Xander. Parang may humihiwa sa kan'yang pagkababae at gusto n'ya itong itulak pero hindi ito pumayag na hindi makuha ang gusto. Wala itong pakialam kung nasasaktan ang kaniig na humigpit at bumaon ang kuko sa likod n'ya tila lalo lang itong sinilaban sa nakikitang paghihirap ni Charline. Pawisan na si Xander at nakailang ulos ito saka tuluyan s'ya nitong naangkin. Mabagal 'nung una ngunit nang maramdaman nitong tila kinakaya na ng dalaga ay mas binilisan na nito ang paggalaw na naghatid rito sa r***k ng tagumpay. Hindi napigil ng dalaga ang paglandas ng luha at panghihinayang sa sarili. Ang dapat sana'y para sa lalakeng magiging asawa ay ibinenta n'ya na sa lalakeng hindi n'ya lubos na kilala. Pero ginusto n'ya ito, para sa pangarap, para sa kinabukasan.

"Hi-hindi ko akalain." Ngumisi ito at pawisang umalis sa ibabaw niya na tila hindi ito napagod man lang. Muling itinakip sa pang-ibabang katawan ang ginamit nitong tuwalya. Hindi makapaniwala habang matiim na nakatitig sa dalaga. Mabilis itong nagbihis habang nanatiling nakatingin sa kan'ya. Niyakap ni Charline ang sarili habang balot ng puting kumot ang h***d na katawan. Pilit n'yang ikinukubli ang mukha upang hindi nito makita ang paglandas ng luha.

"Hindi mo kailangang umiyak, Charline. Bayad ka!" 

Nag-angat ng tingin ang dalaga at kahit gusto n'ya itong tingnan ng masama, alam n'yang hindi naman dapat. 

"Alam ko."

"Magbihis ka na, at sumunod ka sa'kin!" Ni hindi na nito hinintay ang pagsagot n'ya dahil mabilis na itong nakalabas ng silid.

Napangiwi si Charline nang subukan n'yang tumayo,  ni hindi n'ya maigalaw ang pang-upo dahil sa pananakit sa pagitan ng mga hita. Nakita n'ya ang pulang mantsa ng dugo sa sapin ng kama, pinilit n'yang bumangon para alisin ito at ilagay sa laundry basket malapit sa pintuan ng banyo. Pero nagbago ang isip n'ya at isinilid 'iyun sa plastik at inilagay sa isang tabi. Nahihiya siyang ang staff ng resort ang maglaba pa niyon. Huminga muna s'ya ng malalim saka lumabas ng silid upang sundan si Xander. Pilit na nilalabanan ang matinding hiya at kaba na lagi n'yang nararamdaman kapag kaharap ang Boss. Hindi n'ya alam kung paano kikilos sa harapan nito pagkatapos ng nangyari sa kanila?

Hirap sa paghakbang na tinalunton n'ya ang mahabang wooden bridge, bawat poste ay may ilaw ng bombilya na naging tanglaw nito.  Napapatingin s'ya sa ilalim ng tulay, kitang-kita ang puting buhangin sa crystal clear na tubig-dagat na tantiya niya'y hanggang beywang n'ya lang ang lalim. Nanuot sa kalamnan n'ya ang lamig dulot ng hampas ng hanging-amihan.

"May ipag-uutos po ba kayo?" Untag n'ya kay Xander na komportableng nakahiga sa malapad na higaang yari sa kawayan.Ginawa nitong unan ang kaliwang braso.

Nahigit n'ya ang paghinga nang lumingon ito. Bakit ba nakakataranta naman ang kagwapuhan ng isang ito? Bulong ng isip n'ya. Bigla siyang pinamulahan ng mukha nang maalalang kanina lang ay ibinigay n'ya rito ang pagkababae. 

"Samahan mo lang ako." 

Umupo siya, malayo rito.

"Hindi ka d'yan uupo, dito sa tabi ko."

Napaka-demanding naman! Sigaw ng isip n'ya, pero sinunod n'ya ito. Naiilang s'ya sa mga titig nito. Pakiramdam n'ya ay kaya s'ya nitong hubaran sa pamamagitan ng mga tingin.

Dahan-dahan siyang umupo sa tabi nito. Napapangiwi pa siya na naglagay ng kalahating-dipang distansya sa katabi. 

"Masakit pa ba?" Tanong nito, nagkulay-makopa ang pisngi n'ya dahil sa hiya. Tumawa ito ng mahina.

"Mawawala 'din 'yan." Hinuli nito ang mga mata n'ya na pilit umiiwas na tingnan ang binata. Kinilabutan s'ya nang bigla siya nitong kabigin palapit. Napasandal s'ya sa d****b nito, gusto n'yang magpumiglas pero tila kandila siyang nauupos na napatitig sa napaka-gwapo nitong mukha. Nanunuot ang mga titig ni Xander, mga titig na para bang nag-aalok ng libu-libong temptasyon.

Marahan s'yang lumayo pero hindi s'ya makawala sa matitigas nitong bisig. Bigla s'ya nitong siniil ng h***k. Mabilis ngunit malalim, nagdulot ng kakaibang sensasyon, napasinghap s'ya ng bitiwan nito ang labi n'ya. Namumulang inayos ni Charline ang pagkakaupo. Hindi n'ya kinakayang salubungin ang mga titig nito. Nakahinga s'ya ng maluwag ng hayaan na s'ya nitong bahagyang dumistansya rito. Tahimik na itong nakatingin sa malawak na kalangitang puno ng nagkikislapang bituin. Magkatabi nilang pinagmasdan ang kalawakan. Nakita n'ya sa sulok ng mga mata na tila malalim ang iniisip nito. Pinilit n'yang kalmahin ang sarili at iwasang tingnan ang halos perpekto nitong mukha. Ano kaya ang laman ng isipan ng isang gwapong-bilyonaryo? Kung nabibili naman nito at nakukuha ang bawat maibigan?

"May boyfriend ka ba?" Biglang tanong nito sa gitna ng pananahimik.

"M-meron." 

"May boyfriend ka pala pero nagawa mong magbenta ng katawan sa iba?" Pang-iinsulto nito.

Nasaktan ang dalaga sa narinig. Tinatapakan na nito ang buong pagkatao n'ya. Pero kailangan n'yang lunukin ang pride ng paulit-ulit.

"H-hindi ko alam kung kami pa." Iniwas n'yang sulyapan man lang ito.

"Kung kayo pa? Hiwalayan mo na!"

Gulat na tiningnan n'ya ito, tama ba ang nakikita n'ya sa mga mata nito. Galit?

"Ayokong ma-involve ka pa kahit kanino."

"P-pero..." Natigilan ang dalaga nang makita ang galit sa mga mata nito. Pinili n'yang huwag nang magsalita. Matagal na silang walang komunikasyon ni Jeb, ni wala na nga s'yang balita rito mula nang grumadwet ito sa pinapasukan nilang Unibersidad. Isa na itong Civil Engineer, pero bigla na lang itong naglaho ng parang bula. Ayaw n'yang isara ang pinto para sa pagbabalik nito. Isang taon na 'din silang magkasintahan sa pagkakatanda n'ya. Alam n'yang may dahilan ang lahat, kung ano man 'yun? Si Jeb lang ang nakakaalam.

Nakita n'yang nakapikit na si Xander. Pinakiramdaman n'ya ang paghinga nito nang matiyak na tulog na ito ay ipinikit n'ya na rin ang mga mata at natulog.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 102

    ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 101

    DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 100

    MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 99

    MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 98

    BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 97

    "BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status