Share

Chapter 3

Penulis: RIAN
last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-12 07:07:30

Lumapag ang chopper na kinalululanan nila sa malawak at puting buhangin. Namangha ang dalaga sa ganda ng Island Private Resort, matatagpuan ito sa pinaka-dulo na yata ng Southern Palawan, hugis-parihaba ito na may puti at pinong buhangin. Nakita n'ya ang isang malaking arko na may malaking karatula sa hindi kalayuan, malinaw ang pagkakasulat ng pangalan ng Resort "Welcome to: Onuk Island, Balabac, Palawan." Para s'yang nasa isang paraiso. Tumuloy sila sa isang malaking bamboo house na nakatayo sa gitna ng isla, napapalibutan ito ng coconut tree at iba't ibang halaman.

Pakiramdam ni Charline hindi s'ya magtatrabaho kundi magbabakasyon. Sinalubong sila ng caretaker ng isla at iginiya papuntang kusina. Biglang kumalam ang sikmura ng dalaga, nang makita ang nakahaing seafoods at umuusok na kanin. Napasulyap s'ya kay Mr. Vergara, bahagya s'yang namula nang magkasalubungan ang tingin nila.

Matapos kumain, tinulungan n'ya ang mag asawang caretaker na nakilala n'ya sa pangalang Aling Jah at Mang Abdul. Magaan kausap ang mag-asawa kaya naging magaan agad ang loob n'ya rito.

"Pakiayos mo ang gamit ko, tapos sumunod ka sa'kin!"

"Y-yes Sir..."

"Xander."

"Po?"

"Xander ang pangalan ko." Seryoso itong nakatingin pero hindi naman tipong nakikipagkaibigan.

"Si-sige po, S-sir Xander."

"Tawagin mo ako sa pangalan ko." Tumalikod na ito na ikinagulat n'ya. Nagpapatawag sa first name?

Komportable itong nakaupo sa isang mahabang upuan na yari sa kawayan nang madatnan ni Charline sa bahay-kubo na sadyang itinayo sa dulo ng mahabang tulay na yari sa kahoy. Inilapag n'ya ang kape nito sa katabing maliit na mesa na yari sa kawayan.

"Umupo ka!" Utos nito nang makitang nakatayo lang s'ya at walang planong umupo.

"Okey lang po ako, Sir."

"Xander..." Pagtatama nito.

"Sige po, Xander."

Naiiling na sinulyapan s'ya nito.

"Hilutin mo ang ulo ko."

"Sa-saan ho banda?" Muntik n'yang kagatin ang sariling dila dahil sa naitanong.

"S'yempre sa itaas." Ngumiti ito ng nakakaloko na ikinayuko ng dalaga. Namumulang sinunod n'ya naman ito. Para talaga itong hari na nag uutos sa alipin.

Minasahe n'ya ang ulo nito habang nakapikit. Tila nagiginhawaan naman ito. Nagulat s'ya nang bigla nitong hagilapin ang kamay n'ya at hilain s'ya nito palapit. Padapa s'yang natumba sa ibabaw nito. Napatili s'ya at napamulagat habang nakatitig sa mukha ni Xander na ngumiti ng nakakaloko. Gusto n'yang mainis sa kapilyuhan nito, pero nanaig ang hiya sa sarili dahil sa ayos at posisyon nila. Bukod kasi sa nakadagan s'ya rito napatukod ang kanan n'yang kamay sa pagitan ng mga hita nito na ikinapiksi n'ya lalo pa't nakapa n'ya ang maselang bahagi nito. Tila napapasong inalis n'ya ang kamay at mabilis na bumangon na ikinahalakhak nito. "Bakit ho ba kasi?" Gusto n'ya na itong tarayan pero naalala n'yang bigla na Boss n'ya nga pala ito.

"Kung umarte ka para kang inosente!" Sarkastiko ito. Nakatitig na naman ito sa mukha n'ya, mangani-nganing irapan n'ya ito pero nagpigil s'ya.

Umupo na lamang s'ya sa upuang malapit rito at tinanaw ang paglubog ng araw. Isang perpektong paraiso na sa mga pelikula n'ya lang nakikita. Napapalibutan sila ng puti at pinong buhangin. Nakatali sa gilid ng wooden bridge ang ilang speedboat na ayon sa caretaker ay pag-aari ng alkalde ng Bayan ng Balabac.

"Anong klaseng buhay meron ka?" Untag nito. Sinulyapan n'ya ito, nakatanaw ito sa papalubog na araw. Nagulat ang dalaga sa tanong nito napatingin na lang s'ya sa kawalan at humugot ng malalim na hangin. Dapat ba s'yang magkwento rito? Pero wala namang mawawala sa kan'ya. Heto nga, at ibinenta n'ya na ang kaluluwa n'ya rito.

"Ulila na ako. Working student, nasa huling taon na ng kursong Hotel & Restaurant Management."

Nanatili itong nakatingin sa ka'nya , blangko ang ekspresyon na nakikinig.

"Twenty-one years old, nangangarap na may marating sa buhay." Hindi n'ya naikubli ang lungkot sa malumanay n'yang boses.

"Paano ka nabuhay? I mean..."lumingon ito.

"Palipat-lipat sa kamag-anak hanggang makatapos ng high school."

"At mag-isa ka na lang ngayon?"

Tumango ang dalaga. Wala s'yang mabasang emosyon sa kaharap. Marahil dahil mayaman ito hindi nito maiintindihan ang mga gaya n'ya.

"Ibibigay ko ang kailangan mo."

"Ho?"

"Bibigyan kita ng monthly allowance, tumira ka sa'kin."

"Pero..."

"Allowance, tirahan, kotse... hanggang makatapos ka ng pag-aaral, kapalit ng serbisyo mo."

Natigilan ang dalaga. Anong klaseng serbisyo?

"Pag-iisipan ko ho."

"Hindi mo na kailangang pag-isipan. Hindi ako tumatanggap ng pagtanggi."

Gusto n'ya itong irapan, akala mo kung sino? Pero naumid ang dila n'ya at hindi naisa-tinig ang gustong sabihin.

"Wala pang tumatanggi sa'kin."

Dumidilim na ang paligid nang tumayo ito. Kinakabahang sinundan n'ya si Xander na tinungo ang silid na ookupahin nila para sa dalawang linggong bakasyon.

Umikot ang paningin n'ya sa kabuuan ng hindi kalakihang silid na may iisang kama. Napalunok s'ya sa isiping magiging katabi n'ya ito.

"Mauna ka ng magshower."

Para s'yang isasalang sa silya-elektrika, halos hindi n'ya maihakbang ang mga paang kinuha sa kabinet ang tuwalyang maayos na nakatupi. Nakita n'ya sa sulok ng mga mata na humiga ito sa kama at may binabasa sa celphone nitong hawak. Nagmadali s'yang pumasok ng banyo, binuksan ang shower at mabilis na naligo. Pilit na pinapatay ang kaba at takot, nangangatog ang mga tuhod na lumabas s'ya ng banyo habang nakabalot ng tuwalya ang hubad na katawan.

"Kinakabahan ka ba?" Mahina itong tumawa.

"H-hindi ako sanay..."

"Kung hindi ko marahil alam kung saan ka nagtatrabaho, iisipin kong..." Hindi nito itinuloy ang gustong sabihin. Naghubad ito ng pang-itaas na ikinayuko n'ya ng ulo. Pumasok na ito ng banyo. Nagmadaling binuksan ni Charline ang dalang bag at kumuha ng pamalit na damit. Pinili n'ya ang ternong pantulog na pajama ang pang-ibaba. Mabilis s'yang nagbihis at hinintay na lumabas ito. Alam n'yang pagkatapos ng gabing ito hindi na s'ya ang dating Charline na walang bahid-dungis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jenjen
Basta Xander naaalala ko pangalan titi jowa ko. Pinangalanan ko kasi na iilang ako sa salitang dick hahaha. Galing author Rian. Iba ka. .........️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 102

    ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 101

    DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 100

    MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 99

    MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 98

    BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 97

    "BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status