Share

Chapter 5

Author: RIAN
last update Last Updated: 2022-03-08 10:45:44

Napasinghap si Charline sa napaka-gandang tanawin. Kung nakita niya na ang ganda ng paligid habang papalubog ang araw, higit niyang nasilayan ang ganda ng Onok Island ngayong unti-unti ng binabalot ng liwanag ng sikat ng araw ang paligid. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kaniyang balat. At parang idinuduyan ng mahinang pag-ihip ng hangin ang mumunting alon sa dalampasigan.

Tila natutukso na siyang hubarin ang see through mesh cover-up na nakatakip sa suot na one-piece swimsuit. Inilinga n'ya ang paningin sa paligid. Abala sa di-kalayuan ang staff ng resort. Iniwan niyang natutulog pa si Xander sa silid kaya medyo nakahinga s'ya ng maluwag sa isiping kahit papano ay ligtas s'ya sa mga titig nito.

Mabilis niyang hinubad ang cover-up at hinayaang nasa buhanginan at inihakbang ang mga paa patungo sa tubig. Natukso siyang sumisid at nagparoo't parito sa hanggang balikat na lalim ng tubig.

Naaliw siya sa pagtatampisaw at nakalimutang naroon nga pala siya dahil nagtatrabaho siya kay Xander Vergara. Muli siyang sumisid at tinungo ang direksyon sa mas malalim na bahagi.

Ngunit natilihan s'ya ng may biglang pumulupot na mga braso sa mga binti. Nagkakawag siya, ngunit mabilis siya nitong niyakap paharap.

Nanlaki ang mga mata ni Charline ng mapagtantong nasa mga bisig siya ni Xander.

"Let me go!" tili niya. Pilit kumakawala sa mga bisig nito, nag-aalala sa maaaring isipin ng mga staff na maaaring makakita sa kanila.

Tumawa ito na lalo niyang ikinainis.

"P-please..." pakiusap niya.

Heto na naman kasi ang nakaka-tensyong mga titig ng gwapong boss. Para siyang kakapusin ng hangin, lalo pa at nararamdaman niya ang pang ibabang bahagi ng katawan nito na natatakpan lang ng swimming trunk nitong suot.

"Ayaw mo bang niyayakap ka?" mapanukso ang mga ngiti nito.

"B-baka may makakita...Nakakahiya..." nauutal niyang saad sa kawalan ng maisagot. Tila nananadya pa nitong ibinundol ang pilit niyang iniiwasang sumagi sa kaniya.

Tumawa ito saka siya binitiwan. Sinamantala ni Charline ang pagkakataon at mabilis na umahon sa tubig at mabilis na dinampot ang cover-up at itinakip sa katawan. Ngunit dahil baka kailanganin pa siya nito, pinili niyang maupo na lang sa buhangin at panoorin ang paglangoy nito.

Nawili siyang pagmasdan ito at panoorin. Ngunit ng tila mapagod na ito bigla itong huminto at tumingin sa direksyon niya. Namumula ang mukhang nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring nakatanaw sa malayo. Nakita niya sa sulok ng mga mata na umahon na ito at papalapit.

Napilitan siyang tingnan ito habang humahakbang patungo sa direksyon niya. Nahigit niya ang paghinga sa tanawing tila nagpainit ng umaga. Parang nililok ng magaling na iskultor ang bawat bahagi ng katawan nito. Tila matitigas na pandesal ang mga abs nito na nakalagay sa tamang pwesto. Napalunok siya ng maisip na ang katawang 'iyun ang unang nakaangkin ng kaniyang katawan. Pinamulahan siya ng mukha ng bumaba ang paningin sa umbok na natatakpan ng swimming trunk, alam niyang hindi ordinaryo ang sukat at laki ng natatakpan ng kapirasong tela. Napalunok siya ng mapagtantong kalahating dipa na lang pala ang agwat nito mula sa mukha niya.

"Mukhang nag i-enjoy ka sa tanawin?" nakangisi nitong tanong.

Napamulagat ang dalaga at mabilis na nakatayo mula sa kinauupuan.

"Charline?"

Kinakabahang tumingala siya rito. Nakakainis! Dumagdag lang sa kagwapuhan nito ang basang buhok. At ang nakakainis pa, hindi niya kayang pigilan ang matinding kaba na hatid ng karisma nito.

"X-xander?"

"Tinatanong kita?"

"Ha? Ano po 'yun? Sorry, hindi ko narinig eh."

"Sabi ko nag i-enjoy ka ba?"

"Y-yes S-sir..." alam niyang nang-iinis lang ito, dahil nahuli siya nitong nakatitig sa katawan nito.

"Bumalik na tayo sa cottage." nagpatiuna na ito sa paglakad, kaya nabunutan siya ng tila tinik sa dibdib.

Bakit ba kahit ang gawing likuran nito kayang maghatid ng kakaibang init sa pakiramdam? Masyado na yata siyang nagiging malandi lately? Gusto niyang sampalin ang sarili. No! Nandito ka para magtrabaho hindi para magbilang ng abs at alamin kung gaano ka-hot ang isang Alexander Vergara.

UMUPO na ito sa bamboo chair ng cottage na nasa dulo ng wooden bridge. Nanatili siyang nakaabang sa mga ipinag-uutos nito.

Natatawang sumenyas ito na umupo siya sa tapat nito. "Ganyan ka ba talaga?" tanong nito.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.

"Hindi mo alam ang mga ginagawa mo?"

Gusto niya itong irapan. Eh, sa talagang naiilang siya rito eh! Lalo na ngayong kakapiranggot lang ang telang nakatakip sa katawan ng kaharap? Sanay naman siyang makakita ng katawan ng lalake, dahil kahit papano naman ay nararanasang niyang makapunta ng mga beaches dahil isinasama siya ng mga kaklase kapag may outing ang mga ito.

Hindi niya lang talaga kinakaya ang presensya ng taglay nitong karisma.

Bawat tingin kasi nito sa kaniya tila naghahatid ng kakaibang kilabot sa buo niyang pagkatao. May bahagi ng damdamin niya ang nakadarama ng kakaibang excitement sa tuwing tinititigan siya nito. Hindi niya maintindihan ang sarili pero inaamin niyang tila may binubuhay sa pagkatao niya ang bilyonaryong boss.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 102

    ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 101

    DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 100

    MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 99

    MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 98

    BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 97

    "BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status