Share

Chapter 9

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko sila sa kusina at patapos ng kumain. Dumiretso ako sa aking mga magulang para magmano bago pumunta sa tabi ni Kenken.

"Oh iha, ba't kakauwi mo lang? Hindi ka na namin nahintay kasi gutom na ang anak mo." Nag aalalang tanong sa akin ng aking ina.

"Overtime, ma. Kailangan eh." Sabi ko sabay baling sa aking anak. Agad kumurba ang aking labi ng makitang gulay ang nasa ibabaw ng kanyang plato. Kahit sa murang edad niya ay alam niya ng mas masustansya kainin ang mga gulay. Hindi siya mapili pagdating sa mga pagkain.

"Galing naman ng baby ko. Kaya mo na ba kumain mag isa?" Lambing ko sa kanya. Tumango lang siya at kumuha ulit ng maliit na parte ng pritong kalabasa at sinawsaw sa ketchup bago sinubo.

Mayabang siyang humarap sa akin at nag akto pa na busog habang hinihimas himas ang kanyang tiyan. I understood the assignment. Alam kong nais niya na purihin ko siya. Bilang ina ay pumalakpak ako ng malakas at sinabing, "Wow! Very good, anak. Good boy talaga. Kain ka pa."

Nagsimula na rin akong sumandok ng kanin at ulam. Habang kumakain ay nag tanong tanong ang aking magulang tungkol sa aking nakuhang trabaho. Sinagot ko naman ito. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam sa kanila ang tungkol sa pagkikitang muli namin ng ama ni Kenken. Siguro ay palilipasin ko na muna.

Matapos kumain ay nagtanong si Kenken gamit ang kanyang maliit na boses. "Ma, bakit po ikaw ginabi?"

Nakita ko ang takas na ketchup sa gilid ng kanyang labi kaya't kumuha ako ng tissue sa gitna ng mesa upang punasan ang kanyang labi. Pinanggigilan ko pa ang kanyang pisngi. "Cute cute talaga ng baby ko."

"Aray! 'wag mama," sabay himas ng kanyang pisngi. Natawa naman ako sa reklamo niya.

"Madami kasing kailangan tapusin ang mama eh. Kaya gabi na naka uwi. Bakit nagtatampo ba ang baby ko?"

"Ay naku! Hinihintay ka niyan kanina. Gusto kasing mamasyal sa sentro." Lumipat ang tingin ko sa aking ina na siyang nagsalita.

"Huh, bakit anong meron?" Di ko mapigilang magtaka. Hindi naman kasi mahilig mag-ayang mamasyal si Kenken. Kaya nakakapanibago ang ganong eksena. Madalas lamang siyang tahimik at nag oobserba sa kanyang paligid. Ako 'yung nag aaya sa kanya na mamasyal para naman makapag libot siya.

"Ano bang meron sa sentro?" Ulit kong tanong na may kasamang pag kunot ng noo. "Tapos na ang event doon di'ba?"

"Bumawi ka na lang Ayu sa iyong anak para hindi magtampo ang bata. Alam mo na, minsan lang yan magtampo pero malala naman." Naiiling at natatawa niyang sabi. Pagkatapos ay tumayo na ang aking magulang at nagligpit ng aming pinagkainan. Tumayo na rin ako at tinulungan makababa ang aking anak mula sa kanyang upuan.

"Ako na ang huhugas ngayon at mukhang kailangan niyo na magpahinga." Tumango ako sa aking ina. Hawak hawak ko si Kenken papunta sa aming kwarto. Pagkarating ay pinaupo ko muna siya sa kama at kinausap.

"Sabihin mo nga kay mama, bakit naghihintay ang baby ko sa akin kanina?" Sa mababang boses at malambing na tono ay nagtanong ako. Tumitig muna siya akin. Ramdam kong nag aalangan siya kung dapat niya pa bang sabihin sa akin o hindi na. Kaya naman kung ano ano pa sinabi ko para lamang mapilit siya na sumagot.

"Gusto kong.." tumigil pa siya sandali at binaba ang tingin. Sa kanyang utal utal na salita ay sinabi niyang ang mga nakakalaro niya raw ay nag kwento na dinadala sa sentro. At ngayon gusto niya rin 'yun maranasan. Sabagay, hindi ko pa siya nadadala doon. Mula nang maipanganak ko siya ay dito lamang siya sa loob ng bahay palagi. Kung lalabas man ay hanggang plaza lamang ng aming barangay. Kahit dalawang taon na siya ay hindi ko pa rin gusto na isama siya sa sentro sapagkat masyadong delikado.

"Anak, gusto mo ba talaga mapuntahan ang sentro?" Hinimas ko ang kanyang ulo at hinalikan ang kanyang noo. Tumango naman siya habang 'di inaangat ang tingin sa akin.

"Look at me baby. Bakit 'di ikaw tumitingin kay mama?" Gamit ang aking hintuturo ay inangat ko ang kanyang baba upang mapatingin sa akin. Tumama sa aking mga mata ang kanyang kulay tsokolateng mata. Kaparehong kapareho sa mata ng kanyang ama.

Umiling lamang siya at binuka ang bibig. "Maganda po ba doon, ma?"

"Hmm," nag isip isip ako. "Madaming tao doon anak, masyadong magulo."

Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Siguro ay napakiramdaman niyang hindi ako papayag kaya naman masigla akong pumalakpak at ngumiti ng malawak bago pa siya magtampo.

"Pero anak, pwede naman siguro tayo mamasyal sa mall. Nasa sentro din iyon. Gusto mo ba? Babawi si mama sayo. Sa Sunday gusto mo ba?"

Ang kaninang malumbay niyang ekspresyon ay biglang nabuhayan.

"Gusto ko po ma!"

"Sige, anak. Toothbrush na tayo?" Tumango naman siya at siya na mismo ang bumaba ng kanyang sarili mula sa kama. Mahahalata sa kanyang galaw na energetic siya dahil sa pagka excite. Nauna na siyang pumunta sa aming CR kaya't sumunod naman agad ako.

Marunong na siyang mag toothbrush mag isa. Ngunit kinakailangan niya pa rin ang assistance ko.

Nang matapos ay tumambay muna kami sa sofa at nanood ng sineskwela. Mas gusto niya tong panoorin kaysa sa mga cartoons. Kaya naman natutuwa talaga ako sa kanya.

"Apple"

"Red"

"Leaves"

"Green"

"Heaven"

"Sky"

Napapangiti ako habang pinapanood ang aking anak na sumasagot sa tanong ng mga sineskwela characters. Kapag namamali siya ay tinatama ko agad. Well, hindi na 'to bago sa akin. 'Nung una ay nagulat pa ako na sumasagot sagot rin siya. Hindi ko inaakala na maiintindihan niya na ang kanyang pinapanood. Ang akala ko kasi mga visual lang pinapanood niya. Turns out, kaya niya na palang intindihin ang mga sinasabi sa sineskwela kaya nahiligan nya na ang sumagot.

"Galing talaga! Hug mo nga si mama." Niyakap ko siya ng mahigpit kaya't napayakap naman siya sa akin. Nang matapos sa yakapan ay naisipan kong mag snack.

"Water gusto mo?" Alok ko sa kanya. "Sige po, ma. Isang baso lang." Hindi ko mapigilang matawa ng malakas. The last time na nanood kami ay pinilit ko siyang ubusin ang dalawang baso ng tubig.

"Cracker? Chocolate?" Tanong ko kahit 'di pa humuhupa ang tawa ko.

"Huwag po ikaw tumawa." Pasigaw niyang sabi sa maliit na boses.

"Ay, ang cute mo naman sumigaw. Para kang pusa na inagawan ng ulam." Pang aasar ko ngunit imbis na maasar siya ay sinabayan niya pa ako sa pagtawa. Buti ay hindi siya mabilis mapikon. 'Yung ibang bata na nakakalaro niya ay mabilis mapikon kapag inaasar. Kaya hindi maiwasan ang may iyakan at awayan every time na naglalaro sila.

"Anak ano nga gusto mo, cracker o chocolate?"

"Banana na lang po, ma."

"Ayaw mo ba kumain ng sweets kahit ngayon lang? Promise hindi magagalit ang mama." Pang aalok ko sa kanya. Hindi naman siya mahilig sa mga sweets pero bumibili pa rin ako paminsan minsan ng crackers at chocolates.

"Sabi mo po unhealthy 'yun." Takang tanong niya sa akin.

"Sabi ko nga." Matapos ay pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig pati na rin ang kanyang kakainin na saging. Kumuha na rin ako ng aking snack na cracker at chocolate. Hmp! Kung ayaw niya edi ako na lang kakain. Pagbalik ko ay umayos siya ng pagkakaupo at siya na mismo ang kumuha ng saging at baso sa aking kamay.

Makalipas pa ang ilang oras ay biglang nakatulog ang aking anak sa sofa. Pagtingin ko sa orasan ay malapit ng mag 9:00 o'clock. Pinatay ko na ang TV at binuhat siya para maihiga sa kama.

Bago ako matulog ay tumunog ang aking cellphone tanda na may dumating na mensahe. Kinuha ko ito at binuksan para lamang mabasa ang nakakagulat na mensahe.

"Good evening, Ayumi. This is your me, your boss. I will fetch you tomorrow so you don't have to commute. I will wait where I dropped you off."

Holy crap!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status