Share

Chapter 8

"We should talk about us." Saad nya sa mababang boses. Kalmado lang ang kanyang postura at tono ngunit ang kanyang titig ay salungat.

Sa hindi malamang dahilan ay parang biglang sumikip ang room kung nasaan kami. Marahil ay dahil sa tensyon na namamagitan sa amin kaya't ang hirap huminga lalo na titig na titig siya.

Matapos ang ilang taon kong pag hihirap ay biglang sasabihin niya na kailangan namin mag usap? Taas-noo kong hinarap ang kanyang titig. Hindi dapat ako magpa intimida sa kanya kahit boss ko pa siya.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kung ano ang nangyari noon, hanggang doon na lang 'yun." Gigil kong sabi. Ngayon na nagkita na kami ay bumabalik sa aking alaala ang mga pinagdaanan ko.

Naisip ko si Kenken. Gusto niyang makita ang kanyang ama. Gusto niyang may makakalaro din siya gaya ng ibang mga bata. Ngunit wala pa akong balak na ipakilala ang lalaking nasa harap ko bilang ama ng anak ko. Hindi niya deserve! Makakaya kong buhayin si Kenken kahit walang sustento galing sa kanya.

"But I hurt you. I ruined your life! I must do something. Whether you like it or not, I will help you with everything." Dumaan sa mukha ko ang pagka disgusto sa sinabi niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga gamit pang linis. Marahil ay naalerto siya kaya't humarang siya sa aking daraanan.

"Mr. D, kailangan ko ng bumaba. Tapos na ang paglilinis ko dito."

"No." Humakbang siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Nang tumama ang aking pwetan sa mesa ay wala na akong maatrasan. "We will talk right here, right now."

Ipinatong niya sa mesa ang kanyang dalawang kamay. Mas lalo akong hindi makawala dahil sa kamay niyang nakaharang. Mula sa aking pwesto ay amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga. Kaparehong amoy ng gabing iyon. Unti-unti niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha kaya't paunti-unti kong inilalayo ang aking mukha. Upang hindi maglapit ang aming mukha ay halos sumadal na ako sa mesa.

Ngayon na natitigan ko siya ng mabuti ay nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Kenken. Mula sa tangos ng ilong, sa kilay, sa matang kulay tsokolate, maging sa labi. Panigurado pag lumaki ng anak ko ay magiging carbon copy siya ng kanyang ama. Na hinahangad kong sana ay hindi mangyari.

"Years had passed and you're still this hot and gorgeous." Ang kanyang titig mula sa aking mukha ay bumaba sa aking dibdib. Bigla naman naalerto ang aking katawan at itinulak ko siya ng malakas. Nang makawala ay mabilis akong lumayo.

"And you are still a pervert!! Pervert! Don't go near me!" Isteriko kong sigaw. Wala na akong pakialam kung sino ang kausap ko ngayon.

"What? I'm complimenting your beauty and you're gonna accuse me as a pervert?" He smirked while raising his both eyebrows. "And may I remind you, I'm not a pervert. It's you who flirted with me. I just go with the flow."

"I said I'm drunk! Diba madalas mawala sa senses kapag lasing? Dapat alam mo yan! Yet, you took advantage of me!"

"So? That doesn't count as an excuse. You are still the first one to show intention towards my body." He scoffed. "Well, I admit that I'm at fault. So, here I am telling you that I will surely do everything for you."

"G*go!* Hindi ko mapigilang mapamura. Kita ko ang mangha sa kanyang mga mata. Nang maalala ko na ang aking boss ang kaharap ko ay napahingi agad ako ng tawad. Kung 'di ako mag so-sorry baka bukas ay tanggal na ako sa trabaho. Gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.

"Little girl, you shouldn't say that word to your boss."

"Hindi na ako little girl." Sabay irap ko sa kanya. Nangangati na talaga ang paa ko palabas ng pinto. Ngunit 'di ako makadaan dahil sa lalaking 'to!

"Oh really, then what are you now?"

"I'm a grown woman. If you'll excuse me, babalik na ako sa baba." Walang hiya kong sabi. Tumingin siya sa kanyang rolex watch bago tumabi.

"Right! I have something to do now." Sabay angat ng tingin. "We will continue talking tomorrow."

Hinayaan ko na lang sinabi niya at tumungo na sa pinto. Bago ako makahakbang palabas ay tinawag niya pa ako.

"By the way, I heard that you throw each lunch I ordered for you. You don't like the taste?"

"Huh?" Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Ang ibig sabihin ba nito ay sa kanya galing ang mga lunch pack na natatanggap ko?

"Bakit mo naman ako papadalhan ng lunch pack, eh may pang tanghalian naman ako?" Takang tanong ko. Syempre wala naman rason para padalahan niya ako everyday.

"Oh that! I did a background check on your resume. And I confirmed that you and the person before are the same. I promised to myself that I will make it up to you. That starts by giving you lunch."

Naestatwa ako. Noon niya pa pala alam. Tsk! Sinasabi niya ito na parang ang dali dali lang. Hanggat maaari ay ayoko ng magkaroon pa ako ng koneksyon sa kanya, maliban na lamang sa pagiging empleyado ko. Tinginan ko siya ng malamig.

"Next time, Mr. D, 'wag ka na magpadala. At bukas rin ay hindi na natin kailangan pa mag usap sapagkat hindi mo kailangan bumawi sa akin. Nagkamali ka, nagkamali ako, pero kalimutan na lang natin 'yun." Pagkatapos ay diretso labas ako ng meeting room.

Kapag masyado kaming naging malapit ay baka malaman niya pa na nabuntis niya ako at may anak na kami. Ito ang ikinakatakot ko sa lahat. Mayaman siya, may pera. Madali niya lang makukuha sa akin si Kenken kung gugustuhin niya. Kaya't kung maaari ay lalayo ako sa kanya. Para na rin sa kapakanan ni Kenken.

Sa dami ng meeting na ginanap ngayong araw ay kinailangan kong mag overtime. Pasado alas syete na ng gabi at madilim na ang labas. Mabilisan ko lamang niligpit ang aking mga gamit para makauwi na. Panigurado ay mahihirapan akong makahanap ng masasakyan pauwi. Mangyari'y ang jeep dito ay bumabyahe lamang ng hanggang alas sais.

Nang makalabas sa building ay nagulat pa ako dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Hindi ko ito napansin kanina sa loob dahil hindi naman marinig ang patak ng ulan. Napabuntong hininga ako. Mukhang kailangan kong maghintay na tumila ang ulan.

Makalipas ang sampung minuto na paghihintay ay hindi pa rin ito tumitila. Isang sasakyan ang namataan kong papalapit sa pwesto ko. Nang saktong nasa harap ko na ito ay huminto ang sasakyan. Black porsche… lilipat na sana ako ng pwesto nang bumaba ang bintana ng driver's seat. Doon ay nakita ko ang aming boss na nakatingin sa akin.

"Get in," sabay senyal niya gamit ang kanyang ulo.

Pinanatili ko ang aking ekspresyon at sinabing "Thank you, pero kaya ko ng umuwi mag isa."

"Heavy rain, hmm, you can't be sure when it will stop." Hindi ko siya pinansin at ibinaling sa iba ang aking tingin.

"Just get in the car. It's late. Maybe your parents are worrying about you now. Don't delay your home arrival."

Dahil sa sinabi niya ay naisip ko ang aking anak. Sigurado akong kanina pa iyon naghihintay sa akin. Dinner time na rin kaya't alam kong kinukulit na niya ang kanyang Lola kung nasaan ako. Bahala na. First and last ko na to.

Pilit akong naglakad patungo sa passenger seat at sumakay. Pagpasok ko ay nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha.

"You really amuse me, little girl." Naiiling niyang sabi.

Sinabi ko na lamang ang aking address para makaalis na kami. Hay! Awkward tingnan na nakasakay ako sa kotse ng boss ko.

Kahit na siya'y nagmamaneho ay pasulyap sulyap siya sa'kin. Mas lalo ako nailang kaya't nag panggap na lamang ako na iidlip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status