Share

KABANATA 19

Pagmulat pa lang ng mga mata ni Yvonne ay agad ng kumapa ang kamay niya sa kanyang tabi. Agad siyang nadismaya at literal na napasimangot matapos walang mayakap na Alaric sa tabi niya.

Dismayado siyang nagmulat ng mga mata ngunit agad na napahawak sa d*bdib niya matapos mabungaran ang pagmumukha ni Alaric. Nakatunghay ito sa kanya't nakangisi ng nakakaloko.

"Miss mo na ako agad?" bulong pa nito.

Umirap siya at huminga nang malalim.

"Sinisigurado ko lang na wala ka na," kunwaring sagot niya bago patagong ngumiti.

Nababaliw na yata siya para kiligin na nandito pa rin ito at hindi umalis.

"Really? As far as I can remember, ikaw ang ayaw akong umalis," panunukso nito.

Kinagat niya ang labi at tinalikuran ito. Umusog ito pero pinadapo naman ang baba sa kanyang balikat.

"Hindi naman kita pinipilit na manatili rito," labas sa ilong na sagot niya.

"That's not what I understand last night. Akala ko nga ay iiyak ka pa kagabi kung aalis ako," mayabang na bulong nito bago niyakap ang tiyan niya.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
delz Curly
hahahaha langya di bayad
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status