Share

Kabanata 22

Dahil sa lumalalim nang samahan namin ni Corazon hindi maiwasang tuksuhin kami ng mga kaklase at kaibigan namin.

Gusto ko ang paraan ng pagtukso nila sa amin, kasi sa paraang iyon iniisip ko na sana mahulog din ang loob niya sa akin. Ngunit sa madalas na panunukso ng ilan ay tinatawanan niya lang iyon at doon nalulungkot akong isipin na ako lang ang natutuwa sa mga nangyayari at nagbibigay kahulugan sa mga bagay na isang biro lang para sa kaniya.

Napakahirap pala ng ganito, palihim ko siyang minamahal at sa lihim na pagmamahal na iyon palihim din akong nasasaktan.

"Ben, ano na? Wala na sila ng kuya mo bakit hindi ka pa rin umaamin kay Cora?" tanong ni Owen. Mabilis kong naiiwas ang paningin ko na kasalukuyang nakatingin ngayon kay Corazon.

Nandito kami ngayon sa music room upang mag meeting para sa mga magiging bagong officers sa club ngayong school year. 

Bukod kay Corazon ay na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status