Share

CHAPTER 4 {6 Months Later)

CELESTINA POV

Nakangiti ako habang tumitingin sa harap ng salamin.

Malaki na rin ang tyan ko, halos inubos ko lahat ng oras ko sa pagbabasa at kumain ng sariwang pagkain para sa magiging kalusugan ng anak ko.

Anim na buwan na rin ang nakalipas, Simula ng mangyari sakin ang lahat ng yon, tila kahapon lang nangyari at hanggang ngayon ay Hindi ko makakalimutan..

Napangiti ako ng mapait at Biglang uminit ang sulok ng mga Mata ko. Wala akong ibang ginawa kondi ang maalala ang lahat ng yon.

Iniisip ko tuloy na Kung sakaling Hindi Nya ako niloko ay buo parin kami ngayon at makasama ang aming magiging anak.

Pinunasan ko ang luhang dumadaloy saking pisnge at kinuyom ang aking mga kamay.

"Anim na taon na Tina, kailangan mong maging matapang at ipakita mo sa kanila na Hindi ikaw Yong Tina na niloko at ginawang tanga". Bulong ko sa harap ng salamin at hinawakan ko ang aking tyan.

'Baby! Malapit na kitang makita at makasama'

Ani ko sa aking isip at saka na ako humiga sa aking Kama. Sa anim na buwan ay marami na ang nag bago.

Naging maselan ang pag bubuntis ko, lagi akong nahihilo , nagagalit sa Hindi malamang dahilan at pansin ko rin na naging cold ako sa ibang tao maliban nalang sa mom ko at Kay Ethan.

Oo tama kayo ng basa nasa Japan ako ngayon at ako ang nag asikaso sa aming lupain Dito. Si Ethan naman ang naging katulong ko rito.

Sya ang nag aalaga sa amin ng baby ko, kung tutuusin nahihiya na ako sa kanya dahil na rin sa marami na syang tulong samin ng anak ko.

Sya lahat ang sumalo ng lahat, kaya napaka swerte namin ng anak ko dahil napaka bait Nya at mapagmahal.

*Tok*Tok*Tok*

Nabalik ako sa ulirat ng may Biglang kumatok sa pintuan. Napangiti naman ako at saka ko inayos ang sarili ko.

Baka kasi mag aalala naman sya lalo Nat namamaga ang mga Mata ko.

" Pasok". Sigaw ko mula sa loob. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Ethan ng may malapad na ngiti.

"Hello Tina , Hello Baby Cherish". Saad Nito at saka ako hinalikan sa noo .

" bakit ang aga mo ata ngayon?". Taka kung tanung.

Oo tama kayo ng basa , Cherish Zane ang pangalan ng anak ko. Dahil babae sya!

"Namiss ko kasi kayo. At saka baka mamaya pinapabayaan mo naman sarili mo". Tugon Nito at saka ako tinignan ng nakakunot ang noo.

Alam kung nag tataka na sya dahil sa Mata ko, at namumula kong ilong.

" Are You crying?". He ask ?

"N-no?". Damn !

" I know you Celestina. So don't deny it?". He said in a serious tone.

Napabuntong hininga ako, alam ko naman na Hindi Nya ako titigilan hanggat Hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.

"Fine! I still remember everything". Tugon ko at umiwas ng tingin, bigla kasi itong nalungkot at makita mo sa kanyang mukha ang sakit.

Iwan ko ba, seguro dahil ayaw nyang nakikitang nasaktan at umiiyak ako dahil sa nangyari anim na buwan na ang nakalipas.

" I know Tina , alam ko naman na mahirap kalimutan ang nakaraan lalo Nat nasaktan ka ng tudo. Pero lagi mo rin tandaan na yon ang maging daan para maging matapang ka at harapan ang panibagong pagsubok na darating saiyong buhay , lalong lalo na sa magiging anak mo". Paliwanag nito at ngumiti ng pilit.

"S-sinubukan k-kung m-maging matapang tan.x , pero pagdating sa nakaraan ko ay nakakaramdam ako ng galit at sakit". Nauutal kung sabi at tuluyang nag sibagsakan ang aking luha na kanina kopa pinipigilan.

" shhh. Stop crying Tina, everything well be okey , ". Saad nito at pinunasan ng palad Nya ang aking mukha.

Kung iba to malamang nahihimatay Sila dahil sa lapit ng mukha ni Ethan lalo Nat napaka gwapo nito.

Kung pwede sanang turuin ang puso ko na sya nalang Sana ang mahalin ko at Hindi si Zander, Edi Sana Hindi ko maranasan ang lahat ng ito.

" Thank you tan.x! Marami kanang naitulong samin ng anak ko. Napakaswerte ko dahil naging kaibigan kita". Ngiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman Ito ng pilit at saka ito tumayo at namulsang tumalikod sakin.

'Eh anyari sa kanya! Bakit parang nasaktan sya sa sinabi ko'

Ani ko sa isip ko. Pero hiniling KULANG ang ulo ko. Seguro mag bibihis sya o di kaya mag luto.

"Magbihis kana Tina, punta na tayo ng mall". Napakunot ang noo ko dahil medyo malungkot ang kanyang boses.

" bakit tan.x? May problema kaba?". Taka kong tanung sa kanya. Iwan ko ba pero Hindi ako sanay kung malungkot sya.

"Hmm. Wala naman Tina, gusto lang kitang ipasyal, kailangan mo ring bumili ng mga gamit ni cherish , lalo Nat tatlong buwan nalang ay manganganak kana". Tumango naman ako kahit na alam kung Hindi Nya ito nakita.

Oo nga pala, Hindi pa ako nakakabili ng gamit ng anak ko. Hinawakan ko ang tyan ko at bumuntong hininga.

" Sige hintayin mo nalang ako sa labas". Tugon ko! Tumango naman ito bilang sagot at saka ito umalis.

"Tsk. Ano ba nangyari dun. Bigla nalang naging cold, minsan tuloy iniisip ko na baka may topak yon sa ulo. Pfff.". Bulong ko at saka na ako nag bihis .

Hindi ko kasi mapigilan tumawa kapag naging ganun sya eh.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adrian Chua
nagugulohan ako kay Zander mahal nya c celestina pero mahal nya din c gab ayaw ko syang maging katuluyan ni TINA mas gusto ko silang dalawa ni ETHAN AT TINA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status