Share

CHAPTER 3

THIRD PERSON POV

~Childhood Friend~

THIRD PERSON POV

Nakatulala si Celestina habang walang habas na tumutulo ang kanyang luha.

Nakasakay sya Sa eroplano patungo Sa U.S.A para doon mag Simula at kalimutan ang lahat ng mga sakit na kanyang nararamdaman.

"Hanggang Kaylan ka iiyak Tina?". Biglang tanung ni Ethan Kay Celestina at pinunasan nito ang luhang lumandas Sa kanyang pisnge.

Nakasakay sila Sa isang private airplane kaya malayang maging emosyonal si Celestina.

" b-bakit g-ganun? B-bakit m-masakit p-parin?". Nauutal at umiiyak na tanung ni Celestina na agad naman syang Niyakap nito.

"Shhh. That's enough Tina. Everything well be okey! I know its hurt , but believe me! You well forget him , not now but soon". Tugon ni Ethan na agad naman nitong kinaangat ng tingin.

Para bang kilala nya si Ethan, pero Hindi nya alam kung saan? O kaylan.

'Bakit parang pamilyar sakin ang yakap nya'?.

Tanung ni Celestina sa kanyang isip at tinignan ang maamong mukha ni Ethan.

Ngumiti ng pilit si Ethan , dahil Hindi nya akalain na makakalimutan sya ng babaeng una ngang minahal noon at naging kaibigan noong mga bata pa sila.

" b-bakit ang bait mo sakin Ethan? Kilala ba kita? B-bakit p-pakiramdam ko kilala kita?". Nagtatakang tanung ni Celestina na agad naman piningot ni Ethan ang Ilong nito.

"A-aray". Napangiwi si Celestina dahil sa pag pingot ni Ethan sa kanyang Ilong.

" hahaha hanggang ngayon wala ka paring pinagbago Tina, iyakin ka parin". Nahihiling na sabi ni Ethan at tumatawa ito ng mahina na agad namang nag pout si Celestina.

'Sinu kaba talaga Ethan?'.

Ani ni Celestina sa kanyang isip at tumingin nalang ito sa bintana at tinignan ang langit.

Bigla naman itong na lungkot ng maalala ang bangyari , hinawakan nito ang medyo nauumbok ngang tyan at Hindi napigilang lumuha agad.

"Alam mo Tina , ganyan naman talaga ang mundo eh , minsan nga tinatanung ko ang sarili ko na , bakit ganun? Bakit kailangang masaktan? Bakit natin kailangan maranasan ang lahat ng ito? Pero isa lang ang alam ko. Dahil nilalayo ka ng dios sa taong Hindi para sayo. Alam kung mahal na mahal mo sya Celestina, pero Sana naman hwag mong pabayaan ang sarili mo, kailangan mo ring halagaan ang sarili mo , lalong lalo na ang magiging baby mo , pwede bang kahit ngayon lang tina, pwede bang maging matapang ka naman". Mahabang litanya ni Ethan! Ayaw nyang makitang malungkot o umiiyak si Tina.

Kung pwede lang na sya nalang ang mag dala ng kalungkutan at sakit na nararamdaman ni Tina ay ginawa nya , .

'Damn you zander!'.

Inis na ani ni Ethan sa isip nito at kumuha ito ng puting panyo sa kanyang bulsa.

" p-paano k-kung h-hanapin s-sya ng magiging anak namin? Gusto kung bigyan ng buong pamilya ang anak ko, ayaw kung makita syang nasasaktan! Ayaw kung makitang malungkot sya Tan.x". Nanlaki at Biglang napatakip ng bibig si Tina ng tawing nyang Tan.x si Ethan.

Napangiti at pinunasan ni Ethan ang pisnge ni Celestina at hinawakan nito ang kanyang mukha ang inaangat nito.

Halos maduling si Celestina dahil sa lapit ng mukha ni Ethan na nakangiti , pinunasan ito ni Ethan habang nakangiti.

Gusto nyang ipaalala sa kanya kung bakit napakahalaga nya sa kanya, at kung bakit ganun nalang sya ka komportable Kay Ethan.

"Tina? Tumingin ka sa mga Mata ko? Hindi mo ba talaga ako maalala? Please say that name again. I want to hear that from you?". Halos nakiusap si Ethan at kumawala sa kanyang pisnge ang sariwang luha na kinagulat ni Celestina.

Hindi nya alam kung BAKIT sya nasasaktan? Hindi nya alam kung bakit parang gusto nyang batukan si Ethan dahil sa pag iyak nito sa harapan nya. Pero Hindi nya magawa , tila napako ito sa kanyang kinauupuan at may mga boses syang naririnig sa kanyang isip.

'Hello. Bakit ka umiiyak?'

'Kasi inaaway ako ni Zander'

'Sinung Zander?'.

'Basta Hindi mo sya kilala'.

'Hwag kanang umiyak , sige ka papangit kanyan'

'Maganda kaya ako'

'Hehe ako nga papa si Ethan'

'Hi sayo , ako naman si Celestina'

'Ganun! So Simula ngayon friends na tayo Tina ah'

'Huh? Tina?'

'Kasi ang haba ng pangalan mo , kaya Tina nalang ang itatawag ko sayo'

'Sige gusto ko yan , pero dapat mayron din akong itatawag sayo,'

'Oo ba'.

'Tan.x ang itatawag ko sayo'.

'Sige ba! Ikaw lang ang itatawag nyan sakin , at ako lang din dapat ang itatawag sayo ng Tina'.

'Sige , yehheeeey'

Napakurap kurap si Celestina , tila Hindi ito makapaniwala sa mga naalala nya noong mga bata pa sila , kung kanina ay sakit at lungkot ang naramdaman ni Celestina, ngayon naman ay tuwa at pagkasabik dahil sa kanyang childhood.

Hindi nito napigilang mapaluha , tila namang nadismaya si Ethan dahil sa nakikita nyang expression ni Celestina, ngumiti ito ng peke at umiwas ng tingin.

"Bakit mo ako iniwan noon Tan.x?". Tanung ni Celestina na agad kinalingon ni Ethan at ngumiti ng malawak na tila nanalo ito sa lotto.

" naalala muna ako Tina? Sabi s---a-aray m-mashakit!". Reklamo nito ng piningot ni Celestina ang kanyang tenga.

"Nakakainis ka talaga tan.x! Iniwan mo ako noon eh , tapos ngayon kalang nag pakita at may pa mesteryos kapa". Masungit na sabi ni Celestina , Tina namang nakalimutan ni Celestina pansamantala ang problema nya dahil sa kanyang Childhood friends.

" Pasensya kana. Nag mamadali kasi si daddy! At saka pupuntahan ka namin Sana kaya lang Hindi kita nakita sa playground, kaya ayon umalis nalang kami". Tugon ni Ethan Kay Celestina habang nakangiti.

"Sana naman tumawag ka sakin". Tina!

" paano ako ta tawag , eh wala tayong cellphone noon". Tan.x!

"Kahit na, dapat gumawa ka ng paraan". Tina!

" Sorry na! Hwag ka nang mag tampo". Tan.x!

"Namimiss kasi kita tan.x".! Tina!

" Ako din naman eh". Tan.x!

Nag kwentuhan sila at naaliw naman si Celestina dahil sa mga kwento ni Ethan, Hindi nya akalain na makikita nya pa ang kaibigan nya noon, sa tuwing umiiyak sya ay pumupunta sila sa playground at shinare nila sa isa't isa ang kanilang problema.

Napapangiti nalang si Ethan ng makitang mahimbing ng matulog sa kanyang balikat si Celestina , namamaga ang kanyang mga Mata , pinatungan nya ito ng jacket at hinalikan sa noo.

"Kung nandito lang Sana ako noong kailangan mo ako , Hindi Sana mangyari sayo to Tina". Bulong nito habang hinahaplos ang maitim at makapal nitong buhok.

" Edi Sana , naproktektahan kita sa gagong manlolokong yon , Hindi ako papayag na saktan kanya ulit , dahil ako ang makakalaban Nya , Simula ngayon ako na ang mag aalaga sayo , lalong lalo na sa baby mo". Bulong ulit nito at hinalikan nito sa ulo.

Unti unting pumipikit si Ethan dahil sa inaantok na rin ito , at tuluyang kinain ng dilim.

_________

Sa Loob ng bahay ay makitang nakaupo si Zander sa sofa , basag na vase , TV at lahat ng pwedeng basagin ay binasag na ni Zander dahil sa inis.

"Fuck". Mura nito at walang alinlangan nitong nilagok ang Isang boteng alak at tinapon ito kung San.

Booggsss

Lakas ng pagkatapon nito, napahilamos ito at Hindi mapigilang mapaiyak , gulong gulo ang kanyang isip , Hindi Nya alam kung ano ang gagawin at kung bakit sya nasasaktan.

" Oh My God! Zander? What Happened? ". Napaangat ng tingin si Zander sa babaeng naka tayo ngayon sa harapan Nya , nakasuot ito ng isang Dress na halos makita na ang kaluluwa Nya.

Bigla namang nag pintig ang panga ni Zander dahil sa babaeng nasa kanyang harapan.

" what the fuck are you doing here?". Tanung nito! Bigla namang nagulat si Gab. Dahil sa tanung ni Zander.

"Of course ! I'm here to-----THE FUCK GET OUT?". halos mapatalon si Gab dahil sa lamig at lakas ng sigaw ni Zander Dito.

Galit? Yan ang makita mo sa mukha ni Zander, lumalabas na ang ugat nito sa leeg dahil sa galit na nararamdaman.

" b--NO BUTS GAB. SIMULA NGAYON HWAG MO NANG IPAKITA PA SAKIN YANG PAGMUMUKHA MO, DAHIL SA ORAS NA MAKITA KITA ULIT DITO SA PAMAMAHAY KO? PAPATAYIN KITA! NAG TAGUMPAY KANA GAB. PERO ITO ANG TANDAAN MO? HWAG NA HWAG MO SYANG GAGALAWIN NAINTINDIHAN MO HUH?". sigaw ni Zander nito.

"O-ouch z-zander n-nasasaktan a-ako?". Nauutal at nanginginig na sabi ni Gab. Tila papatay na si Zander dahil sa galit at parang baliin na nito ang braso ni Gab.

'Blag'

Tinulak nito si Gab ng padabog kaya natumba ito at agad na tumayo dahil sa takot na baka saktan sya ulit ni Zander.

" SHE WELL NEVER BE YOURS AGAIN ZANDER! MARK MY WORD". nakangising sabi ni Gab. Bago tumakbo palabas ng bahay.

Umupo at Napasabunot sa buhok si Zander dahil sa inis , tinignan nito ang buong bahay , tila wala itong tao , pakiramdam Nya tuloy para syang namamatayan dahil sa nararamdaman Nya.

Hindi rin maiwasang mapaiyak si Zander, sa tuwing naalala Nya lahat.x ng mga ginagawa ni Celestina sa kanya , kung paano sya alagaan.

"CELESTINA! I HOPE YOU WELL FORGIVE ME , NOT NOW BUT SOON. SANA PAKINGGAN MO AKO , HINDI KO ITO KAGUSTUHAN ANG MGA NANGYAYARING ITO , ALAM KUNG MALI YON , PERO KAILANGAN KUNG GAWIN. MERON AKONG RASON KUNG BAKIT KO YON NAGAWA WIFEY!. Mahal Na Mahal Kita Wifey". Bulong nito at tuluyan na syang kinain ng dilim.

______________

Hello everyone! Hays! Ano kaya ang reason ni Zander kung bakit Nya yon nagawa Kay Celestina? Hahaha abangan nyo nalang kung ano yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status