Share

Kabanata 4

"Gwin, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala," untag sa akin ni Beth. Kaklase ko. "Umayos ka nga, kanina pa nakatingin sa'yo si Prof," dagdag pa nito. Nasa harap na rin ang tingin niya.

Tumikhim ako at umayos sa pag-upo. Ilang linggo na nga akong ganito, laging wala sa sarili, laging lutang, hindi mapakali, at hindi maka-fucos sa klase. Pati sa trabaho ko ay madalas na rin akong sablay. Lagi na nga akong napapagalitan ni Nana Puring. At alam kong nagtataka na sila gaya ni Beth.

"That's all for today, class. Happy weekend." Napangiti ako. Sa isang oras na klase, iyon lang ang narinig ko na sinabi ng aming Professor.

Mabuti na lang at patapos na rin ang semister. Sigurado kasi na lalagapak ang mga grades ko dahil maski ang mag-aral ay hirap na rin ako. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Matamlay kong niligpit ang mga gamit ko.

"Ano ba talaga ang problema mo, Gwin? Palagi ka na lang wala sa sarili. Hindi ba't nagka-ayos na naman kayo ni Brent? Bakit lutang ka pa rin?" sunod-sunod na tanong ni Beth. Tinapik niya rin ang balikat ko.

"Wala akong problema, pagod lang. Alam mo naman na utusan ako, hindi ba?" mapaklang tawa ang tumapos sa sinabi ko.

Nailing naman siya. "Ewan ko sa'yo. Hindi ka naman dating ganyan. Kahit pa pagod ka, focus ka pa rin sa klase natin."

Hindi na ako tumugon. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makalabas kami ng room.

"Sige na, mauna na ako. Nandyan na ang sundo ko." Kaway na lamang ang tugon ko sa kaklase ko na masayang sinalubong ng mga barkada niya. Hindi naman kasi kami gano'n ka close ni Beth. Naging magkaibigan lang kami dahil madalas kaming magtabi sa upuan na assign ng mga professor namin.

Napabuntong-hininga naman ako pag-alis niya. Sumandal ako sa dingding at sandaling tiniim ang mga mata. Inuuntog-untog ko pa ang ulo ko sa dingding. Baka sakaling mawala sa isip ko ang nangyari noong gabi na nalasing kami ni Fred.

Nasapo ko rin ang noo ko kalaunan. Kahit anong untug kasi ang gawin ko, talagang hindi maalis sa utak ko. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Para na akong mababaliw. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko akalain na ang pagdamay ko sa matalik kong kaibigan ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali.

Oo, may nangyari sa amin ng gabing 'yon. Nagising na lang ako na nasa tabi niya at pareho kaming walang saplot. Saka lang nag-flashback sa isip ko ang nangyari. Nadala ako. Natangay sa impluwensya ng alak. Sa mga haplos niya, sa mga halik niya. Ang gaga ko.

Hindi matigil ang pag-iyak ko habang nakatingin sa dugong bumakat sa puting kumot na nakita ko no'ng araw na 'yon. Gusto kong awayin si Fred. Gusto kong suntukin siya. Bakit niya ba nagawa sa akin 'yon? Bakit ba kami nauwi sa gano'n?

Ang masakit paggising niya, si Mitch pa rin ang bukambibig niya. Nanaginip daw siya. Kasama niya raw ang mahal niya. Nahawakan, nahahal¡kan. Totoong-totoo raw at parang hindi panaginip. Sira-ulo siya. Ako 'yong kasama niya. Akong 'yong inangkin niya na akala niya lang ay panaginip.

Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sigawan at sampalin. Gusto kong sabihin ang totoo pero natatakot ako na baka masira kami. Masira ang pagkakaibigan namin. Ayokong mangyari 'yon. Siya lang kasi ang mayro'n ako. Siya lang ang karamay ko sa lahat ng oras. Paano kung tuluyang magbago ang lahat? Paano na ako?

Kahit na masakit. Kahit ang bigat sa loob ko na ilihim ang nangyari. Ginawa ko. Kasalanan ko rin naman. Nagpadala ako sa impluwensya ng alak. Nadala ako sa mga haplos at mga halik niya at tuluyang nawala sa sarili.

Kahit ilang ulit pa akong magsisi. Hindi na mababago ang lahat. Hindi na maibabalik ang nawala sa akin. "Ang tanga-tanga ko. Ang bobo-bobo," mahina kong sambit, kasabay ang paulit-ulit na tampal sa noo ko habang nakapikit.

"Gwin, pinagsasabi mo? Bakit ka naman naging bobo at tanga? Bumagsak ka na naman ba sa exam n'yo?" biglang sulpot ni Fred. Hinawakan niya ang kamay kong nakalapat sa noo ko, saka hinaplos ang noo ko.

"Lumayo ka nga," pagtataray ko at tinulak din siya, saka matamlay na naglakad papuntang parking.

"Hoy, ano ba'ng problema, Gwin?" tanong niya, kasabay ang biglang pag-akbay sa akin. Gulat akong napalingon sa kanya.

Sandali pa akong napatitig sa mga mata niya na may bakas pagtataka at naghihintay sa sagot ko. "Walang problema. Pagod lang," matamlay ko pa ring tugon, kasabay ang paglayo sa kanya.

Simula nang may mangyari sa amin. Hindi na ako komportable na hawakan niya o kahit nga lang lumapit sa kanya ay naiilang na ako.

"Pagod? Sigurado ka, pagod ka lang? Ilang araw ka nang ganyan, Gwin. Akala mo ba, hindi ko napapansin? Ano ba talaga ang problema? May sakit ka ba?" pangungulit nito. Niyugyog pa ako.

"Wala nga akong problema. Wala rin akong sakit. Bakit ba ang kulit mo?" medyo irita ko nang tugon.

"Kasi nag-aalala ako. Alam kong may problema ka. Kilala kita, Gwin. Alam kong may tinatago ka. Ano man 'yon, sabihin mo na para matulungan kita. Sabay nating malutas ano man ang problemang dinadala mo. Dadamayan kita," seryoso niyang sabi.

Napangiti ako. Sabay lutasin. Kaya nga nauwi ang lahat sa ganito, kasi sinabayan ko siya. Dinamayan ko siya. Anong napala ko ngayon?

"Best friend kita, Gwin. Gulo mo, gulo ko. Problema mo, problema ko. Kaya sabihin mo na."

Sandali akong napatitig sa kanya. Gulo at problema nga namin 'to. Gulo na kaming dalawa ang may gawa, pero ako lang ang nagdurusa ng ganito.

Pero pwede kaya 'yon? Pwede ko kayang sabihin sa kanya ang totoo? Wala pa rin ba kayang magbabago sa amin kapag nalaman niya ang totoo? Magiging mag-best friend pa rin ba kaya kami?

Napabuntong-hininga ako. "Pag-iisipan ko," nasabi ko kalaunan kasabay ang pag-iwas ng tingin.

Tipid siyang tumawa. "Talaga? Pag-iisipan mo pa? Bago 'yon ah," biro niya. "Pero sige, kung 'yan ang gusto mo, sige pag-isipan mo. Kapag handa ka na, sabihin mo sa akin agad at gawan natin ng paraan."

Mapait ngiti ang tugon ko. "Sasabay ka na ba sa akin umuwi o may ibang lakad ka pa?" pag-iba ko sa usapan.

Friday nga kasi ngayon. Fly day. 'Yon ang lagi nilang ginagawa ng mga kaibigan niya, simula no'ng maghiwalay sila ng girlfriend niya. Sinusubukan niyang mag-move on. Pero katulad ko madalas pa rin siyang malungkot at tulala.

Siya tulala dahil sa sugat na gawa ng mahal niya. Ako tulala kasi, naisuko ko ang sarili sa kanya na hindi man lang niya alam.

"Mauna ka na lang—" Sumabay ang pagtunog ng cellphone niya sa pagtugon niya sa tanong ko.

Hinayaan ko na lang siya at hindi na rin nagpaalam. Alam ko naman na kaibigan na niya ang tumatawag. Hindi na nga rin niya ako napansing umalis.

"Pakasaya ka, Fred," bulong ko. Kasunod ang pagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Mabagal pa rin ang mga hakbang ko papunta sa parking at walang imik na sumakay sa kotse. Ni hindi ko na nga magawang batiin si Tonyo o sumulyap man lang sa kanya.

"Wala ka na bang dadaanan, Gwin? Wala ka nang bibilhin?" rinig kong tanong niya pero hindi ko nagawang sagutin.

Ang dami ngang gumugulo sa isipan ko. Maraming tanong, takot, at alinlangan. Hindi ko na kayang sumagot pa sa mga simpleng katanungan. Pakiramdam ko mababaliw na ako.

"Ilang araw ka nang ganyan, Gwin," sabi ni Tonyo, kasabay ang pag-andar ng kotse.

Matamlay na tingin ang pinukol ko sa kanya. "Pagod lang," tugon ko.

Puro 'yon lang talaga ang tugon ko. Paano ko naman sasabihin sa kanila ang problemang dinadala ko? Ni ako nga, hindi ko matanggap sa sarili ko na humantong kami sa ganoon ni Fred.

Paano na kaya sila? Paano na kaya ang mga magulang ni Fred? Siguradong palalayasin nila ako. Natampal ko ang noo ko. Wala akong utang na loob.

Unti-unti nang namuo ang luha sa mga mata ko. Sinayang ko ang lahat ng oportunidad na mayro'n ako ngayon. Ang bait ng mga amo ko. Ang laki ng tiwala nila sa akin. Pero sinira ko ang lahat ng 'yon.

Paulit-ulit kong tinampal ang noo ko. Hindi ko na rin napigil ang mga luha ko.

"Gwin," bakas sa boses ni Tonyo ang pag-aalala. Kasabay ng paghagulgol ko ay ang pagtigil ng kotse. "Gwin, bakit ka ba nagkakaganyan?" Hinawakan niya ang kamay kong tampal pa rin ang noo ko.

"Tonyo—" hagulgol ang tumapos sa sasabihin ko. Gusto ilabas itong bigat na dala-dala ko. Pero hindi ko magawa, hindi ko kaya. Ayaw lumabas sa bibig ko ang mga salitang gusto kong sabihin.

Naramdaman ko na lang ang pagtapik ni Tonyo sa balikat ko. Niyugyog niya pa ako. "Tahan, Gwin. Ano ba kasi ang problema mo?" nag-aalala nitong tanong.

Mapakla akong ngumiti at umiling. Pinahid ko na rin ang mga luha. "Walang problema, na miss ko lang si Nanay," pagsisinungaling ko.

"Gwin, kaibigan kita. Hindi man katulad ng mayro'n kayo ni Sir Fred. Pero kilala kita, katulad ng pagkakilala niya sa'yo. Alam ko na may problema ka. Kahit anong tanggi at kahit anong tago mo pa. 'Wag mo'ng hintayin na maging komplekado ang lahat. Baka kasi, hindi mo na magawang ayusin pa ang problemang mayro'n ka ngayon at mas lalo ka lang masasaktan," mahabang payo ni Tonyo.

Napangiti ako. Akala ko kasi, puro kalokohan lang ang laman ng utak nitong si Tonyo. May sense din pala siyang kausap.

"Salamat, Tonyo. Sa totoo lang, pinagaan mo ang loob ko." Pinahid ko ang natitirang luha ko at mapaklang ngumiti.

"Ayos ka na ba?" tanong niya, kasabay ang pag-andar ng kotse.

"Hindi pa ako ayos, Tonyo. Hindi ko rin alam kung magiging maayos pa ba ako. Pero salamat dahil sa'yo. Dahil sa sinabi mo, nagbukas ang isip ko. Tama ka, hindi ko na dapat hintayin na magiging komplikado pa ang sitwasyon. Tatanggapin ko lahat kung ano man ang magiging kahihinatnan ng maling nagawa ko."

"Mabuti naman at may silbi pala ang sinabi ko," sabi niya, kasabay ang sandaling sulyap sa akin.

"Talagang may silbi. Dahil sasabihin ko na kay Fred ang totoo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status