Share

Kabanata 5

"Good morning, Gwin," bungad ni Fred, pagpasok ko sa kusina. Ngiting-ngiti habang hawak ang sandok.

Hindi ako naka-sagot kaagad sa bati niya. Gising na ba talaga ako o nanaginip lang?

Umawang ang labi ko habang nasa mga kasama ko na ang tingin ko. Pero kibit-balikat lang ang tugon nila. Kinusot ko uli ang mga mata ko, sinisiguro ko kung hindi ba ako nananaginip.

"Maya, ano na ang susunod kong gawin?" tanong nito sa cook.

"Lagyan mo ng asin, Sir, kalahating kutsara," sagot nito, may pakamot sa ulo may kasama namang landi.

Napakamot na rin lang tuloy ako sa ulo. Gising na gising na nga ako. Kitang-kita ko kasi ang pagdiin ni Maya sa dibdib niya kay Fred. Haliparot din talaga ang isang 'to.

Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong kaibigan ko at pati rito sa kusina ay nangialam na. Gan'to na ba siya ka bored?

"Fred, ayos ka lang ba?" matapos ang mahaba-habang pananahimik ay nagawa ko ring magsalita. Pero na kay Maya pa rin ang tingin ko. Tingin na nagtatanong din.

Baka may nasabi sa kanya si Fred, kung bakit naisipan nitong magluto. Pero gaya ng ibang kasama namin sa trabaho, kibit-balikat lang din ang tugon nito. Talagang nakapagtataka dahil ngayon nga lang nangyari na pumasok siya rito at tumulong sa pagluluto.

Bumaling ang tingin ko kay Fred nang marinig ko ang tawa nito. "Ano ba sa tingin mo?" tanong niya. Nakangisi at sandaling sumulyap sa akin. Inamoy-amoy niya pa ang nilulutong kare-kare.

"Sir, 'wag puro amoy. Tikman mo rin... ako. Ay este, 'yong niluluto mo, Sir, kung sakto na ba ang lasa."

Sumimple talaga sa landi si Maya. Ang sarap isahug sa kare-kare. "Tapos lagyan mo ng kaunting black pepper," sabi pa nito, pero nasa akin pa rin ang tingin. Napansin niya yata ang pag-ikot ng mga mata ko.

Ngiti at paulit-ulit na pagtango muna ang ginawa ni Fred, saka niya nga nilagyan ng black pepper ang niluluto.

"Oo, tingin ko, hindi ka okay, Fred. May sakit ka ba o nasobrahan ka lang sa gala kagabi?" Lumapit na rin ako sa kanya. Sinilip ko rin ang niluluto niya.

"Nagluto lang, hindi na kaagad, okay? Tikman mo na nga na lang 'to," sabi niya sabay saks@k sa bibig ko ang kutsarang ginamit niya sa pagtikim.

Tarantado din talaga ang isang 'to. Talagang hindi siya nangingiming ipagamit sa akin ang mga bagay na nagamit na niya. Kung babae nga siguro 'to, pati panty at bra ko ay isusuot niya.

"Masarap?" ngising tanong niya.

Tumango na lang ako. Pero ang totoo, wala akong nalasan. Ang tungkol kasi sa nangyari sa amin ang nasa utak ko. At ang kung paano ko sisimulan ang pagtatapat sa totoong nangyari no'ng gabing 'yon.

"Totoo, masarap?" tanong niya ulit, kasabay ang pagbigay ng sandok kay Maya. "Ikaw na ang tumapos, Maya." Sabi niya, at sumulyap sa suot niyang relo.

"Fred, pwede ka bang makausap sandali?" nag-aalangan kong tanong.

"Ano ba 'yon? Pwede ba mamaya na lang pag-uwi ko?" tanong niya, kasabay ang paghakbang palabas ng kusina.

" 'Yong tungkol sa tanong mo, kahapon—"

Naputol ang pagsasalita ko, sumabay na naman kasi ang pagtunog ng cellphone niya sa sinabi ko. Ang ganda rin ng timing nitong kaibigan niya. Madalas kasi nangyayari na mapuputol na lang ang usapan namin, dahil sa pagtawag nila.

"Parating na ako," masiglang tugon niya kasabay ang pagtapik sa balikat ko at pagsuksok ng cellphone sa bulsa niya.

"Alis na ako, Gwin. Mamaya na lang pag-uwi ko, usap tayo." Pisil sa pisngi ang ko ang ginawa niya bago ako iniwan.

Napanguso na lamang ako. Kakaiba ang kinikilos niya. Masyadong masaya. Habang ako, malungkot at 'yong nangyari pa rin sa amin ang pinuproblema. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

"Gwin, ano pa ang tinutunganga mo r'yan? Kumain ka na, nang makaalis ka na rin," sabi ni Nana Puring.

Kapapasok niya lang sa kusina. Nakasalubong pa nga niya si Fred.

"Nagbilin si Ma'am Leanne, puntahan mo raw siya sa hotel," dagdag pa nito.

Sulyap lang ang tugon ko at kay Nana Puring, at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Atat na nga kasi akong makausap ang kaibigan ko pero may lakad naman pala.

"Halika na, Gwin. Kainin na natin 'tong luto ng kaibigan mo," sabi ni Maya, kasabay ang paglapag ng ulam sa lamesa. Kumain na nga silang lahat. Umupo na rin ako. Isa-isa ko muna silang tiningnan. Mukhang nasasarapan naman sila.

"Masarap ba?" tanong ko. Naglagay na rin ako sa plato ko.

"Kung makatanong ka, parang hindi mo natikman," maarteng sabi ni Maya. Nagsitawa na man ang iba.

"Wala po kasi akong nalasahan kanina, kun'di laway ni Fred. Sira-ulo din 'yon, 'di man lang nahiyang, i*****k sa bibig ko ang kutsarang puro laway niya." Tumawa na naman ang lahat, maliban kay Maya.

"Para ka na mang hindi sanay sa ugali ng kaibigan mong 'yon," sabat ni Nana Puring.

"Sanay na sanay na nga po, sa sobrang sanay—" Napapikit ako.

Muntik ko nang hindi napigil ang sarili. Pinuno ka na lang ang bibig ko ng pagkain at hindi na muling nag-angat ng tingin. Mabuti na lang din at hindi na nag-usisa ang mga kasama ko. Sanay na nga rin sila sa ugali ni Fred.

Kaagad akong nagpaalam matapos kumain. Pupuntahan ko na lang si Ma'am Leanne. Total wala din naman si Fred. Pero sisiguraduhin ko na sa pag-uwi niya, sasabihin ko na lahat sa kanya.

Mabagal ang naging kilos ko. Mula pagligo, at pagbihis. Ayoko pa kasi sanang bumalik sa hotel, lalo't sariwa pa sa alaala ko ang nangyari. Pero ano ba ang magagawa ko. Utos nga ng amo kong babae na puntahan siya do'n.

Madalas niya kasi akong sinasama sa mall kapag sabado. Tagabitbit ng mga binibili niya. Utusan nga kasi ako. Pero ayos na rin dahil sa tuwing sumasama ako sa kanya. Na-aambunan naman ako ng damit o hindi kaya sapatos.

Hindi ako nanghihingi, ugali na talaga ni Ma'am Leanne na bilhan din ako kapag nag-shopping siya. Gano'n siya kabait. Gano'n nila ako pinahahalagahan, hindi lang bilang utasan nila, kun'di bilang kaibigan din ng anak nila.

Saksi nga sila kung paano kami magturingan sa isa't-isa, hindi lang basta matalik na magkaibigan, kun'di parang magkapatid na.

Kaya nga, sobrang bigat ng nararamdaman ko. Sinira ko ang tiwalang binigay nila.

Napapikit ako. Hindi ko aasahan na hindi magbabago ang pakikitungo nila sa akin sakaling malaman din nila ang totoo. Kaya bago pa man nila malaman ay gagawa na ako ng paraan—kami ni Fred, sisikapin naming hindi aabot sa mga magulang niya ang nangyari sa amin.

"Gwin, aalis ka?" kaagad na tanong ni Tonyo. Niligpit niya rin ang basahang ginamit sa pagpunas ng kotse.

"Oo, hatid mo ako sa hotel," tugon ko, at pumasok sa kotse. Sumunod naman kaagad si Tonyo.

"Kumusta? Na-solve mo na ba ang problemang inayakan mo kahapon?" tanong niya na may tonong nang-aasar.

Mapakla akong tumawa." Hindi pa, nag-iipon pa ako ng lakas ng loob." Kasabay ng sagot ko ang pag-andar ng kotse at pagbukas ng malaking gate.

"Akala ko ba, sigurado ka na kahapon? Ngayon ipon na naman? Hanggang kailan ka mag-iipon ng lakas-loob? Kapag sumabog na lang sa mukha mo—"

"Tonyo naman, daig mo pa si Nanay kung magsermon," putol ko sa talak niya.

" Ayaw mo talagang mapagsabihan, ano?" umiiling-iling siya sabay sulyap sa akin.

"Hindi naman sa ayaw. Puno pa kasi itong utak ko. Ang dami ko pang iniisip, dumagdag pa 'yang talak mo."

Mabuti na lang at talagang may pakiramdam din ito si Tonyo. Matapos ko kasi siyang sawayin. Tumahimik na nga pero panakanaka pa ring sumusulyap sa akin. Talagang kilala nga rin niya ako. Alam niya kasi kung kailan siya dapat maging seryoso at kilan maging loko-loko.

"Tumawag ka na lang, kapag magpapasundo ka na," sabi nito kasabay ang paghinto.

"Opo, salamat, Tonyo," sabi ko, kasabay ang pagbukas ng pinto at lumabas.

Napangiti ako ng mapait nang makita ang mga guard na humarang sa akin noon. "Good morning, Ma'am," sabay sabi ng dalawa at sabay nagkamot sa leeg. Namukhaan siguro nila ako.

Imbes na sumbatan sila sa ginawang pagharang sa akin. Nginitian ko na lang sila ng todo. Kung nagawa sana nilang harangin ako no'ng gabing 'yon. Hindi sana kami humantong ng kaibigan ko sa ganoong sitwasyon. Hindi sana ako nahihirapan ngayon.

Dumeritso na ako sa opisina ni Ma'am Leanne. Isang oras na lang kasi ay lunch break na. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Magandang umaga, Ma'am," kaagad kong bati nang makapasok ako. Pero natuod ako sa kinatatayuan ko. May kausap pa kasi siya. Ang bastos tuloy ng dating ko. Hindi ko man lang kasi hinintay ang tugon niya. Nasanay kasi ako sa katok lang.

"Sorry, po. Labas po muna—"

"No, you stay," pigil sa akin ni Ma'am. Yumoko ako. Nahiya kasi talaga ako. Baka importante ang pinag-uusapan nila, tapos bigla naman akong um–enter.

" 'Wag ka nang mahiya, Giwn. Bisita ko lang siya pamangkin ko, pinsang buo ni Fred," paliwanag ni Ma'am. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang kakaibang tingin ng bisita ni Ma'am sa akin.

Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon hindi na. Gusto ko na nga'ng dukutin ang mga mata niya. Ibang klase talaga siyang makatingin, tingin na parang naglalaway sa karne kong hilaw. Bweset din ang isang 'to.

"Sige na, upo ka na muna. Hintayin mo na lang ako," sabi pa ni Ma'am. Walang reklamo na sumunod na lang ako sa sinabi niya.

"Tita, sino siya? Girlfriend ba ni Fred?" tanong nito kay Ma'am Leanne, pero na sa akin pa rin ang tingin.

"Hindi, matalik na kaibigan ni Fred. Naninilbihan din siya sa bahay,"seryosong tugon ni Ma'am.

"Ah, best friend," sabi niya at ngumiti.

"Sabay na tayong umalis, Pat." Kausap ni Ma'am ang pamangkin niya na ngayon lang yata nakakita ng magandang utusan.

"Tatapusin ko lang itong ginagawa ko," dagdag pa ni Ma"am, kasabay ang pagbuklat ng mga folder na nasa lamesa niya.

"Ma'am Leanne, pwede po ba na sa labas na lang ako maghintay?" Tumayo na ako, kasabay sa tanong ko. Hindi ko na kasi matagalan ang tingin nitong si Pat. Nakakairita na.

"Go ahead," kaagad namang tugon ni Ma'am.

Kahit naiinis sa mukha nitong lalaking mahilig sa hilaw na karne. Bahagya pa rin akong yumuko. Respeto, hindi para sa kanya, kun'di para sa tiyahin niya.

Sa employee lounge ako nagpunta. Mas mabuti pang dito tumambay, kahit maraming tao dahil lunch break nga, kay sa na man magtiis sa mga tingin no'ng pinsan ni Fred.

Wala din namang pakialam ang mga staff sa akin, gano'n din ako sa kanila.

Ilang minuto na ang dumaan, puro scroll lang sa social media ang ginagawa ko. Silip ko lang kong may bagong post ba ang kaibigan ko. Pero wala. Kaya ang mga old videos na lang namin ang pinagkaabalahan kong tignan.

"Can I?" Baritonong boses ang narinig ko. Kita ko na rin ang kamay niya na humawak sa backrest ng upuan. Pero hindi ako tumugon at hindi rin nagtangkang alamin kung sina siya.

Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko mahina nitong tawa kasabay ang pag-upo.

"I'm Patrick, by the way," nilahad nito ang kamay na kinamayan ko naman. Ang dami nga kasing tao, baka akalain pa nila na ako ng bastos at hindi itong lalaki na nakangisi habang pisil ang kamay ko.

Hinablot ko naman ang kamay ko. "Are you not going to tell me your name? "tanong niya.

"Gwin," tipid kong tugon.

Tumawa na naman siya. "Talaga bang best friend ka lang ni Fred?" tanong na naman nito.

Hindi na ako tumugon. Gusto kong mabagot siya at magkusa na lang na umalis. Kaya lang, parang wala naman siyang balak umalis. Puro titig at ngisi lang ang ginagawa niya.

Nagsisimula na naman akong mainis. Kaunti na lang talaga ay sasabog na ako.

"Ang tanga naman ng pinsan ko, ginawa ka lang niya na best friend sa ganda mo'ng 'yan—" mahinang tawa ang tumapos sa sinabi niya.

"Anong nakakatawa do'n? 'Tsaka pakialam mo ba kung hanggang do'n lang talaga ang tinginan naming dalawa?"

"I'm not saying na may pakialam ako. Nagtataka lang—" Matiim na titig ang kasunod ng sinabi niya, ngunit may pilyo at nakaka-asar na ngiti sa labi. Pinatong niya ang mga siko sa lamesa at bahagyang lumapit sa akin.

"Nagtataka na ano?" Hindi ko na maawat ang pagsalubong ng mga kilay ko. Gusto ko na rin tusukin ang mga mata niya.

"Best friend lang ba talaga kayo o with benefit?" ngising tanong nito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Mukhang may gusto itong pinsan ni Fred Kay Gwen paano na Yan pagmalaman nila na may Nang yari na sa kanila ni Fred excited Ako sa next update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status