"Gwin, magpasundo ka na lang kay Tonyo. Kailangan na kasi naming bumalik sa hotel." Bakas sa boses ni Ma'am Leanne ang pagmamadali.Napangiti ako at kaagad ko siyang hinarap. Mabuti na lang at dumating sila Ma'am, nagkaroon ako ng dahilan para hindi muna sagutin ang tanong ni Fred."Sige po, Ma'am. Mag-iingat po kayo. Sir, ingat," masigla kong sabi.Nauna nang lumabas ang mga amo ko, pero si Patrick nanatiling nakatayo pa rin sa tabi ko. Nakalimutan yata nito na siya ang maghahatid sa auntie at uncle niya pabalik sa hotel."Hoy, Patrick. Ano pa ang tinatayo-tayo mo r'yan? Lumakad na kayo. Nando'n na sila Ma'am at Sir," taboy ko sa kanya. "Puro ka ngisi," dagdag ko pa.Nakamot niya na lang ang ulo at muling ngumisi. "Paano, alis na ako. Ingat ka na lang sa pag-uwi."Kumaway na lamang ako sa kanya. Kita ko rin ang pagtapik niya sa balikat ni Fred, pero umasta akong walang nakikita.Nagkunwari akong nagtitipa ng mensahe para umalis na rin siya. Alam kong naiinis na siya."Hoy, Gwin!" Ayon
Baca selengkapnya