LOGINHindi ko na nagawang magbihis ng maayos-ayos na damit. Kaagad na akong umalis sa mansyon na walang ibang nakakaalam kundi ang mga guard lang. Hindi ko na rin kasi ginising si Tonyo. Hatinggabi na nga.
Mainit na nga ang ulo ng mga amo ko kanina dahil sa ginawa ko. Heto, ang anak naman nila ang nahibang dahil sa katangahan sa pag-ibig.
Ayoko nang dagdagan ang inis nila.
Hindi ako mapakali habang sakay ng taxi. Nasa Calderon Hotel lang naman kasi siya, hotel na pagmamay-ari nila.
Mabuti na lang at may nakuha pa akong taxi sa ganitong oras.
"Manong, pabilis naman po. Emergency po," pakiusap ko sa driver.
Ang tindi ng kabang nararamdaman ko. Sa lahat ng away nila Fred at girlfriend nito, ngayon ko lang narinig na umiyak siya nang ganoon.
Matinding iyak na; akala mo ay katapusan na ng lahat. Kaya hindi ko mapigilan ang pag-aalala.
Alam ko nga kung gaano niya kamahal ang babaeng ’yon. First girlfriend niya kasi. Dream girl niya. High school pa lamang kami ay crush na niya si Mitch. Ginawa niya ang lahat para mapansin lang siya nito. Saksi ako kung gaano siya kasaya noong naging sila, anim na buwan na ang nakakaraan.
"Malapit na po tayo, Ma’am," tugon ng driver.
Halos magkandahaba naman ang leeg ko sa katatanaw sa gusali ng hotel habang papalapit ang taxi.
"Manong, maraming salamat," sabi ko sa driver paghinto nito. Inabot ko ang bayad at kaagad nang bumaba. Hindi na rin ako nag-abalang kunin pa ang sukli ko.
Patakbo akong pumasok sa hotel. "Hoy, Miss, saan ka pupunta? Hindi ka puwede rito," harang sa akin ng guard. Hinagod niya pa ako ng tingin.
Umiling ako, kasabay ang pagkumpas ng kamay. "Guard, emergency po, padaanin n’yo na ako," pakiusap ko.
Hindi ko naman masisi ang guard sa ginawang pagharang sa akin. Five-star hotel nga ’to. Suot ko kasi, gumang tsinelas, lumang denim shorts, at puting T-shirt na punit-punit pa ang kuwelyo. Ang gulo pa ng buhok ko. Hindi ako mukhang guest. Mukha akong pulubi na manghihingi ng limos sa mga guest.
"Hindi uubra sa amin ang palusot mong ’yan, Miss! Umalis ka na, bawal ka nga rito," mahinahong pakiusap nito, pero may bakas ng inis.
Umiling ulit ako. "Hindi po ako nagpapalusot. Si Fredrick ang pupuntahan ko. Anak ng may-ari ng hotel na ’to, kaya please… padaanin n’yo na ako," seryoso kong pakiusap sa guard, pero pigil na tawa ang tugon nila.
"Miss, umalis ka na bago pa kita kakaladkarin palabas," may diin na nitong sabi. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao. Napapa-iling pa nga ang iba.
"Nagsasabi nga po ako ng totoo," halos maiyak na ako sa inis. "Si Fred nga po ang pupuntahan ko. Kaibigan ko. Anak ni Ma’am Leanne at Sir Franco," dagdag ko pa.
Hindi ko na dapat binanggit ang pangalan ng mga amo ko, pero ginawa ko para daanin lang nila ako.
"Miss, umalis ka na lang. ’Wag ka nang mag-iskandalo rito," sabat ng isang guard.
"Wala namang iskandalong mangyayari kung padaanin n’yo lang ako. Hindi nga po ako nagsisinungaling. Talagang si Fred ang pupuntahan ko. Nasa presidential suite siya ngayon. Itanong n’yo pa sa receptionist," mahinahon kong pakiusap. Kahit ba gusto ko na talagang magwala. Gusto ko nang sumigaw, pero pinili ko pa rin ang magtimpi.
"Sige na, Miss. Lumabas ka na—"
"Hoy, bitiwan n’yo siya. Kaibigan ’yan ni Sir Fred," awat sa kanila ng katrabaho.
Sapilitan na kasi sana nila akong ilalabas. Mabuti na lang at sakto namang dumating ang katrabaho nila. Para akong tanga na napangiti nang bongga.
"Sigurado ka?" tanong ng guard sa katrabaho.
"Oo, lagi na siya rito kasama ni Sir Fred," tugon niya, pero hinagod naman ako ng tingin.
"Bakit naman kasi ganyan ang damit mo?" baling nito sa akin.
"Emergency nga po kasi." Sinamaan ko ng tingin ang mga guard bago ko sila iniwan. Patakbo kong tinungo ang elevator.
Gusto ko pa sanang awayin ang mga guard na ’yon dahil sa pagpigil nila sa akin, pero wala na akong panahon. Ni ang magpasalamat o magpaalam doon sa nakakilala sa akin ay hindi ko na nagawa.
Hindi ako mapirme habang sakay ng elevator papuntang 10th floor.
Takbo-lakad din ang ginawa ko. Makarating lang kaagad sa kuwarto kung nasaan ang kaibigan ko.
"Fred!" tawag ko.
Hindi naka-lock ang pinto kaya agad akong nakapasok.
Nahagod ko ang buhok ko at hindi na maawat ang mga luha habang nakatingin sa kanya. Nasa balcony siya, umiiyak habang nakasalampak sa sahig. Nakahawak sa railings ang nanginginig na mga kamay.
Sa nakikita ko… sa hitsura niya, mukhang sinubukan niya nang gumawa ng kabaliwan.
"Fred, halika nga rito." Tinulungan ko siyang tumayo. Nang makatayo ay kaagad niya akong niyakap.
Sobrang higpit, kasabay ang impit na iyak.
"Ano na naman ba ang nangyari? Bakit ka ba nagkakaganito?"
Pinahid ko ang mga luha niya. Pero kahit anong pahid ko, hindi pa rin matigil ang pagpatak ng mga luha niya.
"Ginawa ko naman ang lahat, Gwin. Bakit kulang pa rin? Ang sakit-sakit." Sinuntok niya ang sariling dibdib at halos hindi na siya makapagsalita sa kaiiyak.
Hinawakan ko ang mga kamay niya na walang tigil sa pagsuntok sa dibdib niya. "Tama na, Fred."
"Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Ano ba ang mali sa akin?"
Niyakap ko siya uli, kasabay ang paghaplos sa likod niya. Gustuhin ko mang pagalitan siya, sermonan siya, sisihin siya sa katangahan niya at sabihin na kasalanan niya dahil nagmahal siya ng babaeng hindi naman siya mahal. Hindi ko naman magawa. Durog na siya, ayokong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Ayokong lagyan pa ng asin ang sugat sa puso niya na gawa ng pangarap niyang babae.
"Hindi ko kaya, Gwin. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kaya... mahal na mahal ko siya..." Kapos na ang paghinga niya. Napapapikit na lamang ako. Pati dibdib ko naninikip na.
Nahahawa ako sa lungkot niya. Ramdam ko rin ang sakit.
Kung ganito rin lang naman pala kasakit ang magmahal, ayoko nang subukan.
Ayokong maramdaman ang nararamdaman ng kaibigan ko ngayon. Baka hindi ko rin kayanin.
"Tahan na, Fred." Pinahid ko uli ang mga luha niya. "Para namang hindi ka pa sanay sa ugali no’n. Babalik din ’yon. Huminga lang ’yon saglit."
Sa anim na buwan na naging sila, ilang beses na rin silang naghiwalay. Pero ilang araw lang ay babalik din si Mitch at uutuin na naman itong kaibigan kong uto-uto.
Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa akin at umiling. "Tapos na kami, Gwin. Hindi na siya babalik. May iba na siyang mahal. Ayaw na niya raw sa akin."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi makapaniwala. Talaga ba? Tapos na sila? Seryoso na ba talaga?
Yumuyugyog pa rin ang mga balikat niya habang mabagal na naglakad papunta sa fridge. Sandali pa siyang tumawa sa harap niyon at muling humagulgol. Maya maya ay naglabas siya ng beer.
"Samahan mo ako..." Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita niya.
Kinuha ko ang beer sa kamay niya.
Binuksan ko at inabot sa kanya.
"Kaya nga ako nandito, para samahan ka." Hinila ko siya paupo sa kama. Sabay naming tinungga ang beer.
Ito lang naman ang kaya kong gawin para sa kanya… Ang damayan siya. Ang aluin siya hanggang sa humupa ang sakit na nararamdaman niya.
Tahimik na rin siyang umiiyak, pero panay inom pa rin kami ng beer.
"Ano bang mali sa akin, Gwin? Pangit ba ako? Mabaho ba ako?" tanong niya matapos ang mahabang pananahimik.
Hindi ko napigil ang matawa. "Hindi ka pangit at lalong hindi rin mabaho. Ugali ng babaeng ’yon ang pangit at mabaho. ’Di siya bagay sa ’yo." Tawa ang tumapos sa sinabi ko.
"Alam ko naman ’yon. Pangit at mabaho ang ugali niya, pero mahal ko pa rin siya." Tawa, saka iyak ang kasabay ng sinabi niya. "Tanga ko, Gwin... ang tanga.” Inisahan niyang nilagok ang beer.
"Tanga ka nga, matagal na!" tugon ko, sabay ang pabagsak na paghiga sa kama.
Hilo na kasi ako. Naparami na rin ang inom ko.
"Inom pa tayo, Gwin." Sinubukan niya akong ibangon. Pero hindi na niya kaya. Lasing na nga rin siya. Ilang kahon na ang naubos namin. Hanggang ngayon, bukam-bibig pa rin niya ang babaeng nanakit sa kanya.
"Hindi… tama na ang inom. Lasing na tayo. May pasok pa bukas," pikit-mata kong sabi. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko.
Umikot na kasi ang paligid ko.
"Ang sakit pa rin, Gwin," hagulgol na naman niya, saka tatawa na naman. Nabaliw na siya.
"Matulog ka na para mawala ang sakit kahit sandali lang."
Naramdaman ko na lang ang pabagsak niyang paghiga sa tabi ko, saka humagulgol na naman ng iyak.
"Tumigil ka na sa kaiiyak. Hindi ka ba napapagod? Tulog na tayo." Tumagilid ako paharap sa banda niya. Nilapat ko ang palad ko sa pisngi niya. Saka pikit-matang hinaplos iyon.
"Makakalimutan mo rin siya. Marami pa namang babae sa mundo. Mas maganda, mas seksi. Makakahanap ka rin ng babaing mamahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa kanya."
Wala na akong narinig na tugon mula sa kanya.
Napangiti ako.
Siguro, nakatulog na nga siya.
Gustuhin ko man sanang magdilat, pero hindi na kaya ng mga mata ko. Ang bigat na ng mga talukap ko.
Napilitan lang akong magdilat nang lumapat ang noo niya sa noo ko. Tipid akong ngumiti. Nakatiim na ang mga mata niya, pero patuloy pa rin sa paglandas ang luha. Pinahid ko ang kada patak ng mga luha niya.
"Matulog ka na..." Hindi ko na natapos ang sasabihin.
Bigla niya kasi akong niyapos.
Sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.
"Fred…" Sinubukan ko siyang itulak.
Pero lalo lamang humigpit ang yakap niya.
Ramdam ko na rin ang init ng labi niya na dumikit sa leeg ko.
"Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na
FRED POVHindi ko mapigil ang mapahagikhik nang papadyak na pumasok si Gwin sa bahay. Kailangan niya lang palang kulitin at inisin para kusang pumasok sa bitag na kanina niya pa iniiwasan. "Fred, buksan mo nga 'yan!" Turo niya ang pinto. Pero pag-iling ang tugon ko. Sinadya ko pang hindi kaagad umali
"Fred—" Kaagad kong itinago ang larawang nakita ko nang pumasok si Fred. Umupo na rin siya sa tabi ko, ipinatong ang baba sa balikat ko, sabay halik sa pisngi ko. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Akala ko nasa labas ka lang, pumasok ka na pala sa bahay ng may bahay." Nilingon ko siya at tipid na ngumi
Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi naman kami magkakaganito kung hindi dahil sa inarte niya. Kagat labi at pabalibag kong binuksan ang pinto."Sira-ulo ka!" Duro ko na si Fred. "Hindi mo bahay 'to, para sabihing sisirain mo!" Gigil ngunit pabulong ang pagsasalita ko. Ayoko kasi na marinig kami ng
Kaagad bumitiw sa akin si Opaw. Mabuti na lang at hindi niya nakita ang nagbabagang mga tingin ni Fred. Bumaba kasi ang paningin niya sa kamay ni Fred, na ngayon ay pisil na ang balikat niya. Kita ko rin ang paggalaw ng panga niya. Alam kong lumiyab pa lalo ang selos niya dahil sa ginawang pagyakap







