Jasmine'sPOVHindi ko maiwasang mapangiti ng kintalan ako Ng halik ni Jarred sa noo kahit nasa harap si Beatriz at pinagmamasdan kami. Wala akong pakielam kahit nasa harapan pa siya. Oo, ramdam ko na seryuso sakin si Jarred, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alinlangan kanina nang tanungin niya ako tungkol sa kung hindi ko ba siya iiwan, lalo at narito sa harapan namin si Beatriz. Alam kong nasaktan siya dahil wala siyang nakuhang sagot sa tanong niya pero ayaw kong mangako, basta ang maipapangako ko lang mananatili ako sa tabi hangga't kaya ko. May mga pangakong napapako. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Naudlot ako sa malalim na pag-iisip ng sumigaw si Beatriz."Hindi ko akalain na may kalindaang taglay ka pala, Jasmine. Hindi lang pala pagiging katulong ang sadya mo sa mansiyon kundi para landiin din si Jarred at agawin siya sakin!" sigaw ni Beatriz na may nanlilisik na mga matang nakatingin sakin.Kung nakamamatay lang ang tingin, siguradong kanina pa ako
Athalia'sPOVPAGSAPIT ng ala-una y medya ng hapon, lumabas na ako ng opisina para mananghalian at nagtungo sa lobby gamit ang elevator. Palabas na ako ng gusali ng makatanggap ako ng text galing kay Charles na nagsasabing nasa canteen na daw siya at hinihintay ako.Rules ng kompanya na bawal mag-lunch sa labas ang mga empleyado gaya ng Restaurant at iba pang kainan sa labas. Dahil ang may-ari ng Canteen ay nagbibigay ng renta kay Sir Lereño. Kaya obligado na ang mga empleyado na doon kumain nang tanghalian at magmeryenda.Nang marating ko ang Canteen, iilan lang ang naroon at nag-lulunch. Karamihan ay mga nasa 10am ang pasok. Alas otso nagsasara ang kompanya. Madalang lang ang nag-oover time. Tiningnan lang ako at muli ipinagpatuloy ang pagkain. Iilan lang ang kakilala ko sa ibang Departamento. Hindi rin kami nangingielam ng business ng iba. Ika nga, mind your own business. Ewan ko ba at hindi yun magawa ni Anallene, malaki ang sapantaha ko na kilala niya si Charles. Paano ka nga nam
Athalia'sPOVPagsapit ng alas-sais ng gabi. Lumabas na ako opisina at nagtungo sa lobby para doon hintayin si Anallene Onillo. Nagulat ako ng madatnan ko si Luke na naghihintay. Oo nga pala, susunduin pala niya ako ngayon. Nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sakin."Ath, ihahatid na kita." aniya.Bago pa man ako makasagot ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang pantalon na suot at tiningnan ang screen. Napasimangot si Luke nang makita kung sino ang tumatawag at sinagot ang tawag. Inilagay niya ang cellphone sa kaniyang taenga."Sir Antonio Alegre. Napatawag ka?" tanong ni Luke sa kausap. Si Antonio Alegre ang kausap niya? Diba isa siyang negosyante? Ang pagkakaalam ko, siya ang may-ari ng kompanya ng papel sa bayan. Ang Alegre Sunn Production. Ang Sunn ay tatak ng Notebook, Papel, textbook at iba pang klase ng papel. Baka naman kasosyo ni Luke si Antonio Alegre sa pagsupply ng gagamitin ni Antonio Alegre sa paggawa ng papel? May mga em
MichaelLereño'sPOV"So, may balak kang magpatayo ng mini pizza dito sa tabi ng Canteen, Mr. Aryante?" tanong ko kay Mr. Rean Aryante habang ineeksamin kung ano kaliwang ang kailangan para sa balak niyang mini Pizza. Narito kami ngayon sa bakanteng lupa na katabi ng Canteen at pinag-uusapan ang balak na pagpapatayo ng mini pizza ni Mr Aryante, na ang kapatid daw niya ang mangangasiwa at mamahala. Maganda na rin iyon para kung sakali na gusto ng mga empleyado ko na bumili ng pasalubong sa kanilang pamilya ay pwedeng-pwede ang pizza ni Mr. Aryante. Nasa humigit limang daan rin ang aking mga tauhan. Nasa kabila ang mga tauhan ko na gumagawa ng garments."Opo, Mr. Lereño, kung inyo po sanang mamarapatin. Para dagdag kita rin po." ani Mr. Rean Aryante. Matagal na rin si Mr. Aryante sakin kaya kilala ko na siya. Mapagkakatiwalaan siya at talagang nagbabayad ng renta buwan-buwan.Tumango-tango ako. Sabagay, tama nga naman siya. Mas malaki at malawak na negosyo, mas malaking kita. Bakit ko n
Carmen'sPOVNANG marinig ko na may humintong sasakyan sa labas ng bahay at marinig ang boses ni Athalia na para bang May kinakausap. Mula sa ginagawang pagwawalis sa salas ay agad akong lumabas ng bahay para mapagbuksan ng gate si Athalia. Tapos na rin ako nagluto ng hapunan. Nang makalabas ako ng bahay nagulat ako dahil may kasama si Athalia."Athalia, ikaw na ba yan?" paniniguro ko. Lumingon sa kinaroroonan ko ang kasamang lalaki ni Athalia. At mula sa ilaw na nagmumula sa street light, naaninag ko ang itsura ng lalaking kasama ni Athalia. Sa bulto at tindig ay may katandaan na rin ang lalaki. Napakunot-noo ako dahil parang pamilyar siya sakin. Naglakad na ako palapit sa kanila."Inay! Pakibuksan po. Nandito po ang Boss ko. Ipapakilala ko po siya sa inyo." ani Athalia. Ah, Boss pala niya ang kasama niyang lalaki. Hindi ko kasi kilala ang Boss niya dahil hindi naman ako nagtatanong sa kaniya sa mga bagay-bagay patungkol sa trabaho niya. Hindi ko masyadong mamukhaan ang lalaki dahi
Athalia'sPOV"CHARLES." ani ko ng madatnan siya sa labas ng gate na nakatayo at naghihintay na may magbukas sa kaniya ng gate. Ngumiti siya ng makita ako."Athalia." aniya. Lumapit ako sa gate at binuksan iyon. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng gate ng mabuksan iyon."Pasok ka, Charles." paanyaya ko sa kaniya. Agad naman pumasok si Luke na may dalang dalawang box. Na-curious ako sa dala niya kaya tinanong ko siya."Ano naman yang dala mo?" tanong ko habang iginigiya siya papasok sa bahay. Magkatabi kaming naglalakad."Ah ito, it's an Italian Pastry na binake ko. Canolli." aniya. Tumango-tango ako."Madami ka talagang alam na i-bake, Charles." ani ko at pumasok na kami sa loob. Nadatnan namin si Mr. Lereño at inay na nakatingin samin. Lumapit kami sa kanila. Lumapit si Charles kay inay at nagmano."Magandang gabi po, Tita." ani Charles, matapos makapagmano. "Magandang gabi rin, iho. Mabuti naman at napasyal ka dito sa bahay." ani inay kay Charles."Oo nga po eh, Tita. Niyaya po kasi ak
Luke'sPOVPagkapark ko ng aking sasakyan di kalayuan sa bahay nina Athalia. Nagulat ako dahil may naka-park na isang Black Kia Optima K5 sa tabi ng bahay nina Athalia. Kay Charles ba ang sasakyan? Wala namang ibang nanliligaw kay Athalia kundi si Charles lang. Kaya malamang kay Charles ang sasakyan. Hindi ko maiwasang mainis dahil sa isiping magkasama sila ngayon ni Athalia.Biglang bumukas ang gate ng bahay nina Athalia. Lumabas roon si Athalia kasama si Charles at tinungo ng dalawa ang sasakyan ni Charles. Humarap si Charles kay Athalia at parang may sinabi siya kay Athalia. Unti-unting inilapit ni Charles ang mukha sa mukha ni Athalia at naglapat ang kanilang mga labi. F*ck! Gustong-gusto kong lumabas ng sasakyan at sugurin ng suntok si Charles at bugbugin hanggang sa malagutan ng hininga dahil sa ginawang paghalik niya kay Athalia. Pero nagpigil ako dahil wala naman akong karapatan na gawin iyon kay Charles. At kung gagawin ko man, tiyak na mapapahamak lamang ako.Sabagay, wala n
Athalia'sPOVHindi ko maiwasang mapatitig sa salamin habang inaayos ko ang aking sarili. Ngayon ang araw na magiging sekretarya na naman ako ni Luke. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan, lalo at alam niya na kasintahan ko si Charles.Kitang-kita ko kagabi sa kaniyang mga mta ang sakit na nadarama. Akala ko, magiging okay na ang lahat pero himdi pa pala. Akala ko kapag sinagot ko si Charles, magbabago ang deaisyon niya. Hindi pala. Huminga aki ng malalim.Naalala ko ang sinabi niya kagabi na 'Bakit naman ako mag-sstay sa isang relasyon na hindi ako masaya? Para saan? Niloloko ko na nga siya pati sarili ko niloloko ko pa' Pakiramdam ko natamaan ako sa sinabi niya. Sapul na salul ajo doon. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at pilit na ipinapaintindi sa sarili na tama nag naging desisyon ko.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa vanity mirror at kinuha ang bag tsaka isinukbit iyon sa aking balikat. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nadatnan ko si inay na nagpupunas ng bintan