Share

Marriage Proposal

Carmen'sPOV

"Alam mo, masaya ako dahil may nararamdaman sa isa't-isa sina Athalia at Luke. Gustong-gusto ko sila para sa isa't-isa." sabi ko kay Michael habang magkayakap kami na nakahiga sa kama.

Nakaunan ako sa kaniyang braso at yakap siya. Siya naman ay hinahaplos ang aking buhok. Dumantay ang kaniyang labi sa aking noo.

"Masaya din ako dahil kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng unica hija natin. Ramdam ko ang pagmamahal niya para kay Luke." ani Michael.

Tiningala ko siya at tinitigan siya. kahit may edad nasa mukha pa rin niya ang kagwapuhang taglay. Mukhang napansin niya na nakatingin siya sakin kaya nagbaba siya ng tingin at sinalubong ang aking mga mata. Ngumiti siya sakin.

"Salamat at dumating ka sa buhay namin ni Athalia, Michael." ani ko habang titig na titig sa kaniya. Iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

"Ako dapat ang magpasalamat dahil nakasama ko kayo. Salamat sa Manlilikha dahil pinagtagpo niya tayo ulit ng tadhana." aniya sa sinser
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status