Athalia'sPOVMatapos tanungin ni inay ang tungkol sa kalagayan ni Tito Adan kay Luke. Nakita ko ang bahagyang panginginig ng kamay ni Luke na nakapatong sa mesa. Hinawakan ko iyon at bahagyang pinisil, tumingin siya sa direksyon ko na may malamlam na mata. Nginitian ko siya. Huminga siya ng malalim at muling ibinalik ang tingin kina inay at itay na nakatingin samin. "Patay na po si Dad, mga isang buwan na po." Ang sagot na iyon ni Luke ang naging dahilan para mapatayo sina inay at itay na may nanlalaking mga mata at nakaawang ang labi. Samantala, mas hinigpitan ko lalo ang hawak sa kamay ni Luke. Napakagat-labi ako para pigilin ang luha na nais kumawala sa aking mga mata. Bumunting-hininga ako para pakalmahin ang sarili. Bakit hindi nila samin?"Oh my god! Bakit hindi namin alam?" tanong ni inay na napasapo pa sa dibdib. Agad namang umalalay si itay. Tiningnan ko si Luke. Kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata at ang isang butil ng luha na naglandas sa kaniyang mga mata na
Carmen'sPOV"Alam mo, masaya ako dahil may nararamdaman sa isa't-isa sina Athalia at Luke. Gustong-gusto ko sila para sa isa't-isa." sabi ko kay Michael habang magkayakap kami na nakahiga sa kama. Nakaunan ako sa kaniyang braso at yakap siya. Siya naman ay hinahaplos ang aking buhok. Dumantay ang kaniyang labi sa aking noo."Masaya din ako dahil kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng unica hija natin. Ramdam ko ang pagmamahal niya para kay Luke." ani Michael. Tiningala ko siya at tinitigan siya. kahit may edad nasa mukha pa rin niya ang kagwapuhang taglay. Mukhang napansin niya na nakatingin siya sakin kaya nagbaba siya ng tingin at sinalubong ang aking mga mata. Ngumiti siya sakin."Salamat at dumating ka sa buhay namin ni Athalia, Michael." ani ko habang titig na titig sa kaniya. Iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at hinaplos ang aking pisngi."Ako dapat ang magpasalamat dahil nakasama ko kayo. Salamat sa Manlilikha dahil pinagtagpo niya tayo ulit ng tadhana." aniya sa sinser
Athalia'sPOV Katatapos lang namin mananghalian ni Luke at narito kami ngayon sa opisina ng mansiyon, rito sa sofa. Nakaupo ako samantalang nakaunan naman sa aking hita si Luke. Sinusuklay-suklay ko ang kaniyang buhok. "Paano yan? Kailangan ka na sa kompaniya ni Tito Michael bilang Presidente sa susunod na linggo?" biglang tanong ni Luke. Nabanaag ko ang lungkot sa kaniyang boses. "Bakit ka nalulungkot? Diba dapat masaya ka?" tanong ko sa kaniya. Bigla siyang bumangon at humarap sakin. "Dahil hindi na kita mababantayan, kailangan mo na magresign sakin para makapag-focus ka sa pagiging Presidente. Natatakot lang ako dahil sigurado na may mga lalaki kang makilala, ganiyan sa larangan ng negosyo." ani Luke na may paglamlam ang mga mata. Hinawakan ko ang kaniyang kamaty at pinisil iyon. Biglang may naisip akong paraan para makasama namin ang isa't-isa. "Sa tingin ko pwede mo pa rin akong makasama. Pwede natin irequest kay itay na maging assistant kita sa mga meeting." ani ko. Mabuti n
"Mabuti naman kung ganun." aniya habang tumatango. "Nga pala, gusto ka daw kausapin ni Ms. Onillo, papuntahin ko na ba siya rito o gusto mong sa opisina mo nalang kayo mag-usap?" Bumaling ako kay Luke at muling ibinalik ang tingin kay itay."Ahem, may sasabihin po kami ni Luke, itay." ani ko. Ngumiti si itay."Kayo na?" tudyo ni itay. Inirapan ko siya."Hindi po ah! Liligawan pa niya ako diba?" ani ko at tumingin kay Luke na tumatawa ng mahina. Tumikhim si itay."Ano bang sasabihin niyo?" tanong niya at tumingin kay Luke."Gusto ko po maging assistant ni Athalia, Tito Mike." ani Luke. Napakunot-noo si itay."Bakit?" nag-uusisa niyang tanong."Gusto ko pong bantayan si Athalia, Tito. Gusto ko nakikita ang mga lalaking nakakasalamuha niya sa negosyo. Pasensiya po kung nagiging possesive ako pero hindi po ako mapapakali kung nasa bukid lang ako samantalang si Athalia ay nakikipagmeeting kasama ang mga kalalalkihan." paliwanag ni itay."At ayaw kong mag-isip ng kung ano si Luke, at gusto
"Magandang tanghali po, Ma'am Athalia." ani Anallene at bahagyang yumuko. Bakit pakiramdam ko kaplastikan lang ang ipinapakita niya sakin? Dahil ba sa nasanay ako na hindi maganda ang trato niya sakin? Tumayo si itay at inilahad ang kamay sa visitor's chair."Maupo ka, aalis muna ako para makapag-usap kayo ng sarilinan. Binabalaan na kita Ms. Onillo, kapag may ginawa kang hindi maganda sa anak ko, ako ang makakalaban mo." ani itay sa nagbababalang boses at may pagtatagis ang bagang. Natigilan si Anallene at kita ko ang panginginig ng kaniyang tuhod. Napangisi nalang ako. Si itay talaga. Tiningnan ako ni itay."Okay lang ba na iwan kita?" tanong ni itay, kitang-kita ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Tumango ako."Opo, itay. Ayos lang po ako." ani ko. Tumalikod na si itay at naglakad na patungo sa pintuan at lumabas. Tumingin ako kay Anallene na nanatiling nakatayo. Inilahad ko ang kamay sa visitor's chair."Maupo ka, Anallene." ani ko. Kimi siyang lumapit sa visitor's chair at nang m
Luke'sPOVKanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Ath. Dahil ba ito sa hindi ko pagsasabi ng isang sekreto ko? urpresa ko sana iyon sa kaniya kapag naging kami at nagbabalak akong magtayo ng kompanya kung sakaling sapat na ang perang naipon ko. Gusto ko magtayo ng kompanya na gumagawa ng Juice. Si tito Mike kasi juice powder ang produkto ng kaniyang kompaniya. Balak ko din siyang kunin na Business Partner, dahil tiyak na makakatulong ko siya sa pagpapaunlad ng negosyo. Pagkatapos namin kumain ng hapunan, nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay nina tita Carmen, mukhang nariyan na si Mang Amboy na siyang magsusundo sakin. Tinawagan ko kasi siya kanina na sunduin ako."Mauna na po ako. Mukhang nandiyan na po ang sundo ko." ani ko kay tito Mike. Tatango sana sila ni tita Carmen ngunit nagsalita si Athalia."Ako na po ang maghahatid sa kaniya itay, inay." ani Athalia. Tumango naman ang dalawa."Sige, mag-iingat ka iho. Asahan kita bukas sa opisina." ani tito M
Athalia'sPOVPagka-alis ni Luke ay agad akong nagtungo sa kwarto at nahiga sa kama. Tinitigan ko ang kisame. Ang daming gumugulo sa aking isipan. Una, tama ba na hindi ko tinanggap ang pakikipag-ayos ni Luke sakin? Masisisi ba niya ako? Natural lang sakin iyon dahil naglihim siya sakin hindi bilang kasintahan kundi bilang kaibigan. Natigilan ako. May mga bagay rin akong inilihim sa kaniya pero inintindi niya ako. Huminga ako ng malalim at bahagyang napapitlag ng tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at nakitang nagpadala ng mensahe sakin si Luke. Binuksan ko iyon at hindi maiwasang mapakagat-labi ng mabasa ang nilalaman ng mensahe. Ibinalik kong muli ang cellphone sa bedside table at akmang ipipikit na ang aking mga mata ng makarinig ako ng marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto."Anak, pwede ba kita makausap?" ang tanongb na iyon ni inay ang nagpabalikwas sakin sa pagbangon. "Opo inay!" ani ko at bumaba na ng kama. Tinungo ko ang pintuan at oinihit ang ser
Pagkapasok namin sa loob ng gusali, awtomatikong napatingin samin ang mga empleyado na naroon sa lobby. Taas-noo akong naglakad kasama si itay habang nakaabresete sa kaniya. Nang nasa gitna na kami. Halos dumugin kami, pero nakapalibot sila samin. Nakita ko sa mga nagkukumpulan si Rachelle na kakikitaan ng guilt sa mukha. Wala si Anallene dahil ngayon ang bisa ng suspende niya. Nakita ko rin si Ate Melissa sa isang tabi na may masuyong ngiti sa mga labi. Ngumiti ako sa kaniya pabalik."Gusto kong ipaalam sa inyo, na si Athalia ang bagong Presidente. how some respect to her! Kapag may nalaman ako o may narinig ako na pinag-uusapan niyo siya at may mga sinasabi kayo laban sa kaniya. Matatanggalan kayo ng trabaho! Kaya igalang niyo siya! Aasahan ko ba?!" tanong ni itay sa mga naroon. Tiningnan ko si tay. Seryusong seryuso ang kaniyang mukha. Kung isa lamang akong ordinaryong empleyado, marahil kanina pa nangatog ang tuhod ko sa takot. Ganito pala magalit ang isang Michael Lereño."Opo,