"LANCE..."
"What?" bulalas niya dahil naiirita rin siya sa tono ni Bianca na parang nagmamakaawa. Naihatid na niya ito sa bahay kaya naman inaasahan na niyang bababa na ito sa kanyang sasakyan pero hindi pa in nito ginawa na para bang may hinihintay pa.
"I love you," wika nito.
"I don't love you," prangka niyang sabi. Kahit matagal na niyang sinabi kay Bianca na wala siyang balak na makipagrelasyon dito'y parang hindi iyon rumerehistro sa utak nito. Napabuntunghininga lang siya dahil naisip din niyang may kasalanan din siya kung bakit ayaw pa siya nitong bitawan at humanap ng iba.
Hindi naman kasi niya ito iniiwasan talaga. Kapag nga nasa paligid ito ay hinaharap din siya ito pero pinakikitaan lang niya ito ng kabutihan dahil gusto niyang makisama sa pamilya nito lalo na sa ama nito na nakakatulong din sa kanilang negosyo. Gayunman, kailanman ay hindi niya naisip na gamitin ito.
Hindi siya ang tipo ng taong nanggagamit dahil ayaw niyang makasakit. At kung nasasaktan man ngayon si Bianca, hindi niya kasalanan iyon. Hindi niya ito pinaasa. Talaga lang umasa ito na bibigay din ang kanyang puso rito. Kaya, sabi niya sa sarili ay dapat na niya itong iwasan. Hindi rin naman kasi niya gusto ang pagsabi nito ng 'I hate her' kay Jillian na para bang may karapatan ito sa kanya.
"Mamahalin mo rin ako," mariing sabi nito na para bang siguradung-siguradong mangyayari iyon.
"Isa lang ang kaya kong mahalin," mariin niyang sabi. Hindi lang niya sinabi ang mga salitang iyon para kay Bianca kundi para rin sa kanyang sarili. Kahit sandali lang silang magkasama ni Jillian kanina ay napatunayan niyang mahal na mahal pa rin niya ito. Kung hindi nga lang niya naawat ang kanyang sarili ay niyakap na niya ito ng sobrang higpit. Hindi rin siya mahihiyang halikan ito sa harap ng maraming tao. Gusto niya siyempreng patunayan sa lahat na mahal niya ito.
But she's not yours, mapait niyang sabi sa sarili.
Minsan di siyang naging akin, wika rin niya kaya napahugot siya nang malalim na buntunghininga. Hindi kasi niya naiwasan ang masaktan kapag naaalala niya ang kanilang nakaraan.
Ayaw niyang tanggapin na nu'ng naging magkarelasyon sila ni Jillian ay ginamit lang siya nito para makalimutan talaga nito si Mark Wayne. Kung talaga kasing hindi ito sigurado sa nararamdaman sa kanya, hindi naman nito ibibigay ng buung-buo sa kanya ang sarili nito. Kaya alam niya, minahal siya nitong talaga.
Hindi na nga lang niya naipaglaban ang pagmamahal niya kay Jillian dahil umalis na ito ng bansa kasama si Mark Wayne. At pagkatapos ng ilang buwan ay nabalitaan na lang niyang nagpakasal ang mga ito.
"I hate that woman," parang walang anumang sabi ni Bianca sa naiiritang tinig tapos ay nakita pa niyang pagtalim ng mga mata nito habang nakatingin sa labas ng bintana. Dahil hindi naman niya sinabi ang pangalan ni Jillian ay hindi nito alam kung ano bang pangalan ang babanggitin nito ngunit kitang-kita naman niya ang galit sa mga mata nito. "Parang gusto ko siyang sakalin. "
Damn, inis niyang sabi sa sarili kaya napapalo siya sa manibela at hinarap ito. Sa palagay niya kasi ay hindi na tama ang inaakto nito at kailangan na nitong malaman na wala itong papel sa buhay niya.
"Gawin mo 'yan kung gusto mong makita kung paano akong magalit," mahina lang ang boses niya nang sabihin iyon pero naroroon ang pagbabanta at gusto niyang maramdaman nito iyon sa titig pa lang niya.
"Aawayin mo ako dahil sa babaeng iyon? Ako ang girlfriend mo."
"You're my, what?" mangha niyang bulalas. Kahit kailan ay hindi siya nagkamaling ligawan ito kaya hindi niya alam kung paano nito naisip na mayroon silang relasyon. Kung gusto lang niya itong inisin ay hahagalpak siya nang tawa kaya lang ayaw naman niyang ipahiya ito. Hindi rin niya ito gustong saktan lalo na't alam niyang may masakit itong pinagdaanan sa dati nitong karelasyon.
Pinakiusapan kasi siya ng ama nito dati na kung maaari nga lang ay huwag niyang iwasan si Bianca kapag lumalapit at nakikipag-usap ito sa kanya. Gusto daw kasi nitong makalimutan ng anak ang pinagdaanan ni Bianca sa dati nitong karelasyon. Hindi man siya nagtanong ay nagkuwento pa rin ito. Sobrang in-love daw si Bianca sa ex nito kaya nu'ng makipaghiwalay ang boyfriend nito ay parang hindi nito kinaya. Naging bayolente ito at halos ayaw na lumabas ng kuwarto.
At naniniwala si Rodolfo Francisco na magagawa niyang matulungang maka-recover si Bianca sa kabiguan kung hindi niya ito iiwasan. Kung kakaibiganin niya ito. Mabait naman si Bianca kaya sumang-ayon siya noong una kaya lang hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkairita kapag nagagalit ito kapag may kausap siyang ibang babae na para bang mayroon silang relasyon.
"Mas mabuti siguro kung huwag na tayong magkita mula ngayon," mariin niyang sabi.
"No!" gilalas nitong sabi. Nang tumingin ito sa kanya ay biglang lumambot ang hitsura nito. Kung kanina'y mistulan itong leon na handang manakmal, ngayon naman ay para itong maamong tupa.
"Look, hindi porke hindi ako umiiwas at pinagbibigyan lagi kita ay may relasyon na tayo. Nagiging mabait lang ako sa'yo dahil kliyente ko ang tatay mo kaya pinakikisamahan kita. But it doesn't mean, may karapatan ka ng..." Hindi na niya naituloy pa ang kanyang pagsasalita dahil lumagapak sa kanyang pisngi ang kamay nito.
Malalim na buntunghininga na lang ang kanyang pinawalan kaysa magalit pa rito. Inisip na lang niya na sobra lang itong nasasaktan kaya nagawa iyon sa kanya. Gayunman, isang bahagi ng isipan niya ang tumatanggi, alam niyang may mali kay Bianca. Iyon ang dahilan kaya todo-todo ang pakiusap sa kanya ni Rodolfo Francisco na huwag niyang ipagtatabuyan si Bianca ngunit kung hindi niya gagawin iyon ay patuloy lang itong aasa na isang araw ay magagawa rin niya itong mahalin.
"Pinaasa mo lang ako sa wala. Lagi ko namang ipinararamdam sa'yo na mahal kita. Na kailangan kita. Bakit hindi pa rin ako sapat sa'yo?" naluluhang tanong nito. Pagkaraan ng ilang sandali ay bigla na lang itong humagulgol na parang bata.
"Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Kung hindi sapat sa'yo iyon, huwag mo na lang ako lalapitan," inis niyang sabi rito. Alam niyang masakit ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig pero alam niyang kailangan nitong malaman iyon para makapag-isip-isip. "Now, get out!"
YSMAEL Lance Madrigal is mine. Only mine! mariing sabi ni Bianca sa sarili habang nakatingin sa palayong sasakyan ng lalaking buong puso niyang minamahal. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi. Kani-kanina lang kasi ay damang-dama niya ang galit ni Lance na para bang gusto siyang itapon palabas ng kotse. Pero, hindi nito ginawa. Alam niya kung bakit. Kasi nga mahal din siya nito. Baka nahihiya pa lang itong aminin sa kanya pero alam niya, may gusto rin ito sa kanya. Ayaw niyang tanggapin kapag sinasabi nito sa kanyang hindi siya nito mahal dahil talagang hindi niya kayang paniwalaan iyon. O mas tamang sabihing tumatanggi siyang paniwalaan dahil alam naman niya sa sarili kung gaano siya kaganda. Bawat lalaki naman kasi ay ang panlabas na anyo lang ang tinitingnan kaya alam niyang walang sinuman ang hindi ang magmamahal sa kanya. Mula pa nga pagkabata ay alam niyang lahat ng gusto ng isang Bianca Fra
"FINAL question. Are you sure?" marahang tanong sa kanya ni Mark Wayne. Tiyak niyang mahal siya ni Mark Wayne kaya naman kahit alam nitong makabubuti ang pagpunta niya sa Channel 26 ay parang nag-aalangan ito. Sino ba naman kasing mister ang gugustuhin na makatrabaho ang ex-boyfriend ng asawa. At hindi rin lingid sa kaalaman ng kanyang mister na may damdamin pa siya kay Lance kahit hindi niya aminin dito. "Sure na sure," mariing sabi ni Jillian sa kanyang asawa ngunit hindi niya ito nilingon o sinulyapan man lang sa salamin. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmi-make up. Ito kasi ang unang araw na tatapak siya sa Channel 26 para tuparin ang kondisyon na hinihingi ni Lance. Marahas na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Para tuloy gusto na niya itong pagtawanan. Ngunit, pagkaraan, pinagalitan niya ang sarili. Alam kasi niyang wala na itong magagawa para pigilan siya. Bukod sa hindi naman siya ang taong nagpapaawat kapa
JILLIAN Cordova. Kung dati ay plain lang na pangalan lang 'yan sa mga tao, ngayon ay masasabi niyang may malaking impact iyon sa mga tao lalo na sa mga kababayan niya dahil ang mga kuwentong isinusulat niya ay naging bestseller. Napangiti siya dahil naalala niyang nakatulong ang pagpu-promote niya na ginawa niya sa kanyang mga libro. Dahil doon ay mas dumami ang kanyang followers at may mga nagbibigay ng mga positive revew sa kanya. Ang sampung libro na nagawa niya sa loob ng limang taong paninirahan niya sa America ay naging bestseller. Hindi lang sa America kundi sa buong mundo, lalo naman dito sa Pilipinas. Mula kasi ng lumabas siya sa isang magazine sa New York at nalaman na isa siyang Pilipino, tumaas din ang sales nila sa Pilipinas. Naisip niyang kaya ganoon ay dahil gusto lang talaga ng kapwa Pilipino niya na siya suportahan. O maaari rin namang talagang nagandahan ito sa kanyang gawa. Ang mga istoryang naisulat na niya ay roman
"SO, anong gagawin ko rito?" nakahalukipkip na tanong ni Jillian kay Lance na wala yatang gagawin maghapon kundi ang titigan siya. Paulit-ulit niyang sinabi sa kanyang sarili na hindi siya dapat maapektuhan sa ginagawa nito sa kanya pero parang may sariling utak ang kanyang pakiramdam. Sobra siyang naapektuhan sa titig nito kahit sa ibang direksyon naman ang kanyang tingin. "Look at me," marahang sabi nito. Ayaw sana niya itong tingnan pero parang napakahirap gawin noon lalo pa't nakikiusap ang boses nito. At nang tingnan niya ito ay parang gusto niyang mapasinghap dahil hindi niya akalain na nasa likod na pala siya nito halos. Hindi lang niya namalayan ang paglapit nito dahil sa mabilis nitong pagkilos. Kunsabagay, talagang magiging mabilis ang pagkilos nito dahil nakaupo ito sa swivel chair. "Bakit ba kailangan pa kitang tingnan?" naiinis niyang tanong. Kahit tuloy gusto niyang makita ang magaganda nitong mga mata, matangos na ilong, mapupulang
AKALA ni Jillian ay tutunganga lang siya sa unang araw ng pag-i-stay niya sa Channel 26 pero alas-diez emedya ay nagpatawag ng meeting si Lance kasama ang Creative Department nito para mapagplanuhan daw ang nobela na kanyang isusulat. Game naman siya palagi basta pagsusulat kaya kahit pakiramdam niya'y binubuwisit siya ni Lance dahil wala siyang ginagawa ay ngumiti na lang siya. Ipinakita pa nga niya ritong nagiging excited siya. "Oh," bulalas niya pagpasok niya sa Conference Room. Hindi dahil sa nandoon na ang mga ka-meeting nila kundi dahil sa mga pagkain na nakahain. Buffet style iyon kaya naman biglang kumalam ang kanyang sikmura. Paano banab kasi, ang mga nakahain doon ay mga paborito niya -- kare-kare, lumpiyang shanghai, fried chicken, inihaw na isda at liempo. Mayroon pang kanin at fried rice. Ang inumin naman ay iced tea at coke. "Kumain muna tayo," wika naman ni Lance. Humakbang na ito palap
"I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura. Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita." Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. "Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. Matami
KUMUNOT ang noo ni Jillian pagkababa niya ng sasakyan, inihatid kasi siya ni Mark Wayne. Pakiramdam niya kasi ay may mga matang nagmamasid sa kanya kaya luminga-linga siya sa paligid. Nang wala naman siyang makitang nakatingin sa kanya, nagkibit na lang siya ng balikat. Malamang napa-paranoid lang siya. Ngunit, hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas-lakas pa rin ng kabog ng kanyang dibdib. Nang magsulat siya ng paranormal ay hindi na rin naging normal ang pakiramdam niya. May mga pagkakataon kasing bigla na lamang niyang kinakabahan at sa huli'y malalaman niyang may dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Maaaring may mapapahamak at sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y siya ang mapapahamak. "Okay ka lang ba?" Hindi niya inaasahan na may magsasalita sa kanyang harapan kaya naman napatili siya. Nakayuko pa siya habang mabilis na naglalakad kaya naman bumalibag siya sa matigas na bagay. Mabuti na lang ay bago pa man siya tumals
"NICE meeting you," matabang na sabi ni Jillian sa babaeng nagpakilalang Bianca Francisco. Kahit kasi nakangiti ito sa kanya ay hindi pa rin makuhang makampante ng kanyang kalooban. Pakiwari niya kasi ay may kung anong gagawin ito. Gayunman, hindi naman siya duwag kaya kahit na matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ngayon ay hindi rin siya nagbaba ng tingin. "Sana nga maging nice tayo palagi sa isa't isa." Nakaingos na sabi nito sa kanya tapos tinaasan pa siya ng kilay. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit naman parang may pagbabanta akong naaaninag sa boses mo?" matapang niyang tanong dito Ang naglalarong ngiti sa labi ni Bianca Francisco ay biglang naglaho. Sigurado siyang hindi nito inasahan na magtatanong siya ng ganoon. Sa palagay niya kasi ay ito ang tipo ng taong palagi na ipinapadama sa iba kung gaano kalaki ang lamang nito at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na nagpapatakot sa kung sino lalo na't wala naman siyang masaman