Share

Chapter Thirty One

SA limang taong pagsasama nila ni Jillian ay ginawa niya talaga ang lahat para maging karapat-dapat siya sa pag-ibig nito kaya naman kahit asawa na niya ito, sinikap pa rin niyang magpaka-gentleman. Alam kasi niyang noong panahon na iyon ay masyado pang sariwa sa alaala nito si Lance kaya't kahit na igiit niya kay Jillian ang kanyang karapatan, hindi naman siya masisiyahan dahil alam niyang ibang lalaki pa rin ang maiisip nito at siyempre, ayaw niya ng ganoon. Ang nais niya kapag kinuha niya ang kanyang karapatan ay walang ibang makikita si Jillian kundi siya. 

Sa kaisipang iyon ay parang gusto niyang magtawa, talaga nga bang 'makukuha' niya si Jillian gayung alam naman niyang nawalan na ng silbi ang kanyang pagkalalaki mula nu'ng maaksidente siya?

Nang sabihin ng unang doktor na tumingin sa kanya na nawalan na ng silbi ang kanyang pagkalalaki ay inisip na niya agad na wala na siyang karapatang magkapamilya. Hindi na rin niya kayang paniwalaan ang sinabi ng iban

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status