Share

Chapter 18

Author: purplepink
last update Last Updated: 2025-08-14 17:27:14

Pinanood ko lang sina Troy at Solenn habang papalapit sila sa host. Mukhang masaya na siya. I even saw his genuine smile… that once mine.

Why? Bakit ka nawala, Troy? Hinawakan naman kita nang mahigpit, ah. Kahit anong pagsubok na dumating sa’tin hindi ako bumitaw. Bakit ikaw… gano’n mo lang ako kadali bitawan?

Marami akong tanong sa kaniya. Gusto kong marinig ang explanation niya… kung mayroon man. Pero sa tingin ko hindi ko na maririnig pa ang explanation na hinahanap ko.

“Bakit bigla mo na lang akong iniwan sa ere?” mahina kong bulong habang nakatingin sa kaniya, na alam kong iniiwasan din ako.

Alam kong nakita niya ako pero nagbulag-bulagan siya na para bang hindi niya ako nakilala at isang stranger na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa akong papansinin niya ako. I’m so pathetic.

Pero kasi hindi naging maayos ang huling beses na nagkita kami, nag-away pa kami ni Solenn noon at hindi ko siya pinansin. Dahil ayoko pang marinig ang side niya.

Sana…

sana, nilingon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 18

    Pinanood ko lang sina Troy at Solenn habang papalapit sila sa host. Mukhang masaya na siya. I even saw his genuine smile… that once mine.Why? Bakit ka nawala, Troy? Hinawakan naman kita nang mahigpit, ah. Kahit anong pagsubok na dumating sa’tin hindi ako bumitaw. Bakit ikaw… gano’n mo lang ako kadali bitawan?Marami akong tanong sa kaniya. Gusto kong marinig ang explanation niya… kung mayroon man. Pero sa tingin ko hindi ko na maririnig pa ang explanation na hinahanap ko.“Bakit bigla mo na lang akong iniwan sa ere?” mahina kong bulong habang nakatingin sa kaniya, na alam kong iniiwasan din ako.Alam kong nakita niya ako pero nagbulag-bulagan siya na para bang hindi niya ako nakilala at isang stranger na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa akong papansinin niya ako. I’m so pathetic.Pero kasi hindi naging maayos ang huling beses na nagkita kami, nag-away pa kami ni Solenn noon at hindi ko siya pinansin. Dahil ayoko pang marinig ang side niya.Sana… sana, nilingon

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 17

    “Seriously, nag-away talaga kayo ni Ma'am Veronique sa school? ‘Buti walang nakakita sa inyo na staff do’n? Baka na-suspend ka pa ng wala sa oras,” bulalas ni Saffie after ko ikuwento sa kaniya ang mga nangyari kanina.Mabuti na lang at dumating si Kael, kun’di baka hindi pa ako nakauwi ngayon. At mabuti lang din na may nakalimutan siya sa school kaya naabutan niya kami ni Veronique na nagrarambulan.Confident pa si Veronique kanina na siya ang kakampihan ng ex niya, umasa siya sa wala. Believe na talaga ako sa acting skills ni Kael, dineadma ang pinakamamahal niyang ex. Lalo tuloy na-broken si Veronique.“Eh, ayaw ako tantanan ni Veronique, eh. Alam mo bang may group project tayo tapos ang napunta sa'kin na members ay puro sakit ng ulo? Sinadya niyang sila ang matira para wala na akong choice. Mabuti na lang at absent ka, kaya magiging magkagrupo tayo.”“Don't tell me, sa’tin napunta ‘yong four freaks na ‘yon?”“Hindi ka nagkakamali,” sagot ko at tumawa, ‘yong tawa na hindi ko alam k

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 16

    Around 5 pm, umalis si Kael dahil may meeting daw siyang pupuntahan. Ako naman ang nagtaka dahil alas singko na ng hapon tapos magpapa-meeting pa siya? Eh, nakauwi na ‘yong ibang employees ng mga oras na ‘yan. Okay pa kaya siya? “Whatever. Buhay niya ‘yan.” Bumaba ako ng rooftop, dala-dala ang iced coffee boba ko, nakasukbit naman sa balikat ko ang backpack na may isang string. Astig na astig si Saffie sa bag kong ‘to pero ‘pag sinabihan ko naman na bumili, ayaw niya naman. Trip lang talaga niya ‘yong bag. Madilim na sa labas dahil malapit na mag-ala sais. Kaunti na lang ang mga students na nakikita kong pagala-gala sa mga corridor at sa quadrangle. Karamihan sa kanila may evening classes pa, mayroon namang trip lang magpagabi. 9pm ang curfew sa Valerio dahil may mga nakatira sa mga dormitory, kaya sa mga oras na ‘to sa galaan pa ang ibang nagdo-dorm. Speaking of the dormitory, gusto kong lumipat doon pero hindi ako pinayagan ng parents ni Saffie. Hindi raw safe para sa’kin. Mas m

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 15

    “Calla, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Miss Rodrigo. Lumabas lang siya ng room dahil may kukunin,” sabi sa'kin ni Sandy, ang seatmate ko.Mabilis kong sinabit ang bag ko sa upuan at umupo. Kakagising ko lang dahil nakatulog ako kanina sa Solaria. At ngayon late ako sa subject ni Veronique. Baka i-detention na naman niya ako.“Bakit niya ako hinahanap?” bulong ko kay Sandy na abala sa papel. May sinusulat siya na kung ano. Wala naman akong maalala na may assignment kay Veronique.“Hindi ko alam. Pero parang nambabanta siya kanina.”Imbes na matakot ako ay natawa na lang ako kay Sandy. Obvious naman kung saan nanggagaling ang inis sa'kin ni Veronique. Let's see kung anong gagawin niya sa’kin.“As I was saying…”Dumako ang tingin ni Veronique sa’kin at tinaasan ako ng kilay, pero nginitian ko lang para lalo siyang mainis. Inirapan niya naman ako kaya napayuko ako para tumawa nang mahina.“I will be giving you a project. Remember that that will be your final output in your fina

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 14

    Nakayuko akong pumasok ng gate dahil iba ang ini-expect kong haharapin pagdating ng school. Nagsuot din ako ng eye glass at naglagay ng fake bangs para hindi nila ako makilala o mapansin. I’m not a popular student sa Valerio pero dahil sa nangyari tiyak kong mag-iiba ang takbo ng buhay ko lalo na sa school.“Grabe ‘yong Calla na kapatid ni Yvonne, pinahiya ba naman ang pamilya sa harap ng mga tao.”“Hindi naman natin masisi si Calla, matapos ng pinagdaanan niya sa mga Navarro, tatahimik na lang ba siya sa tabi? Isa pa, nadawit ‘yong mama niya.”“Pero nakaka-shock na siya pala ang girlfriend ni Mr. Kael.”“‘Di kaya fake dating lang? I mean, nag-apply siya dati sa Alera diba?”“Pero hindi naman daw siya napili.”“Baka habang iniinterview ni Mr. Kael si Calla ay na-fall ito.”Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil nakita kong papalapit si Yvonne, kaya naman ay dali-dali akong nagtago sa likod ng puno. Dapat ko siyang iwasan ngayon para hindi lalong lumaki ang away namin. Nak

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 13

    “Are you okay?” tanong ni Kael nang huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay nina Saffie.Matapos ang eskandalong nangyari kanina ay nilayo ako ni Kael para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi kaagad kami umuwi, dinala niya ako sa lugar na kita ang buong city. Kahit papaano ay nakalimutan ko saglit ang mga nangyari. Pagkatapos no'n ay inuwi niya rin ako dahil nagsabi ako na inaantok na ako.“I think so,” walang ganang sabi ko.Bukod sa wala na akong energy, ay inaantok na talaga ako.“Umakyat ka na, matulog ka na.”“Thank you, Kael,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.“You did great, Calla. Paniwalang-paniwala ang family ko na girlfriend kita. At dahil diyan, ibibigay ko na kaagad ang allowance mo.”Kumislap naman bigla ang mga mata ko sa narinig at umayos ng upo. Bakit ang bait niya ngayon sa’kin?“Easy, easy, you look excited,” sabi niya na natatawa ng kaunti.Eh, kasi naman, malapit ko na maubos ‘yong laman ng alkansya ko. ‘Di ko rin naman ma-withdraw ‘yong savings ko dahil pina-freeze ni d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status