Share

Chapter 10

Author: purplepink
last update Last Updated: 2025-07-30 16:08:44

Alas siyete y medya nasa taxi pa ako, nahirapan ako kanina makasakay do’n sa parlor kasi palaging puno ‘yong dumadaan. Ayoko namang sumakay ng bus o van dahil masisira ang ayos ko.

“Kuya, puwede po pakibilisan? Male-late na kasi ako,” pakiusap ko sa driver, ngumiti lang ito at bumilis nang kaunti ang takbo ng sasakyan.

Pabalik-balik ang tingin ko sa phone dahil nag-chat sa'kin si Saffie at hinahanap na niya ako. Pahamak naman kasi ‘tong si Kael, kung hindi niya ako dinala sa parlor na ‘yon, baka nasa school na rin ako ngayon kasama si Saffie.

“Lagot sa'kin ‘yang Kael ‘pag na-late ako.”

After 20 minutes, narating na namin ang main gate ng Valerio, maraming students ang galing pa sa labas kaya siguradong hindi pa nagsisimula ang event.

“Thank you po, kuya. Keep the change na lang po. Ingat!” sabi ko na nagmamadaling lumabas ng taxi.

Bago ako pumasok, inayos ko muna ang sarili ko, chineck kung may pawis na ako at kung haggard na ako. Napangiti naman ako nang makita ang sarili sa camera n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 15

    “Calla, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Miss Rodrigo. Lumabas lang siya ng room dahil may kukunin,” sabi sa'kin ni Sandy, ang seatmate ko.Mabilis kong sinabit ang bag ko sa upuan at umupo. Kakagising ko lang dahil nakatulog ako kanina sa Solaria. At ngayon late ako sa subject ni Veronique. Baka i-detention na naman niya ako.“Bakit niya ako hinahanap?” bulong ko kay Sandy na abala sa papel. May sinusulat siya na kung ano. Wala naman akong maalala na may assignment kay Veronique.“Hindi ko alam. Pero parang nambabanta siya kanina.”Imbes na matakot ako ay natawa na lang ako kay Sandy. Obvious naman kung saan nanggagaling ang inis sa'kin ni Veronique. Let's see kung anong gagawin niya sa’kin.“As I was saying…”Dumako ang tingin ni Veronique sa’kin at tinaasan ako ng kilay, pero nginitian ko lang para lalo siyang mainis. Inirapan niya naman ako kaya napayuko ako para tumawa nang mahina.“I will be giving you a project. Remember that that will be your final output in your fina

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 14

    Nakayuko akong pumasok ng gate dahil iba ang ini-expect kong haharapin pagdating ng school. Nagsuot din ako ng eye glass at naglagay ng fake bangs para hindi nila ako makilala o mapansin. I’m not a popular student sa Valerio pero dahil sa nangyari tiyak kong mag-iiba ang takbo ng buhay ko lalo na sa school.“Grabe ‘yong Calla na kapatid ni Yvonne, pinahiya ba naman ang pamilya sa harap ng mga tao.”“Hindi naman natin masisi si Calla, matapos ng pinagdaanan niya sa mga Navarro, tatahimik na lang ba siya sa tabi? Isa pa, nadawit ‘yong mama niya.”“Pero nakaka-shock na siya pala ang girlfriend ni Mr. Kael.”“‘Di kaya fake dating lang? I mean, nag-apply siya dati sa Alera diba?”“Pero hindi naman daw siya napili.”“Baka habang iniinterview ni Mr. Kael si Calla ay na-fall ito.”Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil nakita kong papalapit si Yvonne, kaya naman ay dali-dali akong nagtago sa likod ng puno. Dapat ko siyang iwasan ngayon para hindi lalong lumaki ang away namin. Nak

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 13

    “Are you okay?” tanong ni Kael nang huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay nina Saffie.Matapos ang eskandalong nangyari kanina ay nilayo ako ni Kael para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi kaagad kami umuwi, dinala niya ako sa lugar na kita ang buong city. Kahit papaano ay nakalimutan ko saglit ang mga nangyari. Pagkatapos no'n ay inuwi niya rin ako dahil nagsabi ako na inaantok na ako.“I think so,” walang ganang sabi ko.Bukod sa wala na akong energy, ay inaantok na talaga ako.“Umakyat ka na, matulog ka na.”“Thank you, Kael,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.“You did great, Calla. Paniwalang-paniwala ang family ko na girlfriend kita. At dahil diyan, ibibigay ko na kaagad ang allowance mo.”Kumislap naman bigla ang mga mata ko sa narinig at umayos ng upo. Bakit ang bait niya ngayon sa’kin?“Easy, easy, you look excited,” sabi niya na natatawa ng kaunti.Eh, kasi naman, malapit ko na maubos ‘yong laman ng alkansya ko. ‘Di ko rin naman ma-withdraw ‘yong savings ko dahil pina-freeze ni d

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 12

    Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lahat ng tao ay nakatingin na sa’kin, maraming nakatutok na phone sa akin dahil kinukunan nila ako ng litrato at video. Ginawa kong harang sa mukha ko ang kamay ko para hindi nila makunan ng picture ang mukha ko.“Ate Calla, hindi ko sinasadya, tinulak mo rin ako. ‘Wag kang magalit sa’kin,” naiiyak na sabi ni Yvonne, narinig ko namang naaawa ang iba sa kaniya, kaya nginisian niya ako ng patago.Napakuyom ako ng mga kamay dahil sa inis kay Yvonne. Siya na nga ang tumulak sa’kin para mapahiya ako, siya pa ngayon ang lumalabas na kawawa.“What the hell, Yvonne? Ikaw kaya ang tumulak sa’kin. Kung tinulak kita dapat hindi ka na nakatayo diyan.”“‘Wag ka nang magsinungaling, Ate Calla, please, aminin mo na.”“Ikaw ang umamin, hindi ako dahil wala naman akong aaminin.”“You’re a liar, Ate Calla.”“What’s goin' on here?” tanong ng lalaking nasa mid 50s na.Maamo ang mukha niya at kung titingnan ay siya ang tipo na hindi agad manghuhusga ng tao, lalo na

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 11

    Nanatiling kay Kael ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Na-shocked ang sistema ko.Bakit niya ako hinintay? Alam kong for the clout lang ang mayroon kami. Bakit pakiramdam ko he meant it na hinintay niya talaga ako?His cold eyes turned into a circle of fire, not too hot, just warm, making me feel unsure of what was going on. Bakit ba ‘pag nagpapanggap ganito dapat? Yes, we must take care of our contract, but it doesn’t mean that we should be concerned with each other. Labas na do’n kung ano ang mararamdaman namin.He crossed the line a bit.“Pumunta naman ako, Mr. Kael, na-late lang ako dahil nahirapan ako makasakay ng taxi,” pagsisinungaling ko. Pero may part naman do’n na totoo, muntik naman talaga ako ma-l

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 10

    Alas siyete y medya nasa taxi pa ako, nahirapan ako kanina makasakay do’n sa parlor kasi palaging puno ‘yong dumadaan. Ayoko namang sumakay ng bus o van dahil masisira ang ayos ko.“Kuya, puwede po pakibilisan? Male-late na kasi ako,” pakiusap ko sa driver, ngumiti lang ito at bumilis nang kaunti ang takbo ng sasakyan.Pabalik-balik ang tingin ko sa phone dahil nag-chat sa'kin si Saffie at hinahanap na niya ako. Pahamak naman kasi ‘tong si Kael, kung hindi niya ako dinala sa parlor na ‘yon, baka nasa school na rin ako ngayon kasama si Saffie.“Lagot sa'kin ‘yang Kael ‘pag na-late ako.”After 20 minutes, narating na namin ang main gate ng Valerio, maraming students ang galing pa sa labas kaya siguradong hindi pa nagsisimula ang event.“Thank you po, kuya. Keep the change na lang po. Ingat!” sabi ko na nagmamadaling lumabas ng taxi.Bago ako pumasok, inayos ko muna ang sarili ko, chineck kung may pawis na ako at kung haggard na ako. Napangiti naman ako nang makita ang sarili sa camera n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status