Inilibot ni Naomi ang paningin niya sa loob ng kwarto ng sandaling makapasok sila.
Malinis na ang kwarto kumpara kanina. Wala nang mababakas na pagyugyugan ng dalawa. Muling tumingin si Naomi kay Mara, na ngayon ay inihahanda na ang mga gagamitin nito.
Dinapuan ng kaba si Naomi nang makita niyang may inilabas na panturok ang doktora.
“Ito na ba ang katapusan ko? Shit, Naomi! Sinasabi ko naman sa'yo na huwag kang uminom ng alak! Oh my, marami pa akong pangarap, gusto ko rin naman magka-anak. Alam ko naman, Lord, na natupad na ang isa kong kahilingan na makatikim ng sex, pero huwag muna! Gusto ko pa maulit 'yon, wala akong matandaan!” bulong ni Naomi.
Umayos siya ng tayo nang makita niyang papalapit sa gawi niya si Mara habang nakangiti.
“Maupo ka, wala naman akong ibang gagawin sa’yo maliban sa lalagyan ko ng ointment yang nasa leeg mo, huwag kang matakot,” natatawa na saad sa kanya nito.
Nakahinga naman ng maluwag si Naomi. Nagsimula na ngang e-check siya ni Mara. Paminsan-minsan ay nakatitig pa sa kanya ang doktora, kaya medyo naiilang siya.
“Masyado atang agresibo si Lemuel. Hindi pa nga kayo kasal, pinanggigilan ka na,” natatawang ani muli ng doktora sa harap ni Naomi, na ngayon ay namumula na.
“Nako, dok. Anong kasal naman ang pinagsasabi mo? Hindi ko nga 'yon boyfriend,”
“Gusto mo bang sabihin ko na ligawan ka niya?”
“Ha? Hindi ganon ang ibig sabihin ko, dok. At isa pa, hindi namin gusto ang isa't isa.” diretsang saad ni Naomi.
“Ganon ba? Bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?” panunukso pa sa kanya ng doktora kaya sinamaan niya ito ng tingin at hindi na muling nagsalita.
Linagyan na ng ointment ang kiss mark na nasa leeg niya.
Ngunit ang akala niya na tapos na sila ay mukhang nagkakamali siya, dahil iniabot ni Mara ang panturok at muling humarap sa kanya, na ikinalayo niya.
“Anong gagawin mo? Para saan yan? Akala ko ba ointment lang?”
Nakita niya kung paano humagalpak ang doctor dahil sa sinabi niya.
“Ano ka ba, pampalakas lang ‘to. Bilin kasi ni Lemuel na kailangan mo raw ng lakas. Iniisip mo bang papatayin kita, gamit ‘to? Nako, huwag kang mag-alala. Takot ko nalang kay Lemuel kapag nasaktan ka sa kahit paanong paraan, iba magalit ang mapapangasawa mo,”
“Ayan ka na naman, dok. E! Sinabi ko naman sa’yo na empleyado niya lang ako!”
“Pero may nangyari na sa inyo?”
“Normal naman na siguro sa kanya 'yon, baka nga pati sa’yo, dahil baka ganito palagi ang ginagawa niya sa tuwing may makatalik siya,” sunod-sunod naman ang pag-iling sa kanya ni Mara.
“You’re wrong. Ikaw pa nga lang ang babaeng nadala niya rito, want kasi sa akin na doctor nila ay wala na. At ikaw pa lang din ang naikama niya,” pilyong ngiti ang iginawad sa kanya ng doctor at tuluyan ng itinurok sa kanya ang karayom.
Walang maramdaman na sakit si Naomi, kahihiyan marami. Masyado siyang nahihiya para sa sarili niya at masyadong maraming katanungan ang namumuo sa isipan niya.
Kung totoo nga bang wala pang naikama ang boss niya at siya pa lang, o sadyang masyado lang takot si Mara, ang family doctor niya, para hindi aminin ang totoo.
“Tama, ganon siguro yun. Sino ba naman kasing hindi matatakot sa lalaking ‘yon? Awra pa lang, scary na!” usal niya sa kanyang sarili.
Nang matapos, ay naunang lumabas si Naomi. Nadatnan niya ron ang personal assistant ng boss niya na si Franco, na bagot na bagot na nakapamulsa habang nakatayo.
Iginala pa ni Naomi ang kanyang mata, umaasang makikita niya ang boss niya, ngunit nadismaya siya.
“Oh, hey, Franco. What are you doing here?” tanong ni Mara nang makalabas ito ng kwarto, dumako ang tingin ni Franco kay Naomi na ngayon ay nakasimangot na.
“Ibinilin sakin to ni boss,” turo sa kanya ni Franco. “Ikaw, anong ginagawa mo dito?” Muling tanong ni Franco sa doktor na katabi niya.
“Ganon rin, ibinilin sa'kin ni Lemuel si Naomi na empleyado niya lang na gamutin siya," nakangising sagot naman ni Mara, na ikina kunot noo ni Naomi.
“Mauuna na ako sa inyo ha, inaantok na ako,” pagpapaalam na ni Naomi sa dalawa dahil hindi na niya maasiwa ang mga pinagsasabi nito.
“Ha? Hindi pwede! Bilin sakin ni boss na ihatid ka sa bahay niyo ng safe at walang galos, dahil kung hindi, ako ang malalagot,”
Bumuga ng hangin si Naomi sa mga narinig niya. Hindi niya na maintindihan ang mga nangyayari. At kung nasaan na ba ang boss niyang nyebe.
“Wala na si boss. Pumunta na siya sa kompanya, omdat may meeting pa siya. Tinawagan niya lang ako para ihatid ka sa apartment mo,” paliwanag ni Franco, nang mapansin nito ang nagtatanong na expression ni Naomi.
Si Franco Mauler ang ka-isa-isang taong pinagkakatiwalaan ni Lemuel, kaya ito ang napili niyang personal assistant, kahit sabay pa sila ni Naomi na mag-apply.
Wala nang magawa si Naomi nang mauna na si Franco sa labas at sumunod naman si Mara, kaya naman sumunod na rin siya dito kesa magpaiwan pa siya.
Nang makalabas sila ng condo, nakita niya pa kung paano maging aligaga si Franco na pag buksan ang backseat.
“Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Naomi.
“Obvious, ba? Edi pinagbubuksan ka ng pinto.”
“Alam ko! What I mean is, bakit mo ginagawa ‘to? Kaya ko naman pagbuksan ang sarili ko.”
“Hindi pwede. Utos ‘to ni boss, huwag ka nang makulit. Pumasok ka na.”
At sa huli, walang nagawa si Naomi kung hindi pumasok na lang sa loob ng kotse.