Share

Kabanata 2

Author: WavesofIm
last update Last Updated: 2025-07-10 23:20:05

Habang busy ang lalaking nasa harapan ni Naomi, ay malaya niya itong napag-mamasdan. Napangiwi pa siya nang muli niyang maramdaman ang sakit sa pagitan ng hita niya.

“Parang nabangga ako sa pader, apaka tigas kasi ng mukha nitong kaharap ko para pahapdiin ‘tong Bataan ko,”

Napabuga pa ng hangin si Naomi. Hindi lubos maisip kung paano nangyaring naririto siya sa condo ng kanyang nyebeng boss.

Hindi rin niya lubos maisip na kagaya niya ay hindi marunong kumilala ang boss niya sa sobrang kalasingan.

“Done staring at me?” napabalikwas siya sa sinabi ng boss niya.

“Ha?”

“Kanina ka pa nakatitig, kung ice cream lang ako, malamang kanina pa ako tunaw sa mga titig mo,”

Napanganga si Naomi sa sinabe ng kanyang boss. Hindi niga aakalaing may corny side din pala na itinatago ang boss niya.

“Korni mo rin pala, sir, ano?” biro nito sa lalaking kaharap niya.

“Sometimes. Hindi mo ba type ang corny na lalaki?”

“Hindi sir, ang panget tignan niyan.”

“Okay.”

Ngunit napaisip si Naomi bigla. Nais ba kayang panatilihin ng kanyang boss ang maganda nitong reputasyon kung sakaling magbunga ang nangyari sa kanila? Napailing muli ang dalaga. Hindi na niya kailangan isipin; malamang sa malamang abortion ang isa-suggest sa kanya ng lalaki.

Makalipas ang labing-limang minuto ay nakita ni Naomi kung paano mag-stretch ang lalaking nasa harapan niya matapos isarado ang laptop nito. Hudyat 'yun na tapos na ang meeting nito.

“Ouch,” pagdaing ni Naomi ng akmang tatayo siya.

“I'm sorry, I didn't know it was your first time. So, I was a little too strong.”

Kahit walang banggitin ang boss niya, ay alam na nito ang tinutukoy. At kahit sa ganon ka-awkward na sitwasyon ay hindi pa rin nagbago ang pananalita ng boses ng kanyang boss, maging ang expression nito. Wala paring kwenta para kay Naomi.

“Ehem," pekeng ubo ni Naomi, dahil hindi niya alam pa ang isasagot sa nakakahiyang pinagsasabi ng kanyang boss.

“Lintik na lalaking ‘to, hindi na lang natikom ang bibig! Talagang babanggitin niya pa ang nangyari sa amin kagabi, kung kailan nag-e-enjoy ako sa pagkain ko? Unbelievable!” bulong ni Naomi.

“What was that?” takang tanong sa kanya ni Lemuel.

“Wala, sir,” sagot ng dalaga.

“By the way, our family doctor will be here soon. "Just wait before you go."

Tinaasan naman ng kilay ni Naomi si Lemuel, na ngayon ay nakatitig na sa kanya.

“Ano naman ang kinalaman ko sa doctor niyo?” takang tanong ni Naomi.

“Kailangan ka niyang e-check up,” mabilis na sagot ni Lemuel.

“For what? Oh my!” natuptop ni Naomi ang bibig niya habang pinandilatan ng mata ang binata sa harap niya na nakataas na ang kilay. “Kung iniisip mo na makakabuo tayo, ay huwag! Hinding-hindi mangyayari 'yun! Huwag kang mag-alala, hindi naman ganun kadali 'yun. Trust me, sir.” dugtong pa ng dalaga.

“Ano? Hindi yun ang inaalala ko, ikaw mismo Ms. Manzon?”

“Bakit naman?” tanong ni Naomi.

Pero wala siyang nakuhang sagot galing sa lalaki.Ngunit muling napadilat ng mata si Naomi dahil sa naisip niya.

“Ah, gets! Inaalala mo ako kasi ako ang mag da-dalang tao, right? Don't worry, wala pa sa plano ko na mabuntis kaya kung may maramdaman man ako na kakaiba, matic alam ko naman na ang gagawin,” naka-pamewang pang saad ni Naomi habang nakatingala sa binata.

Masyadong matangkad ang boss niya para sa tulad niyang nasa 5’3 lang ang height.Kailangan nya pang tingalain ito sa tuwing kakausapin niya ang binata.

“What the heck? Hindi iyon ang pinupunto ko! At wala rin akong pakialam kung mabuntis kita. Ang inaalala ko lang ay baka hindi ka makapasok sa trabaho dahil baka nabali kita o kung ano pa man.” Laglag-panga ang dalaga sa mga narinig niya.

Hindi siya makapaniwala; akala niya kung ano na ang ikinaka-alala ng boss niya.

“Grabe! Ang sama pala talaga ng pag-uugali mo, ano? Ako na ang napag-samantalahan, ako pa ang ma-a-agrabyado! Ts, puro pera ang nasa utak, kasehodang mayaman na nga!”

Inis na inis na si Naomi, at akmang aalis na siya nang pigilan siya ng boss niya.

“What? Napag-samantalahan? Are you sure? Gusto mo bang ikwento ko kung paano ka magmakaawa na halikan at ipasok ko ito sa’yo? Unbelievable, woman! But it's okay, I love the way you begged me. It's hot.”

At sa pangalawang pagkakataon, gusto muling magpalamon ni Naomi sa kinatatayuan niya dahil sa mga narinig niya. Hiyang-hiya ang nararamdaman niya ngayon.

“H-huwag ka ngang gumawa ng kwento! Story maker ka rin, ano!” hirit pa ni Naomi.

“Wew, grabe naman sa maka-story maker. Dapat ba nag-video ako? Hays, grabe ka naman sa pangtatanggi! Hindi ba ako ganun kagaling? Sayang. Gusto mo bang ulitin natin? Tutal, gusto ko rin naman marinig muli ang uma-alingaw-ngaw mong ungol habang tinatawag ang pangalan ko,”

“Ha? Talaga lang ha? So anong pinapalabas mo? Na gusto kita? Never!” sigaw pa ni Naomi.

“Wow, grabe naman makatanggi sa’kin. Medyo nasaktan ako, pero okay lang. Kung maaalala mo lang ang nangyari kagabi, edi sana lubog ka na dyan sa kinauupuan mo. Next time, huwag iinom ng hindi kaya, ha? Nakakaawa ka. Wala kang maalala, ka," pang-aasar sa kanya ng boss niya.

Hindi alam ni Naomi kung saan na malapit, sapagkat ang mga sinabi ng kanyang boss ay nakapag-pahina sa dalaga. Hindi siya makapaniwala na manghihina siya dahil sa mga sinabi ng binata sa kanya.

“Senyorito, narito na po si Doc. Mara.”

Laking pasasalamat ni Naomi ang pagdating ng doctor. Kahit hindi mawala ang panghihina niya, nailigtas parin siya nito sa boss niya.

Napa-ismir si Naomi nang makita kung paano humalik sa pisngi ni Lemuel ang doktora na nasa harapan niya.

“It’s nice to see you again, Lemuel. Who's this?”

Nakita ni Naomi kung paano siya sipatin ng tingin ng doktorang nasa harap niya.

“My employee. Please take care of her, she's a hard-headed one,” ani ni Lemuel sa doktora at tumingin sa gawi ni Naomi, nakapamewang na.

“Wow, kagaya mo ba? ”Nakangising saad pa ng doktora kay Lemuel.

“Nope. Mas malala ang isang yan,”

Hindi makapaniwala si Naomi na pag-uusapan na nga lang siya at sa harap niya pa mismo.

“Ano ‘to? Front stabb? Anak nang!” bulong niya sa kanyang sarili.

“Let’s go, Honey.” pag-aya sa kanya ni Mara, ang family doctor ng kanyang boss, papunta sa loob ng kwarto.

Samantala, naiwan naman si Lemuel sa sala na ngayon ay napapahilot ng sintido.

“What a hard-headed woman!” usal niya.

“Sino? Si Naomi?” singit naman ng personal assistant niyang si Franco, na kaka-pasok lang.

“Nanggugulat ka naman!” sigaw ni Lemuel sa PA niya.

“Masyado kasing occupied ang utak mo, boss. Sinong nariyan? Si, Naomi? Na naka one night stand mo na medyo lubog, ano?”

“One night stand na ano, Franco?”

“Boss naman, kahit hindi mo sabihin sakin malalaman at malalaman ko rin,”

“How?” nakataas kilay na tanong ni Lemuel.

“Bukod sa chissmiss ng mga ka susyo mo at empleyado mo e nasa leeg mo mismo ang proweba, hays akala ko pa naman fake news ang pinagkakalat nila. Totoo pala.”

Napabuga ng hangin si Lemuel sa mga narinig niya mula kay Franco. Hindi niya lubos maisip na kakalat agad ang kiss mark na nakita ng mga ka meeting niya.

“Huwag mo lang idadaldal kung sino ang may gawa nito, Franco. Maliwanag?”

“Maliwanag pa sa mukha mong blooming, boss. Kaso nga lang ay lubog pa rin.”

“What? Hindi kita maintindihan, Franco!”

“I mean, naka-one night stand mo lang, pero in love na ang datingan mo? Nay! Natutunaw na ba ang niyebe?”

“Shut up, kailangan mo siyang ihatid sa tinitirhan niya after siyang macheck ni Mara. Huwag na huwag mong hahayaang may dumikit diyan, at kung pwedeng hanapin mo ang Aaron na 'yan,” bilin pa ni Lemuel.

“Ha? Andami naman niyan, boss!” pagreklamo ni Franco kay Lemuel.

“Gagawin mo o mawawalan ka ng trabaho?” mariing tanong ni Lemuel habang nag-aayos ng sarili.

“Per-” naputol ang sasabihin ni Franco nang muling magsalita si Lemuel, na ngayon ay bihis na bihis na.

“No more pero, aalis na ako. Ikaw na ang bahala sa kanya, ihatid mo siya ng maayos, walang galos, dahil kung hindi, ikaw ang malalagot sakin..”pagbabanta nito sa personal assistant niyang si Franco.

Nang makapasok sa kotse si Lemuel, ay muli niyang inalala ang nangyari sa kanila ni Naomi kagabi. Napangiti pa siya nang sumagi pa sa isip niya ang pagsusungit ng dalaga.

Kahit anong sungit sa kanya ni Naomi ay hindi niya magawang magalit; bagkus, natutuwa pa siyang makita ang masama nitong tingin at galit nitong mukha ng dalaga. Inalala pa ni Lemuel ang kabuuan ni Naomi. Masyadong maganda ang dalaga, mala-porselana ang mga kutis nito at mapulang-mapula ang mga labi nito na pinanggigilan kagabi ni Lemuel.

Tila yata mababaliw ang binata sa tuwing iniisip niya si Naomi. Nawawala siya sa wisyo kaya naman iwinaglit niya muna sa isipan ang dalaga at nagsimula nang mag-drive.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 74

    Nang magising si Naomi, tumambad sa kanya ang puting kisame at malamlam na ilaw galing dito. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid nang mapagtanto niyang nasa hospital siya at nakahiga sa isang single bed. Bigla siyang dinapuan ng kaba.“A-Anong nangyari sa'kin? ” tanong niya sa kanyang sarili

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 73

    “Anong ibig mong sabihin? ” nagtataka na tanong ni Lemuel sa Lolo niya.“Gusto nila akong patayin, Lemuel. Gusto nila akong patayin dahil hawak ko ang ebidensya na kayang makapag pabagsak sa kanila, hawak ko ang lahat ng baho ng organisasyon, at isang click ko lang sabog ang hideout nila.” Tinititi

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 72

    “What do you want? ” malamig na tanong ni Lemuel kay Rendon.“Ganyan ka bumati sa lolo mo? Where's your manner, apo? ” sarkastikong sagot naman ni Rendon kay Lemuel. Peke naman na tumawa si Lemuel dito at humarap kay Rendon.“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil busy ako ngayon,” matigas na sa

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 71

    “Shit, Naomi. Wake up! ” Niyugyog ni Lemuel ang balikat ni Naomi ngunit nang wala pa rin itong response nagpasya na syang buhatin at dalhin sa hospital.Mababakas naman ang gulat sa mukha ni Miren sa biglang pagsulpot ni Lemuel out of nowhere, at mas nagulat siya nang makita niyang walang malay ang

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 70

    “Are you sure this is the exact location? ” tanong ni Lemuel kay Franco ng makarating sila sa resort.“Yes, boss, si Miren mismo ang nag-share ng location sa'kin,” sagot naman ni Franco na palinga-linga at nagbabakasakali na mahagilap niya si Miren at Naomi.“Call her,” utos ni Lemuel.“Maglakad-lak

  • My Billionaire Boss’ Obsession: He Craves Me!   Kabanata 69

    “Hindi a, hula ko lang. Baliw na baliw yun sa'yo, halata naman kung makatitig nga sayo akala mo ikaw na ang pinakamaganda sa lahat. Hello, mas maganda ako sa'yo, Naomi! ” sabi pa ni Miren at may kasamang paghampas sa balikat ni Naomi.“Mas maganda ka? Pero bakit ilang beses kang niloko? ” nakataas k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status