LOGINNagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.
Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.
Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.
Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.
Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng buong mansyon. Halos lahat ng empleyado ay may ginagawa na. May mga naglilinis ng mga bintana, may mga nag-aayos ng hardin sa labas, at may ilan namang nagdadala ng mga kahon sa kabilang bahagi ng bahay. Nakakapanibago dahil ngayon lang ako nakapagtrabaho sa ganito kayaman na amo.
May ilang empleyadong sumisilip sa akin habang naglalakad ako. May iba namang mabilis na nagbubulungan bago umiwas ng tingin nang mapansin akong nakatingin.
Hindi ko na lang pinansin dahil sanay na ako sa ganoon. Simula pa lang noong nagkasakit ang papa ko, pakiramdam ko araw-araw na akong hinuhusgahan ng mga tao. Kapag wala kang pera, mabilis kang tingnan ng iba na parang wala kang halaga.
“Celestine.” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mrs. Dela Cruz kaya agad akong lumapit sa kanya. “Maglilinis ka ng guest rooms sa west wing. Pagkatapos niyan, pupunta ka sa storage room para ayusin ang inventory. Kapag tapos ka na, tutulong ka sa laundry.”
Bahagya akong natigilan. Parang tatlong tao ang kailangan para matapos lahat ng iyon pero tumango pa rin ako. “Opo.”
Hindi na siya nagsalita at basta na lang umalis.
Tahimik akong tumingin sa direksyong pinuntahan niya.
Mukhang tama nga ang sabi ng ibang staff kagabi. Kapag ikaw ang pinakabagong empleyado, ikaw rin ang sasalo ng mga trabahong ayaw gawin ng iba.
Lumipas ang buong umaga na halos hindi ako humihinto sa pagkilos. Paulit-ulit akong umaakyat at bumababa ng hagdan. Nagpapalit ng bedsheets. Naglilinis ng mga banyo. Nag-aayos ng mga gamit sa storage room. Minsan nga, pakiramdam ko hindi pa ako tapos sa isang gawain ay may bago na agad na nakaabang.
Bandang alas onse, nagsisimula nang sumakit ang likod ko. Bandang alas dose, kumakalam na ang sikmura ko, pero wala akong lakas ng loob na magreklamo.
Tuwing naiisip kong nasa ospital ang papa ko habang nakakabit sa iba't ibang makina, nawawala agad ang pagod ko. Kung kinakailangan kong magtrabaho nang labindalawang oras araw-araw para lamang mabayaran ang mga gamot niya, gagawin ko.
Bandang ala una ng hapon nang matapos ako sa laundry room. Pawis na pawis na ako kahit malamig ang air-conditioning sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko nga nanginginig na ang mga braso ko sa pagod.
Nang lumabas ako ng laundry area, napansin kong karamihan sa mga empleyado ay kumakain na. Doon ko lang naalala na hindi pa pala ako nagla-lunch.
Napailing ako. "Mamaya na lang. Mas importante ang trabaho," bulong ko sa sarili.
“Hoy, bago.”
Napalingon ako sa isang maid na mukhang mas matanda nang kaunti sa akin. “Po?”
“Hindi ka pa kumakain?”
“Hindi pa po.”
Bahagya siyang napangiwi. “Dapat kumain ka muna. Hindi biro magtrabaho rito.”
Napangiti ako nang kaunti. “Okay lang po.”
“Bahala ka.” Umalis na siya pagkatapos noon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may gustong sabihin ang tono niya na hindi niya na itinuloy.
Maya-maya lang ay pinatawag na naman ako sa kusina. Pagpasok ko roon, mas lalo akong nalula sa dami ng tao. May mga chef na nagluluto, may mga assistant na naghahanda ng ingredients, at may mga staff na paroo't parito habang may bitbit na iba't ibang tray.
“Celestine!” Napalingon ako sa isang babaeng naka-chef uniform. “Pakitulong dito.”
Agad akong lumapit. May ilang serving trays na kailangang dalhin sa private dining area. Tahimik lang akong tumango at sinimulan ang trabaho.
Sa loob ng halos isang oras, wala akong ginawa kundi maghatid ng mga pagkain at kagamitan mula sa kusina papunta sa iba't ibang bahagi ng mansyon. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil ang nasa isip ko lang ay matapos ang lahat ng gawain nang walang problema. Sa kasamaang-palad, parang hindi yata ganoon ang plano ng buhay para sa akin.
“Celestine, pakidala ito sa private dining room.”
Napatingin ako sa tray na itinuturo ng chef.
Agad akong natigilan dahil puno iyon ng mamahaling porselana. Kahit wala akong alam sa mga ganitong bagay, alam kong hindi ordinaryong plato ang mga iyon. Mukha pa lang nila, sigurado akong mas mahal pa sila kaysa sa buwanang renta ng apartment namin noon.
“Mag-ingat ka,” dagdag ng chef.
“Opo.”
Maingat kong binuhat ang tray. Mabigat ito, pero kaya naman. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kusina habang nakatutok ang buong atensyon ko sa dala ko. Ayaw kong magkamali sa unang araw dahil kailangan ko ang trabahong ito at wala pa akong paraan para mailigtas ang papa ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa.
Agad akong natigilan nang makita na sa hospital ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang pangalan sa screen dahil hindi naman sila madalas tumawag nang walang dahilan.
At sa isang segundo ng pagkagulat ko, bahagyang lumihis ang hawak ko sa tray.
Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis kong sinubukang ayusin ang pagkakahawak. Pero huli na. Naramdaman ko ang pagdulas ng isang plato. Kasunod ang isa pa. At isa pa.
Parang bumagal ang oras habang pinapanood kong isa-isang bumabagsak ang mga porselana sa sahig.
Umalingawngaw ang tunog sa buong hallway. Kasunod noon ay isa pang malakas na kalabog. Napaatras ako habang nanlalaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko huminto ang paghinga ko.
Pagkatapos ng ilang segundo, tuluyan nang natahimik ang paligid.
Dahan-dahan akong napatingin sa sahig. Basag lahat at wala ni isang natira. Parang kasabay ng mga plato ay nabasag din ang pag-asa kong magiging maayos ang unang araw ko rito.
“Celestine!” Napapitlag ako nang marinig ang galit na boses ni Mrs. Dela Cruz. Mabilis siyang lumapit at agad napatingin sa nagkalat na porselana. Nanlaki ang mga mata niya. “Anong ginawa mo?”
Napalunok ako. “Pasensya na po...”
“Pasensya?” Halos hindi siya makapaniwala. “Alam mo ba kung magkano ang mga iyan?”
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam. Pero sigurado akong hindi ko kayang bayaran kahit isang piraso lang.
Nagsimula nang magtipon ang ibang empleyado sa paligid. Naririnig ko ang mahihinang bulungan nila.
“Patay.”
“Unang araw pa lang.”
“Siguradong matatanggal na siya.”
“Kapag nalaman ni Sir, lagot na.”
Mas lalo akong kinabahan hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil hindi ko kayang mawalan ng trabaho habang nasa ospital ang papa ko. Hindi habang wala pa akong pambayad sa susunod na bill.
“Anong nangyayari rito?”
Biglang natahimik ang lahat at mabagal akong napalingon.
Nakatayo si Lucian Kael Montecarlos sa dulo ng hallway. Suot niya ang isang maayos na itim na suit, at gaya noong una ko siyang makita, wala pa ring emosyon ang mukha niya. Tahimik lang siyang tumingin sa mga basag na porselana sa sahig bago dahan-dahang ibinalik ang tingin sa akin.
Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin sa paligid.
“Sir,” mabilis na sabi ni Mrs. Dela Cruz. “Ang bagong maid po ang may gawa nito.”
Hindi agad nagsalita si Lucian. Patuloy lang niya akong tinitigan at sa bawat segundong lumilipas, mas lalo akong nahihirapang huminga.
Humigpit ang hawak ko sa phone ko. “Pasensya na po, Sir,” sabi ko sa wakas. “Kasalanan ko po.”
Tahimik pa rin siya, pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad palapit. Huminto siya ilang hakbang ang layo sa akin bago muling tumingin sa mga basag na porselana. “How much?”
Nagkatinginan ang mga empleyado. Maging si Mrs. Dela Cruz ay mukhang nagulat.
“Sir?”
“How much are these?”
Mabilis niyang sinabi ang halaga at halos mawalan ako ng kulay. Mas malaki pa iyon kaysa sa kinikita ko sa loob ng ilang buwan. Pakiramdam ko biglang nanlamig ang buong katawan ko dahil hindi ko iyon kayang bayaran. Kahit magtrabaho pa ako rito nang ilang buwan.
Tahimik na nakinig si Lucian. Pagkatapos ay muli niya akong tiningnan. Doon ko napansin ang bahagyang paglipat ng tingin niya sa phone na hawak ko. Nanatiling nakailaw ang screen at malinaw na nakasulat doon ang pangalan ng ospital.
Bahagyang kumunot ang noo niya, pagkatapos ay nagsalita siya. “Meet me in the Master's office..”
Natahimik ang lahat pati ako, Pero tumango lang ako. "O-Opo."
Agad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita." Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?""Si—""I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?""A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho.""E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."Napaarko an
Pinalipas ko muna ang oras kasama si papa bago ako nagpunta sa counter para magbayad ng lahat ng bills. Kailangan ko na magmadali dahil gabi na. Usapan namin ni Lucian na kailangan ko makabalik.Kinausap ko Dr. Castillo tungkol sa surgery ni papa dahil hindi rin ako kampante na umalis na hindi sine-settle lahat ng kailangan. "Doc, kayo na po muna ang bahala sa papa ko.""Bakit, Ms. Reyes? Hindi mo ba hihintayin na matapos muna ang surgery bago umalis?" nagtataka niyang tanong."Ah, doc, kailangan ko na po kasi umalis. Hanggang gabi lang po ako pinauagan ng boss ko.""Wala bang iba na pwedeng magbantay kahit kaibigan mo? Hindi kasi pwedeng mag-proceed ang surgery na walang bantay ang pasyente.""Iba po? T-teka, doc. May tatawagan lang po ako.""Sige, puntahan mo na lang ako sa kwarto na papa kung ano ang magiging lagay.""Opo, Excuse me po." Sabay tumalikod na ako.Lumabas ako ng hospital para tumawag. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello, Celest? Ano probelma at
Sinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.Ano kaya iyon?Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po.""That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muli
Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng
Maaga pa lang, nagising na ako kahit pakiramdam ko hindi naman talaga ako nakatulog. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng papa ko sa ICU habang pinapakinggan ang tuloy-tuloy na tunog ng monitor. Parang bawat beep na lumalabas doon, pinapaalala sa akin na nandito pa siya pero unti-unti nang nauubos ang oras niya. Hawak ko ang kamay niya kahit malamig na at mahina, na parang ako na lang ang kumakapit.“Pa…” mahinang tawag ko, pero hindi na siya sumagot. Alam ko naman na hindi na niya kayang sumagot, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang gawin ‘yon—ang tawagin siya. Para kasing kapag tinatawag ko siya, kahit sandali lang, baka maramdaman niya na nandito pa rin ako.May kumatok sa pinto at pumasok ang nurse na may dalang folder. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon dahil kabisado ko na. Bill na naman. Mas malaki na naman ito panigurado kaysa sa kahapon. “Miss Reyes, kailangan po ng partial payment today. Otherwise po, baka ma-limit na yung treatment options,” sa







