เข้าสู่ระบบSinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.
Ano kaya iyon?
Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"
Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po."
"That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.
Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."
Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"
Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muling magsalita. "Kaya...sana bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon, sir. Kailangan na kailangan ko ang trabaho na ito." Wala akong pakialam kahit magmukha pa akong kaawa sa estado ko. "Please po."
Ibinaba niya ang papel na hawak sa mesa bago tumayo at naglakad siya papunta sa bintana na may seryosong awra. "Alam mo naman siguro na pwede mong ikatanggal ang nangyari kanina, Ms. Reyes, hindi ba?" aniya habang nakakrus ang braso. "Those porcelains that you just broke worth more than your annual salary." Sabay humarap sa akin. "So, tell me how are you going to pay me back?"
Biglang kumabog ang didib ko at parang hinila ang dila ko na para bang nawalan na ako ng boses para makapagsalita nang dahil sa tanong niya.
"S-sir, ibawas niyo na lang po sa sahod ko."
"Sa tingin mo, if I'm gonna do that, gaano mo katagal mababayaran ang halaga noon? Gayong sabi mo sa akin na kailangan na kailangan mo ang trabaho na ito para bayaran ang bills ng papa mo sa ospital."
"Pero, sir—"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Celestine, right?" aniya na tinatanong kung tama ba ang pagkakabigkas niya ng pangalan ko.
Tumango ako. "Celestine Alarice Reyes, sir."
Ngumiti siya at bahagyang umiling. Nakita ko iyon. Pero mabilis din niyang binawi ang ngiti niya.
Teka, ngumiti siya?
"Well, then I guess I'll just call you by your second name." Humakbang siya palapit sa akin at siya namang atras ko. "Pwede naman, hindi ba?'
"O-opo, sir."
Pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon. Naaamoy ko ang pabango niya. Sobrang lapit niya sa akin.
Nagtawa siya ng mahina bago maglakad pabalik sa table. "Okay. Then, Alarice, here's for you." Kinuha niya ang papel na kanina ay hawak niya. May isinulat siya dito bago inabot sa akin. "Para sa papa mo."
Nagtataka kong tiningnan ang papel. Cheque ito. Hindi ako makapaniwala sa laki ng halaga na nakalagay. "S-sir, masyado po itong malaki. Hindi ko po ito kayang bayaran. Hindi ko pa nababayaran yung mga porselana, sir." Pilit kong ibinabalik ang cheque sa kanya pero pilit niya rin itong tinatanggihan.
"Kunin mo iyan at bumalik ka sa ospital. Soguradong kailangan ka niya ngayon. At paki sabi na rin na salamat," aniya.
Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Salamat?"
Basta bumalik ka mamayang gabi dahil magpapatulong ako linisin ang private office ko." Sabay talikod. Lumabas siya ng Master;s office at iniwan akong mag-isa.
"'Anong nakain noon? Teka, hindi niya pa sa akin sinasabi kung paano ko babayaran ang mga utang ko." BUmunton ako ng hininga. "Di bale na nga."
Mabilis kong pinalitan ang suot ko na maid attire ng pants at simpleng t-shirt. Nagmamadali na ako na pumunta sa bangko para papalitan ang cheque bago ako tumuloy sa ospital.
Halos magkandarapa na ako sa pagtakbo sa hallway ng dahil sa pagmamadali. Nakita ko si Dr. CAstillo na kakalabas lang ng room ng papa kaya hinabol ko ito para kausapin. ""Doc! Sandali, doc!"
Lumingon agad ito. "Ms. Reyes, mabuti't nandito na kayo."
"Doc, magkano po ba ang kailangan ng papa ko para na rin po sa surgery niya. Gusto ko po sana malaman."
"Malaki—"
"Ang tanong ko doc ay magkano."
Bumunton ng hininga si Dr. Castillo bago sabihin sa akin ang bill ni papa kasama na ang surgery. Kahit papaanoay may konting matitira pa sa binale ko kay Lucian. Tsaka ko na poproblemahn kung paano ko siya babayaran.
Matapos namin mag-usap ni Dr. Castillo, pumasok na ako sa loob ng kwarto kung saan nakahiga si papa. Naupo ako sa tabi ng kama, sa dati kong pwesto noon. Hinakawan ko ang kamay niya at pinagmasdan ang pamutla niyang mukha.
Napakalayo na sa mukha niya bago siya maospital na masigla.
"Papa, kayanin mo ang surgery ha? Kahit na...hindi ko magagawang manatili sa tabi mo mamaya, lakasan mo pa rin ang loob mo dahil aasahan ko ang magandang balita sa pagbalik ko, papa." Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luhako. Bigla akoo napahagulgol na parang bata. "Mahal na mahal kita, papa. Kaya sana magpagaling ka at gumising ka na po. Nami-miss ko na ang luto mong adobo."
Agad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita." Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?""Si—""I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?""A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho.""E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."Napaarko an
Pinalipas ko muna ang oras kasama si papa bago ako nagpunta sa counter para magbayad ng lahat ng bills. Kailangan ko na magmadali dahil gabi na. Usapan namin ni Lucian na kailangan ko makabalik.Kinausap ko Dr. Castillo tungkol sa surgery ni papa dahil hindi rin ako kampante na umalis na hindi sine-settle lahat ng kailangan. "Doc, kayo na po muna ang bahala sa papa ko.""Bakit, Ms. Reyes? Hindi mo ba hihintayin na matapos muna ang surgery bago umalis?" nagtataka niyang tanong."Ah, doc, kailangan ko na po kasi umalis. Hanggang gabi lang po ako pinauagan ng boss ko.""Wala bang iba na pwedeng magbantay kahit kaibigan mo? Hindi kasi pwedeng mag-proceed ang surgery na walang bantay ang pasyente.""Iba po? T-teka, doc. May tatawagan lang po ako.""Sige, puntahan mo na lang ako sa kwarto na papa kung ano ang magiging lagay.""Opo, Excuse me po." Sabay tumalikod na ako.Lumabas ako ng hospital para tumawag. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello, Celest? Ano probelma at
Sinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.Ano kaya iyon?Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po.""That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muli
Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng
Maaga pa lang, nagising na ako kahit pakiramdam ko hindi naman talaga ako nakatulog. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng papa ko sa ICU habang pinapakinggan ang tuloy-tuloy na tunog ng monitor. Parang bawat beep na lumalabas doon, pinapaalala sa akin na nandito pa siya pero unti-unti nang nauubos ang oras niya. Hawak ko ang kamay niya kahit malamig na at mahina, na parang ako na lang ang kumakapit.“Pa…” mahinang tawag ko, pero hindi na siya sumagot. Alam ko naman na hindi na niya kayang sumagot, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang gawin ‘yon—ang tawagin siya. Para kasing kapag tinatawag ko siya, kahit sandali lang, baka maramdaman niya na nandito pa rin ako.May kumatok sa pinto at pumasok ang nurse na may dalang folder. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon dahil kabisado ko na. Bill na naman. Mas malaki na naman ito panigurado kaysa sa kahapon. “Miss Reyes, kailangan po ng partial payment today. Otherwise po, baka ma-limit na yung treatment options,” sa







