Share

CHAPTER 5

last update Tanggal publikasi: 2026-06-26 15:58:44

Agad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita.

" Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?"

"Si—"

"I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.

Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.

Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?"

"A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho."

"E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."

Napaarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Caleb...alam mo naman ang dahilan ko."

"May iba pa naman sigurong—"

"Kaya mo bang palitan ang perang naibigay ko sa kanya?" sabat ni Lucian.

"Pwede ba, ha? Hindi porke't mayaman ka, ganyan ka na umapak ng ibang tao."

"Really? O baka yung pagkalalaki mo ang natapakan?" Bumuntong-hininga si Lucian. "Wala akong balak na makipag-away lalo na sa batang katulad mo. I am here para masiguro na ligtas ang empleyado ko."

"Ano bang espesyal sa kanya para umakto ka ng ganyan? Isa lang siyang mababang uri ng tao na wala pa sa dulo ng kuko ng kayaman mo—"

"Tama na!" sigaw ko. HIndi ako makapaniwalang ganito pala kababa ang tingin sa akin ni Caleb. Pero paano kung pinoprotektahan niya lang ako? Dahil hindi ko pa nga ganoon kakilala ang Lucian na ito. "Kung mag-aaway kayong dalawa, pwede bang pareho na lang kayong umalis?" Dumako ang tingin ko kay Lucian. "Ibabalik ko na lang ang pera mo. Hindi ko alam kung paano pero ibabalik ko."

"Ms. Reyes, sigurado ka bang sasayangin mo ang isa pang pagkakataon na ibinigay ko sayo?"

"Pasensiya na. Pero tama ang kaibigan ko. Marami pa naman siguro akong choice para makakuha ng pera. Sa ibang paraan."

"Kaibigan mo lang siya—"

"Kaibigan ko siya. Hindi kaibigan lang. I don't want to be mean or rude pero siguro hindi niyo alam ang pakiramdam ng may kaibigan pero ako alam ko ang halaga nito. Kaya please, accept my resignation."

"And how are you going to pay me? Sa tingin mo may tataas pang sahod kaysa sa pinapasahod ng mga Montecarlos sayo?"

"Gaya ng sabi ko, hindi ko alam kung paano pero gagawan ko ng paraan.'"

"Ms.—"

"Lucian." Tawag ko sa pangalan niya na halatang ikinabigla niya. "I am resigning. Kung hindi mo tatanggapin—" Biglang may humila sa akin na dalawang maskuladong lalaki. "Hoy! Bitawan niyo ako!"

"Bitawan niyo siya!" Pilit na tinatanggal ni Caleb ang pagkakahawak sa akin ng dlawang lalaki pero masyado silang malakas para mapigilan niya.

"Mag-eeskandalo ako dito!"

"Sa bahay na," malamig na sabi ni Lucian bago tuluyang lumabas ng ospital. HIndi na ako nakapalag nang isakay nila ako sa van. Ang mga tao ay parang bulag at bingi sa nangyari. Ganito ba talaga nila katakutan nag tulad ni Lucian?

Teka. Yung surgery!

"Ano ba! Palabasin niyo ako. Kailangan ako ng tatay ko! Mga walang hiya!" Pero balewala pa rin. Walang pakialam ang mga ito.

Kaya nanahimik na lang ako sa buong biyahe pabalik sa Montecarlos Villa. Pero yung utak ko hindi pa rin mapakali dahil iniisip ko yung surgery ni papa.

Ito kasing Lucian na 'to hila ng hila ang sarap ipasagasa sa pison e. Nakasimangot ako buong biyahe. Si papa, ano kaya gagawin ko ngayon? Naihulog ko pa yung phone ko. Talaga naman.

Naramdaman ko na ang paghinto ng van kaya naman alam ko na nandito na kami.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan at bumungad sa akin si Lucian. "Pwede bang ibalik niyo na lang ako? Sure ako na kailangan ako ni papa doon," naiirita kong pakiusap. Hindi kasi ako mapakali dahil sa pag-aalala.

"Bumaba ka muna." Sa halip na sagutin ako, iyon lamang ang naging tugon niya sa akin.

Para na akong mababaliw pero bumunton ako ng hininga para kumalma. Wala akong naging ibang choice kundi ang bumaba. Sinundan ko siya. Dumaan kami sa maliit na daan s agilid ng mansion papunta sa likod para makapasok sa mansion.

"Bakit kasi hindi na lang tayo sa harapan?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot.

Nang makapasok na kami sa loob, nagderetso kami sa office niya. Bigla ko naalala na nagpapatulong nga pala siya ng ayusin ito.

"Lock the door," utos niya.

Ikinandado ko ang pinto. Inilibot ko ang mata ko at nakita ko ang maraming mga libro sa shelf. Pero ang kalat na parang binagyo.

"Isalansan mo ang mga libro sa mesa."

"Dahil lang ba dito kaya mo ako sapilitang ibinalik? di ba nagreresign na ako? Bakit ayaw mo tanggapin? Babayaran ko naman yung pera at mga porselana. Hindi kita tatakasan. Tutal makapangyarihan, di ba? Magagawa mo akong ipahanap."

Hindi siya nagsalita. Bumunton lang siya ng hininga at ngumisi na para bang natutuwa pa siya. Sa halip na sumagot ay tiningnan niya ako ng matalim. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa akin at hindi pa rin tinatanggal ang tingin. Bawat hakbang niya ay siya rin hakbang ko paatras. Ang kaninang iritang kong mukha ay naramdaman kong namumula na.

Tumama ang likod ko sa mesa. Napahawak ako dito. Malapit na siya sa akin ngayon. "S-sir..."

"You called me Lucian earlier, remember? Now call me by name again." Ang lambot ng boses niya, Para ako nitong inaakit.

"Ano bang...trip mo?"

"Let me hear it again."

"T-tigilan mo ako. Bakit ba gusto mong ulitin ko?"

Yumuko siya para bumulong sa akin. "I like it."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage   CHAPTER 5

    Agad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita." Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?""Si—""I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?""A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho.""E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."Napaarko an

  • My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage   CHAPTER 4

    Pinalipas ko muna ang oras kasama si papa bago ako nagpunta sa counter para magbayad ng lahat ng bills. Kailangan ko na magmadali dahil gabi na. Usapan namin ni Lucian na kailangan ko makabalik.Kinausap ko Dr. Castillo tungkol sa surgery ni papa dahil hindi rin ako kampante na umalis na hindi sine-settle lahat ng kailangan. "Doc, kayo na po muna ang bahala sa papa ko.""Bakit, Ms. Reyes? Hindi mo ba hihintayin na matapos muna ang surgery bago umalis?" nagtataka niyang tanong."Ah, doc, kailangan ko na po kasi umalis. Hanggang gabi lang po ako pinauagan ng boss ko.""Wala bang iba na pwedeng magbantay kahit kaibigan mo? Hindi kasi pwedeng mag-proceed ang surgery na walang bantay ang pasyente.""Iba po? T-teka, doc. May tatawagan lang po ako.""Sige, puntahan mo na lang ako sa kwarto na papa kung ano ang magiging lagay.""Opo, Excuse me po." Sabay tumalikod na ako.Lumabas ako ng hospital para tumawag. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello, Celest? Ano probelma at

  • My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage   CHAPTER 3

    Sinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.Ano kaya iyon?Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po.""That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muli

  • My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage   CHAPTER 2

    Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng

  • My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage   CHAPTER 1

    Maaga pa lang, nagising na ako kahit pakiramdam ko hindi naman talaga ako nakatulog. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng papa ko sa ICU habang pinapakinggan ang tuloy-tuloy na tunog ng monitor. Parang bawat beep na lumalabas doon, pinapaalala sa akin na nandito pa siya pero unti-unti nang nauubos ang oras niya. Hawak ko ang kamay niya kahit malamig na at mahina, na parang ako na lang ang kumakapit.“Pa…” mahinang tawag ko, pero hindi na siya sumagot. Alam ko naman na hindi na niya kayang sumagot, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang gawin ‘yon—ang tawagin siya. Para kasing kapag tinatawag ko siya, kahit sandali lang, baka maramdaman niya na nandito pa rin ako.May kumatok sa pinto at pumasok ang nurse na may dalang folder. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon dahil kabisado ko na. Bill na naman. Mas malaki na naman ito panigurado kaysa sa kahapon. “Miss Reyes, kailangan po ng partial payment today. Otherwise po, baka ma-limit na yung treatment options,” sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status