CHAPTER 98Pagkapasok nila Bella sa loob ng ospital ay agad silang pumunta sa kung saan naroon si Vin at agad naman nilang nakita ang mga magulang ni Vin at si Vince roon."Bella," umiiyak na tawag ni Valerie kay Bella. Agad naman na lumapit si Bella kay Valerie at agad naman syang yinakap neto."Tita sorry po," umiiyak na rin na hinging tawad ni Bella kay Valerie."Shhh. Wala kang dapat na ikahingi ng tawad Bella. Naiintindihan ko kayo ni Vin kung bakit nyo binalak na umalis," sagot ni Valerie rito. Naiintindihan naman kasi talaga ni Valerie sila Bella at Vin dahil kahit sya ay hindi sya pabor sa gustong mangyare ni Mr. Sanchez na ipagkasundo si Vin sa anak neto. Pero wala syang magawa dahil sumang ayon ang asawa nya rito."Tita kumusta na po si Vin? Okay lang po ba sya?" Tanong na ni Bella at kumalas na sya sa pagkakayakap kay Valerie."Hindi pa rin lumalabas ang doktor na sumusuri kay Vin hija kaya hindi pa rin namin alam kung ano bang lagay ni Vin ngayon. Ipagdasal na lamang nati
CHAPTER 99Dahil sa isa sa mga kilalang negosyante ang ama ni Vin ay mabilis na kumalat ang balita na naaksidente si Vin. Agad naman etong nalaman ni Nicole.Saktong paglabas ng room ni Nicole ay lumabas din ng room nya si Sarah at nagkagulatan pa silang magkapatid."Nagmamadali ka ata. Saan ang punta mo?" Tanong ni Sarah kay Nicole."Ate si Vin naaksidente raw kagabe. Kailangan ko syang puntahan," sagot ni Nicole."What? Sandali hintayin mo ako at sasamahan kita," sagot ni Sarah at agad na pumasok sa loob ng kwarto nya para kunin ang bag nya. Agad na rin naman silang umalis ng kanilang bahay. "Ano daw ba ang nangyare? Bakit naaksidente si Vin?" Tanong ni Sarah kay Nicole ngang nasa byahe na sila. Tahimik lamang na nakaupo si Nicole ngunit bakas sa mukha neto ang pag aalala."Hindi ko rin alam ate. Nabasa ko lamang sa isang news article sa Fācébōok ang nangyare kay Vin," sagot ni Nicole."Baka naman fake news lang yan," sagot ni Sarah."Hindi ate. Tumawag ako sa bahay nila Vin at isa
CHAPTER 100Bumalik naman na sa loob ng ospital sila Bella at Sarah. Agad nilang tinungo ang kwarto ni Vin.Samantala sa loob naman ng kwarto ni Vin ay nananatili pa rin etong walang malay. Hinihintay pa rin nila na magising eto dahil para malaman nila kung may iba pa bang epekto kay Vin ang pagkaka aksidente nya.Pagkapasok nila Bella at Sarah sa room ni Vin ay tahimik ang mga naroon. Si Valerie at Nicole na lamang ang nandoon. Umuwi na kasi muna sila Vince at Leonard dahil may mga kailangan silang gawin sa opisina."Sino ka ba? Bakit ka narito sa kwarto ni Vin?" Mataray na tanong ni Nicole kay Bella nang akmang lalapit sana si Bella sa pwesto ni Vin. Bigla naman natigilan si Bella sa tangkang paglapit nya sana kay Vin. Naalala nyang hindi nga pala sya kilala ni Nicole."Ahm. A-ako nga pala si Bella," pagpapakilala ni Bella kay Nicole."Ano mo si Vin at bakit kailangan mo pang manatili rito? Pwede ka ng umalis kung wala ka naman na kailangan dito dahil kaya ko naman syang bantayan,"
CHAPTER 101Pagkalabas naman ng ospital nila Sarah at Nicole ay pilit na inaalis ni Nicole ang kamay ni Sarah na nakahawak sa kanya."Ano ba ate. Bitiwan mo nga ako," inis na sabi ni Nicole kay Sarah. Binitawan naman ni Sarah si Nicole nang andoon na sila sa may sasakyan nila."Talaga ba Nicole? Dito mo talaga pinapakita yang ugali mo? Sa harap pa talaga ng mommy ni Vin hindi ka na talaga marunong mahiya," inis na sabi ni Sarah at pilit na pinapasok si Nicole sa loob ng sasakyan."Tsk. Aray ano ba ate," inis na sabi ni Nicole ng itulak sya ni Sarah papasok ng sasakyan nila."Ano ba kasing problema mo Nicole?" Inis na tanong ni Sarah sa kapatid nang makapasok na rin siya sa loob ng sasakyan."Ako pa talaga ang may problema ate? Talaga ba? Dapat nga ako ang kinakampihan mo rito hindi ang Bella na yun," iirap irap na sagot ni Nicole kay Sarah."Hindi porket kapatid kita ay ikaw na ang kakampihan ko Nicole. Hindi na tama ang mga ginagawa mo," inis na sagot naman ni Sarah."Pwede ba ate. K
CHAPTER 102Sa ospital naman ay matyaga pa rin na naghihintay sila Valerie at Bella. Dumating na rin sila Viela at Vanessa roon at may dala na rin silang pagkain para kila Bella at Valerie. Ilang oras na rin ang lumipas at nag aalala na sila dahil hindi pa rin nagigising si Vin.Tahimik naman sila na naghihintay na magising si Vin. Si Bella ang nakaupo sa may tabi ng higaan ni Vin at hawak hawak pa nya ang kamay neto."Vin gumising ka na please. Sana maging maayos ka na kaagad. Marami pa tayong plano diba. Please gumising ka na," kausap ni Bella kay Vin kahit na eto ay wala pa ring malay. Mahina lamang ang boses nya sapat na marinig ni eto ni Vin.Titig na titig si Bella sa mukha ni Vin naaawa sya rito dahil napakadami netong galos sa ibat ibang parte ng katawan. Nanatiling hawak pa rin ni Bella ang kamay ni Vin. Pinipisil pisil pa nya eto.Nagulat naman si Bella ng maramdaman nyang parang gumalaw ang kamay ni Vin. "Vin," sabi ni Bella ng makita nya na gumalaw ulet ang kamay neto. At
CHAPTER 103Kinabukasan noon ay naunang magising si Vin. Kahit na sya ay nakahiga pa rin ay isa isa nyang tinititigan ang mga kasama nya roon na mga natutulog pa rin.Napadako ang tingin nya kay Bella. Kahit anong gawin nyang pilit na maalala eto ay wala talaga syang maalala na tungkol kay Bella. Bigla namang nagising si Valerie na natutulog sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Vin."Vin anak gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Valerie kay Vin nakita pa nya eto na nakatitig kay Bella."Ma sino po ba talaga sya?" Tanong na muli ni Vin at ang tinutukoy neto ay si Bella. Napabuntong hininga naman si Valerie sa tanong ni Vin. Naaawa sya kay Vin ganon na rin kay Bella. Naaawa sya kay Vin dahil hindi neto maalala ang taong mahal nya at naaawa naman sya kay Bella dahil hindi eto maalala ng anak nya."Anak hindi mo ba talaga maalala si Bella. Sya ang kababata mo at sya rin ang taong mahal na mahal mo," sagot ni Valerie. Gulat naman na napatingin si Vin sa kanyang ina."Kun
CHAPTER 104Lumabas naman na muna ng silid ni Vin si Valerie nang mapansin nya na natutulog na si Vin. Balak nyang puntahan ang doktor ni Vin para kausapin eto tungkol sa kalagayan ng kanyang anak. Hindi pa man nakakalayo si Valerie ng may tumawag sa kanya. Agad naman na lumingon si Valerie rito."Tita Valerie excuse me po," agad na sabi ni Sarah. "O hija bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ni Valerie kay Sarah."Tita pasensya na po pero ano po ang nangyare kay Vin ngayon? Bakit si Nicole ang gusto nyang kasama at hindi si Bella?" Sunod sunod na tanong ni Sarah rito. Napabuntong hininga naman si Valerie at inaya na muna nyang maupo roon sa Sarah."Hindi makilala ni Vin si Bella. At tanging si Bella lamang ang hindi nya naaalala dahil lahat naman kami ay nakikilala nya," sagot ni Valerie kay Sarah. Nagulat naman si Sarah sa nalaman nya."Po? Pero bakit si Bella lang tita? Bakit si Nicole nakikilala pa rin nya?" Tanong pa ni Sarah."Nagka amnesia si Vin, Sarah. Siguro yun ang naging e
CHAPTER 105Pagkalabas naman ni Valerie ng room ni Vin ay agad na sumunod sa kanya si Sarah kaya naiwan naman doon sila Bella, Nicole at ang dalawang kapatid ni Vin upang magbantay rito.Ilang saglit pa ay nakatulog na ulet si Vin dahil siguro sa ininom na gamot kaya eto nakatulog kaagad. Nang makita ni Nicole na mahimbing na ang tulog ni Vin ay lumapit eto sa gawi ni Bella."Pano ba yan hindi ka maalala ni Vin at ako ang gusto nyang makasama. Siguro naman alam mo na kung saan ka lulugar ngayon," nang aasar na sabi ni Nicole kay Bella. Napatingin naman si Bella kay Nicole at hinarap eto."Siguro nga hindi ako maalala ni Vin sa ngayon pero alam ko sa puso nya ako ang nilalaman non at hindi ikaw," sagot ni Bella."Talaga ba? E kung ikaw pala ang laman ng puso nya bakit ako ang gusto nyang kasama at hindi ikaw?" Naka taas pa ang kilay na sabi ni Nicole."Baka nakakalimutan mo na may amnesia si Vin ngayon kaya hindi nya ako maalala. Mag enjoy ka lang dahil kapag bumalik na ang alaala ni V