LOGIN"Next family, please!" hiyaw ng photographer mula sa paanan ng maliit na stage.Lumapit kaming apat sa malaking backdrop na may nakaguhit na kastilyo at napakalawak na hardin ng mga rosas.Napakamot sa ulo si Drevin habang nakatayo sa gilid. Tumingin siya sa pinto ng exit—mukhang nagnanais na talagang tumakas at maglaho na parang bula. Pero dahil hawak ng kambal ang magkabila niyang kamay, wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya.Nang tumayo na siya sa gitna ng spotlight, biglang nagbago ang buong aura niya.Tumingala siya, umunat ang likod, naging kalma ang mukha, at naging matikas ang tindig. Sa mga sandaling hindi siya nagsasalita at hindi nag-iinarte, mukha talaga siyang matipuno, respetado, at lalaking-lalaki. 'Yung tipong laking-mayaman na CEO sa mga nobela.Bihira man aminin, pero kahit ang photographer ay napansin ang kakaiba niyang tindig."Sir," tawag ng photographer habang nakatitig sa viewfinder."Yes?" matipid at pormal na sagot ni Drevin."Ang pogi niyo po. Sobrang bagay
"Mainit," malamig niyang sagot."May hangin naman, a! Malamig nga ang simoy ng hangin galing sa bundok, o.""Mainit sa damdamin," sagot niya bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo.Lalong naghiyawan at nagtawanan ang dalawang bata habang humahabol sa kanya.Inikot namin ang halos bawat sulok ng Fantasy World. Pinuntahan namin ang grand fountain sa gitna na bagaman walang tubig ay napakaganda pa ring kuhaan ng larawan. Tumawid kami sa hanging bridge kung saan pilit kong niyanig ang tulay para lang kumapit sa akin si Drevin—pero sa halip na kumapit, mas pinili pa niyang hawakan nang mahigpit ang kahoy na gabay habang binibigyan ako ng tinging nakakamatay.Pinuntahan din namin ang malalawak na hardin at ang sikat na spiral staircase sa loob ng isa sa mga tore na parang hagdanan ng prinsesang tumatakas tuwing hatinggabi.Subalit sa bawat magandang tanawin na aming hihintuan... iisa lamang ang nagiging takbo ng usapan."Picture uli!" sigaw ng kambal."Smile," utos ni Drevin sa matipi
Araw ng Linggo. Maaga pa lamang ay gising na at nagkakagulo na ang buong bahay."Excited na ako!" halos pasigaw na sabi ni Kirsi habang umiikot sa gitna ng sala na parang trumpong nakawala sa kulungan."May castle daw doon! Kasya kaya ang dinosaur ko sa backpack?" dagdag naman ni Kiran, na halos mapunit na ang bulsa ng maliit niyang bag sa pagmamadaling maiayos ang mga laruan.Hindi ko napigilang mapangiti habang sinusuklay at inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Ngayong araw ang pinakahihintay na pangako ni Drevin sa kambal—ang aming pamamasyal sa Fantasy World sa Lemery, Batangas. Isa itong sikat na abandonadong theme park na may nakatayo pa ring matatayog na kastilyo, tila ba dinala mula sa mga pahina ng lumang fairy tale.Lumapit sa akin si Kiran at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ready na ba ang princess?" biro niya na may kasama pang pilyong kindat.Inayos ko ang krayola sa aking labi at nag-pose. "Aba, siyempre. Ako pa ba?""Ikaw, Daddy Drevin? Ready ka na ba?" tano
Ilang araw na ang mabilis na lumipas, pero nananatili pa rin kaming apat sa isang kakaibang set-up—para kaming totoong co-parenting team para kina Kiran at Kirsi habang wala pa ang kanilang mga tunay na magulang.Wala naman sa aming nag-abala kung ano nga bang dapat itawag dito. Basta kapag may kailangang sunduin sa eskwelahan, may kailangang baon, may tutulungan sa assignment, o may sasamahan sa PTA meeting—awtomatikong nagkakaintindihan na agad kami.At kagaya ng dati...Medyo pusong-babae talaga si Drevin.Kahit anong pagpapacute at panghahamon ko sa kanya, lagi pa rin siyang nauuwi sa kunwaring pagkadiri sa akin. Dahil doon, halos mabalian na ng tadyang sa kakatawa ang kambal araw-araw."Daddy Drevin!""Ano?""Look at Tita Belle."Lumingon si Drevin habang kumakain kami ng almusal. "Ano na naman?"Itinuro ni Kiran ang mukha ko. "Naka-lip tint po si Tita."Napairap agad si Drevin. "Natural! Tao 'yan, hindi multo."Tumawa si Kirsi. "Hindi po! Sabi ni Tita, bagay daw sa kanya!"Daha
Bago tuluyang umuwi sa bahay, nagkasundo kaming dumaan muna sa malapit na mall upang kumain ng hapunan at makapag-bonding nang kaunti. Halos magreklamo na rin kasi ang tiyan nina Kiran at Kirsi pagkatapos ng mahabang araw sa eskwelahan.Hawak-hawak ni Drevin ang maliliit na kamay ng kambal habang naglalakad kami sa malawak na hallway ng mall patungo sa isang fast food na gusto ng mga bata. Naka-polo shirt siya na medyo nakatupi ang mga braso at maayos ang tindig—isang ayos na talagang nakakatawag ng pansin sa mga taong nakakasalubong namin.Nang makalapit na kami sa may entrance ng kainan, biglang may sumigaw na mga pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan."Kiran! Kirsi! Teacher Belle!"Lumingon kami at nakita ang tatlo sa mga kaklase ng kambal sa Grade 2 na kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Tuwang-tuwa silang tumakbo palapit sa amin habang kumakaway."Hello sa inyo!" nakangiti kong bati habang lumuluhod nang bahagya para makipag-apir sa kanila.Subalit tulad ng nangyari kanina
Kinabukasan, maagang nagising ang lahat para sa pagpasok ng kambal sa paaralan. Dahil nasa Japan pa sina Ate Khendra at Kuya Nathaniel para sa kanilang honeymoon, kaming dalawa pa rin ni Drevin ang nakatoka sa pag-aasikaso kina Kiran at Kirsi.Habang nag-aayos ako ng aking gagamitin sa pagtuturo, nakita ko si Drevin sa kusina na maingat na inihahanda ang mga lunch box ng kambal. Nakasuot siya ng isang napakagandang pormal na attire—isang fitted na polo na nakatupi nang kaunti sa braso, maayos ang pagkaka-style ng buhok, at tuwid na nakatindig. Kahit kailan talaga, kapag tiningnan mo siya mula sa malayo, napakakisig at napakapogi niyang tingnan."O, nakahanda na ba ang lahat?" tanong niya nang mapansin akong nakatitig sa kanya."Nakahanda na," nakangiti kong sagot. "Salamat sa paghatid sa amin, ah.""Duh! Alangan namang mag-commute kayo habang dala 'yang mabibigat na bag ng kambal? Baka masira pa ang posture nitong dalawa, 'no!" maarte niyang hirit sabay kuha sa mga bag ng bata.Pumun
"Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti
“Tumawag kayo ng ambulansya! Ngayon na!”Ang pasigaw na utos ni Nathaniel ay umalingawngaw sa buong bahay. Rinig ko ang taranta at takot sa kanyang boses, pero parang napakalayo na nito sa pandinig ko. Parang may makapal na pader na biglang humarang sa akin at sa mundo. Ang tanging nararamdaman ko
Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka
POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak







