POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkakataong ito, may iba sa katawan ko.Lagi akong pagod. Konting bagay lang, naiiyak na ako o kaya ay nagagalit. Akala ko dahil lang sa stress. Hindi na rin naman kasi maganda ang turingan namin ng asawa kong si Nathaniel nitong mga nakaraang buwan.Palagi siyang abala sa trabaho, habang ako naman ay laging naiiwan mag-isa sa bahay. Unti-unti kaming nagkakalayo. Hindi namin pinag-uusapan, pero nararamdaman ko ang lamig sa pagitan naming dalawa.Isang umaga, dahil hindi na ako mapakali sa kaba, bumili ako ng pregnancy test.Pagdating sa bahay, diretso ako sa banyo.Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang resulta. Ilang segundo lang naman 'yon, pero pakiramdam ko, huminto ang mundo.At
Terakhir Diperbarui : 2026-06-01 Baca selengkapnya