Teilen

KHENDRA 2: Pagtakas

last update Veröffentlichungsdatum: 01.06.2026 20:18:25

Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.

Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.

Ang babaeng halos yakapin na niya sa opisina. Ang malalagkit na tinginan nilang dalawa. At ang mga bulungan ng mga tao na matagal ko palang tinitiis.

Bawat alaala, parang kutsilyong pilit na ibinabaon sa puso ko.

Iyon pala ang dahilan kung bakit buwan na siyang malamig sa akin. Ako naman itong si tanga. Akala ko ako ang may problema. Akala ko masyado lang akong praning dahil sa pagbubuntis ko. Akala ko nagkukulang ako bilang asawa.

Ilang gabi akong umiiyak nang patago sa unan dahil pakiramdam ko hindi na niya ako mahal. Sinisi ko ang sarili ko. Binago ko ang ugali ko. Nilunok ko ang pride ko para lang intindihin siya.

Pero laking gago ko pala.

May iba na pala siyang pinipili habang ako ang kasama niya. May iba na siyang pinapahalagahan habang ako, nagmumukhang kawawa sa sulok.

Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan at agad iyong pinaandar. Hindi ko na makita ang daan dahil sa labis na pag-agos ng luha ko.

Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko. Nanginginig ang mga labi ko habang nararamdaman ang munting buhay sa loob ko.

"Baby..." bulong ko, kasabay ng pagsisikip ng hininga ko. "Sorry..."

Mas lalong humugot ng iyak ang dibdib ko.

"Sorry kung hindi ko maibibigay sa'yo ang pamilyang pinangarap ko. Sorry kung hindi ka pa man naipapanganak... hiwalay na agad ang mommy at daddy mo."

Napapikit ako sa tindi ng sakit. "Sorry, anak..."

Kailanman hindi ko ginustong magkaroon ng sirang pamilya. Pangarap kong lumaki ang anak ko na may ama at inang nagmamahalan. Pangarap ko siyang makitang tumatakbo sa sala habang nakangiti kaming mag-asawa.

Pero paano pa? Paano ko siya titingnan araw-araw nang hindi ko naaalala na pinagpalit kami ng tatay niya?

Inapakan ni Nathaniel ang dignidad ko bilang babae. Sinira niya ang tiwala ko. At higit sa lahat, dinuraan niya ang pangako namin sa harap ng Diyos.

Tatlong taon. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Noong walang-wala siya, ako ang asawang nandoon. Noong nagsisimula pa lang siyang bumuo ng pangalan, ako ang unang naniwala sa kakayahan niya. Mas pinili kong iwan ang sarili kong mga pangarap at ang negosyo ng pamilya ko para lang iangat siya.

Dahil ang alam ko, kapag kasal na kayo, magkakampi kayo. Magkasama kayong lalaban.

Pero mukhang ako lang pala ang mag-isang lumalaban sa relasyong ito.

Maaaring naging moody ako nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagbubuntis ko. Pero sapat na bang dahilan iyon para humanap siya ng iba? Sapat na bang dahilan iyon para babuyin niya ang pamilya namin?

Pagdating ko sa bahay, padarag kong binuksan ang pinto. Namumugto at mapula ang mga mata ko. Nakasalubong ko ang mga katulong na nagulat sa itsura ko.

"Tanggalin ninyo ang lahat ng larawan namin sa bahay na ito," utos ko sa malamig na boses.

Napahinto sila. "Ma'am?"

"Itapon ninyo. Sunugin ninyo. Gawin ninyo ang gusto ninyo, basta ayaw ko nang makita ang mukha niya!" sigaw ko.

Nagkatinginan sila, takot at lito.

"Ngayon din!"

Mabilis silang kumilos habang ako naman ay patakbong umakyat sa kwarto namin. Bawat hakbang ko, parang may nakatali na mabigat sa mga paa ko. Bawat sulok ng kwartong iyon, sumasampal sa akin ang mga pekeng alaala ng nakaraan.

Kinuha ko ang maleta at nagsimulang mag-impake. Wala akong pakialam sa mga mamahaling gamit. Isang luxury bag lang ang kinuha ko—ang unang regalo sa akin ni Nathaniel noong bago pa lang kami. Tiningnan ko iyon nang ilang segundo bago isinilid sa maleta.

Isinama ko iyon hindi dahil may halaga pa ito sa akin, kundi para maging paalala kung gaano kawalang-hiya ang lalaking minahal ko.

Ilang minuto lang, tapos na ako. Nakakatawa. Ang buong buhay ko sa loob ng bahay na ito, nagkasya lang pala sa iisang maleta.

Napangiti ako nang mapait. Ganito pala kadaling iwan ang lahat. O baka naman... wala naman talaga akong naiwan dahil simula't sapul, wala namang sa akin dito.

Habang hila-hila ko ang maleta palabas, bawat tunog ng gulong nito sa sahig ay parang pagbibilang ng mga huling sandali ko rito. Palapit na ako sa pinto nang bigla itong bumukas nang marahas.

Doon bumungad si Nathaniel. Hingal na hingal, basang-basa ng pawis, at halatang natataranta. Nang makita niya ang maleta ko, parang binalutan siya ng takot.

"Where are you going?!" sigaw niya.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. Walang buhay. Walang emosyon. "I'm leaving."

"No!" Agad siyang lumapit at hinawakan ako. "Hindi ka aalis!"

Natawa ako. Isang tawang puno ng pait at labis na sakit. "Talaga? Pipigilan mo ako pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?"

"Khendra, let me explain—"

"I want a divorce."

Natigilan siya, parang sinaksak sa sinabi ko. "Khendra, it's not what you think..."

"Huwag mo na akong gawing tanga, Nathaniel!" sigaw ko, tuluyan nang gumuho ang pader ko. "Kung hindi totoo, bakit alam ng buong opisina mo ang tungkol sa inyo? Bakit alam nila na nahihirapan akong magkaanak noon?!"

Nanigas siya. Lumaki ang mga mata niya sa gulat.

"Paano nila nalaman iyon?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nanginginig ang buong katawan ko. "Bakit, Nathaniel? Tayong dalawa lang ang nakakaalam kung gaano kasakit sa akin ang akalaing baog ako. Pero ginawa mo kaming pulutan ng kabit mo!"

Hindi siya nakasagot. Ang katahimikan niya ang pumutol sa huling hibla ng pag-asa sa puso ko.

"Hinayaan mo silang pagtawanan ako... Hinayaan mo silang tapakan ako."

Mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko, umiiyak na rin siya. "No, please... Khendra, sorry..."

"Bitiwan mo ako!" Hinila ko ang braso ko nang buong lakas.

Eksakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. "Nate!"

Si Allheyn. Nakangiti pa siya, tila tuwang-tuwa sa eksenang nadatnan niya.

"Anong ginagawa mo rito?!" galit na baling ni Nathaniel sa kanya.

"Iniwan mo kasi ako sa sasakyan, nainip ako," maarteng sagot ng babae.

Natawa ako nang mapait habang tumutulo ang luha. "Bagay nga kayo. Parehong walang hiya."

Naglakad ako para lampasan silang dalawa. Ngunit bago pa ako makalagpas, naramdaman ko ang biglaang pagharang ng paa ni Allheyn.

Hindi ako nakaiwas. Dahil sa bigat ng maleta at sa panghihina ng katawan ko, nawalan ako ng balanse.

Malakas akong bumagsak sa sahig.

"Oops. Sorry," narinig kong nakangising boses ni Allheyn sa itaas ko.

Ngunit hindi ko na siya nagawang sagutin. May kakaiba akong naramdaman sa ibabang bahagi ng katawan ko. Mainit. Basa. At mabilis na kumakalat.

Dahan-dahan kong ipinasok ang kamay ko sa pagitan ng mga hita ko. Pag-angat ko...

Dugo. Maraming-maraming dugo.

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang ingay sa paligid ko ay biglang nawala.

"A-ang dugo..." bulong ko, habang unti-unting nangangatog ang buong katawan ko sa takot.

Hindi. Hindi ito maaari. Huwag ang anak ko. Huwag ang baby ko.

"A-ang baby ko..."

Isang matinding takot ang lumamon sa akin—takot na mas masakit pa sa nalaman kong pagtataksil ng asawa ko.

"Khendra!"

Mabilis na lumuhod si Nathaniel sa tabi ko. Nanginginig ang mga kamay niya nang makita ang dugo sa sahig. "Anong nangyayari?! Khendra?!"

Hinarap ko siya gamit ang natitira kong lakas. Hinawakan ko ang damit niya, mahigpit, habang unti-unting nanlalabo ang paningin ko.

"Iligtas mo..." Humugit ako ng isang masakit na hininga, kasabay ng pagpatak ng huling luha ko. "Iligtas mo ang baby natin..."

Natigilan si Nathaniel. Parang hindi pumasok sa utak niya ang sinabi ko. Pagkatapos, dahan-dahang lumaki ang mga mata niya habang nakatingin sa tiyan ko at sa dugong patuloy na umaagos.

"B-buntis ka...?" nauutal niyang tanong, parang binuhusan ng nagyeyelong tubig.

Hindi ko na siya masagot. Pikit-mata kong naramdaman ang unti-unting pagkawala ng malay ko, habang ang tanging dalangin ko na lang ay ang kaligtasan ng batang walang kamalay-malay sa sinapupunan ko.

"Ang baby ko..." iyon ang huling salitang lumabas sa bibig ko bago tuluyang nagdilim ang lahat.

"I-iligtas mo.. ang baby ko.."

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 112

    Nakita kong bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Belle. Hindi siya nagalit, pero tila nag-iisip siya kung paano sasagot.“Magnus is a good person,” sabi niya sa wakas.“I know.”“He's easy to talk to. He's kind. And he respects me.”Tumango ako. “I can see that.”Bahagya siyang ngumiti. “We're getting to know each other.”Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong humigpit sa dibdib ko nang marinig iyon, pero pinilit kong panatilihing normal ang ekspresyon ko. “That's good.”Tiningnan niya ako nang mabuti. “Really?”Napatingin ako sa kaniya. “Of course.”“Drevin, I don't want you to feel uncomfortable.”Napailing ako. “Why would I be uncomfortable?”Hindi siya sumagot agad. Marahil ay alam niya ang sagot: Dahil dati, ako ang taong pinakamalapit sa kaniya. Dahil dati, sa akin niya ibinibigay ang karamihan ng oras at atensiyon niya. Dahil dati, ako ang lalaking inaasahan niyang makakasama sa hinaharap.Pero wala na kami sa ganoong sitwasyon, at kung gusto kong manatili sa buhay niya,

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 111

    “That's the most boring answer I've ever heard.”Natawa rin si Belle. “He's always like that.”Napatingin ako sa kaniya. “Excuse me?”“What? You can be boring sometimes.”“Sometimes?”“Okay, frequently.”Napailing ako. “I see how it is.”Natawa siya, at sa kabila ng pang-aasar niya, hindi ko napigilang ngumiti.Iyon ang Belle na nakilala ko: ang Belle na kayang sabihin sa akin ang totoo nang hindi kailangang mag-alala kung masasaktan ba ang ego ko, at ang Belle na hindi natatakot na pagtawanan ako kapag masyado akong seryoso.Pero hindi ko na maaaring ipagpalagay na babalik siya sa dating paraan ng pakikitungo sa akin. Kung gusto kong magkaroon kami ng ganoong samahan muli, kailangan kong patunayan na kaya kong tanggapin ang pagkatao niya nang hindi siya pinipigilan o sinasaktan. At kailangan kong tanggapin na maaaring hindi na ako ang taong pinakamalapit sa kaniya—marahil ay si Magnus na.Napatingin ako sa lalaki. Nakaupo ito nang maayos habang nakikinig sa kuwento ni Belle tungkol s

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 110

    Pero nauunawaan ko kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya.“Did you regret it?” tanong ni Belle.Sandaling nag-isip si Magnus. “Sometimes.”Nagkatinginan kami ni Belle.“Not because I wanted to marry her,” dagdag niya. “That part, I never regretted. But I regret letting my anger control me. I could have handled it better.”Tumango ako. At least, alam niya iyon.“Pero hindi mo naman kasalanan na niloko ka nila,” sabi ni Belle.Ngumiti si Magnus. “Thank you.”“Seriously. Hindi mo deserve iyon.”“I know.”“At hindi mo rin kailangang sisihin ang sarili mo dahil nagalit ka.”Napatingin si Magnus sa kaniya nang matagal. May kung anong lumambot sa mukha nito.“I appreciate that, Belle.”Bahagyang umiwas ng tingin si Belle, marahil dahil napansin niyang naging seryoso ang usapan. Ako naman ay nanatiling tahimik.Hindi ko alam kung bakit ang simpleng palitan nilang iyon ay tila may kung anong kurot sa akin.Hindi naman bago sa akin ang makitang may taong nag-aalala kay Belle: maraming tao

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 109

    Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ikuwento iyon nang may ganoong gaan sa tinig. Naalala ko ang mukha niya noong dumating siya sa boutique upang kanselahin ang order—halatang hindi siya makapaniwalang nangyari iyon sa kaniya.Hindi siya galit na galit noong araw na iyon; mas mukha siyang wasak. At iyon ang mas mahirap makita.May mga taong kapag niloko, nagagalit. May mga taong naghahanap ng paraan para makaganti. Pero si Magnus, sa unang pagkikita namin matapos ang pangyayari, para bang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Ang alam lamang niya, ayaw na niyang ituloy ang kasal.At tama lang naman siya—hindi niya kailangang pakasalan ang isang taong nagtaksil sa kaniya.“How did you find out?” tanong ni Belle nang mahinahon.Napatingin si Magnus sa kaniya, pagkatapos ay huminga siya nang malalim. “Do you really want to know?”Tumango si Belle. “Only if you're comfortable telling me.”Napangiti siya. “That's sweet of you.”Saglit siyang natahimik bago nagsimulang

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 108

    Pinili ni Magnus ang isang restaurant na may tahimik na ambiance. Hindi masyadong pormal ang lugar, pero maayos ang pagkakaayos ng mga mesa at may sapat na distansiya ang bawat grupo upang makapag-usap nang hindi nakikialam sa ibang kumakain.Pagkaupo namin, agad na inabot ni Magnus ang menu kay Belle.“You first.”“Thank you.”Binuklat ni Belle ang menu at pinagmasdan ang mga pagpipilian. Ako naman ay naupo sa tapat nila.“Have you been here before?” tanong ni Magnus sa akin.“Once or twice.”“Then you're the expert.”“Hardly.”Natawa siya. “Fine. I'll take my chances.”Habang nagbabasa kami ng menu, hindi ko maiwasang mapansin na parang natural na natural kay Magnus ang alagaan si Belle sa maliliit na bagay: tinatanong niya kung anong gusto nitong kainin, kung may allergies ba ito, at kung gusto nitong subukan ang isang partikular na putahe.Hindi naman espesyal ang mga tanong na iyon, pero sa paraan ng pagtatanong niya, malinaw na interesado siyang malaman ang sagot. At nakikinig s

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 107

    Hindi siya iyong kliyenteng naghahanap ng pinakamurang materyales pero gustong makuha ang pinakamahal na disenyo. Malinaw ang gusto niya, nakikinig siya sa mga suhestiyon ko, at hindi niya ako pinahirapan sa mga pagbabago.Naalala ko pa ang araw na dumating siya sa boutique nang hindi nakaayos ang buhok at halatang hindi natulog—doon ko unang nalaman na may problema sa kasal niya.Sa huling pagkikitang iyon, tuluyan nang nakansela ang order. Hindi na niya kailangang sabihin kung bakit, dahil kumalat na noon ang kuwento tungkol sa kaniyang fiancée.Napatingin ako kay Magnus. “You're the civil engineer who ordered the wedding suit and gown two years ago.”Biglang natawa si Magnus. “Oh, my God. Yes!” Napailing siya habang nakatingin sa akin. “I can't believe I ran into you here.”“I was just thinking where I'd heard your name.”“Well, now you know.”Napangiti ako. “I remember you. You were very particular about the suit.”“Of course! It was supposed to be my wedding.” Natawa siya, ngunit

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 7: Patawad, Khendra

    "Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 6: May sakit si Dad

    "Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 5: Cryptic Pregnancy

    MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang m

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 4: Paglayo

    "SALAMAT, Attorney."Nakipagkamay ako sa abogado na nag-asikaso ng tuluyang paghihiwalay namin ni Nathaniel."Anytime, Khendra. Kung may kailangan ka pa, tawagan mo lang ako," nakangiting sagot niya bago inayos ang mga papeles at lumabas ng pribadong silid sa coffee shop.Naiwan akong mag-isa. Daha

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status