Pasado alas-dies na nang napagpasyahan na pumasok ni Klarisse at ni Michael. Magkahawak kamay pa sila habang naglalakad papasok. Naabutan pa nila si Eros at Honey na may pinag-uusapan sa sala at natahimik nang dumating sila. “Wow, saan kayong galing dalawa? Gabi na, ah?” pabirong sita sa kanila ni Honey na agad nakabawi sa dalawa. “Diyan lang sa tabi,” sagot ni Michael na napasulyap pa sa laptop na nasa harapan ng dalawa. “Kayo, bakit gising pa kayo?”“Well, may pinag-usapan lang kaming dalawa ni Eros.”“Kayo na ba?” tanong naman ni Klarisse na inilagay ang isang kamay sa loob ng bulsa ng jacket. Nakaramdam siya ng lamig gayong nasa loob na tuloy sila. Kakaiba ang nararamdaman niya dahil kahit pinagpapawisan siya ay nilalamig siya. Para makaiwas sa tatlo ay inalok niya ng kape ang mga ito. “Kape, baka gusto ninyo? Ipagtitimpla ko kayo.”“You can sit here, ako na ang bahalang magtimpla—”“Nah, just stay here. Bahay namin ‘to, Mr. Ratcliffe, baka nakakalimutan mo. Kaya ako na, okay? S
Habang nasa biyahe silang lahat papunta sa lugar nila Michael ay hindi maampat ang kaba sa dibdib ni Klarisse kaya naman halos mahirapan siyang huminga. She’s almost out of breath. Gusto niyang umiyak dahil sa sitwasyon niya. But she was too bless sa kabila ng sitwasyon niya. Sino ba ang mag-aakala na mayroon silang pangalawang pagkakataon sa buhay ni Michael?God is really good. Dahil sa kabila ng sakit niya ay biniyayaan siya ng Diyos ng mga taong handa siyang tanggapin at mahalin nang walang kapalit. Napatingin siya kay Michael na nasa tabi niya. Nakahawak ito sa kamay niya para bang takot itong mawala siya. Itinaas ni Klarisse ang kamay niyang hawak ni Michael at dinala sa labi niya upang halikan ito. “I love you,” anas niya sa lalaking mula pa noong una ay minahal niya na. “Mahal din kita, Gang, mahal na mahal.” Michael planted a kiss on his lips. Napapikit si Klarisse sa ginawang iyon ng lalaki. It felt nice. Having Michael beside her is really a good thing. Hindi lang kasi l
Nakayuko si Michael habang humahagulhol. Malakas ang iyak niya, at kahit na lalaki siya, at kilala bilang isa sa mayaman sa bansa ay hindi niya alintana ang mga taong nakatingin sa kaniya. Nakakaagaw siya ng pansin sa mga taong dumaraan lalo pa at nasa labas siya ng kwarto kung nasaan si Klarisse. Ang kasal na magaganap sana kanina ay hindi nangyari dahil sa biglaang paglala ng sitwasyon ni Klarisse. Ang buong akala nga nila kanina ni Honey ay wala na ito. But he didn’t give up, kaya isinugod agad nila si Klarisse sa hospital. Halos panawan din siya ng ulirat kanina, at dahil sa nangyari, mas napatunayan niya kung gaano niya kamahal ang babae. Hindi niya kayang mawala ang babae. Mabuti na lang at kahit probinsiya ay mayroong sapat na kagamitan ang hospital. The doctors took 20 minutes to revived Klarisse. Ang mahinang tibok ng puso kanina ni Klarisse ay sapat na para mabuhayan siya ng loob.Pagsubok lang ito, saad pa ni Michael sa sarili. “Anak...” anang boses kasabay ng pagdampi n
Nang kumilos si Klarisse mula sa kinahihigaan nito ay agad hinawakan ni Michael ang kamay nito. Mahigpit ang hawak niya rito na para bang takot siyang mawala sa kanya ang babae. “How are you, Gang?” puno ng pag-aalalang tanong ni Michael sa babae.Kahit nahihirapan ay ngumiti si Klarisse. Ang mga labi ng babae ay tila ba labi ng taong uminom ng isang litrong suka dahil sa putla. Michael wanted to cry, pero ayaw niyang ipakita kay Klarisse na mahina siya.Yes, he felt weak right now, but it doesn’t mean that na kailangan niyang ipakita kay Klarisse iyon. Gusto niyang ipakita kay Klarisse na matatag siya para hindi ito panghinaan ng loob.Kumilos si Klarisse, gusto nitong umupo kaya agad itong tinulungan ni Michael. Dahan-dahan ang naging pagkilos ni Michael na para bang isang babasaging porselana ang babaeng iniibig.“S-salamat,” saad ni Klarisse sa gitna ng paghabol ng paghinga. Sa kaunting pagkilos na ginawa niya ay halos pangapusan na siya ng hininga. And she knew how bad is her con
“Hi!” mahinang bati ni Honey kay Michael nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan ni Michael at ni Klarisse.For transfer na ngayon ang dalaga sa Manila. Apat na araw na simula nang ma-admit si Klarisse dito sa provincial hospital. Gustuhin man ni Michael na mailipat ang babae sa Manila ngunit masiyadong mahina ang babae sa loob ng tatlong araw. Ngayon lang naging mabuti ang lagay nito kaya naman minabuti nilang dalhin na ito sa Manila lalo pa at pauwi iyong doktor na sinasabi ng ina ni Michael.“How’s Klarisse?” tanong ni Honey sa kapatid sabay tingin sa babaeng nakahiga at nakapikit. Sa tingin niya naman ay natutulog ito kung pagbabasehan ang mabining paghinga nito.“She’s fine,” malungkot na sagot ni Michael. Ang totoo ay nakausap na ito ng doktor tungkol sa kung ano ba talaga ang sitwasyon ng babae. Klarisse has 3 months to live. Iyon na ang pinakamahabang oras na itatagal ng babae.“She’ll make it, brother, don’t worry.” Tinapik ni Honey ang kapatid sa balikat. That's th
Dahil nga naiintindihan ni Honey ang sitwasyon ng kapatid ay hindi na siya nagpumilit pang pakiusapan ito na harapin ang porblema nila sa kompanya. Total naman, kapag naging maayos na ang kinakaharap nitong problema ay magkukusa ito. “Ano? Magkita na lang tayo sa Manila?” saad ni Honey sa kapatid. “Sumabay ka na lang kaya sa amin.” Hindi alam ni Michael kung bakit siya kinakabahan. Gusto niyang mag-stay ang kapatid at sumabay na lang sa kanila sa pagluwas sa Manila. Ngumuso si Honey. “Uuna na ako, ano ka ba. May kailangan lang akong kausapin. And besides, naghihintay sila Charlotte at Greta sa akin. Silang lahat naghihintay sa akin. We will figure out kung ano ang magandang gawin.”“Pero...”“Luh? What's with that attitude, Kuya? Why all of the sudden ay ganiyan ka? Ano ang problema? Natatakot ka ba na i-ambush ako?” pagbibiro ni Honey sa kapatid niya. “Honey, ano ba iyan,” saway ni Michael kasabay ng pag-usbong ng kakaibang kaba sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito n
“Hello?” Napangiti si Michael kasabay ng pagsagot niya sa tawag ni Eros. Siguro, sa mga oras na ito ay magkasama na ang lalaki at ang kapatid nito. Alas-siete na ng gabi. At kanina pa nakaalis si Honey sa hospital kung nasaan sila ni Klarisse. There was a slight problem kaya naman kahit gabi na ay ngayon pa lang sila paalis ni Klarisse papunta sa Manila. “Paalis na ba kayo riyan?” tanong ng kaibigan sa kaniya. “Oo. Why?”“Loko talaga ang kapatid mo,” tumatawa na sagot ng kaibigan sa kaniya kaya natawa na rin siya. Sa tingin niya ay may ginawa na namang kalokohan ang kapatid niya. And he’s glad about it lalo pa at kanina nang umalis ito ay halatang namomroblema ito sa kung ano mang kinahaharap ng kompanya nila. “Why? Ano na naman ang ginawa ng magaling kung kapatid?”“Nah. Pinaghintay lang naman ako. She didn’t even bother to call me para sabihin na male-late siya.”Napailing si Michael. Marahil ay na-busy ito. Ang totoo ay nakukunsensiya siya lalo pa at ito lang ang sumasalo sa p
Nang makarating sa Manila sila Michael ay agad silang sinalubong ng mga tauhan nila kasama si Eros. Everything is in chaos.Hindi pa rin nahahanap si Honey kaya naman matinding pag-aalala na ang lumukob sa kanila.Si Klarisse ay tahimik lang habang nakatingin kay Michael. Sa ngayon ay ang mga magulang nito ang nag-aasikaso sa babae.Nang makarating sila sa hospital room ay kinausap ni Klarisse si Michael.“You have to go,” saad niya sa mahinang boses.May pag-aalinlangan sa mukha ni Michael nang harapin siya, pero alam ni Klarisse na gustong umalis ni Michael para hanapin ang kapatid.Ngumiti si Klarisse at hinawakan ang kamay ni Michael.“I’ll be fine. Kailangan mong hanapin ang kapatid mo, Michael. Nakukunsensiya ako, dahil sa kabila ng dami ng problema mo ay dumagdag pa ako. Nagiging pabigat na ako.”Umiling si Michael at hinalikan ang kamay ni Klarisse na nakahawak sa kaniya.“Hindi ka pabigat, Gang. Gusto ko ang ginagawa ko. Gusto ko ang pinagsisilbihan ka. Gusto ko na nasa tabi