My Billionaire EX-BOYFRIEND

My Billionaire EX-BOYFRIEND

By:  Aera RODORA   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
67Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

RATED SPG! Ilang taon na simula nang magkahiwalay si Klarisse at Michael, kaya nang magkita silang muli ay hindi na nagtaka ang dalaga sa pakikitungo sa kanya ng lalaki. Gusto n'yang makabawi rito kaya ginawa n'ya ang lahat mapalapit lang uli sa binata. Maipagpatuloy kaya nila ang pag-iibigang naudlot kung isang antipatiko at preskong lalaki na ang Michael na minahal niya dati?

View More
My Billionaire EX-BOYFRIEND Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
67 Chapters

CHAPTER 1

"Bakit? Hindi ba ako sapat para sa iyo?!" namumula sa galit na bulyaw sa kanya ni Michael—ang kanyang kasintahan. Napayuko s'ya dahil sa takot at sakit na nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yon. Nasasaktan s'ya sa nakikita n'ya sa lalaking pinahalagahan s'ya. "Sumagot ka naman, Klarisse. Ano ba ang problema?" Hinawakan s'ya nito sa balikat at akmang yayakapin nang bigla s'yang umilag. "A-ayoko na. I-itigil na natin 'tong relasyon natin," nakayuko n'ya pa ring saad sa kasintahan. Pakiramdam n'ya ay papanawan s'ya ng ulirat anumang oras dahil sa pagpipigil sa sarili na maiyak. "Ano? Bakit?!" Hinawakan s'ya nito sa baba pero umatras uli s'ya. "Hindi na kita mahal." Pinilit n'yang hindi mautal sa binitawan n'yang salita. Narinig n'ya ang pagtawa nang pagak ni Michael. "Ano ba naman 'to, Klarisse?" Lumapit ang lalaki sa kanya. Iiwas uli sana s'ya pero hinawakan agad nito ang kamay n'ya, yinakap s'ya nito nang mahigpit. "Pinilit ka na naman ba ng magulang mo na makipag
Read more

CHAPTER 2

Mag-iisang buwan na rin ang nakakaraan nang huli n'yang makita si Michael. Hindi n'ya alam kung sinasadya ba nito na hindi maglandas ang daan nila o parehas lang talaga nilang iniiwasang magkita na dalawa. Kalat na rin sa buong unibersidad nila at buong baranggay ang relasyon n'ya sa nag-iisang tagapagmana ng mga del Prado. Hatid sundo s'ya ni Nathan sa unibersidad na pinapasukan n'ya. Nasasakal s'ya sa pagiging overprotective nito pero hindi n'ya magawang magreklamo. Papunta s'ya sa cafeteria nang tanghaling iyon nang may maulinigan s'yang nag-uusap sa cr ng mga babae. "Talaga? Ang swerte mo naman, girl!" "Oo naman, no? Napakagwapo kaya ni Michael at masarap pa!" malanding sagot naman ng pangalawang boses. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Si Charlotte! Ang pinsan ni Nathan. No way! Naninikip ang dibdib n'ya na umalis sa pwesto n'ya dahil hindi n'ya na gusto pang marinig ang susunod pang sasabihin ng dalawa. Nanghihina s'yang napaupo sa isang bench nang lapit
Read more

CHAPTER 3

5 years later... "My Gosh, Klara!" bulalas ng kaibigan n'yang si Greta nang dalawin s'ya nito sa bahay nila isang araw. Ayaw n'ya sanang papuntahin ito sa kanila kaso mapilit talaga ang kaibigan. "Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, sa t'wing magkikita tayo ay parati ka na lang may black eye at pasa! Hoy, Klara! Tao ka at hindi punching bag!" Nagngingitngit ito kaya malakas ang boses na nagsasalita. "Sshh! 'Wag kang maingay at baka marinig ka ni Nathan," pagmamakaawa n'ya rito. "Nasisiraan ka na ba?" umiiling na tanong nito. "Nasisiraan ka na nga!" bulyaw uli nito sa kanya. "Hayaan mo na..." Sinadya n'yang bitinin ang pagsasalita upang pakawalan ang mga luha. "Siguro, parusa 'to ng Diyos sa ginawa ko," aniya sa pagitan ng paghikbi."'Wag mong idamay ang Dios sa kahinaan ng loob mo, Klara!" Matalim ang mga matang tinitigan s'ya nito kasabay ng pagbuntong-hininga. "I miss my best friend. Iyong best friend ko na kayang kumilos ayon sa kagustuhan n'ya. Iyong Klarisse na hindi
Read more

CHAPTER 4

Nagising si Klarisse dahil sa tadyak sa paahan niya, kaya naman paigik siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita niya si Michael na nakatunghay sa harapan niya, may hawak itong tasa na halata pang mainit ang laman dahil sa umuusok pa ito, habang nakangisi sa kanya. “Ang sarap ng buhay natin, ah? Aba, anong oras na, tulog ka pa rin? Ganyan ba talaga kayong mga mahihirap, walang sense of responsibility? Get up!” sigaw nito matapos siyang tuyain. Dahil sa labis na takot ay nagkukumahog siyang tumayo. Naglakad siya papunta sa dresser para kumuha ng T-shirt subalit nang dumaan siya harapan nito ay pinatid siya ng asawa kaya pasubsob siyang nadapa. Sa kagustuhan na huwag masaktan ang mukha ay ang kamay niya ang naitukod niya kaya naman isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya nang mabali ang kanang kamay niya. “H-help m-me, Nathan, please...” umiiyak niyang samo rito habang hawak ang kamay na nasaktan. Sa pag-aakalang nagbibiro lang ang babae ay tiningnan niya lang ito
Read more

CHAPTER 5

Sinungaling kang hayop ka! Sinungaling ka talaga, Nathan! Labis ang galit sa dibdib ni Laura nang malaman ang ginawang kasinungalingan ni Nathan sa magulang nito at sa mga kaibigan niya. Nunca ba namang sabihin na nahulog siya sa hagdan.“Auntie Tess told me that, too. And besides, naniwala kami, dahil ang sabi ng doctor is malnourished ka. Sabagay, kita naman iyon sa katawan mo, eh. Biglang bagsak ng katawan mo, Klarisse.”“Ano ang sabi ng pinsan mo tungkol sa pagiging malnourished ko?”“That you have difficulty dealing with your life? Ni kahit ang kumain ay hindi mo magawa? And you’re being paranoid...”“Paranoid about what?” “That my cousin is having an affair, kahit ang totoo ay wala naman daw siyang kalaguyo. At sabi niya ay sinasaktan mo raw siya, and that you even cut his arm.”“What the hell is he talking about?!” Naikuyom ni Klarisse ang mga kamay niya. Sobra na ang asawa niya! Maging ang sanity niya ay nilalagyan ng bahid para lang masira siya! She can’t take this shit any
Read more

CHAPTER 6

Maybe it’s the same old story. But why does my heart beats faster than usual whenever someone utters your name? Maybe it’s the same old story. Pero bakit hindi nakakasawa na pakinggan ang tibok ng puso ko kapag pangalan mo ang binabanggit ng kausap ko.Perhaps, it’s insanity.I miss you. No—I miss you more than words... I want to see you. I want to touch you. Even if it takes forever, I still want to see you, Gang...“Hoy, gaga, natahimik ka na riyan? Okay ka lang ba?” natatawang saad sa kanya ng kaibigan sabay kalabit sa kanya. Pero nang makita ni Greta ang mukha ng kaibigan ay natahimik ito. Sandaling natulala bago siya nilapitan. “Oy, ano ang problema? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan. Inabutan din siya nito ng tissue. Umiling siya, pagkatapos ay inabot niya ang tissue na ibinibigay nito. Sinubukan niyang punasan ang luha niya, but to no avail, patuloy pa rin ang mga iyon sa paglandas. Natatawa siyang lumuluha nang harapin ang kaibi
Read more

CHAPTER 7

Nakatingin si Klarisse sa labas ng bintana sa kwarto nilang mag-asawa. Maulan kaya naman nagkaroon ng mist sa bintana sa harapan niya. Hinipan niya ang bintana bago isinulat ang salitang MICHAEL...The name stayed for about a minute, at mayamaya lang ay nawala na rin.Malalim siyang napabuntonghininga. The faded written name hit her really hard. Katulad kasi ng pangalan, ang nagmamay-ari nito ay ilang sandali niya lang nakasama. At hindi niya alam kung makakasama pa ba niya o makikita man lang kahit isang beses sa nalalabing buhay niya. Pumikit si Klarisse, dahil ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang lungkot na sa tingin niya ay kahit na anong gamot ang inumin niya ay hindi tatalab para maging okay siya. Kailan ba siya huling naging masaya? Ah, matagal na. Noong si Michael pa ang kasama niya. And that was 5 years ago. Wala siyang magagawa. Kasalanan niya ang nangyari. Nakipaghiwalay siya rito dahil ang buong akala niya ay matutunan niyang mahalin si Nathan. Pero hindi nangy
Read more

CHAPTER 8

Nasa kusina si Klarisse nang dumating si Nathan. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain para sa hapunan nang bigla itong nagpunta sa likuran niya. Yinakap siya ng asawa kasabay ng pagkapa sa utông niya. “Let’s have sex here, Klara... I want you,” bulong nito sa puno ng tainga niya.Napapikit si Klarisse. Hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa ng asawa, kundi dahil nakaramdam siya ng pagkasuklam dito. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago humarap kay Nathan at pilit na ngumiti. “I have my monthly period right now, Nate...”“Ow? Is that so? Tsk! Sayang. Gusto pa naman kitang brutsahin hanggang sa manginig ang tuhod mo at mawalan na ng lakas. But forget it. Kumain ka na ba?”Nagsalubong ang kilay ni Klarisse dahil sa inaasta ngayon ni Nathan. Mabuti na nga lang at nakatalikod ito kaya naman hindi nito nakita ang reaction niya. “Maganda yata ang mood mo ngayon?”“Yeah. Halata ba?” Hindi sumagot si Klarisse. “The meeting didn’t go well. But, you’re all I need to cl
Read more

CHAPTER 9

Kinuha ni Klarisse ang kamay ni Michael na nakalahad sa kanya. His hand is warm. Indikasyon na totoo nga na nasa harapan niya ito. Tapos na ang panahon na hinahanap-hanap niya ito. Dahil heto, hindi lang ito nasa harapan niya, kundi ay hawak pa nito ang kamay niya. Si Michael naman, nang mahawakan ang kamay ng dating katipan ay agad niyang inalalayan na tumayo si Klarisse bago ito hinila palapit sa kanya. Gamit ang jacket na binili niya kanina ay isinuot niya iyon kay Klarisse bago kinuha ulit ang kamay at hinipan. Nang bitiwan kanina ni Michael ang kamay ni Klarisse ay nakaramdam ng pagkadismaya ang babae. Pero dahil sa ginawa nito ngayon ay napuno ulit ng kasiyahan ang puso niya. Matinding ginhawa ang naramdaman niya dahil sa ginawa nito. “O-okay na. Salamat, M-Michael...”Tumingin lang sa kanya si Michael at tumango. Mahaba at nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Lihim siyang nakatingin kay Michael na nakaangat ang mukha at nakatingin sa kawalan. Aaminin
Read more

CHAPTER 10

Kung bomba man na inilapag sa kanilang harapan ang sinabi ng babae, baka kanina pa nagkalat ang laman nilang mag-asawa. They were being like caught off guard. Si Klarisse ay hindi makapaniwala na nakatingin kay Michael na nakatunghay na rin sa kanya. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. “Wh—w-what d-did you s-say?” nauutal na tanong ni Nathan. “Siya ang may-ari ng M and R company. He owns this mall and restaurant, too, Mr. del Prado... At dahil pinirmahan mo na ang mga papel ng building na ibenebenta mo, siya na rin ang may-ari noon.” “But—what the fuck?! Niloloko n’yo ba ako?!” malakas na sigaw ni Nathan kasabay ng pagbagsak ng kamay nito sa lamesa kaya nagtinginan sa gawi nila ang ibang costumers. “Paano naging may-ari ang gagong iyan ng pinakamalaking kompanya sa buong Asya kung isa lang siyang janitor?!”Tumayo si Klarisse para pigilan si Nathan pero tinabig lang siya nito dahilan para na-out of balance siya. Ang inaasahan ni Klarisse na sahig na sasalo sa kanya ay hindi nangy
Read more
DMCA.com Protection Status