Share

CHAPTER 62

“K-Klarisse?” nanginginig ang boses na turan ni Michael.

Maging si Honey at Eros ay biglang napatingin sa kaniya. May balak pa sanang agawin ni Honey ang cell phone sa kaniya subalit inilayo niya sa kapatid ang cell phone na hawak.

Iminuwestra din ni Michael ang kamay para pigilan ang kapatid sa paglilikot kaya naman tumango ito bilang pagsunod sa sinabi niya rito.

“K-Klar—” Umiling si Michael. Imposible na si Klarisse ang kausap niya. Bigla siyang natauhan sa kagaguhan. “Sino ito?” seryoso niyang tanong.

“Psh! Oh, kumusta ka na?”

Napakunot ang noo ni Michael nang mapagsino ang nasa kabilang linya. “Charlotte?”

“Yes, that's my name. I’m glad na kilala mo pa ako.”

Bumuntonghininga si Michael. Nakaramdam siya ng pagkairita pero hindi niya na lang iyon ipinakita sa kausap lalo pa at ang balita niya ay buntis ito.

“Niloloko mo na lang ako parati.” Pumalatak siya bago tumingin sa mag-asawa at umiling. Dinukot niya na rin ang susi na nasa bulsa niya at ipinakita sa mag-asawa. “Alis na muna
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status