Share

CHAPTER 33

Gabi. May kalakasan ang hangin lalo at malapit nang magpasko. Nasa tabing-dagat si Klarisse at hindi alintana ang hampas ng tubig dagat sa binti niya. High tide ng mga oras na iyon kaya malapit lang ang tubig-dagat sa kabahayan.

Mag-isa lang siyang nakaupo sa kinaroroonan niya. Kampante naman siya dahil alam niyang may mga nakapalibot na mga bodyguards na kinuha pa ni Michael para bantayan sila.

Wala si Michael. Umuwi ito sa bahay nila sa sunod na baranggay. Isinasama silang mag-anak para doon sana sila matulog sa bahay nito subalit tumanggi ang mga magulang niya. Ayaw niya ring matulog sa bahay nito kaya nagpaiwan siya. Mas gusto niya rito sa bahay niya kasama ang mga magulang niya.

Natapos ang usapan nilang dalawa ni Greta na hindi niya nasabi ang tungkol sa sakit niya kaya ang inakala tuloy ng kaibigan ay natatakot siya kay Nathan.

Natawa siya nang pagak—ang tawang iyon ay para sa nakakaawa niyang sarili. Siguro ay sobrang laki ng kasalanan niya noong past life niya para danasi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status