Nang kumilos si Klarisse mula sa kinahihigaan nito ay agad hinawakan ni Michael ang kamay nito. Mahigpit ang hawak niya rito na para bang takot siyang mawala sa kanya ang babae. “How are you, Gang?” puno ng pag-aalalang tanong ni Michael sa babae.Kahit nahihirapan ay ngumiti si Klarisse. Ang mga labi ng babae ay tila ba labi ng taong uminom ng isang litrong suka dahil sa putla. Michael wanted to cry, pero ayaw niyang ipakita kay Klarisse na mahina siya.Yes, he felt weak right now, but it doesn’t mean that na kailangan niyang ipakita kay Klarisse iyon. Gusto niyang ipakita kay Klarisse na matatag siya para hindi ito panghinaan ng loob.Kumilos si Klarisse, gusto nitong umupo kaya agad itong tinulungan ni Michael. Dahan-dahan ang naging pagkilos ni Michael na para bang isang babasaging porselana ang babaeng iniibig.“S-salamat,” saad ni Klarisse sa gitna ng paghabol ng paghinga. Sa kaunting pagkilos na ginawa niya ay halos pangapusan na siya ng hininga. And she knew how bad is her con
“Hi!” mahinang bati ni Honey kay Michael nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan ni Michael at ni Klarisse.For transfer na ngayon ang dalaga sa Manila. Apat na araw na simula nang ma-admit si Klarisse dito sa provincial hospital. Gustuhin man ni Michael na mailipat ang babae sa Manila ngunit masiyadong mahina ang babae sa loob ng tatlong araw. Ngayon lang naging mabuti ang lagay nito kaya naman minabuti nilang dalhin na ito sa Manila lalo pa at pauwi iyong doktor na sinasabi ng ina ni Michael.“How’s Klarisse?” tanong ni Honey sa kapatid sabay tingin sa babaeng nakahiga at nakapikit. Sa tingin niya naman ay natutulog ito kung pagbabasehan ang mabining paghinga nito.“She’s fine,” malungkot na sagot ni Michael. Ang totoo ay nakausap na ito ng doktor tungkol sa kung ano ba talaga ang sitwasyon ng babae. Klarisse has 3 months to live. Iyon na ang pinakamahabang oras na itatagal ng babae.“She’ll make it, brother, don’t worry.” Tinapik ni Honey ang kapatid sa balikat. That's th
Dahil nga naiintindihan ni Honey ang sitwasyon ng kapatid ay hindi na siya nagpumilit pang pakiusapan ito na harapin ang porblema nila sa kompanya. Total naman, kapag naging maayos na ang kinakaharap nitong problema ay magkukusa ito. “Ano? Magkita na lang tayo sa Manila?” saad ni Honey sa kapatid. “Sumabay ka na lang kaya sa amin.” Hindi alam ni Michael kung bakit siya kinakabahan. Gusto niyang mag-stay ang kapatid at sumabay na lang sa kanila sa pagluwas sa Manila. Ngumuso si Honey. “Uuna na ako, ano ka ba. May kailangan lang akong kausapin. And besides, naghihintay sila Charlotte at Greta sa akin. Silang lahat naghihintay sa akin. We will figure out kung ano ang magandang gawin.”“Pero...”“Luh? What's with that attitude, Kuya? Why all of the sudden ay ganiyan ka? Ano ang problema? Natatakot ka ba na i-ambush ako?” pagbibiro ni Honey sa kapatid niya. “Honey, ano ba iyan,” saway ni Michael kasabay ng pag-usbong ng kakaibang kaba sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito n
“Hello?” Napangiti si Michael kasabay ng pagsagot niya sa tawag ni Eros. Siguro, sa mga oras na ito ay magkasama na ang lalaki at ang kapatid nito. Alas-siete na ng gabi. At kanina pa nakaalis si Honey sa hospital kung nasaan sila ni Klarisse. There was a slight problem kaya naman kahit gabi na ay ngayon pa lang sila paalis ni Klarisse papunta sa Manila. “Paalis na ba kayo riyan?” tanong ng kaibigan sa kaniya. “Oo. Why?”“Loko talaga ang kapatid mo,” tumatawa na sagot ng kaibigan sa kaniya kaya natawa na rin siya. Sa tingin niya ay may ginawa na namang kalokohan ang kapatid niya. And he’s glad about it lalo pa at kanina nang umalis ito ay halatang namomroblema ito sa kung ano mang kinahaharap ng kompanya nila. “Why? Ano na naman ang ginawa ng magaling kung kapatid?”“Nah. Pinaghintay lang naman ako. She didn’t even bother to call me para sabihin na male-late siya.”Napailing si Michael. Marahil ay na-busy ito. Ang totoo ay nakukunsensiya siya lalo pa at ito lang ang sumasalo sa p
Nang makarating sa Manila sila Michael ay agad silang sinalubong ng mga tauhan nila kasama si Eros. Everything is in chaos.Hindi pa rin nahahanap si Honey kaya naman matinding pag-aalala na ang lumukob sa kanila.Si Klarisse ay tahimik lang habang nakatingin kay Michael. Sa ngayon ay ang mga magulang nito ang nag-aasikaso sa babae.Nang makarating sila sa hospital room ay kinausap ni Klarisse si Michael.“You have to go,” saad niya sa mahinang boses.May pag-aalinlangan sa mukha ni Michael nang harapin siya, pero alam ni Klarisse na gustong umalis ni Michael para hanapin ang kapatid.Ngumiti si Klarisse at hinawakan ang kamay ni Michael.“I’ll be fine. Kailangan mong hanapin ang kapatid mo, Michael. Nakukunsensiya ako, dahil sa kabila ng dami ng problema mo ay dumagdag pa ako. Nagiging pabigat na ako.”Umiling si Michael at hinalikan ang kamay ni Klarisse na nakahawak sa kaniya.“Hindi ka pabigat, Gang. Gusto ko ang ginagawa ko. Gusto ko ang pinagsisilbihan ka. Gusto ko na nasa tabi
“What the fuck are you saying?!”Putangina! Hindi mapigilan ni Michael ang mapamura na lang dahil sa pinagsasabi ng kaharap na babae.“Sino ka?! Sino?!” Umalingawngaw na ang boses ni Michael dahil sa kakaibang pag-usbong na emosyon na nararamdaman niya sa babae.He's afraid of her, pero hindi niya maiwasan ang humanga sa magandang babae. Galit siya rito, pero hindi kasing lalim ng galit na dapat niyang maramdaman ngayon. Marahil ay nababaliw na rin siya!Fuck!Sa isipan ay nagtataksil na siya kay Klarisse. Naroon lang pa naman ang katipan sa kabilang kwarto at naghihirap sa sakit nito.“Leave me a alone,” pinal na saad niya at akmang tatalikuran ang babae subalit hinawakan siya nito sa braso at pinigilan. At sa bilis ng pangyayari ay bigla na lang siya nitong isinandal sa pader and the woman pressed him against the wall.“What the fu—” Ang ano mang sasabihin ni Michael ay hindi na natuloy nang selyuhan ang labi niya ng mismong labi ng babae.The woman kissed him passionately. Kasabay
“Nagkita na pala kayo ni Doctor Selviana?” anang doktor na tumingin kay Klarisse noong nasa probinsiya pa sila ng Palawan.Hindi maipinta ang mukha ni Michael sa tanong na iyon g doktor but he didn't utter any words. Ayaw niyang magsalita ng kung ano mang masama tungkol sa babaeng doktor lalo pa at iba ang kausap.But it really puzzles him, kaya kailangan niyang magtanong tungkol sa babae para kahit papaano ay alam niya kung sino ang taong babanggain niya.Tumingin siya kung saan nakahiga si Klarisse. Also, he has to be careful when talking about that damn gorgeous doctor.Gorgeous, huh? What the fuck? Kulang na lang ay suntukin niya ang sarili dahil sa ginamit na adjective sa babaeng doktor.Are you fucking falling for her, Michael? That’s nice. Habang naghihirap ang nobya mo, ikaw ay nagsisimula na mahumaling sa iba. “Fuck off!” sigaw niya kaya naman nabigla ang doctor na kaharap.“Excuse me, Mr. Ratcliffe?” May alanganin na ngiti ang mukha ng doktor nang tumingin kay Michael. Nas
“We meet again. Ito na ang pangatlong beses na nagkita tayo, Mr. Ratcliffe, at sa isang araw pa lang.”Pabalik na si Michael sa hospital room kung nasaan si Klarisse. Pagod na pagod siya. Tumulong kasi siya sa paghahanap sa kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita. Wala pa rin silang ideya kung nasaan ito. Kahit ang mga pulis ay wala ring makitang bakas na makapagtuturo kung nasaan at sino ang dumukot sa kapatid niya.Hindi na rin nakita ang chopper nila kung saan iyon daw ang ginamit ng abductor ng kapatid niya.Ayaw niyang isipin na may masamang nangyari sa kapatid niya. Hangga't walang nababalitang nakita na katawan ng kapatid niya ay alam niyang buhay ito at walang nangyaring masama rito.At isa pa, wala pa silang natatanggap na tawag kung saan nagsasabing hawak ang kapatid niya.Ala-una na ng madaling-araw, gusto niya nang magpahinga subalit hindi pa puwede lalo pa at kahit ang utak niya ay ayaw tumigil sa pag-iisip ng kung ano-ano.Tapos ito na naman. Dagdag sa i