Maybe it’s the same old story.
But why does my heart beats faster than usual whenever someone utters your name? Maybe it’s the same old story. Pero bakit hindi nakakasawa na pakinggan ang tibok ng puso ko kapag pangalan mo ang binabanggit ng kausap ko.Perhaps, it’s insanity.I miss you. No—I miss you more than words... I want to see you. I want to touch you. Even if it takes forever, I still want to see you, Gang...“Hoy, gaga, natahimik ka na riyan? Okay ka lang ba?” natatawang saad sa kanya ng kaibigan sabay kalabit sa kanya. Pero nang makita ni Greta ang mukha ng kaibigan ay natahimik ito. Sandaling natulala bago siya nilapitan. “Oy, ano ang problema? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan. Inabutan din siya nito ng tissue.Umiling siya, pagkatapos ay inabot niya ang tissue na ibinibigay nito. Sinubukan niyang punasan ang luha niya, but to no avail, patuloy pa rin ang mga iyon sa paglandas.Natatawa siyang lumuluha nang harapin ang kaibigan. “It is just hard... It’s hard for m-me to forget h-him. Matatangahan ka ba sa akin kapag s-sinabi ko sa iyo na hanggang n-ngayon ay naaalala ko pa rin si M-Michael? Bakit p-pakiramdaman ko, kung a-ano man ang n-nangyari sa kanya, k-kasalanan ko ang lahat ng iyon. Gusto ko s-siyang makita...” Hinayaan niya muna ang sarili na umiyak.Si Greta naman ay mataman lang na nakikinig sa kaibigan, dahil alam niya, na ito ang tamang gawin, ang makinig dito para kahit papaano ay mailabas nito ang hinaing sa buhay. Ito rin ang alam na gawin ni Greta para sa kaibigan, dahil kahit yata na ano ang sabihin niya kay Klarisse ay hindi nito malulubag ang puso na noon pa na nasaktan. Nasaktan ito dahil sa maling desisyon, at maling pagkakataon.“A-alam mo bang u-umasa ako noon, noong n-nasa harapan ako ng altar na sana s-sumulpot siya para kunin ako? Pero h-hindi siya d-dumating. Ni anino niya n-nga ay hindi ko nakita. Ganoon ba ako k-kadali na kalimutan? Hanggang ngayon kasi ay i-iniisip ko ang b-bagay na iyon. N-napakahirap ba talaga na i-ipaglaban ako? G-guso kong malaman ang d-dahilan kung bakit hindi ko na siya nakita. Para naman... Para naman kahit papaano ay m-makausad ako sa buhay ko...” saad ni Klarisse, kahit pa ang totoo ay malabong mangyari na makausad siya sa buhay niya at tanggapin na lang ang buhay na mayroon siya.Dahil kahit ano ang mangyari ay siya pa rin. Si Michael pa rin talaga ang mahal niya.“M-may ipagtatapat ako sa iyo, Klara...” Ginagap ni Greta ang kamay ng kaibigan. Umaasa siya na maintindihan ni Klarisse kung bakit ngayon niya lang naisipan na sabihin sa kaibigan ang totoo. Ang totoong nangyari noon kay Michael. “Sana ay huwag kang magalit sa akin, best, ha?”“B-bakit? May problema ba?”“Para na rin ito sa ikatatahimik ng loob mo. Ayoko kasing isipin mo na binalewala ka na ni Michael. Ayokong isipin mo na kasalanan mo kaya tuluyan ka nang nilayuan ni Michael. At sana, ay huwag mong sisisihin si Charlotte dahil wala rin siyang kasalanan sa nangyari sa nakaraan.”“Teka, a-ano ba ang nangyayari?” Biglang ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Klarisse. Bakit pakiramdaman ay importante ang sasabihin ng kaibigan niya sa kanya? Para makasigurado, at hindi na siya mabigla ay nagtanong siya. “Tu—tungkol ba ito kay Michael?”Tumango si Greta. “Oo, Klara. Ang totoo niyan...” Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Klarisse. Gusto niyang maunawaan siya nito. “A-alam mo bang n-nakulong s-si Michael noon?”Ang pagkakahawak ni Greta sa kamay niya inalis niya dahil sa pagkabigla. Napailing si Klarisse. Hindi makapagsalita. Bumaling ang tingin niya sa may pinto. Pagkatapos ay ibinalik sa kaibigan ang atensiyon.Umiling ulit siya. Mayamaya pa ay naitakip niya ang kamay sa mukha. She bit her lower lip to prevent herself from crying but she didn’t manage to do that. Dahil nang pumikit siya ay bumalong ang luha niya sa mga mata.Gusto man niyang pigilan ang luha ay hindi niya magawa. Pakiramdaman niya ay manhid na ang halos buong katawan niya—at ang puso niya lang ang tanging nasasaktan. Sa kabila ng naka-cast na braso ay binayo niya nang ilang beses ang dibdib niya.Naninikip iyon...Nasasaktan...Patuloy lang siyang umiyak. Gusto man niyang magsalita pero hindi niya magawa. Naghalo-halo na ang negatibong emosyon sa puso niya. Galit para kay Nathan, sakit at awa para kay Michael. Gusto niyang sumbatan at saktan si Nathan. Pero paano niya gagawin iyon, eh, hindi niya nga kayang magsalita nang pabalang dito, eh.Si Greta ay tahimik lang na tinitingnan ang kaibigan. Sa maraming pagkakataon, ay heto pa rin siya, walang magawa para sa kaibigan.“H-hindi k-ko alam n-na nakulong si M-Michael, Greta...” mayamaya ay saad niya. “M-may alam k-ka ba kung s-sino ang may gawa ng p-pagkakakulong ni M-Michael?”“Si Nathan ang may pakana niyon. Sigurado kami sa bagay na iyon, Klara. Wala nang ibang puwedeng makagawa ng bagay na iyon kundi ang gago mong asawa.”Tumango siya. Bakit pa nga ba siya magtatanong. Alam niya ang ugali ni Nathan. She knows what he is capable of doing.“M-may alam ka b-ba kung bakit nakulong si M-Michael?”“Wala na akong alam sa bagay na iyan, Klara. Ang alam ko lang ay nakulong siya sa araw mismo ng kasal mo. Balita rin noon sa baryo natin ang pagkakabugbog sa kanya, ah? Hindi mo rin ba nabalitaan iyon?”“Oh m-my g-gosh! A-ano? Na-nabugbog si M-Michael?”“Oo. Nabugbog siya noong gabing bago siya makulong.”“But why?!” Napalakas ang boses niya sa tindi ng galit na nararamdaman niya. “Napakabait ni Michael para makipagbasag-ulo. Alam mo iyan, Greta, kaya hindi ko maisip kung bakit nangyari na nabugbog siya!”“Hindi ko alam, Klara. I tried talking to him noong nasa kulungan siya. Pero hindi ako pinayagan ng mga pulis. Ayaw daw ng kausap at dalaw ni Michael.”“Paanong ayaw?”“Hindi ko alam. Dahil may pasok kinabukasan ay hindi na ako nakabalik para kausapin si Michael. Gusto sana kitang kausapin tungkol kay Michael, ang problema ay hindi na ako nakalapit pa sa iyo matapos ng kasal mo. Hindi din ako makapasok sa bahay ninyong mag-asawa. Nang makabalik naman ako sa kulungan, wala na si Michael. When I went to there house, it was all empty. Ang huling balita ko, ayon pa sa kapitbahay nila ay pinalayas yata sila Michael. There were goons harassing them, at si Nathan lang naman ang kayang gumawa ng maruming bagay na iyon, ‘di ba?”Napatango si Laura sa mga sinabi ni Greta. Tama ito. Sa kabila ng magandang pamilya na kinabibilangan ni Nathan ay naiiba ito sa lahat. Nag-iisa kasi itong anak kaya marahil ay ini-spoiled ng mga magulang nito.“May balita ka ba tungkol kay Michael at sa nanay niya?”“Wala, eh. Simula nang umalis sila sa probinsiya, wala na akong nabalitaan tungkol sa kanila...”Nakatingin si Klarisse sa labas ng bintana sa kwarto nilang mag-asawa. Maulan kaya naman nagkaroon ng mist sa bintana sa harapan niya. Hinipan niya ang bintana bago isinulat ang salitang MICHAEL...The name stayed for about a minute, at mayamaya lang ay nawala na rin.Malalim siyang napabuntonghininga. The faded written name hit her really hard. Katulad kasi ng pangalan, ang nagmamay-ari nito ay ilang sandali niya lang nakasama. At hindi niya alam kung makakasama pa ba niya o makikita man lang kahit isang beses sa nalalabing buhay niya. Pumikit si Klarisse, dahil ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang lungkot na sa tingin niya ay kahit na anong gamot ang inumin niya ay hindi tatalab para maging okay siya. Kailan ba siya huling naging masaya? Ah, matagal na. Noong si Michael pa ang kasama niya. And that was 5 years ago. Wala siyang magagawa. Kasalanan niya ang nangyari. Nakipaghiwalay siya rito dahil ang buong akala niya ay matutunan niyang mahalin si Nathan. Pero hindi nangy
Nasa kusina si Klarisse nang dumating si Nathan. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain para sa hapunan nang bigla itong nagpunta sa likuran niya. Yinakap siya ng asawa kasabay ng pagkapa sa utông niya. “Let’s have sex here, Klara... I want you,” bulong nito sa puno ng tainga niya.Napapikit si Klarisse. Hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa ng asawa, kundi dahil nakaramdam siya ng pagkasuklam dito. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago humarap kay Nathan at pilit na ngumiti. “I have my monthly period right now, Nate...”“Ow? Is that so? Tsk! Sayang. Gusto pa naman kitang brutsahin hanggang sa manginig ang tuhod mo at mawalan na ng lakas. But forget it. Kumain ka na ba?”Nagsalubong ang kilay ni Klarisse dahil sa inaasta ngayon ni Nathan. Mabuti na nga lang at nakatalikod ito kaya naman hindi nito nakita ang reaction niya. “Maganda yata ang mood mo ngayon?”“Yeah. Halata ba?” Hindi sumagot si Klarisse. “The meeting didn’t go well. But, you’re all I need to cl
Kinuha ni Klarisse ang kamay ni Michael na nakalahad sa kanya. His hand is warm. Indikasyon na totoo nga na nasa harapan niya ito. Tapos na ang panahon na hinahanap-hanap niya ito. Dahil heto, hindi lang ito nasa harapan niya, kundi ay hawak pa nito ang kamay niya. Si Michael naman, nang mahawakan ang kamay ng dating katipan ay agad niyang inalalayan na tumayo si Klarisse bago ito hinila palapit sa kanya. Gamit ang jacket na binili niya kanina ay isinuot niya iyon kay Klarisse bago kinuha ulit ang kamay at hinipan. Nang bitiwan kanina ni Michael ang kamay ni Klarisse ay nakaramdam ng pagkadismaya ang babae. Pero dahil sa ginawa nito ngayon ay napuno ulit ng kasiyahan ang puso niya. Matinding ginhawa ang naramdaman niya dahil sa ginawa nito. “O-okay na. Salamat, M-Michael...”Tumingin lang sa kanya si Michael at tumango. Mahaba at nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Lihim siyang nakatingin kay Michael na nakaangat ang mukha at nakatingin sa kawalan. Aaminin
Kung bomba man na inilapag sa kanilang harapan ang sinabi ng babae, baka kanina pa nagkalat ang laman nilang mag-asawa. They were being like caught off guard. Si Klarisse ay hindi makapaniwala na nakatingin kay Michael na nakatunghay na rin sa kanya. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. “Wh—w-what d-did you s-say?” nauutal na tanong ni Nathan. “Siya ang may-ari ng M and R company. He owns this mall and restaurant, too, Mr. del Prado... At dahil pinirmahan mo na ang mga papel ng building na ibenebenta mo, siya na rin ang may-ari noon.” “But—what the fuck?! Niloloko n’yo ba ako?!” malakas na sigaw ni Nathan kasabay ng pagbagsak ng kamay nito sa lamesa kaya nagtinginan sa gawi nila ang ibang costumers. “Paano naging may-ari ang gagong iyan ng pinakamalaking kompanya sa buong Asya kung isa lang siyang janitor?!”Tumayo si Klarisse para pigilan si Nathan pero tinabig lang siya nito dahilan para na-out of balance siya. Ang inaasahan ni Klarisse na sahig na sasalo sa kanya ay hindi nangy
Patuloy na itinutulak ni Klarisse ang humahalik sa kanya. Kahit gusto niya ang halik nito, kahit gusto niya ang labi nito, kahit mahal niya ito. Ayaw niya nang maging laruan pa ng kahit na sinong lalaki, kahit pa ni Michael. Pagod na siya. Ayaw niya nang hayaan na babuyin siya ng kahit na sino kaya kahit sa kabila ng gusto niya ang ginagawa ng lalaki ay nanlaban siya. Patuloy niya itong itinutulak. But the man keeps on kissing her. Hindi ito tumigil at mas pinatikim pa sa kanya ang mapagparusang halik. When Klarisse tasted blood on her lips, ay impit siyang napaiyak dahilan para tumigil ang lalaki. “Damn it! Damn it! Damn it!” sunod-sunod na mura ni Michael habang pinupukpok ang pader. Matapos ang ilang segundo ang tila nahahapo itong tumingin sa kanya. “Bakit mo ako iniwan, Klarisse?! Bakit?!” Naroon ang panunumbat sa boses nito nang magsalita ito. Hindi nakasagot si Klarisse sa tanong nito. Napatitig lang siya sa dating katipan habang umiiyak. Nababasa ni Klarisse ang
Matapos ng usapan ni Michael at ni Klarisse sa loob ng C.R ay lumabas na silang dalawa. Maayos na ang lagay ni Klarisse, at kahit papaano ay nagkaroon siya ng kumpyansa na magiging maayos din ang lagay ng mga bagay para sa kanilang dalawa ni Michael. That was Klarisse thought too. Pero nang magbalik sila sa restaurant na kinaroroonan nila kanina ay naroon at naghihintay na rito si Honey Valera. Nakalimutan niya na ito pala ang babae ngayon sa buhay ni Michael. Gusto pa sanang ihatid ni Michael ang babae, ang kaso ay sinalubong na siya ni Honey Valera. Something came up. Humarap siya kay Klarisse para magpaalam, pero hindi pa man siya nagsasalita ay tumango na ang babae at bahagyang ngumiti. Bumuntonghininga ang binata at nagpaalam. Si Klarisse ay nagpasya na magpaiwan sa restaurant dahil may bibilhin pa raw ito. “I know what you are doing...” saad sa kanya ni Honey. Magkatabi sila ngayon sa back seat. Napalingon si Michael sa dalaga at bahagyang natawa. “Nagseselos ka ba, Sweethea
“What? Seriously? Oh my gosh! I can’t believe what you have said. Sigurado ka ba talagang si Michael iyon?” Mula sa ginagawang paghihiwa ng rekados para sa chapsuey ay humarap si Klarisse sa kaibigan na si Greta. Narito sila sa bahay nila ni Nathan ngayon. She called Greta dahil siya lang mag-isa. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga katulong nila. Si Nathan naman ay hindi pa umuuwi simula kahapon kung kailan ibenenta nito kay Michael ang lupa at building na pinagtayuan ng construction firm dati. “Yeah. Nakausap ko siya nang harapan.” Natulala si Klarisse. Ang totoo ay umaasa siya na pupuntahan siya ni Michael sa bahay nila o kaya naman ay tatawagan. Pero hindi iyon nangyari. At kahit ang anino ng dating katipan ay hindi niya na ulit nakita matapos ng nangyari sa C.R ng mall b Dahil sa narinig ay naglakad si Greta papunta sa kaibigan. Na-excite siya. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging takbo ng buhay ng kaibigan. Masaya siya dahil nagkita na ito at si Michael. Ang kaila
Klarisse wasn’t expecting that she would be able to be free from being problematic for a day. Pero heto siya, nakasakay sa helicopter na siyang sasakyan nila papunta sa isang resort sa isla. Ito ang kauna-unahang beses niyang sumakay sa helicopter kaya naman pinagbigyan niya ang sarili niya na i-enjoy ang pagkakataon. Nakatingin siya sa baba habang name-mesmerized sa ilaw na hatid ng kuryente na nagmistulang mga bituin sa baba. Laking pasalamat niya at isinama siya ng kaibigan niya at pinilit na umalis sa bahay nila dahil kung hindi ay magmumukmok na naman siya at sisisihin ang sarili sa nangyayari sa buhay niya. Halos kalahating oras lang ang itinagal nila sa himpapawid. At nang makababa sila ay tumambad sa kanila ang kulay puting buhangin ng isla.Lumapit si Greta sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Happy?” tanong ng kaibigan kay Klarisse. “Oo. Sobra. Salamat at dinala mo ako rito. Feeling ko ay mag-i-enjoy ako rito, at makakalimutan ko ang problema ko. Thanks for being makulit