Share

CHAPTER 7

Nakatingin si Klarisse sa labas ng bintana sa kwarto nilang mag-asawa. Maulan kaya naman nagkaroon ng mist sa bintana sa harapan niya. Hinipan niya ang bintana bago isinulat ang salitang MICHAEL...

The name stayed for about a minute, at mayamaya lang ay nawala na rin.

Malalim siyang napabuntonghininga.

The faded written name hit her really hard.

Katulad kasi ng pangalan, ang nagmamay-ari nito ay ilang sandali niya lang nakasama. At hindi niya alam kung makakasama pa ba niya o makikita man lang kahit isang beses sa nalalabing buhay niya.

Pumikit si Klarisse, dahil ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang lungkot na sa tingin niya ay kahit na anong gamot ang inumin niya ay hindi tatalab para maging okay siya.

Kailan ba siya huling naging masaya? Ah, matagal na. Noong si Michael pa ang kasama niya. And that was 5 years ago. Wala siyang magagawa. Kasalanan niya ang nangyari. Nakipaghiwalay siya rito dahil ang buong akala niya ay matutunan niyang mahalin si Nathan. Pero hindi nangyari iyon.

Sino ba naman ang magmamahal sa self-centred na tao, may bisyo na, may babae pa, at sa iresponsable na asawa? Wala naman yata. Hindi niya alam. Hindi naman siya ganoon.

Naglakad siya papunta sa higaan niya, at ibinaluktot ang sarili para yakapin. Gusto man niyang iiyak na lang ang nangyari sa kapalaran niya ay hindi niya na kaya pang lumuha. Pagod na siya.

Pumikit siya, pero nagmulat ulit nang biglang bumukas ang pinto. Paglingon niya sa likuran niya ay nasa likod niya na si Nathan. Mukhang masaya ito kung pagbabasehan ang hilatsa ng mukha.

“Get up, Klarisse. Aalis tayo.”

Dahan-dahan siyang umupo. “Bakit? Saan tayo pupunta?”

“Sa mall. We need to buy you a new clothes... Tumayo ka nga.”

Sa takot na mapikon na naman sa kanya ang asawa ay tumayo agad siya. Humarap pa siya rito.

Si Nathan naman ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napailing ang lalaki. Hindi niya masasabing sobrang payat na ni Klarisse, pero hindi na ito katulad noon na magandang tingnan. Napailing siya.

Nagbago na ang isip niya. May naglalarong ngiti sa mga labi niya. Alam niya na ang gagawin niya.

“Dito ka na nga lang. Ako na lang ang aalis,” saad.

“Akala ko ba ay aalis tayong dalawa?”

“May meeting ako sa isang possible prospect, okay? At dahil sinabi ko na may asawa ako, that bastard wants me to bring my wife with me. But look at you? Baka imbes na ganahan ang kung sino man na Poncho Pilato na iyon ay maumay pa sa hitsura mo. When was the last time you saw yourself in front of the mirror? Dinaig mo pa ang sampu ang anak sa hitsura mo.”

Natatawa siya sa ginagawang panlalait kay Klarisse. But he’s not joking about it. He’s just telling her the truth.

Itinaas niya ang kamay niya at itinuro ang ilalim ng mga mata ni Klarisse. “Tingnan mo nga iyang ilalim ng mga mata mo, mukha ka ng panda dahil sa nangingitim mong mga mata. Kaya mas mabuti pa na dito ka na lang.” Naglakad na si Nathan papunta sa pinto. Pagbukas niya ng pinto ay hindi agad siya lumabas. Nilingon niya si Klarisse na tahimik lang habang nakayuko. “If I were you, kung gusto mo pang ganahan ako sa iyo, kumain ka nang maayos. Magpaganda ka. Malay mo, magbago ang isip ko at paligayahin kita mamayang pag-uwi ko. Nakakawalanggana ka.”

Dahil nakabihis na ay umalis na si Nathan. Tinawagan niya si Anesthesia, ang isa sa mga babae niya. Ang totoo ay nais niyang mapikon sa putanginang CEO ng isang construction firm. Kung hindi nga lang ito maglalabas ng 100 million ay nunca na gustuhin niya ang mergence na inaalok nito. But the so-called company is the only one that is willing to make a business with him. Marahil ay hindi pa nito alam na mahigit isang milyon na lang ang pera niya.

“Mga tanga!” saad ni Nathan habang natatawa. Masa sasakyan na siya at papunta sa unit ni Anesthesia.

Habang nasa biyahe ay hindi niya matanggal sa isipan ang gagawing pakikipag-usap sa hindi pa kilalang mayaman na CEO.

Hindi niya pa kasi ito nakakausap ng personal. Ang totoo niyan ay naka-recieve lang siya ng e-mail 3 days ago about sa business collaboration. Ang una ay hesitant pa siya lalo pa at sa ilang taon na paghahanap niya ng makakaahon ng negosyo niya ay wala man lang nag-alok ng tulong sa kanya. At iyon nga, 3 days ago ay parang may milagro na nangyari. The company is willing to offer a hundred million once they close the deals.

Hindi siya nagtanong. Ang ginawa niya ay naglabas siya ng pera sa bulsa para lang mapaimbestigahan ang naturang kompanya. At laking gulat niya nang sabihin sa kanya na isang secret billionaire ang may-ari ng kompanya. And when he knew about it, he immediately replied to the e-mail saying that he’s willing to cooperate on their own terms.

And the company sent him a few questions. At isa na roon ang tungkol sa buhay niya. He said that he is a family guy. He told them about his beautiful wife. About how they struggled about her depression. Of course, he lied about that. Kailangan niyang gamitin si Klarisse para mapaniwala niya sa kanya ang kung sino mang nasa likod ng e-mail na iyon.

Hindi naman siya nabigo lalo pa at nagbunga ang kasinungalingan niya. Kaninang madaling-araw ay natatanggap ulit siya ng email. The CEO is willing to meet him today—with his wife.

But upon seeing Klarisse, nawalan siya ng amor dito kaya nagbago ang isip niya na isama ito. Kaya ngayon ay patungo na siya sa unit ni Anesthesia para ito ang isama.

Pagdating niya pa lang sa labas ng unit nito ay nakita niya na kung gaano kaganda ang babae. Ang it boosted his ego.

Who would say no to a educated person with a beautiful and sexy woman in his life?

“WHAT?!!” gulat na tanong ni Nathan sa harapan ng CEO ng kumpanya.

“Do you think, Me. del Prado, that we’re just having some fun here?” tanong sa kanya ng babae na sa tingin niya ay kaedaran lang ng asawa niya. But this one is different.

Sa unang tingin niya pa lang kay Honey Valera, alam niya na mataas ang pinag-aralan nito at nanggaling ito sa prominenteng pamilya. But Nathan wasn’t expecting a female CEO lalo pa at sa batang edad nito. Ang buong akala niya nga paglapag ng paa niya sa opisina nito ay lalaki ang tatambad sa kanya, pero nagkamali siya.

Dahil isang maganda, at sexy na CEO ang humarap sa kanya.

“Of c-course not, Miss Valera...” Napakuha si Nathan sa panyo niya para punasan ang gatla ng pawis sa noo niya. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaharap ng babaeng nai-intimidate siya. Straightforward ito kung magsalita. May laman at alam mismo ni Nathan na hindi ito maloloko.

“Then why did you bring another woman with you?” Wala sa sariling napatingin si Nathan kay Anesthesia na nakaupo sa tabi niya. “This company will not tolerate such kind of behaviour. We have to drop the dea—”

Napatayo si Nathan at agad na lumapit kay Honey Valera. Wala sa loob na napaluhod siya sa harapan ng babae.

“P-please give me a-another c-chance, Miss Valera... I will bring my wife tomorrow. At kahit ibenta ko sa iyo ang building na siyang pinagtatayuan ng kompanya ko, gagawin ko—”

“Are you sure?”

“Y-yes, Miss CEO. I will bring the documents tomorrow of you want.”

“Okay then. Get up.”

Tumayo si Nathan at bumalik sa upuan niya. Nakahinga siya nang maluwag. What he did is a drastic move but that all he could do. Wala na rin namang kwenta dahil wala na siyang pakinabang sa building ma sa tingin niya ay malas lang ang dala.

Matapos ng usapan nila ay nagpaalam na silang dalawa ni Anesthesia sa babae. Masaya siya. Of course, he is. Ikaw ba naman ang bigyan ng limang milyon bilang paunang bayad.

Palabas na sila ng opisina nang magsalita ulit ang babae.

“And don’t forget to bring your wife tomorrow, Mr. del Prado. I don't want to see anyone with you except for your wife.”

Nathan awkwardly smiled. “I will, Miss Honey... Good day!” He smiled before leaving the office.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka ma-badtrip siya sa babaeng iyon, o baka kung ina ang kaharap niya ay baka nasampal niya na ito. Pero hindi niya magagawa iyon sa babae, dahil bukod sa pagiging CEO nito ay natu-turn on siya rito. He likes voluptuous women like the one inside that office. At ipupusta niya na matambok ang puwit nito. At iyon ang gusto niya, para kapag binabayo niya ito sa likuran ay may umaalog at may hinahampas siya.

“PSH! A total bastard, huh?” natatawang saad ni Honey Valera sa nakatayo at nakasandal sa pinto na extension room na kinaroroonan niya. “I really hate his guts. Akala niya ba ay maloloko niya tayo?”

Tiningnan niya ang taong nakatayo sa may hamba ng pinto. Nakangisi ito habang nakatingin sa glass wine na hawak nito sa kamay. Nilalaro ng kasama niya sa kwarto ang laman na wine ng baso.

“What’s with that smile?” tanong ni Honey sa tao. Umiling lang ito kaya tumayo na siya. “Well, I have to go. Need pa ako sa law firm. Gezz, kung hindi lang kita mahal ay hindi ako papayag na magpanggap na ako ang CEO ng kompanya na ito.” Ang totoo ay abogada siya. At ang law firm na pinapasukan niya ay sa kanilang dalawa ng kausap. 

“But you love me...” saad ng tao na may baritonong boses. Ito ang boses na gugustuhin mo na bumubulong sa tainga mo habang may ginagawa kayo sa ibabaw ng kama.

“Of course I do. Ikaw lang ang lalaking mahal ko.” Kinuha niya ang bag na nagkakahalaga ng milyon na ang taong kausap pa mismo ang bumili nito para sa kanya. Lumapit siya sa kausap at hinalikan ito.

“Dapat lang na ako lang, Sweetheart. Dahil magseselos ako kapag mayroon na iba.”

Natawa ang babaeng abogada sa sinabi ng kausap. She likes him being possessive. He loves everything about him...

“Aalis na ako bago pa tayo magbolahan dito. I really need to go. May client akong need harapan.”

“Umuwi ka bago mag-dinner. What do you want to eat? I have time. Maipagluluto pa kita.”

Napapalakpak ang babae. “Kaya lalo kitang minamahal, eh. Steak na lang. Bye.” Isang halik pa ulit ang iginawad niya sa kausap bago umalis sa malaking opisina na pagmamay-ari talaga ng kausap. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status