MasukGulat na gulat ang senyora nang ibigay sa kanya ng General ang resulta. Gusto ko sanang tingnan iyon at alamin kung ano ba ang nakikita niya roon, pero nahihiya akong tumayo at lumapit sa matanda.“It was not a parent-child test. It’s a grandparent DNA test. Ang tanging puwedeng patunayan ngayon ay kung may dugong Ledesma si Serena,” paliwanag ng General sa senyora.Ibinaba ng senyora ang test sa table sa pagitan namin. Suminghap ako at hindi na napigilan ang sarili ko…kinuha ko iyon.“High probability,” sabi ng General. “Ninety-eight point six percent.”Napasinghap ang senyora. Kahit nakita na niya, hindi pa rin siya makapaniwala.“In other words,” dagdag ng General, “ang dugong dumadaloy kay Serena ay dugong Ledesma. Dugo ni Cedric.”Nasa result nga iyon. And I don't know what to say. Totoo pala. Isa akong Ledesma. Hindi ako Alcazar!“Regina is telling the truth then,” problemadong sabi ng senyora.Nanahimik ako at saka ibinaba ang resulta ng test. Even the General and the senyora w
Sa tingin ko, ngayon na nakabalik kami sa Manila, malabo nang bumalik pa kami sa Cebu. I asked Levi about resigning from Tiana’s company. Hindi man lang siya kumurap nang sabihin niyang mag-resign na ako at sa Helexion na magtrabaho.Kaya nag-email ako sa HR at nagpasa ng resignation letter. I also told Tiana about it, pero hindi na pala siya nagtatrabaho doon. She laughed when I told her about it.“Serena, I don't have a plan to work, but Levi forced me to do it. Susulutin ka daw niya. It was so funny making you jealous, but anyway, I left when I felt like you're not coming back. I'll tell the HR to accept your resignation.”It was settled then. Nag-resign ako kaya wala na akong rason para bumalik sa Cebu. Our life here in Manila is starting to flourish again. Mama is now frequently going out with Tita Serenity. Parang ngayon pa niya nagagawa ito dahil sa maraming taon na takot siyang matunton ng mga Saldivar. I can’t forgive Jimenez for robbing my mother of the life she deserves.“M
The tension inside the room was so thick I could almost taste it, lalo pa at walang nagsasalita sa kanila. Umupo ang senyora sa tapat kung nasaan kami nakaupo. Ang pagitan namin ay isang table.I tried to distract myself by admiring the library. Nakapunta na ako dito sa pananatili namin sa mga Saldivar. It was supposed to be peaceful here. Hindi ko aakalain na darating ang panahong uupo ako dito with a tensed body.I looked at the tall shelves lining the walls, packed with books from floor to ceiling. Some looked old, as if they had been read many times. Others were neatly arranged, untouched. But these books didn’t distract me at all. Mas lalo pa akong kinabahan nang umupo ang General sa tabi ng senyora.Hindi ko matagalan ang tingin ng General kaya ibinaba ko ang mata ko sa table sa harap namin. May mga libro doon at doon ko itinuon ang attention ko.“Kung hindi pa kami pumunta dito, hindi mo pagbibigyan ang imbitasyon namin,” seryosong panimula ng General.I am not a coward, pero p
Mama kept on denying the request of the Ledesma to talk. Para sa kanya, kung hindi pala sila naniniwala na siya ang asawa ng anak nila, para saan pa ang paulit-ulit nilang hinihiling na pag-uusap.“Wala nang dapat pag-usapan. I asked them if they could allow me to visit his grave. Hindi sila pumayag. I asked nicely, Serenity. But instead, that old woman accused me of his death!”Tumigil si Mama para habulin ang hininga niya. She was triggered again because the Senyora and the General threatened to come here if Mama didn’t allow them to talk.“I married their son without knowing his real identity. He lied to me. Kaya kung ayaw nila akong payagan na makita ang puntod niya, ano pang hahabulin ko sa kanila? It’s enough for me to know you’re not after me,” sabi niya kay Tita Serenity.Tumango lang si Tita at hindi na nagsalita dahil sa galit ni Mama.“There’s no need to do a DNA test. We’re not after their fortune. Baka kaya sila nagagalit ay dahil akala nila manghahabol kami?” ani Mama. “
Mama was undecided if she was going to talk to the Ledesma or not. Hindi agad niya nasagot si Tita Serenity. Natulala siya ng ilang segundo.“Huwag muna. I'm not ready to face the old woman,” sagot niya kalaunan.Tumango si Tita Serenity.It made me think kung ano ba ang nangyari sa pag-uusap nila sa country club. Pero kung sinabi ni mama na hindi naniniwala ang senyora, baka nga hindi iyon naging maganda.Nagpahinga si mama matapos ang pag-uusap. Sinamahan ko siya sa taas imbes na pumunta sa swimming pool nila. Tita Serenity told me I could use their pool, pero sinamahan ko na lang si mama.Gusto ko sanang itanong kung ano ba ang nangyari sa pag-uusap nila sa country club. Pero hindi ko na ginawa nang makita kong gusto niyang matulog.Nang makatulog siya, dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Tinahak ko ang mahabang pasilyo patungo sa engrandeng hagdanan nila. Sa banister bago ang hagdanan, dumungaw ako roon at tinignan kung nasa baba ba si Levi o umuwi na siya sa condo niya.Wala ako
Nanlalaki ang mata ko matapos ang tawag. Napansin iyon ni Levi kaya nagmadali siyang bumaba sa hagdanan nila. Kahit si Tita ay napansin ang pagiging balisa ko.“What happened, hija?”Nagpakawala ako ng malalim na hininga. May nangyari ba sa pagkikita nina Mama at ng magulang ni Papa? Why does she sound scared?Pagkababa ni Levi sa landing, mabibilis ang lakad niya palapit sa akin.“Tumawag po si Mama, Tita. Pinapabalik na niya ako,” baling ko sa mama ni Levi.“Bakit daw?” tanong ni Levi. Nasa malapit na siya. Nakatitig na sa akin.“Nagmamadali niyang ibinaba ang tawag. Bumalik na raw tayo… o ako na lang kung may gagawin ka pa?” hindi ko siguradong sabi.“Hindi na. Ihahatid ka ni Levi kung saan ka pupunta,” ani Tita.“Kina Tita Serenity sila nananatili, Mama. May inaasikaso pa si Tita Regina.”Kumunot ang noo ng mama ni Levi. She looked at me, asking for clarification. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapaliwanag na kina Tita Serenity muna kami dahil ang akala kong papa ko ay hindi k







