One month later..
Nagising siya ng umagang iyon, na masama ang pakiramdam. Umiikot ang kanyang paningin. Pakiramdam niya, gumagalaw ang paligid, kaya hindi niya makuhang bumangon man lang. Sinisikmura pa siya. Dahil ata sa sobrang kape, kaya nakakaramdam siya ng hyper acidity. Nagpalipas pa siya ng limang minuto, bago tuluyang tumayo. Naaamoy niya ang nilulutong bawang sa kusina ng apartment na tinitirahan niya. Halos bumaliktad ang kanyang sikmura sa amoy na iyon. Sumisigid sa kanyang sentido, ang amoy ng ginisa. Nagmamadali siyang pumunta sa banyo, at pilit isinusuka ang isang bagay na pakiramdam niya ay nakakasama sa kanyang tiyan. Naluluha na siya sa labis na pagduwal, kahit wala siyang inilalabas. Sa mga nakalipas na araw, nararamdaman niya na rin ito, ngunit agad siyang naglalagay sa tiyan ng vicks vaporub. Dahil siguro sa kanyang pagpayat, kaya pati katawan niya ay naaapektuhan na. Lumabas na siya ng kwarto, at natanaw na nagluluto ang kaibigan niyang si Lala. Sumasayaw sayaw pa ang babae habang panay ang halo sa sinangag sa kawali. Masarap itong magluto. Lahat ng klase ng pagkain, kaya nitong lutuin. Mahilig mag-imbento ng putahe. Kaklase niya sa high school si Lala. Masasabi niyang ito ang pinakaclose sa kanya. Noong maulila si Lala, isinama na siya ng tiyahin sa Bataan. Doon na ito nanirahan. Wala na siyang balita. Hanggang sa aksidente niya itong nakita sa opisina kung saan siya nagtatrabaho bilang office staff. Nagbebenta at nagpapaorder ito ng mga lutong ulam at meryenda. May-ari si Lala ng sampung pintuang apartment na malapit sa building kung saan siya nagtatrabaho. Doon din ito nakatira. Namana niya iyon sa tita niya na nag aruga sa kanya noong maulila siya. Inaya siya ni Lala na doon na lang siya mangupahan, dahil malayo ang kanyang tirahan. Pumayag siya, lalo na, at ang kailangan pala ni Lala ay makakasama dahil nag-iisa ito. Ang tatlong libong ambag niya kada buwan, ay kulang pa sana kung sa ibang bahay siya nakatira. Limang libo sana ang gusto niyang ibigay, subalit hindi pumayag si Lala. Masaya daw ang kaibigan na nagkita silang muli. HRM ang natapos nito, subalit ayaw daw nito ng may boss. Dahil likas sa kanya ang hilig sa pagluluto, nagnegosyo na lang ito, at ang tinarget? ang mga opisinang malapit sa kanyang lugar. Doon siya labis na humanga sa kaibigan, hindi lang ito basta matalino, madiskarte din. May dalawa itong tauhan na pumupunta doon, upang tulungan itong magluto at magdeliver. Nagpapaorder din sila ng mga bilao ng pagkain, or ang tawag ni Lala ay "small catering business." "Beb, gising ka na pala. Walang pasok ngayon ah," nginitian pa siya ng kaibigan, saka ipinagpatuloy niya ang paghahalo ng sinangag. Nagmamadaling tumakbo sa lababo si Estella, ng muling humalimuyak ang amoy ng bawang. Para talagang binabaliktad ang kanyang sikmura. Nag-aalalang lumapit sa kanya si Lala at hinagod ang kanyang likod. "Okay ka lang ba, beb?" hinawakan pa nito ang kanyang leeg at noo, "malamig ang pawis mo ah, ikukuha kitang tubig." Nagmamadali itong lumayo sa kanya at kinuha ang kanyang tumbler sa ref. Binuksan na nito iyon bago iabot sa kanya, "uminom ka muna." Nilagok niya ang tubig na iyon. Uhaw na uhaw siya. Halos maubos niya ang laman ng tumbler na iyon. Hihinga-hinga siya matapos uminom. Inabot ni Lala ang kanyang lagayan. "Okay ka na ba? ano bang nararamdaman mo?" tanong nito."Halika," inalalayan siya nito patungo sa sofa. Tinapatan ng electricfan, "saglit, papatayin ko lang ang kalan. Pagbalik nito, nag-aalala siya nitong tinanong, "ano bang nakain mo kagabi at sumama ang timpla ng tiyan mo?" "Hi-hindi ko rin alam. Bigla na lang ako nalula ngayong umaga," init na init ang pakiramdam niya. Ang kanyang pawis ay butil butil na bumubukal sa kanyang noo. Sumandal siya sa sofa saka pumikit. "Kailan mo pa iyan nararamdaman?" nakatingin lang sa kanya ang kaibigan. Nag iisip marahil ito sa kanyang kalagayan. "Dalahin na kaya kita sa hospital?" "Okay lang ako. Noon pa naman ako inaatake ng acid lalo na kapag nagkakape ng madalas," sagot niya dito, "pahinga lang siguro ang kailangan ko. Isa pa, stress ako sa trabaho. Pakiramdam ko kasi pinagtutulungan nila ako. Ang dami nilang iniuutos sa akin na hindi ko na rin maintindihan kung part pa ba ng aking trabaho." hinawakan niya ang kanyang sentido at hinihilot hilot niya iyon. Ang pintig na nagmumula doon ang labis na nagpapasakit ng kanyang ulo. "Bakit naman hindi mo isumbong sa supervisor or manager niyo? mali ang ginagawa nila sayo." payo nito sa kanya. "Hindi na ako bata beb para maging sumbungera. Kailangan ko lang ng ibayong pasensiya. Isa pa, ayokong halukayin pa nila ang tungkol sa akin at baka malaman pa nila talaga kung sino ako. Ayoko naman na hanggang dito, matunton pa ako nina papa. Nagtatago na nga ako eh," katwiran niya sa kaibigan niya, "Hanggang kaya kong magtiis, gagawin ko. Hindi na ako prinsesa ng isang kumpanya, isa na lang akong ordinaryong manggagawa tulad ng iba." "Minsan, mahirap din maging mayaman no, tapos bigla ka na lang ipagbibili ng magulang mo. Bakit kasi hindi yung mga chaka mong step sister ang gustuhin nung matandang yun. Sa ganda mong yan, luging lugi ka dun," binalikan niya ang kanyang niluluto. Iminulat ko ang aking mata habang nakatingala. Iniisip niyang unfair ang buhay niya. Magaling siya, kayang kaya niya ang trabaho, subalit ang mga kapatid niya sa labas ay sobrang bulagsak sa salapi. Akala ng mga ito, meron silang pabrikia ng kwarta. Hindi man lang pagtrabahuhin ng tatay niya. Tapos ngayong nagkandaloko loko ang kanilang negosyo, siya ang ipambabayad ng utang o collateral sa merging? Nagpupuyos pa rin ang kanyang kalooban, at tinanggap na sa kanyang sarili, na ang negosyong naipundar ng kanyang mga magulang, ay mawawala na. Lulubog na iyon ng tuluyan, malabo ng makabangon. Huminga siya ng malalim at mapait na ngumiti. Mababakas sa kanyang mukha ang pait na nangyayari sa kanyang buhay. Nakatanggap siya ng message mula sa kanilang Supervisor. Pinapapasok siya nito. Napasimangot na lang siya. Minsan, pinapapasok siya ng sabado, at kung kelan may mahahalagang event, saka siya pinapag off ng mga ito na parang nananadya. Lalo na kung ang kanilang president ang kameeting, hindi siya pinapapunta. Hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang galit ng mga ito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama. "Papasok ako,"paalam niya kay Lala na kasalukuyang nagsasandok ng pagkain. "Ha? walang pasok ngayon ah?" wika nito sa kanya. Gulat na gulat ito at itinigil ang paghahain sa mesa. "Inaatake ng kalokohan ang supervisor namin, pinapapasok ako," sagot niya dito, "maliligo muna ako, pero kakain ako bago umalis," nagmamadali na siyang umakyat upang makapaghanda.Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est
"Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala
"Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a
Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p
Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su
Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting
"Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston
Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m
Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung