SUOT ang white dress at bitbit ang mga dokumento para sa pagpapakasal, emosyonal na nakatayo si Felicity sa harap ng Regional Trial Court.
“Napag-isipan mo na ba nang mabuti, Ms. Chavez? Once we both enter the courthouse, we will be legally married." Tumingin si Felicity sa estrangherong lalaki na kasama niya ng mga sandaling iyon. He stood straight, looking into her eyes and waiting for an answer. Inalis ni Felicity ang paningin sa katabing lalaki at pinagmasdan ang nakasarang wooden door habang nangingilid ang luha. Bakit pa siya magiging emosyonal? Iyon naman ang gusto niya 'di ba? Ang magpakasal sa ka-blind date para makaalis na sa poder ng kanyang tiyahin. Malinaw pa sa kukote niya ang panenermon ng kanyang tiyahin kaninang umaga bago siya umalis at makipagkita sa kanyang ka-blind date. "Bente-otso anyos ka na pero hanggang ngayon nakatira ka pa rin sa poder ko? May asawa't anak na ang ate mo pero gan'yan ka pa rin? Hindi ka matalino no'ng nag-aaral ka pa, tapos hindi ka naman kagandahan. Ni hindi mo kayang tumayo sa sarili mong mga paa at gusto mong umaasa ka na lang sa akin? Tapos mamimili ka pa kung sinong aasawahin mo? Anong gusto mo? Maging palamunin na lang habang buhay at tumira sa poder ko ng libre?" Simula bata pa ay nakatira na si Felicity sa poder ng kanyang tiyuhin. Nang maka-graduate at magkaroon ng trabaho, buwan-buwan niyang ibinibigay ang kalahati ng kanyang sahod sa tiyahin niya pero nakakatanggap pa rin siya nang masasakit na salita. Gusto rin namang makapag-asawa ni Felicity at magkaroon ng sariling pamilya. Pero lahat ng mga ka-blind date na inirereto ng kanyang tiyahin ay kung walang stable job, ay may bisyo naman. Meron din namang may magandang trabaho pero masyadong mataas ang ere, akala mo anak ng bilyonaryo kung magsalita. Baka mamaya, gawin lang siyang katulong nito at sipa-sipain kapag may sakit siya. No way! Hindi naman hangad ni Felicity ang mayamang mapangasawa. Gusto lang niya ay isang lalaki na ita-trato siya ng tama at simpleng buhay kasama ito. Kanina, bago siya pumunta sa kanyang blind date ay nag-impake na siya ng kanyang mga gamit. Inayos na rin n'ya ang kanyang ID's, birth certificate, at lahat ng kanyang papeles na kakailanganin para magpakasal. Nag-decide na siyang pakakasalan ang kanyang ka-blind date, kasehodang may bisyo man ito o walang trabaho, ayos lang. Siya na lang ang magtatrabaho at bubuhay sa kanilang pamilya. Okay lang din sa kan'ya kung mayabang ito o feeling anak ng bilyonaryo, susundin na lang niya ang gusto nito basta hindi siya nito sasaktan. Desperada na si Felicity, oo. Pero iyon lang ang nakikita niyang paraan para makaalis na poder ng tiyahin niyang pinaglihi yata sa sama ng loob. Unexpectedly, ang ka-blind date niya ay dala-dala na rin ang mga papeles na kakailanganin sa pagpapakasal. Mukhang ready na ring magpasakal ang loko, este magpakasal pala. Kaya hayun silang dalawa, nasa harapan na ng tanggapan ng Regional Trial Court. Si Thorin Sebastian ang lalaking ka-blind date ni Felicity. In fairness, mukhang swerte siya ngayon dahil matangkad ito at well-proportioned ang katawan. At malayo pa lang siya, tanaw na tanaw na ang ka-gwapuhan nito. Iyon nga lang, may pagka-cold ang lolo niyo, at parang anak ng bilyonaryo kung kumilos at magsalita— classy and elegant. Ang sabi ni Tita Lucille, I.T o Information Technology daw ang trabaho ni Thorin Sebastian at galing sa mayamang pamilya. Sa malaking kompanya nagtatrabaho ang lalaki, at dahil busy ito sa paghahanap-buhay kaya nawalan na ito ng oras para maghanap ng mapapangasawa. Habang nasa blind date kanina, palihim na inobserbahan ni Felicity ang lalaki. Ang mga kamay nito ay mapuputi at balingkinitan, parang kamay ng mayaman. At ang profile ng mukha nito kanina habang nakikipag-usap sa waiter ay parang model, walang pangit na angulo. Ang ganitong klase ng lalaki ay hindi nagustuhan ng mga katrabaho nito sa kompanya. At si Felicity, isang ordinaryong babae ay nag-take advantage sa lalaki at sinamantala ang pagkakataong iyon. Aba'y palay na ang lumalapit sa manok, 'di pa ba niya tutukain? “Ms. Chavez, bibigyan pa kita ng ten minutes para makapagpag-isip,” pukaw ni Thorin sa pananahimik ni Felicity. “No need na, Mr. Sebastian. Sure na ako,” turan ni Felicity saka ngumiti ng pilit sa lalaki. ‘Ikaw dapat ang mag-isip isip,’ ani Felicity sa kanyang isipan. “Okay, then. Pumasok na tayo,” anang lalaki saka inalalayan si Felicity na mauna nang pumasok sa loob ng korte. Habang nasa loob, muling pinaalalahan si Felicity ng lalaki, “For women, marriage is like their second life. Kanina lang tayo nagkita at hindi natin kilala ang isa't-isa, Ms. Chavez. 'Di mo alam, baka masamang tao pala ako. You might regret marrying a stranger like me. So if you back out, I have no problem with it. I will cooperate,” ani Thorin. Regret? Mapait na napangiti si Felicity. Saka na lang siya magsisisi kapag nangyari na. Sa ngayon, mas gugustustuhin niyang magpakasal sa lalaking 'di niya kilala kaysa magtagal pa sa nakaka-depress na buhay niya kasama ang kanyang bruhang tiyahin. Simula nang mamatay ang parents ni Felicity dahil sa plain crash, siya at ang kanyang ate ay nanirahan sa poder ng kanilang mga tiyuhin. Ang kanyang Uncle Bob na panganay na anak, ay malakas namang kumita ng pera. Pero ang Tita Sally niya na asawa ng kanyang Uncle Bob ay laging sinasabi na iisang bata lang ang kaya nilang suportahan. Umalis si Felicity sa poder ng kanyang Uncle Bob at nakipisan sa isa pa niyang tiyuhin na si Uncle John. Sa paglipas ng panahon, naging katulong si Felicity bahay ng kanyang tiyuhin. And when she was able to work, she gave them all her salary as compensation for living with them. Since high school, Felicity has always worn her cousin's old clothes and shoes. Bukod pa roon, kailangan din niyang tiisin ang araw-araw na panenermon ng uncle at auntie niya dahil sa pagtira niya sa kasama ang mga ito. Lalong nadagdagan ang paghihirap ni Felicity nang mag-asawa at magkaroon ng anak ang kanyang pinsan. Lumipat kasi ang mga ito sa bahay ng tiyuhin niya kaya naman nagmistulan na silang sardinas na nagsisiksikan sa maliit na lata. At dahil nga maliit na ang kanilang bahay, kaya sa balcony na lang natutulog si Felicity gamit ang isang folding bed. The room she was using before her cousin's family arrived is now being used by them. Si Felicity rin ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay kahit pa sabihing marami silang nakatira doon. In short, naging all-around maid siya sa bahay ng mismong mga kamag-anak niya. Kaninang umaga, nakalimutan lang ni Felicity na isampay kaagad ang mga nilabhan niya dahil busy siya sa pagluluto ng almusal, ay sinermunan na siya ng kanyang Tita Lucille. She threw so many hurtful words at her that she could barely swallow them. Kaya naman habang umiiyak, nagdesisyon na si Felicity—kahit sino pa ang lalaking makaka-blind date niya ng araw na 'yon ay pakakasalan na niya. Makatakas lang siya sa poder ng kanyang mga kamag-anak na hindi naman kadugo ang turing sa kan'ya, kundi ibang tao. Samantala, nang makita ni Thorin Sebastian na inabot ni Felicity ang lahat ng dokumento nito sa registrar officer bilang pag-sang ayon sa pagpapakasal, ay umangat ang gilid ng kanyang labi at lihim na napangiti.“BY the way, may tatanong ako,” pagbabago ni Thorin ng usapan.Nag-angat ng kilay si Felicity. “Ano ‘yon?”“Simula pagkabata mo… nagsuot ka na ba ng alahas?” tanong ni Thorin, seryoso ang tono.Napakunot ang noo naman ni Felicity. Alahas? Saglit siyang nag-isip bago sumagot. “Hindi. Sa totoo lang, noong bata pa ako, pagkain ang problema. Paano pa ‘ko magkaka-accessories?”“Wala ka bang bagay na lagi mong dala o suot? Kahit simpleng keepsake?”Umiling si Felicity. “Wala talaga.”Kung tutuusin, wala siyang maalalang kahit isang bagay na palagi niyang kasama noon. Wala siyang extra na gamit na naipamana o naiwan sa kanya.Habang nagda-drive si Thorin, pumasok sa isip niyang posible kayang mali ang investigation ni Daniel?bO baka naman... may kinalaman talaga ito sa probinsya nila Felicity?“Bakit mo ba tinatanong ‘yan?” nagtatakang tanong ni Felicity.“Wala lang, curious lang,” sagot ni Thorin, simple ang tono.Napangiti nang bahagya si Felicity. “Wait lang, hindi mo naman ako balak bigy
UNTI-UNTING naglaho sa tanawin ang mga gusali sa labas ng bintana makalipas ang mahigit dalawang oras na nagmamaneho sina Thorin at Felicity. Habang papalayo sila sa lungsod, napalitan ng malalawak na palayan, taniman ng mais, at mangilan-ngilang mga kabahayan. “Ano bang itsura ng province mo?” malamig na tanong ni Thorin, hindi man lang tumingin kay Felicity. “Katulad lang ng ibang probinsya,” tugon ni Felicity habang nakatanaw sa labas. “Karamihan ng kabataan, nasa Maynila o ibang bansa para magtrabaho. Ang mga naiwan na lang doon, matatanda, nag-aalaga ng mga hayop o nagbabantay ng bukid.” Tumango si Thorin nang walang ekspresyon. “Figures. Ganun naman palagi. Umaalis ang mga may ambisyon, ang natitira, those who settle.” Nagpatuloy ang biyahe sa katahimikan, hanggang sa may lumitaw na service area sa unahan, isang gasolinahan na may karinderya at maliit na convenience store. “Magpapa-gas tayo,” sabi ni Thorin, diretso, parang utos lang. “Kung kailangan mong gumamit ng banyo,
PAGPASOK ni Felicity sa opisina, nadatnan niya si Shia na nakahilata sa sofa at nanonood ng TikTök videos.“Uy, ang bilis mo ah. Hindi ba kayo kumain sa labas?” tanong ni Shia, hindi inaalis ang tingin sa phone.“Hindi na,” sagot ni Felicity habang mabilis na nag-iimpake ng bag. “Kailangan kong umuwi ng probinsya, urgent ‘to.”Napatingin si Shia, agad ibinaba ang phone at tumayo para tulungan ang kaibigan. “Ha? Ano’ng meron?”“May iniwang gamit daw ang tunay kong mga magulang sa lumang bahay,” paliwanag ni Felicity, kabado ang boses. “Alam pala ni Tita Marites matagal na, pero ngayon lang sinabi. Kailangan kong makabalik bago nila sirain.”“Grabe naman, ang sama!” napamura si Shia, halatang nag-init ang ulo. “Sige, sige, bilisan mo na. Huwag mong kalimutan ang cellphone, charger, ID, tubig. Basta kompleto ka niyan, safe ka kahit saan pumunta.”Pagkatapos ay tiningnan siya ng seryoso. “Ikaw ba magda-drive? Gusto mo ba sumama ako? Delikado kung mag-isa ka lang.”“No need, sasamahan na a
FELICITY couldn’t help but worry na baka makaapekto ang gulo kanina sa trabaho ni Thorin.“Sorry… baka nasira ko ang reputation mo dahil sa akin,” sabi niya, ramdam ang bigat ng guilt.Simula pa nang ikinasal sila, halos walang issue si Thorin, pero siya, lagi na lang binibigatan ng problema ng mga kamag-anak. Naawa tuloy siya sa lalaki.“Kailangan mo na bang bumalik sa office agad? Baka ma-late ka at bawasan pa sweldo mo?” tanong niya, nag-aalala.“I’m fine,” kalmadong sagot ni Thorin.“Sorry kung nadamay ka pa sa sitwasyon ko,” bulong ni Felicity, nahihiya.“Na-experience mo na ba dati na ganyan ka nila i-harass?” tanong ni Thorin, diretso ang tingin.Napabuntong-hininga si Felicity. “Ever since naging maayos na ‘yong trabaho ko at unti-unting tumaas ang income, parang lagi na lang akong target ng mga kamag-anak. Ang dami nilang sinasabi, puro pang-aalipusta.”Napatingin siya sa oras at agad nagsalita. “May time ka pa ba for lunch? Ako na ang taya.”Kahit paano, gusto niyang suklian
“MGA boss, kung may nasabi akong mali, sabihin niyo na. Magso-sorry ako agad, luluhod pa ako kung kailangan!” halos mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Jerome, pawis na pawis at nanginginig ang boses.Pero walang pakialam ang lalaking naka-itim na suit. Bigla na lang siyang hinila papasok sa madilim na eskinita, parang walang effort.Nawala ang yabang ni Jerome, at bumalik ang dating takot niya, takot na dati niyang naramdaman noong mga panahon na binubugbog siya ng mga nagpapa-utang at pinagmumukha siyang basahan.“A-aray! Tulong! Tulong! May mga kriminal—!” sigaw niya, desperado, pero bago pa matapos ang salita, mabilis na tinakpan ang bibig niya.Hindi na nakita pa nila Felicity at Shia ang tanawing iyon, ang pilit na pagkaladkad kay Jerome at Marites dahil bigla na lang nawala ang mga ito.Kinagat ni Felicity ang labi, halatang nag-aalala. “Mukhang kailangan ko nang magpalipat ng opisina. Hindi na nila ako titigilan.”Pero malamig lang ang sagot ni Thorin, diretso at walang bakas ng al
NAGULAT si Jerome nang biglang mawala ang video na pinost niya. Parang bula lang na na-delete kahit hindi pa fully naka-upload.“Impossible ‘to…” bulong niya, nanginginig ang kamay habang hawak ang phone.Hindi niya alam na mula pa kanina, mino-monitor na ang account niya. Tahimik nang gumalaw ang PR team ng Evans Group, at awtomatikong binlock ng system ang kahit anong video na maglalabas ng negative post laban kay Thorin. Ito rin ang dahilan kung bakit parang wala lang kay Thorin ang pananakot ni Jerome kanina.Pero si Jerome, hindi pa rin nadala. Muli siyang nag-video sa dalawa. “Guys! Tignan n’yo ‘to! Ungrateful couple ‘tong dalawa!” sigaw niya habang hawak ang phone. “’Yung lalaki, nag-aasta pang gentleman, pero itong babae, pero walang utang na loob! May pambili ng kotse na libo-libo ang halaga pero 'di makabigay kahit singko sa kamag-anak na nagigipit!”“Hoy!” singit muli ni Shia, halatang hindi na matiis. “Sobra ka na. Pwede kang kasuhan ng cyber libel sa mga sinasabi mo! 'Di