INABOT lang ng ten minutes ang proseso ng kanilang civil wedding. At marahil dahil napansin ng registrar officer na aloof sa isa't-isa si Thorin at Felicity, kaya paulit-ulit nitong ipinaalala ang kahalagahan ng pag-iisang dibdib.
Sabay na nagpakuha ng litrato si Felicity at Thorin sa photo booth ng registrar's office dahil iyon ang magsisilbing wedding photo ng dalawa. Bagaman hindi komportable sa isa't-isa, walang nagawa ang mga ito kundi humarap sa camera at ngumiti. When the picture came out, one looked like a model with a cold and intimidating aura. While the other was just an ordinary woman with nothing special. "'Di ka na natatakot na baka isa akong marriage scammer?" pagkuwan ay tanong ni Thorin sa kanyang "asawa." Papalabas na sila sa gusali ng Regional Trial Court at patungo na sa parking area. "Wala ka namang mapapala sa'kin kung lolokohin mo ako. Wala naman akong pera," kaswal na sagot ni Felicity habang ipinapasok sa shoulder bag ang marriage certificate. "Pag naka-timing ako, ipapaliwanag ko sa pamilya ko ang sitwasyon natin. Sa ngayon, magkanya-kanya na muna tayo," dagdag pa ni Felicity sa lalaki. "Bakit naman maghihintay pa?" curious naman na usisa ni Thorin. Buong akala n'ya, matapos magpakasal ay kakaladkarin kaagad siya ng babae pauwi sa kanilang magiging bahay. Also, when they first met, she said that even if it was just a fake marriage, she would agree. Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Felicity ng mga sandaling iyon. Ngayong hawak na n'ya ang kanyang marriage certificate, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang hinanakit na nararamdaman niya para sa kanyang Tita Lucille. Simula ngayon, hindi na s'ya kabilang na pamilya na hindi naman talaga siya itinuturing na kamag-anak. Pero sa isang banda, naguguluhan din siya dahil alam niyang bigla-bigla ang pagpapakasal niya. And worst of all, she married someone she didn't know. "Uuwi muna ako sa 'min at magpalaam sa kanila. Bigyan mo lang ako ng two days," pakiusap ni Felicity sa lalaking kaharap. "Okay, fine. If that's what you want." Hindi na muna pipilitin ni Thorin ang babae na mag-stay at hahayaan niya ito sa gusto nitong gawin. Besides, kanina lang sila nagkakilala at nagpakasal kaya kailangan pa nilang mag-adjust sa isa't-isa. Tatanungin sana ni Thorin ang babae kung gusto nitong ihatid niya ito pauwi, pero hindi pa man niya nasasabi ang balak ay inunahan na siya nito. "Gusto mong ihatid kita pauwi?" tanong ni Felicity kay Thorin at itinuro ang luma niyang electric bike na naka-park sa gilid ng kalsada. Thorin was stunned for a few seconds. He was the Chief Executive Officer of his own company, a director and was called the 'Young Master' by his family. Pero iyon lang ang unang beses na may babaeng nag-alok sa kanyang ihatid siya pauwi. Pasimpleng sumulyap si Felicity sa lalaki at naisip n'yang may nasabi siya sa lalaki na hindi nito nagustuhan. "Nakita ko kasing sumakay ka ng taxi kanina at naisip ko na wala kang kotse. N-Naisip ko lang na isabay ka pauwi..." kaagad na paliwanag ni Felicity sa lalaki. Pasimple namang pinagmasdan ni Thorin ang electric bike ng babae. The tires were almost worn out, so he estimated that the vehicle had been in use for about seven or eight years. Iyon ang second-hand electric bike na ilang taon nang ginagamit ni Felicity. Hindi na maayos ang bike n'ya kung titingnan dahil lumang-luma na iyon. Wala lang siyang choice kanina dahil ang electric bike na in-order niya last time sa online ay hindi pa naipapadala. Umaasa lang si Felicity sa kanyang online store kung saan gumagawa siya ng money bouquet. Nagbebenta rin siya ng kanyang mga drawings at paintings at nagko-komisyon sa mga kliyente. Kumikita naman siya ng fifteen thousand hanggang twenty thousand kada buwan pero ang kahalahati niyon ay ibinibigay niya sa kanyang Tita Lucille. "Do you have a driver's license? Kung gusto mo ng kotse, sabihin mo lang at bibilhan kita para may magamit ka papasok sa trabaho," mayamaya'y sabi ni Thorin na ikinakunot-noo naman ni Felicity. "H-Hindi na," mabilis pa sa alas kwatrong sagot ni Felicity. Maaaring galing ang lalaki sa may kayang pamilya pero hindi siya mapagsamantalang tao. Kumuha na noon ng driver's license si Felicity noong nag-uumpisa pa lang siya ng kanyang online store. Balak din kasi sana niyang bumili noon ng second-hand na kotse nang sa gayon ay mas madali ang byahe n'ya papasok sa nirerentahan niyang shop. Pero sa kasamaang palad, nang sapat na ang savings niya para makabili ng sasakyan, nagkasakit naman ang anak ng kanyang pinsan at kailangan ng surgery kaya siya lahat ang sumagot ng hospital bills nito. Hindi inaasahan ni Felicity na mag-o-offer ang lalaki na bilhan siya ng sasakyan kaya naman na-touch siya. Pero nagmadali man siya na magpakasal sa lalaking kakakilala pa lang, wala naman siyang plano na mag-take advantage. Masyadong marami ang mga nagpapakasal at naghihiwalay din kalaunan kaya hangga't maaari, ayaw ni Felicity na matulad sila roon. And if the time ever comes for them to separate, she will just find a reason to explain it to his family. "Para naman sa bahay na titirhan natin, hintayin mo na lang ang tawag ko," kalmadong saad ni Thorin na tila ba utos iyon at hindi pakiusap. "No rush," simpleng sagot naman ni Felicity. "P'wede naman tayong mag-renta lang at maghati ng bayad sa upa." Nang marinig naman ni Thorin ang sinabing iyon ng babae ay tumaas ang makakapal niyang kilay. She didn't know that renting a house was also her little dream. Matagal nang gustong umalis ni Felicity sa 60 square meter na bahay ng kanyang tiyahin, kung saan limang matanda at isang bata ang nagsisiksikan na parang isang sardinas. At dahil nga sa balcony lang siya natutulog kaya mahirap para sa kan'ya ang kumilos para magtungo ng banyo o kaya naman ay maligo. Two years ago, nagbalak na si Felicity na umalis sa poder ng kanyang tiyahin at mangupahan na lang. Pero gabi-gabi siyang sinisermunan ng kanyang tiyahin na pagkatapos siyang kupkupin nito at pakainin ay basta na lang daw siyang aalis nang hindi pa nasusuklian ang lahat ng naitulong sa kan'ya ng mga ito. "Our marriage may have been sudden, but because I married you, I can support you. So you don't need to say things like that because no one is forcing you to," sagot naman ni Thorin sa suhestiyon nito. "Anyway, may pa meeting ako. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho," dagdag pa ni Thorin sabay tingin sa kanyang wrist watch. Tumango si Felicity bilang sagot at saka akmang tatalikod na nang may biglang maalala. Nag-aatubili siyang magsalita dahil nahihiya siya pero kung hindi naman n'ya gagawin 'yun, paano n'ya ito matatawagan? "What? Do you want to say something?" tanong ni Thorin nang mapansin ito na nakatayo sa kanyang harapan. "P-P'wede ko bang makuha ang number mo or Friendsbook?" ani Felicity. Napaisip naman si Thorin. Oo nga pala, 'asawa' na niya ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan. And if he doesn't have contact with each other, they may never meet again. "Okay." After exchanging cellphone numbers, Thorin took a taxi back to the coffee shop where he and Felicity met. When he got out of the taxi, a black Rolls-Royce was waiting for him at the shop's entrance. "Young Master, saan po tayo didiretso? Sa kompanya po ba o sa mansyon?" tanong ng kanyang personal driver na si Mr. Lee. "Go straight to the company. I have a meeting at 4 o'clock," sagot ni Thorin. Si Thorin Evans, ay hindi lang basta isang empleyado sa kompanya katulad ng pagkakakilala ng lahat. Kundi siya mismo ang CEO ng kompanyang iyon. Siya rin ang anak ng pinakamayamang pamilya sa buong Luzon at may net worth na bilyones. Kabaliktaran sa pagkakaalam ni Felicity Chavez na siya si Thorin Sebastian, isang computer expert, na nagtatrabaho sa isang kompanya at naghahanap ng mapapangasawa...CHAPTER — A Different ThorinMula nang lumipat si Charlotte at si Chase sa apartment, unti-unting nag-iba ang rhythm ng araw-araw. Si Felicity, nakasanayan nang gumising nang mas maaga para maghanda ng kape bago pumasok. Pero nitong mga araw na ito, napapansin niyang hindi na laging siya ang nauunang gumalaw.“Good morning,” mahinang bati ni Thorin, nakasuot lang ng plain gray shirt at maong pants, habang nakatayo sa kusina at abala sa pagbubuhos ng mainit na tubig sa French press.Napahinto si Felicity sa paglapit, hawak ang tablet na dala-dala niya sa trabaho. Hindi niya in-expect na makikita niya ang asawa na mismong nagtitimpla ng kape.“Ah… good morning,” sagot niya, medyo nahihiya pa rin.Tahimik si Thorin habang pinipisil ang coffee grounds. Pagkatapos ay inabot nito ang isang mug sa kanya. “Here. You’ll need it. May deadline ka, right?”Halos malaglag ang tablet ni Felicity. “Paano niya nalaman?”“Uh, oo. May submission ako mamaya,” sagot niya, halos pabulong.Walang ibang sin
CHAPTER — The Nanny PlanSIMULA noong umalis si Charlotte at lumipat sa poder nila Felicity, naging lantaran na rin ang pambababae ni Robert. Sa halip na makipag-ayos ito sa asawa at para muling mabuo ang pamilya, ay nag-uuwi pa ito ng babae sa bahay ng sariling biyenan.Si Lucille naman, walang pakialam sa ginagawa ni Robert. Walang kaso sa kanya kung tinatapakan na ni Robert ang pagkababae ng kanyang anak dahil para sa kanya, ang perang ibinibigay ng manugang ang pinakamahalaga sa lahat. Wala itong pakialam kung nasaktan nito ang kaisa-isang anak at hindi makita ang sarili apo.Araw-araw din nitong winawaldas sa mahjong ang 300,000 na dowry na ibinigay ni Thorin. Sugal dito, sugal doon na para bang hindi mauubusan ng pera. Salamantalang si John naman na ama ni Charlotte at tiyuhin ni Felicity, ay halos araw-araw ang inom na para bang mauubusan ng alak. Walang eksaktong dahilan kung bakit ito nag-iinom pero madalas nitong inaaway si Lucille tungkol sa pagpapalayas sa anak.---Habang
KINABUKASAN, tila mas gumaan ang atmosphere sa buong apartment. Walang malaking pagbabago na obvious, pero ramdam ni Felicity ang subtle na shift—parang may warm presence na unti-unting pumupuno sa pagitan nila ni Thorin. Habang abala si Charlotte sa kusina at si Chase ay naglalaro sa carpet kasama ang plushy dinosaur niya, napansin ni Felicity na nakaupo si Thorin sa sofa, hawak ang tablet at nagbabasa ng email. Simple lang, pero sa bawat sandaling itataas nito ang ulo para silipin si Chase, may kakaibang lambot sa mga mata niya. “Uncle Thorin! Look! Dino jump!” tili ni Chase, tumalon ang laruan niya mula sa sofa papuntang carpet. Bahagyang ngumiti si Thorin, isang tipid na ngiti na halos hindi halata kung hindi mo siya titigan nang mabuti. “Good jump. Strong dinosaur,” sagot niya bago muling ibinalik ang tingin sa tablet. Napatingin si Felicity sa kanya. Simple lang ang eksena, pero sa puso niya, may kakaibang kilig na umusbong. Kung dati ay parang estranghero lang si Thorin sa
KINABUKASAN, iba na ang atmosphere sa buong apartment. Hindi iyon yung tipong dramatic na biglang fairy-tale vibes, pero ramdam ni Felicity ang subtle na pagbabago. May unti-unting warmth na sumisingit sa pagitan ng mga tahimik na sandali.Sa dining area, abala si Charlotte sa pag-aayos ng mga plato habang si Chase ay nakaupo sa maliit na high chair, kumakain ng cereal. Si Thorin naman ay tahimik na nagbabasa ng business newspaper sa may sala, pero mapapansin na paminsan-minsan ay umaangat ang tingin niya para silipin si Chase.“Chase, dahan-dahan lang, baka mabulunan ka,” mahinang paalala ni Thorin. Hindi niya tinataas ang boses, pero sapat iyon para mapatingin si Charlotte, na halatang kinabahan.“Don’t worry, Mr. Thorin. Bantay-sarado ko siya,” sagot ni Charlotte na may ngiti.Tumango lang si Thorin at bumalik sa pagbabasa, pero sa gilid ng mga mata ni Felicity, nakita niya ang bahagyang pag-relax ng balikat ng lalaki. Hindi niya inaasahan na maririnig niyang mag-aalala si Thorin n
KINABUKASAN, ibang atmosphere na ang bumalot sa apartment. Parang unti-unting nagkaroon ng kulay ang mga dingding na dati ay malamig at tahimik lang. Si Charlotte at si Chase ay nasa guest room, mahimbing pang natutulog, habang si Felicity ay nag-aayos ng mesa sa kusina.Nagising si Thorin nang maaga, gaya ng nakasanayan. Suot pa nito ang simpleng white shirt at gray jogger pants, pero iba ang dating ngayong umaga, hindi siya ‘yung tipong CEO na nakikita sa headlines, kundi isang simpleng lalaking galing sa mahabang tulog. Medyo magulo pa ang buhok, may bakas ng antok sa mata, pero may kakaibang kalma sa kilos.Napansin ni Felicity ang pagbabago. Hindi ito ‘yung Thorin na palaging seryoso at parang pader. Paglapit nito sa mesa, hindi siya agad nagsalita. Tumigil lang ito sandali, tiningnan ang inihahanda niyang kape, at saka mahinang nagsalita.“Morning.”Napatingin si Felicity, halos mabitawan ang hawak na teaspoon. “Ah—good morning.”Tahimik si Thorin, pero sa halip na maupo agad, k
TAHIMIK ang buong sala matapos ang bigat ng mga salita ni Thorin. Parang lahat ng nasa loob ng bahay ay natuyuan ng laway; walang gustong magsalita, walang gustong kumilos. Kahit ang orasan sa dingding, tila bumagal ang tik-tak, pilit nakikisabay sa tensyon.Si Charlotte, nakatungo, hawak ang pisngi na kanina lang ay tinamaan ng sampal mula sa sariling ina. Si Robert, nakaharang pa rin sa pinto, nangingisi pero halata ang pag-aalinlangan. Si Felicity, nakatayo sa tabi ni Thorin, litong-lito pa rin kung totoo ba ang sinabi nitong “asawa.” At si Lucille, hawak ang abaniko, pinapaspas ang mukha, tila nag-iisip kung paano babaliktarin ang sitwasyon para makuha ang advantage.Hindi nagtagal, sumilay ang ngiting tagumpay sa labi ng matanda. Ang uri ng ngiti na nakakapagpatayo ng balahibo—hindi ngiti ng isang ina, kundi ng isang negosyanteng nakakita ng pagkakataon.“So,” wika ni Lucille, malumanay ang boses pero matalim ang titig. “Three hundred thousand. Kung talagang desidido ka, iho, sig