Share

Kabanata 5

Penulis: Dracarys
last update Tanggal publikasi: 2025-11-20 19:29:14

Sa pagpuwesto namin sa bar counter, nagsabi si Heriane ng iinumin naming cocktail sa bartender na naroon. Habang hinihintay ay nagkukuwentuhan kami nang bigla namang may taong bumangga sa likod ko.

"Sino ba 'tong taong 'to?" naiinis kong bulong sa sarili ko, ngunit humarap ang lalaki dahil tila narinig niya ako.

"Oops, I'm sorry," sabi ng lalaki nang matulak niya ang likod ko. Matalim ko siyang tinignan pero nakangiti lang siya sa 'kin. Parang balewala lang sa kaniya.

Ang bastos nito, ah?!

"Ah, hi, sir Ivran. I'm Heriane, and this is my friend, Senra," agad namang pagpapakilala ng kaibigan ko at saka nakipagkamay sa lalaking ito.

"Oh, hi," sabi naman ng lalaki at saka niya ako muling hinarap. "Hindi ko sinasadyang mabangga ka," sabi niya sa 'kin.

"Senra, makipagkamay ka na. Si sir Ivran 'yan," nagngingitngit na bulong ni Heriane sa 'kin. Kahit naiinis ay nakipagkamay na ako sa Ivran na 'to.

Uminom at nagkwentuhan kami ni Heriane. Pansin ko na marami ang mga babaeng sing-edad namin ang nandito. Nakasuot sila ng maikling damit at nakikipag-usap sa mga lalaki. Meron pa na tila inaaya nila then saka sila aalis.

"Wait," dinig kong sabi ni Heriane habang nakatingin nang malagkit kay Mr. Thompson. "Senra, sasaglit lang ako, ha? Ikaw muna rito," sabi niya.

Tumango na lang ako at ngumiti bago umalis si Heriane. Sumama na siya kay Mr. Thompson na mukhang excited na excited.

Napainom na lang ako ng cocktail dahil sa ilang. Anong gagawin ko rito? Ayoko namang gawin 'yong ginagawa ng karamihan.

Umupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga taong nasa paligid ko. Ang iba, busy sa pakikipagkwentuhan, tawanan, at inuman. Talagang tahimik lang dahil yung tugtog, hindi pang-party.

"Alone?" tanong bigla ng lalaking sumulpot sa gilid ko. Nang tignan ko ito, si Mr. Ivran lang pala.

Ngumiti ako nang tipid sa kaniya.

Natawa siya sa inasal ko at naupo sa tabi ko na may pagitan. "You still look mad at me, Ms. Senra. I didn't mean to—"

"Pwede po ba, sir Ivran, h'wag niyo po akong ini-english. Tsaka halata naman pong mag-isa lang ako rito, tatanungin niyo pa ako," pagmamaldita ko sa kaniya.

"Woah, chill," awat niya at muling natawa sa 'kin. "I already apologized, Ms. Senra. Well, kung ayaw mo 'kong mag-english, kaya ko namang mag-Tagalog."

Hindi ko siya inimikan. Tinignan ko lang siya at gayundin naman siya sa 'kin. Seryoso ako, habang siya ay nakangiti sa 'kin.

"Bakit po kayo nandito? May asawa po kayo, 'di ba?" tanong ko sa kaniya.

"I haven't," sagot niya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. "But I already have fiancée," dugtong pa niya. Tumango na lang ako. Akala ko, iba ang status niya kaysa sa mga taong nandito.

"May fiancée na po pala kayo, e, bakit pa kayo nandito?" tanong ko pa.

"To celebrate with my friend. Bakit, may masama bang makipag-celebrate?" tanong din niya. Sandali akong napaisip at umiling.

"P-Pero bakit marami pong dalagang babaeng nandito?" tanong ko ulit.

"Hmm... bakit nga ba? Bakit ka rin ba nandito?"

Natahimik ako sa tanong niyang 'yon. Oo nga, 'no? Hindi ko naman sila kilalang lahat maliban sa kaibigan kong si Heriane.

Natawa si Mr. Ivran dahil sa pananahimik ko.

"See?" aniya.

"E-E nandito lang naman po ako dahil sa kaibigan kong si Heriane. Sinamahan ko lang po siya," sagot ko na lang.

"Well, mukhang busy ang kaibigan mo. Pwede ba akong mag-stay rito to have a conversation with you? I mean, wala namang mali. We can be friends, actually," sabi ni Mr. Ivran.

Kahit nag-aalangan ang isipan ko ay tumango na lang ako. Mukha namang mabait siyang tao. Approachable.

Iniinom ko pa rin ang cocktail ko habang siya ay may dalang beer.

"So, what's your job?" tanong niya.

"Ahh... ehh... baka husgahan mo 'ko, e," sambit ko.

"Why? Wala namang masama kung nagtatrabaho ka, 'di ba?" tanong niya. Sandali pa akong napaisip pero may point naman siya.

"Uhmm... nagtatrabaho ako sa IV Club kung saan ako pinasok ng best friend kong si Heriane. Kahapon lang ako nag-start doon. Buti nga, pinayagan ako ng manager na pumunta rito, e," sabi ko.

Sandaling napahinto si Mr. Ivran then unti-unti siyang tumango sa 'kin.

"I see..." sambit niya. "Ano namang work mo ro'n?"

"Entertainer. Dancer. Actually, first time kong nag-work then sa ganitong trabaho pa. Desperada na kasi akong makatulong sa Mama ko, e."

Ngumiti si Mr. Ivran sa 'kin. Nakakainis siya kanina, pero masarap din pala siyang kausap at mabait pa.

"Wanna drink? Cheers."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 45

    "Nakakapanibago na inaya mo 'kong mag-breakfast somewhere. Bakit?" tanong ni Ruscial sa 'kin. Inaya ko siyang mag-almusal sa isang restaurant para makapag-usap din kami nang maayos."Kasi gusto kong mag-sorry sa naging asal ko nitong mga nakaraang araw... lalo na sa pamimilit ko sa 'yo," sagot ko sa kaniya.Ngumiti si Ruscial sa 'kin nang malapad at hinawakan ang kamay ko."Naiintindihan ko, Senra," sabi nito sa 'kin."Tsaka gusto ko rin sanang magkaroon pa tayo ng bonding moments together. Hindi lang kasi ako mapakali sa bahay, e. Ewan ko ba. Pilit ko pa rin'g pinapasok sa isipan ko na ganito na yung buhay ko pero hindi pa rin ako nasasanay," paliwanag ko pa kay Ruscial."It's okay. Makakapag-adjust ka pa. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo, e. I'm sure na maiintindihan din 'to nina tito at tita."Ngumuya ako ng pagkain habang iniisip kung ano pa kaya ang mas mainam na paraan para tuluyan na akong mawala sa piling n

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 44

    Hinatid namin sina Mama at ang asawa niya sa airport then bumalik na rin kami sa mansion agad."Senra, ano ba'ng ginagawa mo?" tanong na lamang ni Ruscial nang marahan kong hinaplos-haplos ang katawan niya."Bakit ba palagi kang tumatanggi?" tanong ko naman sa kaniya."N-Naiilang ako. Senra, may tiwala sa 'kin sina tito at tita, at ayokong masira ang tiwalang ibinigay nila sa 'kin," sagot nito sa 'kin.Inirapan ko si Ruscial sa inis. Bakit ba masyadong mabait 'tong taong 'to?"Bakit ba parang iniiwasan mo yung gusto ko? Mas sinusunod mo pa sila kaysa sa 'kin, e. Hindi ba't ako ang sinusuyo mo?" tanong ko rito."Senra, mahal kita. Gusto kita pero hindi naman ako makakapayag na may mangyari ulit sa 'tin. Tama na ang isang beses. Paano kung mabuntis ka?""E 'di mag-cond*m ka para hindi mo 'ko mabuntis," pamimilit ko.Hindi naman talaga ako naiinis sa kaniya dahil hindi niya ako mapagbigyan, mas kinakabahan ako dahil baka mamaya ay pumasok dito si Ivran at muli na naman akong galawin."H'

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 43

    "Ivran, nandito ka na pala."Binawi ko kaagad ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Ivran nang bigla naming marinig ang boses ng asawa niyang si Klea.Lumapit ito at hinalikan sa labi si Ivran."Mabuti naman at dumating na kayo," sabi pa ni Klea sa 'min."Sige, Klea, aakyat na ako. Inaantok na rin kasi ako, e," paalam ko na lang agad sa kanila at nilagpasan silang dalawa."Goodnight, Senra," dinig kong sabi ni Klea kaya't marahan kong tinaas ang kamay ko para batiin siya pabalik.NAHINTO AKO sa pagkain nang may bulaklak na tumambad sa harapan ko habang abala ako sa pagkain. Nang tignan ko kung kaninong kamay ito nanggagaling ay nakita ko si Ruscial."For you, Senra," sabi nito habang nakangiti nang malapad."S-Salamat. Nag-abala ka pa," sabi ko sa kaniya at kinuha ang bulaklak. Pansin ko ang mga ngiti ng mga kasama ko rito sa mansion."You're such a sweet man, Ruscial. Alam mo ba'ng first time ni Senra na maka-receive ng bulaklak?" sabi ni Mama."Well, I'm lucky at ako ang unang nakapa

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 42

    "Pwede ba, Ivran? H'wag kang gumawa ng panibagong problema. Sa bahay mo na lang makukuha ang gusto mo," inis kong sabi sa kaniya.Naglakad ako para sana lumabas na ng restroom ngunit bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa braso ko."H'wag kang pakakampante sa mga tao sa loob," seryoso at kalmado niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka."A-Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"Tinignan niya ako at ngumiti siya nang marahan."Those women lately, they are not just women, Senra. They're dangerous. Mas mabuti pa kung layuan mo na si Ruscial, or else, baka may mangyari pa'ng hindi maganda."Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya ngunit isinawalang-bahala ko lang 'yon. Inalis ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya sa 'kin at lumabas na ng restroom. Dali-dali akong nagtungo sa loob ng venue para hanapin si Ruscial."Senra, where have you been? Kanina pa kita hinahanap, e," tanong ni Ruscial nang makita niya ako."S-Sa restroom. Pasensya na kung natagalan ako.""Anyway, come and let'

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 41

    "There he is! Rafael!" tawag ni Ruscial sa isang lalaki kaya't napatingin ito sa gawi niya."Ruscial!" tawag din naman nito."Happy birthday, Raf. You're aging backwards, huh?" pagbibiro ni Ruscial at natawa silang dalawa."Thanks for keep saying that, Ruscial. By the way, who is she? Girlfriend mo?" tanong nito nang makita ako."She's the woman I'm courting, Raf. She's Senra Lazurel. Senra, he's Rafael Quinzor, my good friend and my business partner," pagpapakilala sa 'min ni Ruscial."Hi, Senra, it's nice to meet you.""It's nice to meet you too."Marahang lumapit si Rafael kay Ruscial."She's really beautiful, Ruscial. Baka may maire-recommend ka sa 'kin?" pabiro nitong bulong kahit na naririnig ko.Tumawa silang dalawa."I'll let you know kapag may makita ako. Ikaw naman kasi, e, masyado kang mapili.""Yeah, that's me, e. Anyway, where's Ivran? Nakita mo ba siya?"Hindi ko na sila pinakinggan pa sa pag-uusap nila. Ayokong umalis sa tabi ni Ruscial dahil wala akong makakausap pero

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 40

    Matapos kong bilhin ang dress ay nagpunta kami ni Pico sa branded shop for bags dahil ang sabi niya sa 'kin kanina ay collector din ang mommy niya."Alam mo, wala naman akong alam tungkol sa mga branded na bag, e. Bumabase lang ako sa apperance at saka sa paliwanag ng sales assistant," sabi ko kay Pico habang namimili kami ng bag."Then yung preference mo na lang ang magiging basis natin. Wala rin naman akong idea that's why I need someone to help me para makapili," sagot naman ni Pico.Inisa-isa namin ang mga bag habang ipinaliliwanag ng sales assistant ang tungkol dito."Ito na lang, miss," sabi ko nang mapukaw sa pansin ko ang isang kulay beige na small bag."Hmm... this looks beautiful. Alam mo rin ang paboritong color ni mommy," sabi naman ni Pico."Paborito niya ang beige?" paninigurado kong tanong. Tumango siya sa 'kin habang nakangiti nang malapad."We'll get that, miss. Thanks," sabi ni Pico sa sales assistant kaya't inasikaso na ito.Matapos bayaran ni Pico ang bag ay saka n

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 39

    "Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko naman sa kaniya. Napansin ko ang marahang pagkawala ng ngiti niya ngunit pinilit niyang maging masaya sa harapan ko."O-Oo naman. Gusto kong malaman," sabi niya sa 'kin sa kabila ng panginginig ng kaniyang boses."Kinausap ko siya kanina kung mahal ka pa ba

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 38

    "Mahal? What the fuck are you saying?" tanong niya na tila hindi naniniwala sa 'kin. "Halata sa hitsura mo na hindi mo siya gusto, Senra.""Desperado ka lang.""Mas desperada ka na makatakas sa deal natin kaya ka pumayag na ligawan ka ni Ruscial, 'di ba?"Napalunok ako dahil sa sinabi niyang 'yon.

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 37

    Nakaupo kami ni Ruscial sa may gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga hita't paa namin sa tubig. Kami lang ang tao rito dahil umalis saglit sina Mama at ang asawa niya para makapagluto ng lunch."Ano ba ang dapat nating pag-usapan?" tanong ko kay Ruscial kahit na alam ko kung ano ang mapag-uusapan

  • My Billionaire Stepbrother’s Deception    Kabanata 36

    WARNING: SPG!"I-Ivran..." sambit ko sa pangalan niya habang walang tigil niyang nilalabas at pasok ang kaniyang dalawang daliri sa kaselanan ko. Sa una ay dama ko ang sakit, ngunit habang patuloy lang siya ay napapalitan 'yon ng kiliti at sarap.Malalim na ang bawat paghinga ko. Napapapikit na rin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status