Share

KABANATA 1

Penulis: Yenoh Smile
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-29 19:33:32

"Mayu, babae ka! Bakit ka nand'yan? Umuwi ka na nga! Kapag nalaman ng Nanay mo na pumunta ka diyan sa engagement chuchu na 'yan, pagagalitan ka!" si Alice mula sa kabilang linya.

Kusang umikot ang mga mata ko paitaas sa sinabi nito. Hindi na naman nito mapigilan ang sariling bibig.

"Hindi ko pwedeng suwayin si Tatay-"

"Ano'ng Tatay? Gaga ka! Gagamitin ka lang niyan! Alam mo namang pabagsak na ang negosyo ng Tatay mo! Tapos ano? Ikaw ang ibebenta diyan sa matandang bilyonaryo-"

"Shut up, Lice. Wala namang masama na dumalo . Isa pa, hindi ako qualified na maging fiancée," humina pa ang boses ko sa dulo.

Nanikip ang d****b ko at mas piniga iyon matapos marinig ang buntonghininga niya sa kabilang linya.

Sinong lalaki ba ang gugustuhing mapangasawa ang babaeng anak sa labas ng parehong magulang? Wala.

"Hindi mo naman kailangang ipagsiksikan ang sarili mo diyan sa kanila. Nandito naman ako, nandito rin si Nay Rosario. Huwag ka na nga diyan sa Tatay at Nanay mong hindi ka naman mahal-"

Kusa kong pinatay ang tawag at binalot ng inis ang puso ko sa sinabi niya. Hindi naman kailangan na sabihin pa iyon sa akin ng ilang beses! Gusto ko lang naman matanggap ako, kahit isa man lang sa kanila.

Huminga ako nang malalim bago tinago ang cellphone sa dala kong gold long pouch. Bumagsak pa ang tingin ko sa suot na silver glittery, one-slit gown. Malinaw ko ring naaaninag sa malinaw na tubig ng fountain ang magandang ayos ng make-up sa mukha ko.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi at marahang inayos ang ilang hibla ng buhok na bumagsak sa pisngi ko. Sa tuwing ganitong okasyon lang yata ako nabibihisan. Rental pa! Kailangang ibalik pagkatapos ng gabi.

Nakagat ko ang sariling labi at bahagyang lumayo sa Angel water fountain. Tiningala ko pa ang langit na napupuno ng mga bituin. Sa ilang beses na humiling akong kilalanin ay ni minsan ay hindi pa iyon natupad. Maging sa paghahanap ng trabaho ay palpak pa!

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sobrang badtrip ng buhay ko. Ilang hakbang na nga lang sa mga magulang, hindi pa makayakap!

Umingos ako at inis na pumulot ng bato bago iyon malakas na hinagis sa water fountain. Pagkatapos ay mariin akong pumikit at walang sawang humiling.

"Sana naman, G, mapalitan na 'yong apelyido ko. Sawang-sawa na akong maging Selvestre! Kulang na lang maging suka! Please naman po Dear Lord, pwede niyo namang gawing mas sosyal pa-"

Ngunit kusa akong natigil sa malakas na pagbigkas matapos makarinig ng mga yabag at iilang boses na papalapit.

"Apollo, swear! I'm going to ditch that f*cking engagement party at twelve midnight, and I'm gonna curse that grandfather of yours! Swear!"

Mabilis akong napaupo at napatago sa bandang ibaba ng fountain sa narinig na boses. Nagtaasan yata ang mga balahibo ko sa malalim at iritadong boses nito.

Imbis na sagot ay mahihinang pagtawa ang narinig ko na nagpayuko sa akin.

"Easy, Bro. Lolo Frederick wants the best for you. And just accept it. You're the eldest, which means you should take full responsibility," the man answered coolly.

"That grumpy old man! And where's that Alaric? Who's the girl he's banging with again? He should be the one in this arranged marriage and not me!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses nito. Walang preno at hindi yata mahihiya sakali mang may makarinig sa kanya!

"I don't know, maybe at the nearest hotel? Loosen up, Bro. Don't stress too much. At least you're tying the knot at thirty." Tumawa ang lalaki at dinig ko pa ang tunog ng pagtapik nito sa balikat ng isa.

"Don't mess with me, Apollo. This is not a joke! I was not even given a chance to choose who I would marry-"

"But you have lots of candidates inside. All beautiful women. Isn't that cool? That means your destiny is in the magic of that cute ring box. That's thrilling!" asar pa nito.

Napailing ako at napairap. Rich people! Mag-aasawa lang kailangan may pa-challenge pa! Habang ako ay halos hindi pa nga nakakayakap sa magulang, tapos sila mag-aasawa na! Unfair!

Winaglit ko ang iniisip at marahang sumilip sa kabilang bahagi ng fountain. Halos manlaki pa ang mga mata ko sa dalawang makisig na likha ng diyos na ngayon ay malinaw kong nakikita. Ang mga suot na amerikana ay walang gusot katulad ng kanilang mga buhok. At paniguradong matitipuno ang mga pangangatawan. Walang duda 'yon!

Sa tangos pa lang ng mga ilong at ganda ng mga labi ay walang panama ang sa akin. Maging ang kinis ng mukha, hindi pinalagpas! Unfair talaga!

Marahan kong pinahid ang gilid ng bibig ko sa takot na may tumulong laway mula roon. Nangunot pa ang noo ko at inaninag ang palad. Nakahinga nang maluwag nang makitang hindi naman basa ngunit muli ko lamang nahigit ang paghinga nang pagbalik ng tingin ko sa mga lalaki ay banyagang mga mata na ang nasalubong ko.

Ang titig nito ay malalalim at matatalim. Tila hindi rin sinayaran ng ngiti ang kanyang labi at mukhang ano mang oras ay kaya nitong pag-igtingin ang sariling panga. Ngunit ang mas pumukaw ng atensyon ko na nakapagpalukob ng takot sa akin ay ang magkaibang kulay ng mga mata nito. Ang isa ay berde habang ang isa ay mistulang pilak.

Ilang beses pa akong kumurap sa takot na baka nananaginip lamang ako, ngunit nagawa ko nang kurutin ang sarili ay ganoon pa rin ang nakikita ko. Berde at mala-pilak pa rin ang nakikita kong kulay ng mga mata niya.

"Aldo, it's so easy to settle down with whoever, unless, you have someone in particular in mind," dinig kong bigkas ng kausap nito.

Ang lalaki ay hindi man lang nilingon ang kausap at nanatili sa akin ang mapang-usisa niyang tingin. Maging ako tuloy ay hindi na magawang umiwas pa lalo na nang gumuhit ang isang malademonyong ngisi sa mga labi nito.

"Yes, I have. I think I prefer her to anyone else right now." Tumigil ito at mas lalo pang ngumisi.

"That girl!" Tinuro ako nito na mabilis kong kinayuko at kinalaki ng mga mata.

Tumatahip ang puso ko sa takot at mariin pang napapapikit kahit na lakad-takbo ang ginawa ko matapos maramdamang hahabulin ako ng lalaki.

"Lord, naman! Gusto ko lang tumanaw ng makisig na nilalang! Bakit mo naman ako pinahabol?!"

Hindi ko iyon maiwasang maisatinig lalo pa't alam kong malapit na akong mahabol. Kumakabog na ang d****b ko at namamawis na ang mga palad sa takot na mahuli ako.

Ayaw ko pa pong masakal! Makasal pala!

Ngunit halos lumundag ang puso ko matapos maramdaman ang mabigat na palad na pumigil sa balikat ko. Mabilis ko pang naitaas ang dalawang kamay ko.

"Sorry po! Hindi ko naman po kasalanan na maging chismosa! Promise, sealed mouth po ako-"

Natigil ako matapos marinig ang malalakas na halakhak mula sa babae. Napakurap at marahang binaba ang dalawang kamay ko. Nangunot ang noo at nang lingunin ito ay nakataas kilay na mukha ni Ate Addison ang nakita ko. Nagpipigil pa itong tumawa kahit mukhang bahagyang aburido.

"Silly you, Mayu. Why would you act as if someone is after you? You don't even look interesting." Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tinaasan pa lalo ng kilay.

"Is that the gown your father rented? It looks cheap, as expected." Umiling ito at umingos. Pagkatapos ay basta na lang siniksik sa palad ko ang hawak nitong itim na maliit na kahon.

"Ano 'to?-"

"Shh. Aldo gave it to me, although I'm not that very fond of him. Mabuti pa sana kung si Alaric. Sa'yo na lang, since you look... cheap." Umirap ito bago tumalikod ngunit pinigilan ko ang braso niya.

"Ate-"

Hindi ko pa man nasisimulan ay pinanlakihan na ako nito ng mga mata bago tumingin sa paligid.

"Don't call me that, Mayu! Wala akong kapatid sa labas. Please, keep your own garbage to yourself. Huwag kang magkalat," habilin nito bago tuluyang pumasok sa function hall habang bitbit ang laylayan ng suot niyang tube red dress.

Ramdam ko ang maliliit na karayom na tumusok sa puso ko ngunit pinilit ko iyong winaglit. Sa dalawampu't dalawang pamumuhay ko ay sanay na ako sa ganoong trato. Masakit pero hindi pwedeng damdamin.

Napailing ako at napahigpit ng kapit sa maliit na kahon bago inayos ang sarili. Isang beses ko pang sinuyod ng tingin ang paligid at pilit hinahanap ang mga lalaki kanina ngunit wala ng tao sa paligid.

Akala ko pa naman ay ako na ang hinahabol. Hindi kaya si Ate ang hinabol?

Napanguso ako at napairap. Sinulyapan ko pa ang hawak na kahon. Wala naman sigurong mawawala kung itatapon ko ngunit hindi ko alam kung bakit sinikop ko iyon sa palad ko. Pinilit ko pang ngumiti nang makapasok sa loob ng function hall na puros itim ang paligid at tanging maliliit na crystal lamang ang nagbibigay ng disensyo sa venue.

Matalim na mga mata ni Mommy ang nasalubong ko. Ngumiti pa ako nang malapad dito kahit alam kong galit na naman ito.

"What the hell are you doing here, Mayu? Balak mo ba akong ipahiya?" pasimpleng bigkas nito. Ni hindi nga halos bumuka ang mga labi nito.

"Nay, kasi-"

"O please, stop that Nanay calling, Mayu. This is a grand party. I don't want you roaming around with those choices of words," angil nito at mahigpit pang hinawakan ang braso ko.

Napairap ako at pilit inalis ang kapit nito, "Si Daddy po ang nag-invite sa akin-"

"I don't care! Umuwi ka na. Baka makita ka pa ng media-"

"What's the matter, Darling?"

Parehas ata kaming natigilan ni Mommy matapos marinig ang boses ng asawa niya. Tinaliman niya ako ng tingin bago binitiwan at mabilis na iniwan.

"Nothing. Just some random stubborn, girl," sagot nito.

Napayuko ako at binagsak ang tingin sa abuhin kong heels. Bagay naman ang kulay ng balat ko roon kaya lang ay mukhang hindi nga ako bagay sa lugar na 'to.

Kahit sabihing may tema ng itim ang okasyon ay umaangat pa rin na okasyon ito ng mga mayayaman. Ang bawat kinang ng mga bagong pandekorasyon ay nakahahalina sa mga mata.

"Mayu! Hindi mo sinabing pupunta ka, sana sinabay na kita. Daddy is waiting, come, join us."

Maamong mukha ni Ate Stella ang nasalubong ko at ang magaan nitong ngiti. Malambing pa siyang kumapit sa braso ko at pilit akong hinila patungo sa mesa nila.

"Ate, nakakahiya sa Mama mo. Baka mag-away pa sila ni Tat-Daddy." Pigil ko rito.

Tumigil ito at agad na umiling, "Let them be. They can handle themselves anyway," balewalang bigkas nito.

Ngunit palapit pa lamang sa mesa ay mariin na ang tingin ni Daddy habang salubong ang kilay ng asawa nitong si Madam Cora. Sumimangot at umirap pa bago sumimsim sa sariling wine.

Doon pa lamang ay gusto ko ng umatras ngunit hindi ko naituloy matapos magdilim ang paligid at tumutok ang spotlight sa entablado. Sa huli ay nakiupo ako sa mesa nila Daddy kahit pa ramdam ko ang pag-ayaw ng asawa niya.

Sandali lang naman, Mayu. Uuwi ka rin.

"To formally start the program, let's welcome Mister Frederick Castellanos for the opening remarks."

Malakas ngunit de numerong palakpak ang bumalot sa paligid lalo na noong lumitaw ang matanda sa entablado.

Tumikwas pa ang kilay ko at hinintay talaga itong magsalita.

"Good evening, Ladies and Gentlemen. I'm happy that you made it all on time. I will not say anything more but rather be direct to this party's agenda. And that is, finally, my first grandson will tie the knot. This party will also serve as an engagement party after the bride-to-be has been chosen." Huminga ito pagkatapos ay nilibot ang tingin.

"And yes, beautiful Ladies, please do accept those small boxes as they will be your getaway to marry my first grandson."

Lumiwanag ang paligid at kita na ang mga umikot na waiter. Binigyan ng bawat kahon ang bawat dilag. Agad pa akong umiling sa waiter na nag-aabot ng kahon sa akin matapos makitang katulad lamang iyon ng bigay ni Ate Addison.

"Mabuti naman at hindi mo tinanggap. You don't deserve to be happy. You are both the image and the fruit of every broken family. Kung hindi ba naman malandi 'yang Nanay mo ay basta na lang kakabit sa may asawa na kahit may sarili naman ding asawa-"

"Magtigil ka, Cora. Maraming tainga sa paligid," si Daddy.

Bumagsak muli ang tingin ko sa sahig sa punyal na nararamdaman sa puso ko. Kahit yata manahimik ako ay hindi noon mababago na bunga ako ng kataksilan.

"You're depending her, Mateo?! Ano? Mas mahal mo na 'yang anak mo sa labas kaysa sa sarili mong pamilya?!" angil nito kay Daddy.

"Hindi sa ganoon, Cora. We are at a decent party! Nakahihiya sa mga tao."

"Dad, Mom, stop it. Baka may makarinig. This is my only chance to tie Aldo to me. Huwag niyo namang sirain," si Ate Stella.

Tumikhim ako kahit na nananakit na ang lalamunan ko. Agad din akong tumayo at bahagyang yumuko.

"Ako na lang po ang lalayo. Huwag na po kayong mag-away."

Hindi ko na hinintay pang may sumagot sa kanila. Bagkus ay lumakad na ako palayo.

"Let's all welcome my grandson! Aldo Hendrix!"

Kahit yata gusto kong lingunin ang tinawag ng matanda ay ayaw ko naman na makaagaw pa ng pansin. Tuluyan akong lumabas ngunit hindi tuluyang lumayo. Gusto ko pa rin namang marinig ang pangyayari sa loob.

"Let the game begin," ani ng matanda mula sa mikropono.

Kita kong muling nagdilim ang paligid at naging tahimik. Inip ko pang sinayaw ang paa ko at pinaikot sa palad ang hawak na kahon.

Pagkatapos ng announcement ay talagang uuwi na ako!

"Okay. Please hold on tightly to your boxes."

Humigpit nga ang hawak ko sa kahon. Wala naman sigurong mawawala kung susunod ako.

"And as the light will turn on, please, do open the boxes."

Nagliwanang nga ang paligid at pawang singhapan ang narinig ko.

"It's a ring!"

"OMG, it's a ring!"

"I got a ring!"

Iilan lang iyon sa mga narinig ko na nagpakuryoso sa akin. Ilang segundo ko pang tinitigan ang kahon bago sinubukang buksan iyon nang paunti-unti.

Naningkit pa ang mga mata ko nang walang maaninag na kahit ano sa loob. Napirmi ang mga labi ko at tuluyan iyong binuksan.

Kusang bumagsak ang mga balikat ko sa dismaya. Walang laman ang kahon kahit na pilak na singsing lamang. Tinaktak ko pa iyon ng ilang beses at pilit nanigurado ngunit wala.

"You've seen what is inside. And now, please watch carefully and don't ever remove your eyes from the boxes because... the one... whose box is empty will be my grandson's fiancée!"

Namilog ang mga mata ko at nanginig pa ang kamay kong may hawak sa kahon habang sila sa loob ay nagkakagulo.

"Bakit ayaw matanggal ng singsing?!"

"How to remove this f*cking ring inside?!"

"Get this ring out of this box!"

Nilapit ko pa sa mata ko ang kahon at talagang walang laman iyon!

Napaawang ang mga labi ko at hindi makapaniwala. Kusang bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi makalma.

Ako ang mapapangasawa?! Ikakasal ako?!

"Okay, please calm down, Ladies. The lucky lady is not present inside this function hall. Please, my bodyguard, be alarmed about the lady's whereabouts."

Napakurap ako at gustong sumigaw na ako ang tinutukoy nila. Gusto kong tumakbo sa loob at iwagayway ang kahon. Ngunit ni isang salita ay wala akong naisatinig matapos maramdaman ang panyong tumakip sa ilong at bibig ko.

"We got her. Cleared. Mission accomplished."

Iyon lamang ang narinig ko bago tuluyang nilamon ng dilim.

|Y_S|

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Bittersweet Mistake   WAKAS

    Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 91

    Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 90

    "Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 89

    "Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 88.2

    "What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F

  • My Bittersweet Mistake   KABANATA 88.1

    Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status