Share

KABANATA 4

"Are you really gonna throw me away?" hindi makapaniwalang tanong ko habang tinatanaw ang chopper sa harapan.

"Guess what? I have decided." Ngumisi siya at marahang hinaklit ang braso ko makalapit lang sa chopper.

"Sandali lang, Aldo! Hayaan mo muna akong magpaalam sa Nanay Rosario ko! Isa pa nasarapan ka naman kaya-"

Napatigil ako matapos niyang tumigil at salubungin ng berde at pilak niyang mga mata ang tingin ko. Ni hindi rin umangat ang gilid ng kanyang labi na siyang nakapagbigay ng kilabot sa akin.

"Uh, baka lang naman may palugit pa ng ilang araw bago mo ako ipatapon sa isla. Hindi pa nga ako nakakapagtrabaho-"

"That's the point. That's why I'll keep you." Humakbang siya muli habang tangay ako.

"What do you mean?!" may kalakasang sigaw ko upang marinig niya at hindi matalo sa ingay ng chopper.

Pilit ko ring sinikop nang mabuti ang suot na bestidang puti habang lumalapit.

"Aldo, nag-enjoy ka naman! Sapat na dapat iyon para pakawalan ako!"

Ngunit hindi ito sumagot at basta na lamang sinuot sa akin ang headphone. Halos mahulog pa ang puso ko sa kaba nang makasakay at magsimulang umandar ang sasakyan.

Ni hindi ko magawang tumingin sa gilid o sa ibaba sa takot habang siya ay prente lamang na nakaupo. Pakiramdam ko ay malapit nang umikot ang paningin ko at maduwal. Isang beses ko pang kinampay ang kamay ko at malakas na hinampas ang hita niya.

Paglingon ko ay kunot lamang ang noo nito at tila inip pa ang tingin sa akin.

"Nahihilo ako!" malakas kong sigaw ngunit tila hindi naman niya narinig.

"Masusuka ako!"

His bored look is definitely not helping me at all.

"Aldo! I think I'm gonna-"

Ngunit hindi ko natapos ang sasabihin matapos niyang kabigin ang batok ko at hulihin ang aking mga labi. Kusang namilog ang mga mata ko at napahawak nang mahigpit sa kanyang braso.

Ramdam ko pa ang dila niyang naglandas sa mga labi ko bago ako pakawalan ng mga iyon.

"You talked too much," he said as he slightly moved my headphone.

Natahimik ako at pilit hinabol ang paghinga. Hindi nga lang nakareklamo matapos niyang kabigin ang balikat ko at idantay ang aking ulo sa kanyang dibdib.

Wala sa loob na napalunok ako. Kagat ang labing napakapit pa sa kanyang matigas na tiyan.

Tukso layuan mo ako!

Ngunit sadya yatang tinutukso ako nito at hinayaan lamang ako sa ganoong posisyon. Dinadama ang dibdib at abs niya. Kung hindi pa lumapag sa rooftop ng isang building ang helicopter ay hindi niya pa ako hahayaang lumayo. Ni hindi ako inalalayan sa pagbaba!

"Aldo! Akala ko ba isla?" habol ko sa kanya.

Napakalayo naman ng itsura ng mga building kumpara sa iniisip kong isla.

Tumigil ito sa paghakbang at binigyan ako ng lingon mula sa kanyang likod. Umarko pa nang bahagya ang kanyang kilay na nakapagpaatras sa akin.

"I still need you." Ngumisi siya bago sinalubong ang papalapit na lalaking naka-black suit at shade.

"Send her home. Make sure she will not go anywhere unless I say so," bilin nito.

Napamaang ako at napabilis ng lakad patungo sa kanya. Balak na magprotesta, ang kaso mabilis pa sa alas kwatro ang pagpigil ng man in black niya.

"Aldo! Fiancée mo ko!" Pilit kong hinaklit ang braso ko mula sa lalaki ngunit mas humigpit lamang iyon at tila balak pa akong pilayan.

"Aldo! I'm your freaking fiancée!"

"And he doesn't fucking care, Ma'am. Shut your mouth and let's leave in peace," may gigil na bigkas nito.

Natahimik ako at hindi nakasagot. Hindi ko naman alam na namamana pala ang sama ng ugali kahit hindi kadugo. Malay ko bang nagmana rin ito kay Aldo!

"Pangalan mo?" walang ngiting tanong ko.

"Baron, Ma'am," banayad na sagot nito.

Ngumisi ako, "I don't freaking fucking care!" Inirapan ko ito at mabilis na hinaklit ang braso ko.

Agad pa akong tumalikod at humakbang. Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko. Walang isang salita si Aldo! Humirit pa ng isang beses hindi rin naman pala tutupad sa usapan. Ngayon ko gustong isumpa ang maliit na kahon na iyon! Akala ko pa naman ay isasalba ako, ipapahamak lang pala ako lalo.

"Ma'am, that is not the right way-"

"I know, shut up!" Salubong ang kilay na lumiko ako ngunit wala namang makitang pinto.

"Uh-ho, that is also not the right way, Ma'am. Please follow me and I'll let the limousine and the chauffer send you home."

Inis akong napabuga ng hangin at hindi na lamang sumagot. Matalim ko pang sinundan ang pagtungo nito sa maliit na pinto. Diretsong elevator hanggang parking lot.

"This way, Ma'am." Iminuwestra pa nito ang kamay palabas ng elevator.

Bahagya akong umirap sa inis ngunit natigilan matapos makita sa harap ko ang sinasabi nitong limousine. It's baby blue color looks so classy and shiny.

Napakurap pa ako nang bumaba ang chauffeur nito na kapareha ng suot ni Baron. Iminuwestra nito ang bukas na pinto. Maliit akong ngumiti bago pumasok sa loob. At sa tingin ko ay lalagnatin ako nang matantong sa haba ng sasakyan ay ako lang ang nakasakay.

Napalabi ako at pilit nanahimik hanggang sa makauwi. Iyon nga lang ay bunganga agad ni Alice ang sumalubong sa akin.

"Mayu! Babae ka! Saang lupalop ka tinago noong matandang hukluban?!" Sinabunot nito nang marahan ang magulo kong buhok.

Tinabig ko lang ang kamay niya at hindi na pinansin kahit pa nagpatuloy siya sa pagbunganga.

"Ano? Buntis ka na? Nagpabuntis ka sa hukluban?"

Lumiko ako at hinanap sa kusina si Nanay Rosario kahit na nakabuntot sa galaw ko si Alice.

"Hinanap ka ng Tatay at Nanay mo! Nagalit pa kasi wala ka nga rito. Sabi ko naman kasi sa'yo, gagamitin ka lang ng mga iyon!"

Salubong ang kilay na dumiretso ako sa kusina. Naririndi na kay Alice.

"Naku ka talaga! Sana naghanap ka na lang ng macho-gwapito! Baka mamaya may aids pa 'yang tanders na 'yan!"

Umiling ako at hindi na siya pinakinggan nang makita si Nanay Rosario na abala sa pagpiprito ng manok. Ang atensyon nito ay nasa kalan lang kahit pa rinig naman niya si Alice.

"Nay," mahinang bigkas ko atsaka ito niyakap mula sa likod.

Marahan ko pang dinantay ang noo ko sa balikat niya. Ngayong nasa bahay na ay tila gusto kong magsisi sa desisyon ko. Kung ipapatapon man ako ni Aldo sa isla ay paano na lang ang Nay Rosario ko?

Hinagod nito ang braso kong nakayakap sa tiyan niya, "Galit ang Daddy at Mommy mo. Sabi ko naman sa'yong huwag mo na silang bibigyan ng sama ng loob. Kung maaari lang ay lumayo ka na sa kanila, Anak."

"Dapat nga, Nay Rosario, isumpa pa ni Mayu ang dalawang iyon! Gawa-gawa ng anak, hindi naman pala kayang alagaan!" si Alice na kumurot na sa pritong manok.

"Alice! Magtigil ka diyan!" bulyaw nito kay Alice bago ako nito hinarap, "Mayu, sige na. Magpahinga ka muna." Ngumiti ito at inayos pa ang buhok ko.

Dumiretso akong kwarto at napahiga na lamang sa aking kama. Pilit iniisip kung tama lang ba ang ginawa ko. Kailangan ko pa ring magkaback-up plan! Sa tingin ko ay hindi nagbibiro si Aldo sa banta nitong isla. Ngunit umabot yata ang dalawang linggo bago may limousine na tumigil sa harap ng bahay.

"Mayu! May sundo ka!" si Alice na nasa pinto at binibigyan ng masamang tingin ang chauffer.

"Huh? Bakit daw?" Tumabi ako sa kanya ngunit kinabahan matapos makita ang baby blue na limousine.

"Ewan ko! Baka ki-kidnap-in ka!" Umirap si Alice ngunit hindi naman maalis ang tingin sa chauffer.

"Mister Aldo Hendrix Castellanos wants you to report to the office, Ma'am." Lumapit ito at basta na lang pinahawak sa kamay ko ang dala nitong paperbag.

"Please, get dressed. Do not make your boss wait, Miss Secretary." Yumukod ito nang bahagya.

"Secretary? You mean, secretary ako ni Aldo?" Hindi makapaniwalang tinuro ko ang sarili ko.

"Yes, Ma'am."

Umawang lamang ang mga labi ko habang papasok. Pilit pa akong hinabol ni Alice hanggang sa kwarto.

"Secretary ka? Di ba 'yong Aldo ay 'yong matandang hukluban din?" Pinigilan nito ang braso ko.

"Di ba?" ulit nito.

Hindi ko halos makuha ang tanong niya kaya naman tumango na lamang ako. Lutang pa ako na binigyan ako ng trabaho ni Aldo.

"Mayu, hindi ka secretary! Sex-ytary ka kung ganoon! Hindi pwede 'yon! Palayasin na natin 'yong driver-"

"Ano, Alice? Huwag mo. Trabaho rin 'to." Pigil ko sa kanya.

Sa huli ay wala rin siyang nagawa kun'di hayaan ako. Nanghahaba pa ang nguso niyang makaalis ang sasakyan. Nang makalayo ay doon lang ako tinamaan ng kaba. Baka mamaya ay direstong isla ang punta ko at hindi opisina.

Ngunit mas lalo akong naging kabado nang mabasa ang building na tinigilan ng limousine.

"Castellanos Empire Realty," wala sa loob na bigkas ko bago bumaba ng sasakyan.

"Have a nice day, Ma'am," ani ng chauffeur.

Ni hindi ko nagawang sumagot roon at nanatili lamang nakatingala sa glass building at sa malaking pangalan nito sa harap. Namawis yata ang palad ko at parang mas gusto ko pang ipatapon na lang sa isla kaysa maging sekretarya ni Aldo Hendrix.

Mas nakatatakot na mabungaran araw-araw ang mga mata niyang matalim tumingin kaysa makasama ang mga isda sa isla.

"Go, Mayu! This is for your name! For acceptance!" Nikuyom ko pa ang mga palad ko bilang pampalakas loob bago taas noong pumasok sa building.

"Good Morning, Miss. Office of the CEO," bungad na bati ko sa receptionist.

Agad na tumikwas ang kilay nito at pinasadahan ng tingin ang suot kong black pencil cut skirt at sweetheart neck pink blouse na pinatungan ko lang ng black blazer.

"Name?" malamig nitong tugon.

"Marion Yuna Sel-"

"Top floor, Miss." Putol nito at basta na lang binalik ang tingin sa computer.

Mariin kong tinikom ang bibig upang hindi ito makaaway at kahit umiinit ang ulo ko ay binalewala ko na lamang. Diretsong elevator at pindot sa top floor ang ginawa ko.

Lahat yata talaga ng mga empleyado niya ay ka-ugali niya! Nababalutan ng masamang elemento ang building na 'to!

Pagkalabas ko pa lang sa elevator ay walang ngiting mukha ni Baron ang nasalubong ko. Wala ng shade at kita na ang naiinip nitong mga mata.

"This way, Ma'am. They are all waiting in the conference room, but Mister Aldo doesn't want to start unless you are here," sa malamig nitong boses.

Gusto ko na yatang buhusan ng saya ang lugar matapos makita ang ang ilan pa niyang sekretarya na tila mga robot kung magtrabaho. Ni hindi tumatabingi ang ulo. Kamay at mata lang ang gumagalaw.

"Sigurado ka bang nasa totoong buhay pa ako?" bulong na tanong ko kay Baron.

Tumigil ito sa tapat ng isang pinto bago ako nilingon, "Absolutely yes, Ma'am. And yeah, please get inside and take down notes on everything," paalala pa nito.

Natigil ako at naging mabigat pa ang paghakbang sa maluwang na kwarto. Nahahagip pa lang ng mga mata ko ang mga itim na kasuotan ay nilukob na ng takot ang puso ko. Mas lalo na ng tuluyang makapasok at masalubong ang maririing titig ni Aldo. Prenteng nakaupo sa swivel chair habang ang maliit na parte lang ng kanyang labi ang naka-angat.

He cocked his head a little, which made me wander my eyes inside the room. At halos manlaki ang mga mata ko matapos makita si Daddy at Mommy kasama sila Ate Addison at Ate Stella sa mahabang mesa. Apat na matang may masamang tingin sa akin ang nasalubong ko.

"Who's this girl, Mister Castellanos?" ani ng isang ginang na makapal ang pulang lipstick.

"She's lost. Probably this is not her destination," dinig kong sagot ni Mommy na nakapagpahina ng mga tuhod ko.

"Maybe she's asking for a little help to at least buy some decent clothes," si Ate Addison na kunot ang noong nakatingin sa suot ko, "Or maybe, she's applying for-"

Ngunit sabay-sabay kaming natigilan matapos basta na lang hinitsa ni Aldo ang mamahaling cellphone sa mahabang mesa na lumikha ng nakabibinging ingay.

"All of you, shut up!" Mahina ngunit gigil na bigkas nito.

At tingin ko ay mas nakakikilabot iyon kaysa ano mang sigaw.

"Just tell us who she is," ang ginang kanina.

Napaatras ako at balak na sanang lumabas. Hindi kinakaya ang kahihiyan na nararamdaman.

But then Aldo spoke, and that made me bow my head and fist my hands, "She's Mayu. She's my..."

|Y_S|

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status