Nanatili akong nakayuko at kumukuyom ang kamao.
Tell them I'm your freaking fiancée, Aldo!
Gusto kong isigaw iyon ngunit nanatili lamang sa isipan ko. Hinihintay kung ano ang sasabihin niya.
"She's what?" ani muli ng ginang, inip na sa sasabihin ni Aldo.
Gusto kong unahang magsalita si Aldo ngunit tingnan pa lamang ang mga mata niya, tumtiklop na ang dila ko.
"She's Mayu..."
Nahigit ko ang hininga at nakagat ang ibabang labi sa lambing ng boses niya kumpara kanina na nakakikilabot. Handa na nga akong ngumiti sa lahat dahil pakiramdam ko maayos ang sasabihin niya.
"She's my secretary," sa malamig na niyang boses muli.
Tila ako pinagbagsakan ng langit at lupa. Maayos nga ang pakilala ngunit sa inasahan ko. Ang akala ko ay sasabihin niyang fiancée niya ako. Umasa akong nag-iba na ang desisyon niya ngunit hindi.
Mariin akong napapikit lalo na ng marinig ang mahinang insultong pagtawa ni Mommy.
"How did she even get qualified?" boses ni Ate Addison.
"Probably because she's sexy, spicy, and hot."
Napaangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Nahuli ko pa itong nakangisi habang ang pilak na mga mata ay may aliw. Bahagya pa nitong kinagat ang manipis at pulang labi bago hinagod ang medyo kulot na buhok.
"Shut your mouth, Alaric!" si Aldo na hinitsa ang folder sa lalaki.
"Oh dude! I'm hands off! Not gonna get your girl." Natatawang suko nito habang tinataas ang kamay.
Hindi ko alam kung mahihiya ako o pag-iinitan ng pisngi matapos mapuno ng mahihinang halakhak ang kwarto mula sa lalaking kaharap nito. Sa sampong upuan na nakapalibot doon pulos mga hindi pamilyar na mukha ang nandoon.
"As if she'll pass Alaric's taste," si Ate Addison na nakangisi.
"Not even Aldo's taste," si Ate Stella na nakadungaw kay Aldo.
Mas lalo akong nanliit sa sarili ko at hindi alam kung hahakbang pa ba palapit kay Aldo o tatakbo na lamang palabas. Ngayon ko ramdam ang pagiging sampid at hindi kaalyado ng mga mayayamang angkan.
Bakit pa kasi ako pinanganak kung itatapon lang din naman ako?
"You're not sure about that, Stella. She'll surpass everyone, right, Gueco?" si Alaric na ngumisi sa lalaking kaharap niya.
The man looked at me as if he was examining my every detail. I froze when I saw his cat-hawk eyes, brown man bun, and little stubbles.
"Surely, she will," the man named Gueco agreed.
Muli lamang nagpakaba iyon sa akin. At mas lalo pang kinabahan matapos masalubong ang madilim na tingin ni Aldo.
"Come here, Mayu. Distribute these files," utos nito at tinapik pa ang mga folder sa gilid niya.
"Wait, you didn't answer me, Mister Castellanos-"
"I answered you, Misis Smith," salo ni Alaric.
"Huwag kang bastos Mister Alaric. I'm referring to the CEO," si Mommy na tumalim ang tingin kay Alaric.
Ngunit tila balewala lamang iyon sa lalaki at nagawa pang ngumisi.
"She's been hired because she's qualified. A graduate of business management. Fresh... graduate." Sumandal ito sa kanyang swivel chair at hindi linubayan ng tingin ang paglapit ko.
Bahagya niyang tinikwas ang kilay at muling tinapik ang mga folder. Nanginginig pa ang kamay ko nang kuhanin at ibahagi ang mga iyon.
"Very... fresh, and qualified," muling bigkas nito.
Gusto kong magmura dahil alam kong iba ang tinutukoy niya. Ang gago, hanggang opisina ang utak ay lumot pa rin.
"But not as experienced as I am," si Ate Addison na humalukipkip.
"Of course, Addi. You're the best," papuri nito.
At hindi ko alam kung bakit naestatwa ako sa papuri nito kay Ate. Idagdag pang hindi niya ito nilubayan ng tingin sa durasyong iyon. At hindi ko nakalilimutang mas gusto niyang maging fiancée si Ate, kaya lang ay hindi naman sa kanya ang tingin nito.
Napangisi ako kung paanong titigan ni Ate Addison si Alaric, hindi alintana ang nakapapasong tingin sa kanya ni Aldo.
"Please concentrate!" si Aldo nang makita ang simpleng pagkindat ni Alaric kay Ate Addison.
Why would he run after a woman who doesn't give a fuck about him?
How I wish he would have settled on me instead. Ano pa bang ayaw niya sa akin? Magaling naman din ako sa lahat.
"As I was saying, we can check the land in Guimaras if it is feasible," pagpapatuloy nito.
Mahina akong humikab at tinapik nang mahina ang mesa. Pinilit ko pang nakamulat ang mga mata ko huwag lang nilang makitang inaantok ako.
"Take down notes, Miss Selvestre! Don't just sleep!"
Nanlaki ang mga mata ko at napaayos ng upo sa sigaw nito. Napaatras pa sa pagbagsak ng ballpen at kapirasong papel sa harap ko.
"Act professional, Mayu," si Ate Addison na na-iiling.
Nakagat ko ang ibabang labi at humigpit ang hawak sa ballpen. Kuyom ang kabila kong kamay at pilit kinalma ang nagwawala kong puso.
Bakit pakiramdam ko pinagkakaisahan ako?
Sa tingin ko ay bukas hindi na ako babalik sa kumpanyang ito!
"Let's continue. Sorry for the distraction," anito bago muling binasa ang folder sa harap niya.
Umiwas ako ng tingin matapos masalubong ang galit na tingin ni Daddy. Nagbabanta at alam kong hindi niya gusto ang presensya ko rito at hindi ko iyon ikababahala. Hindi nga sila nagdalawang isip na iwan ako noon pagkatapos ay pagagalitan nila ako ngayon? No way!
Iyon yata ang naka-i-insultong meeting sa buhay ko. Kaya naman nang sabihin niyang tapos na ay nauna pa akong lumabas sa conference room.
Kapag alam mong ayaw sa iyo ng mga tao, layuan mo na kaysa naman mapaaway ka pa.
"Look at how unprofessional your secretary is. Not even well-mannered." Dinig kong bigkas ni Mommy na kina-irap ko.
Wala na akong pakialam sa sasabihin niya. Hindi ko naman gustong magtrabaho rito! One more thing, I am just unprofessional but not heartless like them!
Bagsak ang balikat at mabigat ang pusong hinanap ko ang banyo. Nadaanan ko pa si Baron na nakatayo ng tuwid sa gilid ng pantry area.
"Give your notes later, I will summarize it," anito ngunit hindi ko pinansin.
Wala naman din akong naisulat! It's better to get fired than to work for this company! Kampon nga ito ng mga masamang elemento kaya hindi ako kabilang dito.
Huminga ako nang malalim bago naghugas ng kamay. Iniisip kung valid pa ba na fiancée ako ni Aldo kahit hindi naman niya sineseryoso. Kailangan ko sigurong kausapin ang Lolo niya para sa kasal.
That's the way! He's grandfather is the key!
Napangisi ako ngunit agad din iyong nabura matapos makita ang pagbukas ng pinto at iluwa niyon si Mommy. Taas ang kilay at matalim ang tingin sa akin.
"Do you really think you fit into this class?" malamig niyang tanong.
Pinanatili ko ang inip na tingin habang humila ng tissue at pinunasan ang mga kamay.
"Just end the engagement, Mayu. Let your sister, Addison, replace you. She's way better and more classy than you. Humanap ka na lang ng basurero sa kanto." Ngumisi ito at pinasadahan pa ako ng tingin.
At kahit ipakita kong hindi ako apektado, unti-unti naman ako nitong pinipiraso sa loob ko.
How can a mother be this cruel to her daughter? To her own flesh and blood?
"Hindi po ba ninyo ako matatanggap kahit na maging asawa ako-"
"No. You don't belong here, Mayu. Let Addison take your place." Tumalikod ito at umakmang aalis na.
"Pero, hindi po siya gusto ni Addison-"
"And so what?" Lumingon ito mula sa likod at tinaasan pa ako ng kilay, "That doesn't mean she will never learn to love him. Just give it to your sister. That way, I can consider you as my daughter."
Naikuyom ko ang palad. Naninikip ang aking dibdib ngunit nagawa na lamang nitong makaalis ng banyo ay hindi man lang ako nakapagsalita muli.
Paano matutunang mahalin ni Ate Addison si Aldo kung sila nga mismo hindi nila ako natutunang mahalin? Paano pa iyong taong iba naman ang mahal?
Ang bigat lang sa pakiramdam na ni minsan ay hindi sila naging masaya para sa akin.
God, why did you let me live if I would only get rejections?
Ilang beses akong kumurap huwag lamang kumawala ang mga luha. Nanginginig pa ang kamay ko nang buksan ang banyo upang lumabas ngunit inip na mga mata ni Aldo ang nasalubong ko.
Nakasandig ito sa dingding ng patagilid at nakabulsa ang isang kamay sa tuwid niyang pants. Puting longsleeve na lang din ang suot at neck-tie na wala sa ayos.
Umawang pa ang mga labi ko nang umayos ito ng tayo at agad na pumulupot ang matigas niyang braso sa bewang ko. Ramdam ko pa ang bahagyang pag-amoy nito sa gilid ng ulo ko.
"What took you so long?" he asked, huskily.
Napamaang ako at sinubukang lumayo mula sa kanya ngunit mabilis ang kanyang kamay at nagawang ipirmi ang bewang ko malapit sa kanyang katawan.
"Let's talk," he demandad.
Ngumisi ako at humakbang na kahit pa nasulyapan ko ang ilan niyang sekretarya na namimilog ang mga mata sa ayos naming dalawa. Ni hindi niya inalis ang braso sa bewang ko. Sinabayan niya ako sa paglalakad na animo normal lang na hinahapit niya sa bewang ang bago niyang sekretarya.
"We do really need to talk. Hindi na ako magtatrabaho para sa'yo," matapang kong sagot.
"Is that so?" he boredly asked.
Nangunot ang noo ko ngunit hindi agad sumagot matapos buksan ni Baron ang pinto ng kanyang opisina at hinintay kaming makapasok bago iyon ulit sinara. Lumibot pa ang tingin ko sa opisina niyang naglalaro lamang sa itim, puti, at abo ang kulay ng disensyo.
Maitim, katulad ng kanyang budhi.
"Kung hindi mo lang din naman ako pakakasalan ay hindi na ako magtatrabaho pa para sa'yo." Ngumisi ako at marahas na binaklas ang kapit ng braso niya sa bewang ko.
Ngunit hindi man lamang ito naalarma at nagawa pa akong ngisian bago hinagod ang kanyang buhok. Nangingisi pa nitong inalis ang necktie na suot bago binuksan ang tatlong butones ng kanyang longsleeve.
At ang makasalanan kong mga mata ay natutok lamang sa dibdib niyang may balahibo. Naawang ang mga labi at pilit bumabalik sa isipan ko kung gaano kasarap haplusin iyon.
"You don't want to work? Fine, I'll give you a pre-leave, but that doesn't mean you'll be free from my grip." Nakangisi siyang umupo sa kanyang swivel chair.
"Hindi mo ako hawak, Aldo!"
Hindi ko napigilan at inilang hakbang ko ang distansya naming dalawa. Malakas pa ang loob kong hampasin ang mesa niya at tingnan siya ng masama.
Tumaas ang isang kilay niya at nag-angat sa akin ng tingin bago tuluyang tumayo. Dahilan upang masandal ako sa mesa habang ang kanyang mga kamay ay kinukulong ako roon.
"I do, Mayu. The first time I tasted you that means I own you. No buts, Sweetie. I own your body." Pinalandas niya ang kanyang ilong sa aking tainga hanggang sa aking panga.
Wala sa loob na napahawak ako sa kanyang braso at doon kumuha nang lakas nang sakupin niya ang aking mga labi. Dumapo ang isang kamay niya sa aking batok at pilit pinalalim ang halik. Ramdam ko pa ang palad niyang humahaplos sa aking hita.
"I can't get enough of you, Mayu," he murmured, then dove his tongue into my mouth.
Mahigpit kong kinapitan ang balikat niya at sinuklian ang maalab niyang halik. Nakalimutan ko na ang ano pa mang argumento at basta na lamang nalunod sa init na kanyang sinisimulan.
I felt his hand sensually caress my bare thigh and even dared to delve inside between my thighs. I clutched on to his longsleeve when I felt his finger teasing what was inside, but then he was stopped by a loud clearing of the throat.
Nanatiling nakaawang ang mga labi ko nang silipin niya kung sino ang pumasok. Kumakabog sa kaba ang dibdib ko at siguradong namumula ang mga pisngi ko sa hiya at dinatnan kami sa ganitong ayos.
"Sir, I don't want to meddle with this, but your grand father is about to arrive," boses ni Baron.
"Sure. But next time, learn how to knock," malamig nitong tugon bago lumayo nang bahagya sa akin.
Nakahinga lang ako nang maluwag matapos marinig ang paglalapat ng pinto. Tinulak ko pa ang dibdib niya palayo sa akma niyang muling paghalik.
"I need to face your grandfather decently. He might talk about the wedding." Ngumisi ako na kinatalim ng kanyang tingin.
"That will.. never happen, Sweetie," he mocked.
Nawala ang ngiti ko matapos nitong ituro ang pinto.
"What do you mean, Aldo?"
"Take your leave. I'm giving you a one-month leave before I drag you back to my...bed."
|Y_S|
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay