Share

KABANATA 84

Para akong namamanhid. Ayoko talagang mag-paapekto pero pakiramdam ko ginagaya nila kung anong nangyari sa akin.

Pregnant? Really?

Mabuti nga ay inagaw at pinatay agad ni Aldo ang tawag dahil baka nasagot ko na si Addison sa inis ko.

Ayan tuloy, naapektuhan pa ang sigla ko na mabisita si Nanay Rosario. Nahihiya ako na pagdating sa puntod niya, ang inis ko pa rin kay Addison ang nasa isip. Si Aldo pa ang nagsindi ng kandila at si Arkan ang naglapag ng bulaklak.

Nawalan talaga ako ng gana na kahit nasa sasakyan na ay nakapirmi pa rin ang mga labi ko at nangungunot ang noo. Kung hindi pa hinawakan ni Aldo ang kamay ko ay hindi pa ako mababalik sa reyalidad.

"Are you alright? Gusto kong sabihin na huwag mong isipin, but I guess that won't work," aniyang hinaplos ang likuran ng palad ko.

Paglingon ko sa kanya ay abala ang mga mata niya sa kalsada at ang isang kamay lang ang nakahawak sa manibela. Napabuntong hininga ako at nilingon si Arkan na may nag-aalalang tingin sa akin. Sa huli, pini
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status