UWIAN “So, paano ba ’yan? sabay sabay na tayong pupunta ng parking lot? Hindi niyo na ako iiwan dahil ok naman na si Jace sa inyo right?” “Yes! Hindi naman pala ganoong kasungit. Mali pala kami. Mukha lang siyang ganon pero hindi naman pala. Saka, baka naiilang at naninibago lang siya that time.” Sagot ni Chantal. “Mas mabuti na nakilala namin ang bawat isa para walang ilangan, lalo na ngayon na bodyguard mo siya. And speaking of him, Kanina pa siya sa labas.” Sambit naman ni Trishana sabay nguso sa pinto. Sabay naman kaming lumingon ni Chantal, Nandoon na nga siya presenteng naka-sandal sa pader, habang naka-nakatingin sa mga studyanteng dumadaan at naka-pamulsa sa kanyang pants. Hobby niya talaga iyon. “Shems! ang hot sis! Kung ako ang may bodyguard na ganyan. Ay, jusko! Minu-minuto kami mag-kasama at—aray naman Trishana! Bakit may pabatok ka?” Himas himas ni Chantal ang kanyang ulo dahil sa ginawa ni Trishana. “Kalandian mo, umiiral na naman. Pati bodyguard ni Kylie
Mahihinang tapik ang aking naramdaman kaya napamulat ako at ganon na lang ang gulat ko ng mukha ni Jace ang unang bumungad sa akin sobrang lapit ng mukha niya! Kung bigla akong gumalaw kanina siguradong mahahalikan ko siya! Wala sa sariling tinakpan ko ang bibig ko at pumaling sa kabilang side, Sh*t! Baka naamoy niya ang hininga ko, Nakakahiya! Nakatulog pa naman ako, Wait, Tulog ba o idlip lang? Tsk, alin man don nakakahiya pa rin. Bakit ba kase ang lapit ng kanyang mukha? Saka ngayon ko lang napansin wala na ring music ang suot kong earpods, Lowbat na? o pinatay niya? Nangunot ang noo ko bakit hindi pa siya umaalis sa harapan ko at nakayuko? Pinakiramdaman ko naman siya may kung ano siyang tinatanggal. Hanggang sa ma-realized ko kung ano iyon. Nag-init ang pisnge ko. Tinanggal lang pala niya ang suot kong seatbelt! Kaloka! “Tara na, kanina pa tayo nandito sa Mansion.” Sabi niya bago umayos ng tayo at hinintay akong bumaba. Kinalma ko naman ang sarili saka bumaba ng kotse
KINABUKASAN Aligaga ako sa pag-aasikaso, medyo na late ako ng gising ngayon dahil napuyat ako kagabi! Lintek kase na Jace ’yon, Matapos niya ako tanungin kung Boyfriend ko ba si Raffy, bigla na lang akong iniwan kung kailan mag-sasalita ako. May pagka-bastos din pala ang isang ’yon. Nakakainis, tapos isa pa sa iniisip ko ’yung mga sinabi sa akin ni Raffy, Bigla na ko nalang kasing naalala at hindi na mawala sa isip ko. At dahil nga sa mga ’yon ay hindi ako nakatulog agad. Binabagabag ako ng itsura ni Jace at ang inakto niya sa akin. Tapos ’yung kay Raffy na may gusto daw sa akin si Jace. Argh! Ngayon tuloy ay aligaga ako. Hindi na ako nag-abalang i-blower ang buhok ko, kinuha ko na agad ang bag ko at sinukbit saking balikat bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Pati sa hagdan ay nagmamadali ako, Jeez! Nakakahiya kay Jace, ang aga-aga niya gumising tapos ako heto. Kainis talaga! Hinihingal ako ng makarating sa sala namin, Doon ko naabutan si Jace na naka-upo habang naka-ha
Natapos ang pang-umaga naming klase katulad ng inaasahan hindi ako nakapag focus. Isama pa ang panay tingin sa akin ng dalawang prof namin na lalaki. Mukhang pati ang mga ito nakita na ang larawan na kumakalat. “Are you sure na gusto mong pumunta ng cafeteria? Pwede naman tayo mag-pahatid ng pag-kain.” May bahid ng pag-aalala sa boses ni Chantal. Ngumiti naman ako sa kanila. Kanina pa talaga sila hindi mapakali. Panay ang sulyap nila sakin. “Mas maganda ngang mag-pahitid na lang tayo ng pagkain. Girl, hindi natin alam ang pwedeng mang-yari kapag lumabas tayo. Siguradong ikaw ang pag-uusapan nila at kung ano-anong pang-huhusga ang maririnig mo.” Pang sang-ayon naman ni Trishana. Umiling ako sa kanilang dalawa. “It's okay, hindi naman ako pwedeng mag-tago at umiwas. Isa pa alam naman natin ang totoo, Kung mag-papaapekto ako sa nang-yari, mas binibigyan ko lang sila ng dahilan na maniwala. Hahayaan kona lang, mawawala din naman ang issue na ’to. Hindi na dapat patulan.”
May pag-babanta sa boses ni Jace. Yes, siya ang humila sa akin at tumabig sa kamay ni Eddie. Nakakatakot ang kanyang awra ngayon, Naging tahimik ang buong cafeteria dahil sa tensyon na nagaganap. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sakto na naman ang dating niya. Niligtas na naman niya ako. Akala ko ay hindi siya mag-papakita ngayon dahil parang hindi kami ok, Hindi naging maganda ang umaga namin parehas at iniwan ko siya sa parking kanina. And now, hindi ko inaasahan na darating siya. Sinusunod talaga niya ang mga pangako niya kela mommy. Bahagya naman akong sumilip para makita ang nagaganap. Lalo na ang reaksyon ni Eddie. “So, here is the savior huh? Nice, to the rescue ang ampon! Kung ako sa’yo Jace, ’wag kang mangialam! Umalis ka sa harap ni Kylie. Hindi pa kami tapos mag-usap!” “Umalis na kayo.” Malamig na turan niya. Imbes na sumunod sila ay tumawa lang ang mga ito lalo na si Eddie. “Why should I follow you? Sino ka ba sa inaakala mo? Isang hamak na sampid ka
Matapos makausap ni Kuya si mommy ay agad siyang lumapit sa akin, Sinabi niyang sobrang nag-aalala ang parents namin at pinapauwi na ako. Gusto pa nga nila akong makausap pero hindi na hinayaan ni Kuya dahil gusto niyang makapag-relax ako kahit papaano. Hindi na rin nila ako pinayagan na pumasok ngayon kaya si Kuya at Jace ay hindi na rin papasok. Sasamahan na nila akong umuwi. Grabe talaga ang nagawa ng issue na 'to, Ang dami kong naabala at napag-aalala. Patungo na kami sa parking lot na tatlo, habang sila Chantal at Trishana pumunta na sa susunod na klase. Papasok daw sila para maka-kopya ng lesson namin ngayon at mabigay nila sa akin, para kahit hindi ako makapasok may mapag-aaralan pa rin ako. Nakakataba ng puso ang pagmamahal at care nila sa akin. Naging tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa mansion. Pagkababang pagkababa ko ng kotse sinalubong agad ako nila mommy. Nakauwi na agad sila. Mukhang kanina pa sila dito sa Man
Nang dumating ang order namin ay napangiti ako. I'm craving for chocolate cake actually. I think darating na ang monthly period ko thats why I'm always craving for sweets and of course stress eating ako. Doon ko natutuon ang atensyon ngayon dahil sa mga nang-yayari. Pasalamat na lang ako hindi ako tumataba kahit anong kain ko. Inurong ko ang fries na inorder ko para hati kami ni Jace. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatitig pala siya sa akin. Napatigil tuloy ako. Kanina pa ba niya ako pinag-mamasdan? “Why are you looking at me? may dumi ba ako sa mukha?” Tanong ko dahil grabe talaga ang titig niya sa akin. Napakapa tuloy ako sa aking mukha. Ilang segundo lang ay umiling siya. May maliit na ngiti rin sa kanyang labi. “Wala. Napapansin ko lang ang hilig mo sa matatamis ngayon nag-daang araw. Hindi ba sasakit ang ngipen mo niyan?” Ako naman ang ngumiti. “Ginawa mo naman akong bata. Hindi ah, Cravings lang 'to. Saka alam mo na stress eating.” Sagot ko.
Hindi maalis alis ang ngiti sa aking labi, Nasa kotse na kami at nasa biyahe. Hindi ko alam kung saan ba kami mag-roroad trip. O, kung saan man ako dadalhin ni Jace. Pumayag ang parents ko na ilabas ako ni Jace basta siguraduhin lang na hindi ako pag-kakaguluhan at hindi mapapahamak. Mas ok din daw ang gagawin ng binata para kahit papaano malimutan ko daw ang mga nang-yayari. Para ma-relax din naman daw ako. basta lang mag-iingat kami. Sinigurado naman ni Jace na safe ako at wag mag-alala ang parents namin. Hindi niya daw ako pababayaan at siyang bahala sa akin. Naka-loud speak ang phone niya kanina kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila ni Dad. Nakakatuwa na malaki ang tiwala nila sa binata, Sabagay, ginagawa naman talaga ni Jace ang lahat. Ayaw niyang masira ang tiwalang binigay sa kanya ng parents namin. And now, hindi ko alam saan ba kami patungo. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nag-mamasid. Hindi naman niya kase sinabi kung saan kami pupunta `e. Hab