Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Fifty-Nine

Share

Chapter Fifty-Nine

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-10-10 08:26:55

SA ISANG sikat at mamahalin na restaurant ng Country Club Baguio City nagtungo si Hudson kasama ang ilang tauhan upang mananghalian. May isang importanteng tao siyang kakausapin tungkol sa trabahong ipapagawa niya.

Sa isang VIP launch room sila dinala ng manager na namamahala dito. It’s perfect weather—hindi masyadong malamig ang panahon ngayon kumpara sa unang araw ng pagdating niya dito. Umupo siya sa kabisera. Inihanda ng mga waiters ang kanilang mesa at nag-serve rin ng wine para kay Hudson. Isinalin ito sa kaniyang baso at agad niya naman itong sinimsim.

“Ahh, this is the best wine I tasted,” isang papuri ang ibinigay niya. Minsan lamang siya magbigay ng papuri sa mga lugar na kaniyang napupuntahan, lalo na pagdating sa paglasa ng mga alak tulad ngayon.

“That’s the best wine here in Baguio City, at inihanda ko talaga para sa’yo iyan, Mr. Hudson,” nakangiti ang lalakeng manager at pinipilit na maging pormal ang kanilang pag-uusap. Sinabihan na kasi siya ng may-ari ng Country Cl
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Sixty Three

    IGINALA ni Chrustopher ang tingin sa buong silid nang siya ay magkamalay. Bahagyang napakunot ang kaniyang noo dahil sa sakit na nararamdaman sa ulo. Pilit siyang bumangon sa kama at isinandal ang kaniyang likod. Natanaw niya si Cassandra sa pinto, kausap ang doktor.Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa kaliwang bahagi ng silid. Mula sa salaming bintana, tanaw na tanaw niya ang labas ng ospital, kitang-kita ang malawak na parking area. Napatingin siya sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Pasado alas tres na ng hapon; ganoon na pala siya katagal na nakatulog, at hindi niya alam ang mga nangyari matapos siyang paulanan ng bala at mabangga ang kaniyang sasakyan sa poste.Ang tanging inaalala niya ngayon ay kung may nakalap na impormasyon tungkol sa nangyari. Hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ni Cassandra ang pangyayaring pamamaril sa kaniya dahil wala siyang sagot kung sino ang nasa likod nito. Isang ngiti ang ipinukol niya kay Cassandra nang magtama ang kanilang mga tingin. Ag

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-Two

    BINABAYBAY niya ang daan pabalik ng mansyon, naabutan siya ng rush hour kung kaya’t naiipit siya sa traffic. Nag-right turn siya upang umiwas sa traffic; medyo malayo nga lang kumpara sa service road na kaniyang tatahakin. Nasa kalagitnaan na siya ng biyahe nang mapansin niya ang USV van na nakaharang sa kaniyang dinaraanan. Mga ilang kilometro ang layo niya dito. Idinungaw niya ang kaniyang ulo sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyari. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at tinanggal ang seatbelt upang bumaba, ngunit bago pa siya makababa ng sasakyan ay may lumapit sa kaniya. Nakasukbit ang baril nito sa beywang at walang takot na ibalandra ang M45 na baril sa publiko. Walang masyadong tao sa lugar kung kaya’t malakas ang loob na ilabas ang armas. Kinuha niya ang kaniyang handgun na nakatago sa kaniyang sasakyan. Kitang-kita niya na binunot ang baril na nasa kaniyang beywang at itinutok sa kaniya at pinaulanan siya ng bala. Agad siyang yumuko upang magkubli; hindi niya maigal

  • My Bodyguard   Chapter Sixty-One

    INIHAGIS ni Adam ang kaniyang telepono sa kama. Kinuha niya ang M45 na baril at hinimas-himas ito. Hindi niya nagustuhan ang balitang ipinarating ng kaniyang mga tauhan; nawala sa paningin nila si Christopher at natakasan sila nito. Ngayon pa lang ay interesado na siyang makadaupang-palad si Chris. Naging interesado siya sa katauhan nito dahil sa mga impormasyon na kaniyang nabasa tungkol sa kaniyang pagkatao. Isang US Ex-Military, panigurado siyang may ibubuga ito. Gusto niyang makipaglaro muna dito bago niya tapusin ito.Kinuha niya ang telepono at idinial ang numero ni Hudson.“Amigo, napatawag ka?” Masigla ang boses ni Hudson at umaasa na may magandang balita siyang maririnig buhat kay Adam.“Masyadong madulas ang lalaking iyon, natitiyak kong hindi siya magpapahuli nang buhay. I’m interested about him. Gusto ko muna siyang pahirapan ng mga kamao ko bago ko siya tuluyan.” Nag-iigting ang panga ni Adam; ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito sa lahat ng mga taong gustong ipapatay

  • My Bodyguard   Chapter Sixty

    BLACK BMW ang ginamit na sasakyan ni Christopher upang sunduin si Cassandra at Owen sa isang sikat na party organizer. Isang linggo na lang kasi at magce-celebrate na ng ika-anim na kaarawan si Owen, at naka-schedule rin ngayon ang photo shoot ni Owen para sa gagamitin na invitation sa birthday party. Tumingin siya sa side mirror nang may mapansin siyang isang van na sumusunod sa kaniya simula pa kanina. Paglabas ng mansyon, nakabuntot na ito sa kaniya. Mas tumindi ang panghihinala niya nang itinabi niya ang kaniyang sasakyan sa isang mini grocery store—dumistansiya ang van at ipinarada sa katabing grocery store. Pumasok siya sa loob at kunwaring bumili ng mga kakailanganin niya. Two bottles of mineral water, snacks, at packs of bread ang kaniyang bitbit paglabas ng Mini Grocery Store. Pumasok siya sa loob ng sasakyan at tiningnan ang kaniyang side mirror. Ilang minuto pa ang kaniyang pinalipas bago niya pinaandar ang sasakyan. Confirmado na: siya talaga ang pakay ng mga ito. Binaga

  • My Bodyguard   Chapter Fifty-Nine

    SA ISANG sikat at mamahalin na restaurant ng Country Club Baguio City nagtungo si Hudson kasama ang ilang tauhan upang mananghalian. May isang importanteng tao siyang kakausapin tungkol sa trabahong ipapagawa niya. Sa isang VIP launch room sila dinala ng manager na namamahala dito. It’s perfect weather—hindi masyadong malamig ang panahon ngayon kumpara sa unang araw ng pagdating niya dito. Umupo siya sa kabisera. Inihanda ng mga waiters ang kanilang mesa at nag-serve rin ng wine para kay Hudson. Isinalin ito sa kaniyang baso at agad niya naman itong sinimsim. “Ahh, this is the best wine I tasted,” isang papuri ang ibinigay niya. Minsan lamang siya magbigay ng papuri sa mga lugar na kaniyang napupuntahan, lalo na pagdating sa paglasa ng mga alak tulad ngayon. “That’s the best wine here in Baguio City, at inihanda ko talaga para sa’yo iyan, Mr. Hudson,” nakangiti ang lalakeng manager at pinipilit na maging pormal ang kanilang pag-uusap. Sinabihan na kasi siya ng may-ari ng Country Cl

  • My Bodyguard   Chapter Fifty- Eight

    MAAGA pa lang ay kinabit na ni Christopher ang mga CCTV sa paligid ng mansyon. Hindi niya na ito ipinaalam kay Cassandra dahil ayaw niya na itong bigyan ng alalahanin at mag-isip ng kung anu-ano pa. Pinagsabihan niya na rin ang mga kasambahay na huwag magbabangit sa napanood nilang balita tungkol kay Hudson Reboblado. Hanggat kaya niyang itago ang lahat ng tungkol sa mga Reboblado ay gagawin niya upang hindi na mag-alala pa si Cassandra.Naglagay na rin siya ng mga bodyguards na nagbabantay sa mansyon ng buong magdamag.Naglikot ang mga mata ni Cassandra nang mapansin niyang may mga bodyguard na nakapalibot sa labas ng mansyon. Dali-dali siyang bumaba at hinanap si Christopher. Kasalukuyan na nasa labas si Christopher at kinakausap ang mga bodyguards na kaniyang kinuha. Agad niyang nilapitan si Christopher ng matapos na niyang kausapin ang mga bodyguards."What is it all about?" Bungad niya agad kay Christopher."Cassy, relax. I just want to make sure that everything is safe.""Safe f

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status