Beranda / Romance / My Boss Got Me Pregnant / Chapter 20 – The Runway Twist

Share

Chapter 20 – The Runway Twist

Penulis: Mooncaster
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-21 17:02:15

Matapos ang mahabang oras ng paghahanda at pag-aayos, dumating na rin ang araw ng fashion show. Excitement at tension ang nangingibabaw sa backstage. Ang mga ilaw, musika, at camera flashes ay tila nagpapahiwatig ng isang gabing hindi nila malilimutan.

Una ang first show… maayos, elegante, at puno ng energy. Ang mga model ay confident na naglakad sa runway, suot ang mga obra ni Celestine at ng kanyang team. Kitang-kita sa mukha ni Celestine ang relief at saya nang matapos iyon nang walang problema. Si Adrian naman ay nakangiting nagmamasid sa kanya mula sa gilid ng stage, proud sa nakikita.

Pagkatapos ay sinundan ito ng second show, kung saan mas pinaangat pa nila ang creativity at style. Sa bawat pagpapakita ng dress, maririnig ang bulungan ng mga audience… puro papuri at paghanga. Si Celestine ay halos hindi na makapaniwala na nagiging maganda ang takbo ng event.

Ngunit pagdating ng final show, kung saan ipapakita ang highlight piece ng kanilang collection.. ang “The Future of Elega
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 114 – The Price of Justice

    Tahimik ang maliit na café na pinagtagpuan nina Margaux at Althea. Malayo ito sa dating mundo nilang puno ng takot at luha. Ngayon, maayos na ang itsura ni Althea… malinis ang buhok, malinaw ang mga mata, at kahit may bakas pa ng sakit sa loob, may bago na siyang tindig. Confidence. Lakas. Buhay.“Hindi ko akalaing aabot ako sa ganito,” mahinang sabi ni Althea habang hawak ang tasa ng kape. “Kung hindi dahil sa’yo, baka pulubi pa rin ako. O baka patay na.”Ngumiti si Margaux, pero may lalim ang ngiti niya. “Hindi kita tinulungan para may utang ka sa’kin. Tinulungan kita kasi pareho tayong biktima.”Nagtagpo ang mga mata nila. Parehong may apoy.“Gusto kong maranasan ng lalaking ’yon ang mga ginawa niya sa atin,” matatag na sabi ni Althea. Walang panginginig. Walang pag-aalinlangan.Tumango si Margaux. “Ganun din ang gusto ko. But this time, hindi tayo gagawa ng mali. Gagamitin natin ang batas… at ang sariling kasamaan niya… para makulong siya.”Tahimik silang dalawa sandali, parang pa

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 113 – Even If the Mind Forgets, the Heart Remembers

    Nagising si Celestine sa kalagitnaan ng gabi dahil sa isang mahina ngunit paulit-ulit na tunog ng paghikbi. Sa una inisip niyang baka nananaginip lang siya, pero nang tumahimik ang paligid at muling marinig ang iyak, agad siyang bumangon. Mabagal niyang binuksan ang pinto ng kwarto at doon niya nakita si Luna… nakaupo sa sahig, yakap-yakap ang maliit na stuffed toy na halatang luma na at paborito ng bata.“Luna?” mahinang tawag ni Celestine habang lumalapit. Agad niyang tinulungan ang bata na tumayo at pinaupo sa kama. Nanginginig ang balikat ni Luna habang umiiyak.“Tita…” humihikbing tanong nito, “iniwan na ba ako ni Mama?”Parang may humigpit sa dibdib ni Celestine. Saglit siyang natigilan, pero agad niyang pinilit ngumiti kahit masakit. Inakbayan niya si Luna at marahang hinaplos ang buhok nito.“Hindi ka iniwan ng mama mo,” mahinahon niyang sabi. “Isipin mo na lang, pumunta siya sa malayong lugar para magtrabaho. Ginagawa niya ‘yon para sa’yo. Para pagbalik niya, mas maging okay

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 112 – The Weight of Choices

    Maaga pa lang kinaumagahan ay ramdam na ni Celestine ang kakaibang katahimikan sa bahay. Tahimik si Danica habang nag-iimpake, mabilis ang kilos pero halatang nanginginig ang mga kamay. Si Luna ay tulog pa, yakap ang paborito niyang stuffed toy, walang kamalay-malay sa bigat ng mga mangyayaring desisyon sa araw na iyon.“Celestine,” mahinang tawag ni Danica habang humihinga nang malalim, “kailangan ko munang umuwi sa amin.”Napalingon si Celestine. “May problema ba?”“Sinugod daw sa hospital ang papa ko,” nanginginig ang boses ni Danica. “Hindi ko alam kung anong nangyari pero kailangan ko siyang puntahan agad.”Agad tumayo si Celestine at hinawakan ang braso ni Danica. “Sasama ako. Or kung gusto mo, I can help you arrange everything.”Umiling si Danica. “Salamat, pero kaya ko. May isang pakiusap lang sana ako… pwede bang maiwan muna si Luna dito? Ayokong makita niya ang ganitong sitwasyon.”Hindi nagdalawang-isip si Celestine. “Of course. You don’t have to worry. Safe siya dito.”Lum

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 111– Between Gratitude and Fear

    Maagang dumating ang mommy at daddy ni Adrian sa bahay nina Celestine. Halata sa mukha nila ang pag-aalala… mula sa mga mata hanggang sa mahigpit na hawak ng mommy ni Adrian sa bag niya. Hindi man nila sabihin, ramdam ni Celestine ang bigat ng kaba nila.Pagbukas pa lang ng pinto, agad na napatigil ang mommy ni Adrian nang makita si Danica na nasa sala, katabi si Luna na naglalaro ng blocks sa sahig. Sandaling tumigas ang mukha nito.“So… she’s here,” malamig na sabi ng mommy ni Adrian, sabay tingin kay Danica mula ulo hanggang paa.Tumayo si Danica at magalang na yumuko ng bahagya. “Good morning po,” mahina ngunit maayos ang tono.Hindi agad sumagot ang mommy ni Adrian. Sa halip, lumingon ito kay Celestine. “Celestine, can we talk?”Tumango si Celestine. “Of course, Mom.”Umupo sila sa dining area. Sumunod ang daddy ni Adrian, tahimik ngunit alerto. Kita sa kanya ang pagod at pag-aalala… lalo na para sa anak niyang matagal na nilang inakalang hindi na babalik.“Kamusta si Adrian?” un

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 110: When the Past Walks Back In

    Hindi na talaga nakatiis si Celestine.Araw-araw niyang nakikita si Adrian na nakaupo sa terrace, tahimik, nakatanaw sa malayo na parang may hinahanap na hindi niya maipaliwanag. Minsan hawak nito ang ulo niya, minsan nakapikit lang, minsan napapabuntong-hininga na parang may mabigat sa dibdib. Kahit kasama niya ang mga bata… sina Aiden at Aurora… may kulang pa rin. Ramdam iyon ni Celestine bilang asawa, bilang babaeng pinakamalapit sa puso ni Adrian.At doon niya naintindihan ang isang masakit na katotohanan.Hindi sapat ang pagmamahal niya lang para buuin ang mga alaala ni Adrian.Kailangan niyang harapin ang pinanggagalingan ng sakit nito.Kaya kahit masakit, kahit mahirap, kahit parang sinasaksak ang puso niya sa sariling desisyon… pinatawag niya si Danica at ang anak nitong si Luna.Tahimik ang buong bahay nang dumating ang sasakyan sa driveway.Nakatayo si Celestine sa may pinto, humihinga nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Sa loob ng bahay ay naglalaro sina Aiden at Au

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 109 – Fragments of Memory, Pieces of the Heart

    Tahimik ang buong bahay nang makauwi sina Celestine at Adrian kasama ang mga bata. Tatlong taon ang lumipas, maraming sugat ang pinagdaanan ng bawat isa, at kahit magkakasama na sila ulit sa iisang bubong, ramdam pa rin ang distansyang hindi basta-basta nawawala.Si Aiden ay agad tumakbo sa sala, masayang ikinukwento ang mga laruan niya, habang si Aurora ay mahigpit na nakakapit sa kamay ni Celestine. Si Adrian naman ay nakatayo lang sa gitna ng sala, paikot-ikot ang tingin, parang bisita sa sarili niyang bahay.“This… this is our house?” maingat na tanong ni Adrian.Tumango si Celestine at pilit ngumiti.“Oo. Dito tayo nakatira dati. Lahat ng memories natin… nandito,” mahinahon niyang sagot.Ngumiti si Adrian nang bahagya pero halata ang pagkalito sa mga mata niya.“I’m sorry, Celestine. I’m really trying. Alam kong dapat may maramdaman ako, pero parang… blank pa rin.”Masakit marinig iyon, pero sanay na si Celestine. Hindi na siya umasa ng biglaan. Ang mahalaga, magkasama na sila ul

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status