Share

Chapter 67

“Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.

“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”

Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.

Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.

“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
ليلي ج. غاليسيا
grabe sana may ganito sa true life......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status